Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Of Tomorrow

Love Of Tomorrow

Roviiie
Maxine Mercedes is a kind and beautiful woman. Napipilitan s'yang pakasalan si Lawrence upang mabayaran ang pagnanakaw na ginawa nang kanyang kapatid. Labag man sa loob n'ya ay kailangan n'yang gawin ang bagay na iyon dahil wala naman silang malaking halaga ng pera upang maibalik ang malaking nawala sa pamilya Francisco. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na naging manliligaw nang dalaga si Lawrence ngunit paulit-ulit itong tinatanggihan ng dalaga. Kaya ito na ang pagkakataon nang binata upang makontrol s'ya nito. Araw-araw na pagdurusa ang nararamdaman ni Maxine dahil wala naman s'yang pagmamahal sa binata. Matutunan n'ya kayang mahalin si Lawrence tulad ng matagal na nitong gusto? O may iba pa kayang paraan upang makaalis s'ya sa magulong sitwasyon na hindi n'ya ginusto? May pagkakataon pa kaya s'yang umibig sa taong pinili ng puso n'ya?
106.6K viewsCompletedAdded to Library 229 Times as na at nang
Read
+Library
FIELDS OF PLEASURE

FIELDS OF PLEASURE

vivaciouswitch
Si Sabrina Villalon ay isang mapagmahal na probinsyana, na walang ibang hinangad kundi ang mabigyan ng masaganang pamumuhay ang kanyang pamilya. Nayanig ang tahimik at inosente niyang mundo simula nang dumating ang isang Roger Bernardino sa kanilang baryo. Si Roger Bernardino ay ang nobyo ng kaniyang pinakamamahal na ninang--si Marites. Kasabay nang pagdating nito ay ang pagkatuklas niya sa isang nakakawindang na sekreto na matagal nang inilihim sa kanila ng ninang Marites niya. Isang sekretong maaring ikasisira at makapagpabago sa pananaw niya sa buhay. Dahilan upang mabuo ang isang ipinagbabawal na pag-iibigan ng dalawang nilalang. Isang pagmamahalan na marami ang hadlang. Isang pagmamahalan na hahamakin ang lahat para makamit lang ang hustisya para magkaisa ang kanilang mga puso. Ano kaya ang nakakawindang na sekretong itinatago ng ninang niya? Ikakapahamak ba nilang dalawa ito? At papaano nila mapanindigan ang mapanghusgang mundo? o hahayaan nalang nilang mawawasak ng tuluyan ang kaniyang puso?
102.7K viewsOngoingAdded to Library 74 Times as na at nang
Read
+Library
Too Late For Sorry, Mr. Billionaire

Too Late For Sorry, Mr. Billionaire

Matapos ang tatlong taon ng walang pamamahal na pagsasama, nagpasya si Hera na hiwalayan ang bilyonaryong asawa na si Jaxen nang mamatay ang kanilang anak sa isang trahedya habang inuuna nito ang kanyang unang pag-ibig. Akala ni Jaxen ay hindi mabubuhay si Hera nang wala siya, ngunit makalipas ang isang taon, nagbalik si Hera bilang isang matagumpay at palaban na international designer. Ngayon, si Jaxen naman ang humahabol at nagmamakaawa, habang si Hera ay handa nang itapon ang lahat ng alaala nila para sa kanyang bagong simula. Sa pagitan ng paghihiganti at paghilom, kailangang piliin ni Hera kung bibigyan pa ba niya ng pagkakataon ang lalaking minsang sumira sa kanya o tuluyan na itong buburahin sa kanyang buhay.
3.1K viewsOngoingAdded to Library 123 Times as na at nang
Read
+Library
Tears of the Unwanted Wife

Tears of the Unwanted Wife

Ilang taon nang kasal pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ramdam ni Ava ang pagmamahal na siyang matagal niya nang inaasam-asam mula sa kaniyang asawa. Dalaga pa lang ay may gusto na si Ava kay Al-Chester. Hindi niya alam kung anong gagawin niya noon para lang mapansin hanggang sa marinig na lamang niya galing sa kaniyang mga magulang na ikakasal siya sa lalaking napili nila para sa kaniya. Gusto niyang humindi lalo na't hindi niya naman ito kilala at hindi niya naman ito mahal pero nang malaman niya ang pangalan, na si Al-Chester ang ipapakasal sa kaniya, hindi na siyang nagdalawang-isip na tanggapin agad ang kasal. Ilang taon ang makalipas pagkatapos ng kasal, hindi niya aakalain na hindi pala maging madali ang buhay na may asawa lalo na't hindi man lang ito kayang makatingin sa kaniya. Mahirap pala ang may asawa lalo na't hindi siya nito mahal. Kaya kahit masakit, tiniis na lamang ni Ava ang lahat at gusto niya ring malaman kung saan aabot ang pagmamahal niya sa lalaki.
10623 viewsOngoingAdded to Library 24 Times as na at nang
Read
+Library
Chained To My Husband's Uncle

Chained To My Husband's Uncle

Tatlong taon nang ibinuhos ni Arielle Fuentes ang sarili niya sa asawa niyang si Lucian Davenhart — isang malamig at walang pusong lalaki. Akala niya, sapat ang pagmamahal niya para matutunang mahalin din siya nito. Pero nang malaman niyang may sakit siya, mas matindi pa ang natuklasan niyang katotohanan, hindi siya kailanman ang pinili ni Lucian. Isa lang talaga siyang kapalit ng babaeng minsang iniwan ito, at ngayo’y bumalik na. Nang humiling siya ng diborsyo, doon lang nagsimulang ipaglaban ni Lucian ang isang relasyon na matagal nang wala. At sa gitna ng gulong ’yon, dumating si Magnus Davenhart—ang makapangyarihang tiyuhin ni Lucian na may sariling mga lihim. Ngayon, si Arielle ay naipit sa pagitan ng dalawang lalaking parehong mapanganib. Makakawala ba siya sa pag-ibig na hindi kailanman kanya? O tuluyan na siyang malulunod sa pagitan ng dalawa.
10537 viewsOngoingAdded to Library 17 Times as na at nang
Read
+Library
Take my Hand and Choose me

Take my Hand and Choose me

Astria Equilla, Isang mabuting estudyante, anak, at kaibigan, Lumaking masunurin sa matatanda at magalang. Not until, Nang Engagement Day na, her fiancé na childhood friend nya ay tumakbo sa Engagement Ceremony at nagtanan kasama ang Girlfriend neto. She suddenly realized kung gaano kamali ang Desisyon nyang pumayag sa plano neto, Napatingin sya bigla sa lalaking nasa likodan nya na tahimik at mariing nakatitig lang din sakanya. Cairan Funtaveriá, step brother of her supposedly Fiancé and her ex-lover, a gloomy man na binabalot nang kadiliman ang mundo pero tulad nang gabi, may isang bituing nagpapaliwanag sa buhay nya and It was Astria, the fiancee of his step-brother. Sa pagpapanic dahil magsisimula na ang Ceremony, Hinatak ni Astria ang kamay ni Cairan papuntang entablado at sinimulan ang Engagement Ceremony. Ano kaya ang mangyayari sa dalawa matapos ang kaninang mga desisyon?
9.836.4K viewsOngoingAdded to Library 1.5K Times as na at nang
Read
+Library
Alon

Alon

Aceeyylala
Naranasan mo na ba magpatangay sa alon? Gaya ng pag - ibig na minsan nang pinaglaban ay hinahadlangan pa? Makakaya mo ba na sagipin ang sarili sa alon na pinipilit kang lunurin?
104.4K viewsCompletedAdded to Library 171 Times as na at nang
Read
+Library
Mr. Bodyguard, It's Hard To Love You [Filipino]

Mr. Bodyguard, It's Hard To Love You [Filipino]

Ilang taon na nagdusa si Erin sa konsensiya nang mamatay ang kaklase nila noong high school. Nang dahil sa udyok ng kanyang itinuring na mga kaibigan, tinanggap nito ang dare dahilan para ito mauwi sa trahedya. Pitong taon pa ang lumipas at hindi niya inaasahan na lalo siyang parurusahan ng tadhana nang ilagay ng kanyang stepfather sa last will and testament nito na mapupunta ang lahat ng ari-arian nila sa mga Arvesso—ang miyembro ng pamilya na namatay noon—at kasama siya sa mga kasunduan. Iyon na nga siguro ang parusa niya ang maging asawa ng taong matindi ang pagkamuhi sa kanya, si Orion. She believed he would let go of the past once they were married. However, it turned out that before becoming her husband, he had played the role of a protective brother. He agreed to the marriage to torment her.
1016.2K viewsCompletedAdded to Library 631 Times as na at nang
Read
+Library
Marrying the Frigid Incognito Magnate

Marrying the Frigid Incognito Magnate

Nang mawala ang nakatatandang kapatid, napilitan si Geraldine sa contract marriage na s-in-etup ng kanyang magulang sa kanya - na mapangasawa ang panganay na anak ng Pamilyang Jenses, ang misteryosong anak na nagpalago ng negosyo ng pamilya nila na si Fenrir. Dahil sa desperasyon, pumayag siya...para umalis sa pamilya na hindi pinaramdam sa kanya ng pagmamahal. Ngunit sa kanyang paglakad sa aisle, kinapos siya ng hininga. Ang lalaking naghihintay sa altar ay hindi isang estranghero sa kanya - kundi ang lalaking minsan niyang nilandi sa bar nang sapilitan.
10708 viewsOngoingAdded to Library 28 Times as na at nang
Read
+Library
One Hundred Nights with a Black Band

One Hundred Nights with a Black Band

Mula sa isang "blended family," si Chantelle ay lumaking naiiba. Siya'y pinalaki nang may pagmamahal ng kanyang lola matapos mawala ang kanyang ina. Itinakwil siya ng kanyang amang si Gérard, na kontrolado ng bagong asawang si Rhonda, at napag-iwanan ng kanyang mababaw na kapatid na si Mégane. Natutunan niyang mabuhay sa katahimikan. Nang magkasakit nang malubha ang kanyang lola, isang diagnosis ang gumulo sa kanyang buhay. Walang suportang pamilya ni sapat na pera, tinanggap ni Chantelle ang isang hindi inaasahang alok: isang daang gabi kapalit ng isang milyong euro, kasama ang isang mayamang lalaking hindi niya malalaman ang pagkakakilanlan. Sa bawat pagkikita, nakasuot ng maskara ang lalaki, nananatiling tahimik, at hindi pinapayagang magsalita si Chantelle. Tanging mga anonymous na bank transfer at isang nakakalunod na pabango ang naiiwan niyang alaala. Isang araw, napilitan siya ng kanyang ama na dumalo sa isang family dinner. Doo'y nabigla siya nang makitang kasama ang nobyo ni Mégane: si Collen Wilkinson, ang malamig at hindi maabot na CEO ng malakas na kumpanyang pinapasukan niya bilang isang simpleng empleyado. Nang magkasalubong ang kanilang mga mata, nagulo siya. Isang detalye ang sumiklab sa kanyang isip: ang pabango nito. Iyon mismo ang pabango ng lalaking naka-maskara na kasama niya sa labindalawang gabi... at may natitira pang walumpu't walo. Ngayon, pumasok ito sa kanyang buhay sa liwanag ng araw, at kailangan niyang harapin ang katotohanang nagkukubli sa likod ng nakagugulong kontratang ito.
398 viewsOngoingAdded to Library 7 Times as na at nang
Read
+Library
PREV
1
...
1617181920
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status