Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
His Sweetest Addiction (Tagalog)

His Sweetest Addiction (Tagalog)

SulatniMiss E
Si Samantha ay isang napakaganda at inosenteng babae, na may matagal nang kasintahan, na si Liam. Gayunpaman, biglang dinurog ni Liam ang kanyang puso, na naging dahilan upang gumuho at miserable ang kanyang mundo. Wala siyang kahit na anumang ideya kung bakit ginawa ito ni Liam sa kanya. Isang kasintahan na minsang nangako sa kanya at napalitan ng walang pakialam at walang puso. Ngunit nang magkrus muli ang kanilang landas, naadik na siya sa kanya. Bumaliktad ang mundo ng dalawa. Naging sobrang possessive niya sa kanya, na kahit isang kaibigan ni samantha na tumingin sa kanya na parang bihirang brilyante, magseselos siya. To the point na gusto na niyang ilibing lahat ng lalaking sumusulyap lang kay samantha. **** "Huwag kang magkakamali, kung ano ang akin ay akin lamang. Kaya kong gawin kahit anong gusto ko. Kung sino man ang gustong magnakaw sa aking pinakamamahal na babae ay dadaan sa galit na aking dadalhin." Galit niyang sabi.
Romance
5.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contracted To My Boss

Contracted To My Boss

Synopsis: Si Gea ay isinilang na mahirap, at ang kanyang kasamang kapatid na may taglay na malubhang karamdaman ,isa syang bread winner ng pamilya ,dahil sa hirap ng buhay at desperado na matulungan ang kapatid sa pagpapagamot ay naglakas loob syang humingi ng tulong sa kanyang nobyo ngunit imbes na maawa at tulungan sya ay galit at pagtanggi ang kanyang natanggap. Nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan at argumento sa labas ng hospital, at dahil sa galit, sinabi ng kanyang nobyo na makikipag hiwalay na sya at iiwan na nya ito dahil may iba na syang babae dahil punong puno na sya at wala naman syang napapala sa kanilang relasyon. Labis na nasaktan si Gea at tumakbo ito palayo subalit aksidente nyang nabunggo ang isang pogi at gwapong lalaki na si Ethan Vale, Ang CEO ng pinagtatarabahuhan nyang kumpanya. Nang makita syang umiiyak dahil sa kalagayan ay agad nyang sinabi. "Perfect timing!,I need a contract Wife,and you need money,gusto mo magtulungan tayo?pakasalan mo ako,bibigyan kita ng pera, " At dahil wala na syang ibang pagpipilian dala na rin ng matinding pangangailangan ng kapatid at kahirapan ay pumayag sya kaagad. Agad naman nilang inayos at pinirmahan ang kasunduan at inisip na isa lamang itong bussness deal at walang kahit na anong feelings na involved. Ngunit sa paglipas ng maraming taon ay unti unti silang nagkaroon ng malalim na kumunikasyon sa isat isa , nagkaroon ng kahulugan ang bawat galaw at pag aalaga sa bawat isa, at bakit nasasaktan sya kapag nakikitang nahihirapan si Gea sa kanyang pamilya at kapag napag uusapan ang tungkol sa kanyang nakaraan.
Romance
87 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MR. ALCAIN THE GREAT WOMANIZER

MR. ALCAIN THE GREAT WOMANIZER

Angel
Dalawang taong pilit na tinatago ang tunay na nararamdaman, hangang sa di inaasahang pangyayari muling pinagtagpo ang kanilang mga landas. Ngayon paano ipapaliwanag ni Dian kay Fred na nagkaroon sila ng anak matapos ang gabing pinagsaluhan nila anim na taon ang nakalipas.Ano ang gagawin ni Fred para matanggap siya ng kaniyang anak na hindi siya tanggap biglang tatay nito at ano ang gagawin niya kung isang araw dahil sa kagaguhan at pambabae niya ay may bigla nalamang lalapit sa kaniya upang alukin siya na pakasalan ito sapagkat buntis ito at siya ang ama. Paano nila ipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan gayong magkakaanak na naman si Fred sa ibang babae. Matatangap ba ni Dian na maging pangalawa na lamang sila ng kaniyang anak sa buhay ni Fred o lalayo siya para hanapin ang lalaking para sa kaniya, at paano kung muli na naman pagtagpuin ng tadhana ang kanilang mga landas, paano kung muli na namang nabuhay ang kanilang nararamdaman para sa isat isa. Magkakaroon na ba sila ng happy ending o may sisira na naman sa happy ending na hinahangad nila?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)

Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)

Napilitan si Eliza na ibenta ng kanyang Tita Linda sa isang guwapong bilyonaryo para may perang gastusin sa ospital ng asawa nito na naaksidente dahil sa kanya. Wala siyang kaalam-alam na ibebenta pala siya. Akala niya no'ng una ay magtatrabaho lang siya sa guwapong bilyonaryo na si Alexander ngunit hindi pala. Kulang na lang ay malagutan siya ng hininga matapos niyang malaman na binenta pala siya ng kanyang sariling tita. Wala naman siyang nagawa kundi ang tanggapin na lang ang kanyang naging kapalaran. Dahil sa binenta na siya ng kanyang tita sa guwapong bilyonaryo na si Alexander ay lahat ng gustuhin nito ay kailangan niyang gawin kagaya ng pakikipag-sex dito. Ano kaya ang kahahantungan niya kasama ang guwapong bilyonaryo na si Alexander? Paano kung maging impyerno nang tuluyan ang buhay niya kasama ang guwapong bilyonaryo na ito? Is there a chance for her to escape? Paano kung magkaroon silang dalawa ng relasyon ni Alexander na guwapong bilyonaryo? Aalis pa ba siya sa piling nito o habang buhay na lang mananatili tutal una pa lang ay pati puso niya ay nabili na nito?
Romance
7.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Virgin Labandera

My Virgin Labandera

My V*rgin Labandera Mabuti at maalagain na anak si Ella kaya noong napansin niya na hirap na sa paglalaba ang kanyang ina ay siya ang pumalit dito. Ang mag-asawang Hernandez lang naman ang ipinaglalaba nito na mapagbigay sa kapwa at maunawain kaya pumayag ang mag-asawa na siya ang papalit sa nanay niya. Lingid sa kanyang kaalaman na may babaerong anak ang mag-asawa at ito si Terron na medyo magaspang ang taglay na ugali. Kaya noong nalaman niya na v"rgin pa si Ella ay gusto niya itong matikman at itulad sa mga babaeng naikama niya na. Ano kayang mangyayari? Si Ella na kaya ang makapagpabago kay Terron?
Romance
161 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Bestfriend's Affection

My Bestfriend's Affection

Magkababata sina Athalia Ramos at Luke Sebastian. Nagtungo ng Canada si Luke kasama ang magulang nito para doon mag-aral. Sa pagbalik nito, nalaman ni Athalia na may kasintahan na ito. Labis siyang nasaktan dahil umaasa siya na matutugunan na ni Luke ang nararamdaman niya para dito ngunit hindi pala. Naging kasintahan niya si Charles na nakilala niya sa Welcome Party para kina Luke. Nalaman na lang niya na hiwalay na si Luke at ang nobya nitong si Mickaela. Ipinagtapat ni Luke na mahal siya nito. Anong gagawin ni Athalia? Handa ba niyang sundin ang nilalaman ng kaniyang puso o ipagpatuloy ang relasyon kay Charles na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?
Romance
1011.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Battered Wife's Sweet Revenge

Battered Wife's Sweet Revenge

Ang akala niyang magandang buhay bilang bagong kasal ang magbibigay sa kaniya ng sobrang kaginhawaan at labis na saya, ay siya palang mag-uuwi sa kaniya sa magulong buhay. Ang akala niyang wagas na pag-ibig dahil sa wakas ay natali na siya sa taong mahal niya, ay iyon pala ang dahilan kung bakit siya sobrang magdurusa. Ang sagradong kasal na inaakala ng lahat na magiging masaya, iyon pala ang siyang magdadala sa kaniya ng labis na kalungkutan. Hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya ang mga nangyayari sa buhay niya lalo na't nag-iba na ang turing sa kaniya ng kaniyang mahal. Hindi niya alam kung saan siya lulugar at hindi niya na alam kung saan pa niya ilalagay ang pagmamahal na meron siya sa kanilang relasiyong dalawa. Hirap na hirap na siya lalo na at pakiramdam niya ay siya na lang ang lumalaban sa kanilang dalawa at tila siya na lang ang gumagawa ng paraan para maging maayos sila. Pero sa huling pagkakataon, gagawin niyang muli ang lahat para bumalik sa dati ang takbo ng kanilang relasiyon. Sa huling pagkakataon, sasabayan niya ang takbo ng panahon at maghihintay muli na dumating ang oras na sasaya siya muli sa piling ng kaniyang mahal. Ito ang kuwento ng isang babae, kuwento ng isang aping asawa... ito ang kuwento ni Rowena.
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang fiancé ko, ang kanyang kapatid

Ang fiancé ko, ang kanyang kapatid

Si Léa ay namumuhay ng mapayapa kasama si Thomas, isang mahinahon at predictable na lalaki na kanyang pakakasalan. Ngunit ang hindi inaasahang pagbabalik ni Nathan, ang kanyang kambal na kapatid na may nakakamanghang alindog at malayang kaluluwa, ay nagpapabagsak sa kanyang maayos na mundo. Sa isang salu-salo na inihanda para sa kanya, si Nathan ay pumasok nang may kapansin-pansin na presensya at sa puso ni Léa, isang bitak ang nagbukas. Ang kanyang nag-aapoy na tingin, ang kanyang mga salitang puno ng pagnanasa, ang kanyang paraan ng pamumuhay na walang hangganan… lahat sa kanya ay naguguluhan at hindi maiiwasang humahatak sa kanya. Sa pagitan ng rasyonalidad at pagnanasa, katapatan at tukso, si Léa ay naguguluhan. At kung ang tunay na pag-ibig ay hindi matatagpuan sa lugar na palagi niyang inisip? Kapag ang dalawang puso ay tumitibok sa hindi pagkakasabay… aling dapat pakinggan?
Romance
690 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Married to the Runaway Bride

Married to the Runaway Bride

Umalis si Mikel upang makalimutan ang nobya na nanakit sa kan'ya. Nasira at nasaktan, susubukan niya na buuin muli ang buhay. Iniwan ni Tamara ang kan'yang pamilya dahil sa kapatid na nagbenta sa kan'ya sa isang matandang bilyonaryo na naghahanap ng babae na magsisilang sa kan'yang anak. Dismayado at luhaan, susubukan niya na ayusin ang buhay. Ang dalawang may tinatakasan ay hindi sinasadya na magkrus ang landas isang gabi. Kinabukasan, nagising sila na ikinasal na sila sa isa't isa. Pareho silang tumakbo palayo sa gulo, ngunit ang nangyari noon nakaraang gabi ay nagpagulo lalo sa kanilang buhay. Mananatili kaya ang mga tumakas sa pangako ng kanilang kasal upang makadama ng tunay na pagmamahal? O pareho sila na makakahanap ng dahilan para takasan ang isa't isa?
Romance
1045.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Deseri Under Our Uniform

Deseri Under Our Uniform

Si Yana "Kelly" Reyes, medical graduate na maling inakusahan ng plagiarism at itinakwil ng sariling pamilya, ay tumatakbo sa kanyang nakaraan sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang nurse sa MS Pacifica, isang mamahaling cruise ship na naglalakbay mula sa Pilipinas patungo sa Europa. Si Kapitan Lucas "Alex" Montenegro, ang matapang, gwapo, ngunit lubhang misteryosong pinuno ng barko, ay una nang nagdududa kay Yana — akala niya ay isang espiya o mandaraya. Ngunit habang nakikita niya ang kanyang katapatan sa pag-aalaga ng mga pasyente at tapang na harapin ang sunud-sunod na kakaibang pangyayari sa barko (misteryosong sakit, nawawalang gamot, pati na rin ang mga nakakatakot na "aksidente"), unti-unting nahuhumaling si Alex sa kanya. Habang mas malalim na iniimbestigahan ni Yana ang mga kaganapan, natuklasan niya ang isang malawak na sabwatan na kinasasangkutan ng mga mayayamang negosyante, pulitiko, at maging ang sariling pamilya ng barko — isang sabwatan na hindi lang nasa MS Pacifica, kundi may malalim na ugnayan sa kanyang sariling iskandalo noon. Kasama si Alex, na may sariling nakaraan na kinasasangkutan din ng sabwatan, kailangan nilang harapin ang panganib, linisin ang kanilang mga pangalan, ilantad ang buong katotohanan, at ipaglaban ang isang ipinagbabawal na pag-ibig na maaaring magbago ng lahat ng kanilang alam.
Romance
10322 viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2021222324
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status