TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!
Limang taon. Ang akala ni Agatha ay makakaya ng panahon para umibig din sa kanya si Noah, pero sa paglipas ng limang taon na kasal siya dito ay hindi nagbago ang pagtingin nito sa kanya.
Naghintay siya, ngunit dumating na sa puntong hindi na niya kaya, napagod na siya sa paghihintay kay Noah. Sumuko na siya lalo na at bumalik na rin ang babaeng una nitong minahal bago siya nito pinakasalan.
Ngunit kung kailang handa na siyang ibigay ang kalayaan nito, kung kailan gusto na niyang makalaya sa kasal nila ay ayaw naman nitong ipawalang bisa ang kanilan kasal.
At ang lagi nitong dahilan kung bakit ayaw siya nitong palayain; Isa lang siyang tagapagligtas sa paningin nito at ang kabayaran ng pagliligtas niya sa buhay nito ay ang manatili silang kasal kahit na pareho na silang nasasakal.