Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Love That Passed (Tagalog)

The Love That Passed (Tagalog)

“Hubby, pwede ba akong makahiram ng pera?” ang malambing kong tanong sa aking asawa na ngayon ay pagkasama-sama ng tingin sa akin. Paano ba namang hindi eh feeling close ako sa kanya. “Why would I give you? Sa tingin mo ba ay dahil pumayag akong makasal sayo ay makukuha mo na, at ibibigay ko sayo ang mga kailangan mo ng ganun ganun lang?” galit na galit at parang gustong manakit na sabi ni Jared. Ewan ko ba kung bakit sinubukan ko pang lumapit sa isang ito kahit na alam ko naman sa sarili ko na hinding hindi niya ako pagbibigyan.
Romance
1010.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)

Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)

Character: Zarina Czyrine Montereal Sixto Grey Zarkozi (Mayor X Secretary) Synopsis: Simula noong namatay ang mga magulang ko sa 'di malamang dahilan, tanging sumalo sa akin ang lola ko. Bata pa lamang ako tinatak ko na sa kukote ko na lahat ng gusto ko ay hindi ko makukuha, kung makukuha ko 'man ito, kailangang mag banat ng buto, miski nga pag-aaral ay hindi na natupad dahil sa hirap ng buhay na kinagisnan ko. Mas lalong naghirap ang buhay ko ng namatay ang lola sa katandaan, halos bumalik sa umpisa ang buhay ko. Ilang buwan akong nagmukmok sa pagkawala ng lola, kahit gutom ko ay tinutulog ko na lamang para hindi ko maramdaman ito. Isang araw, may silay ng liwanag ng pag-asa ang dumating pero kapalit nito ay walang hanggang pagsisisi, pero wala akong magagawa dahil isang kahig isang tuka ako. Inaya ako ng kaibigan ko sa isang trabaho na tiyak ay kikita ng malaki sa isang gabi lang. Ang mga pulitiko ang magiging customer namin. Pataasan ng presyo, bidding ng mga babae ang mangyayari kung sino ang pinakamalaking offer ay sakaniya na ang babae ng isang gabi. Isang kakaibang lalaki ang nakakuha sa 'kin, kulay luntian ang mga mata at may malapad na balikat at maskuladong mga braso na kitang kita sa polo na yumayakap sa katawan nito. Pagtapos nga ba ng gabi ay tapos na rin sila? O mapapaamo niya ang isang Mayor na mabangis pa sa mga tigre?
Romance
10314 viewsOngoing
Read
Add to library
Vows Of Vengeance

Vows Of Vengeance

snowflower
"Cleonne Marie Deigmen, do you accept Ashton Kleid Ditfreid as your lawful husband?" tanong ng pari habang nakatingin sa akin. Nakabibinging katahimikan ang umalingawngaw sa loob ng simbahan. Tila ba lahat sila ay takot na magsalita dahil alam nilang masama ang kahihinatnan niyon kung sakali. "I-I do..." garalgal ang boses ko na sumagot. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko habang nakatayo sa harap ng altar. Buong buhay ko, wala akong ibang pinangarap kundi magandang buhay para sa pamilya ko, at mahanap ang lalaking pakakasalan ko balang araw. Iyong lalaking makatatabi ko sa altar sa at kasama kong susumpa sa harap ng maykapal. Pero hindi ko akalaing ang araw ng kasal ko, ang siya ring magiging pinaka-masalimuot na araw sa buhay ko.... "I now pronounce you, husband and wife. Mr. Ditfreid, you may now kiss your bride." Ang panginginig ng buong katawan ko ay mas lalo pang nadagdagan nang sabihin iyon ng pari. Unti-unti ay humarap ako kay Ashton na seryosong nakatingin sa akin. Iniangat niya ang veil mula sa ulo ko at doon ko nakita ang mga mata niya. Hindi pagmamahal ang nakikita ko sa mga iyon, ang tanging nakikita ko lamang ay galit, poot, at paghihiganti. "You are mine now, Cleonne. At ito ang tatandaan mo, habang nabubuhay ako, hinding-hindi mo mararanasan ang salitang kaligayahan." bulong niya sa akin bago niya tuluyang ilapat ang labi niya sa mga labi ko. Magmula nang araw na iyon, alam kong ang buhay ko ay hindi na sa akin. Dahil magmula nang araw na iyon ay nakatali na ako sa lalaking hindi ko naman mahal, sa lalaking walang ibang gustong gawin kundi ang makapaghiganti sa akin, at iyon ay walang iba kundi si Ashton Kleid Ditfreid.
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER

FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER

Hindi ko inasahan na muli kaming magkikita ng lalaking minsan ko nang minahal… si Michael Brian Lucero. Akala ko siya na ang lalaking makakasama ko habang buhay, pero nalaman kong pustahan lang pala ang dahilan kung bakit siya lumapit sa akin. Pagkamatay ni Papa, hindi na kami tumagal sa iisang bahay—palipat-lipat kami dahil paiba-iba ang kinakasamang lalaki ni Mama. Hanggang sa pinakasalan niya ang isang bilyonaryo, na babago sa takbo ng buhay ko. Sa paglipat ko sa mansyon ng bagong asawa ni Mama, bumungad sa akin ang mukha ng gwapong lalaki na matagal ko nang kinalimutan—si Michael, ang kaisa-isang anak ng stepfather ko. Akala ko, madali lang makisama. Pero nang magtagpo ang aming mga mata, ramdam ko ang kakaibang init sa pagitan namin—isang damdaming mali, pero hindi ko kayang pigilan. Habang pilit kong itinatago ang bawal na damdamin, mas lalo lang akong nahuhulog sa kasalanang hindi ko kayang tanggihan. Dahil minsan, kung ano pa ang bawal, siya rin ang pinakamasarap tikman. “He’s the sin I can’t stop craving.”
Romance
10725 viewsOngoing
Read
Add to library
I'm Marrying the Worst

I'm Marrying the Worst

Dalawang taon na... Dalawang taon na akong nagdurusa sa pagmamahal ko kay Querem Tuazon. Patuloy pa rin akong umaasa na sana ako naman ang piliin niya. Na sana makalimutan na niya si Amie. Kailan niya ba matatanggap na hindi na maibibigay ni Amie ang pagmamahal na nais niya dahil matagal na siyang kasal sa kapatid ko! Ano bang mahirap intindihin doon? Nandito lang naman ako, e. Hinihintay ko siyang ako naman ang makita niya. Pero hanggang kailan ako maghihintay? Mukhang hindi ko na ata maiintay ang pangarap kong 'yon dahil ang sakit sakit na. Kailangan ko nang bumitaw. At mukhang hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
Romance
1011.6K viewsCompleted
Read
Add to library
CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires

CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires

Ako si Martin Del Rivas. Ang mga tao sa labas ay nakikita ako bilang perpektong senador, ang presidente sa hinaharap, ang bachelor na kinakikiligan ng bansa. Ang mga ngiti nila, ang pagpupuri sa akin… lahat ay pekeng salamin. Sa loob, ako ay umiiyak sa dilim na hindi nila nakikita, umiiyak sa pagkawala na hindi nila mauunawaan. Hindi nila alam na may isang pintuan sa mansion ko na hindi dapat buksan. At may isang babae akong sinasambit sa bawat gabi,na hindi lamang alaala ng trahedya, kundi dahilan ng lahat ng aking galit. Si Savanna ang naging pugad ng aking pagkawasak, ang sentro ng bawat galit , bawat obsesyon na hindi ko matakasan. Hindi ko siya kinuha dahil gusto ko. Kinuha ko siya dahil kailangan kong itama ang mundo na pinabayaan niya at sa bawat araw na siya ay nakadapa sa harap ko, bawat luha na hindi niya dapat ipapakita, lalo akong nagiging alipin ng sarili kong galit. Akala niya libreng buhay ang kanyang makakamtan sa mansion ko. Akala niya kalayaan ang makikita niya sa bawat galaw ko. Pero mali siya. Ako ang may hawak, hindi lang ng katawan niya, kundi pati ng kanyang hininga, ng bawat takot at galit na sinusupil niya sa loob. At kahit nararamdaman ko ang pagbabago sa puso ko, kahit ang galit ay nagiging pangungulila, alam kong hindi ko siya kayang bitawan. Hindi ko siya kayang talikuran. Siya ang dahilan ng aking pagkawasak, at siya rin ang dahilan ng aking pagbangon. At sa bawat gabing ako ay mag isa, habang iniisip ang mga nagdaang trahedya, naiintindihan ko na ang laban na ito, ang pagmamahal at poot, ang obsesyon at pagkawasak ay hindi matatapos. Hindi kailanman. Sapagkat sa kanya ko naramdaman ang ganap na kontrol, at sa kanya ko rin naramdaman ang ganap na kawalan ng kapangyarihan.
Romance
9 viewsOngoing
Read
Add to library
Mga Kalansay Sa Tabi Ng Basurahan

Mga Kalansay Sa Tabi Ng Basurahan

Ang mga magulang ko, ang pinakamayaman na magkasintahan sa bansa, ay sikat na mga pilantropo. Kailangan ko hingin ang permiso nila kung kailangan ko gumastos ng higit pa sa limang dolyar. Sa araw na nadiagnose ako ng terminal cancer, humingi ako ng 100 dolyar, pero sa halip na tulungan ako, sinigawan nila ako ng tatlong oras. “Anong klaseng sakit ang makukuha mo sa edad mo? Kung hihingi ka lang ng pera, galingan mo naman sa palusot mo.” “Alam mo ba na ang 100 dolyar ay kayang suportahan ang mga bata sa naghihirap na mga lugar ng matagal na panahon? Mas may sense pa kausap ang kapatid mo kaysa sa iyo.” Kinaladkad ko ang katawan ko na may sakit pabalik sa maliit na basement. Pero noong dumaan ako sa mall, nakita ko ang mga magulang ko, live sa malaking screen, gumagastos ng malaking yaman para lang rentahan ang Disneyland para sa kapatid ko. Ang isang daang dolyar ay hindi sapat para sa isang round ng chemotherapy. Gusto ko lang bumili ng bagong damit at lisanin ang mundo ng may dignidad.
Short Story · Romance
808 viewsOngoing
Read
Add to library
Fall Inlove With The Billionare

Fall Inlove With The Billionare

Ligaya
BLURB: Sa isang malaki at mamahaling restaurant na pag-aari ni Richmond De Guzman, nagtrabaho ako roon bilang baguhang waitress. Hindi ko inasahan na mapalapit ako sa kaniya—minahal siya nang hindi ko sinasadya. Naramdaman ko rin ang attention niya na tila sumasagot sa nararamdaman ko. Tunay na naging malapit kami sa isa’t isa hangang sa isang araw... para akong pinag-sakluban ng langit at lupa. Nang sabihin niya sa akin na dumalo sa opisina niya sumunod ako, at isang nakakawindang na pangyayari ang aking nakita; si Natch at siya nakita kong nagháhálikan. Sobra akong nagsisi, nagalit sa sarili na umasa ako kahit walang kami. Ang mas masakit pa dahil may nakaraan pala sila. Ang dami kong nalaman na sobrang hirap tanggapin. Siguro ganoon nga talaga kapag assuming ka, sinasampal rin sa ‘yo ang isang bagay na ina-assume mo. Sa sobrang sama ng loob, pinili ko na lang umalis—hindi nagpaalam. Sumama ako sa mga magulang ko papuntang Singapore. Ilang taon ang dumaan, muli kaming pinagtagpo ng tadhana. Talagang hindi na tulad ng dati ang ‘ngayon,’ maliban sa nararamdaman ko. Bakit hindi ito nagbago? Gusto kong maging malaya, pero ang hiyaw ng puso ko ay iba. Dapat ko bang pairalin ang pride ko o sasabihin ko sa kaniya ang totoo?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO Admiration (Montiero Series 1)

The CEO Admiration (Montiero Series 1)

WARNING: SOME OF THE SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES. 'ANG ganda mo," kusang tumaas ang ulo ko ng marinig ko 'yon kay Lucas Nixon. Titig na titig ito sa akin at kitang-kita ko doon ang saya at admirasyon sa mga mata niya dahilan para sumikdo ang puso ko sa kaba. Para akong hinahabol dahil sa bilis ng tibok nito. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko at pilit ko man itago ay huli na dahil nakita niya na ito at mas lalo pa akong inasar. "I will never stop admiring you, Lilie."
Romance
1018.9K viewsCompleted
Read
Add to library
I Caught The Billionaire's Obsession

I Caught The Billionaire's Obsession

THEGUYWITHTHEGLASSESIndependentDramaMysteryTragedy
Bakit kaya hindi pantay ang mundo? Bakit hindi na lang kaya mayaman ang lahat ng tao para wala ng mahirap? Para wala ng nagugutom? Para wala ng gumagawa ng masama para lang may mauwing pagkain sa hapag? Bakit kaya may mga mahihirap na katulad ko? Bata pa lang ako. Iyon na palagi ang tinatanong ko sa sarili ko. Kung bakit may mga mahirap na kagaya ko. Masama ba akong tao sa nakaraan kong buhay at pinaparuhasan Niya ako't ang pamilya ko ng ganito? Ewan ko. Basta ang alam ko lang na tinatak ko sa isip ko ng magdalaga ako- hindi titigil ang mundo sa 'yo kung patuloy at patuloy mo lang iisipin kung gaano kahirap ang buhay. Hindi uulan ng pera kapag hiniling mo. At mas lalong hindi magiging magaan ang buhay mo kung puro hiling ka lang sa Kanya at walang kasamang pagbabanat ng buto. Natuto ako sa mahirap na paraan. At iyon ang ginagamit ko ngayon na sandata araw-araw sa malupit at madilim na mundo na ginagalawan ko ngayon. "KEISHA! Ikaw na ang sasalang sa stage! Bilisan mo na! Marami ng mga guest ang naghihintay sa 'yo!" A novel by: TheGuyWithTheGlasses STATUS: COMPLETED Date started: June 18, 2022 Date finished: September 19, 2022
Romance
9.940.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1314151617
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status