Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Loving Mr. Chavez

Loving Mr. Chavez

Hindi ordinaryong kwento ng pag-iibigan ang namuo sa pagitan ni Miya at Lucas. Kakatwa kung paanong nagsimula ito sa makasaysayang gabing tila limot na rin naman ng mga tauhan. Si Miya, isang Pilipinang empleyado na nagpakalasing dahil sa pagsasaya at si Lucas na naroon din na katrabaho niya. Hindi matandaan ni Miya ang nangyari at nagising na lang siya na matindi ang sakit ng ulo at walang maalala sa inuman. Naguguluhan pa kung ano nangyari nang gabing iyon dahil tila ba hinila lahat ng hangover ang alaala niya. Habang inaalam ang nangyari, bigla na lang nag-flashback sa utak ni Miya ang pakikipaghalikan niya sa isang lalaki. Ngunit ang lalaking kaharap niya ay iba naman ang sinasabing nangyari nang gabing iyon. Ngayon ay gulong-gulo na siya kung ano ba talaga ang nangyari lalo pa nang puntahan siya ni Lucas para ayain siya sa isang contract marriage. Hanggang sa naglapag ang kompanya ng bagong polisiya: isang milyon sa unang limang ikakasal na empleyado sa kumpanya. Para makuha ito, napilitan si Miya na pumayag sa pagpapakasal kay Lucas sa pamamagitan ng contract marriage nila. Ngunit sa pananatili nila sa isang kontrata, may mamuo ba na pag-ibig o mananatili na lang sa papel ang pagmamahalan nila?
Romance
10716 viewsOngoing
Read
Add to library
Game Over : Ending The Game Of My Ruthless Boss

Game Over : Ending The Game Of My Ruthless Boss

Pagkatapos itakwil si Annaliese Remington ng kaniyang pamilya ay tumayo na siya sa sarili niyang mga paa, nabuhay ng mahirap at nagsakip. Akala niya wala nang gugulo pa sa kaniyang buhay ngunit nagkamali siya nang makilala si Niccolas Palmera, ang lalaking naka-one night stand niya at napatunayan niyang talagang mapaglaro ang tadhana, dahil ito rin ang kaniyang naging boss sa bagong trabahong kaniyang pinasukan. Ngunit masyadong mapusok si Niccolas, at sa hindi niya inaasahan, handa ba siyang tanggapin ang alok nitong kasal? Handa ba siyang makipaglaro sa nag-aalab nitong puso?
Romance
10353 viewsOngoing
Read
Add to library
Two Flames In A Dress

Two Flames In A Dress

MarkusJuan
Labing isang taong gulang si Andrea nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Sa paghihiwalay ng mga ito, naghiwalay din ang landas nila ng kanyang kakambal na si Althea. Napunta siya sa kanyang ina kung saan nakaranas sila ng labis na paghihirap na kanilang pinagdaanan. Pero mukhang habulin si Andrea ng malas, natanggal siya sa kanyang pinagtatrabahuhan na kompanya kung saan nagde-design siya ng mga damit. At sa pagkakataong iyon, doon naman nagbukas ang oportunidad sa kanya nang makilala niya ang lalaking si Matthew nang minsang magpunta siya sa bar at yakapin siya nito. Dahil may sarili itong designing company, nagtrabaho siya rito. Hanggang sa nakilala niya ito at tuluyang nahulog ang loob nila sa isa't isa. Inalok siya ng kasal ni Matthew at pumayag siya dahil mahal na nga niya ito. Nagsimula ang masayang relasyon nila na akala niya'y magtatagal. Hanggang sa isang araw, bumalik ang kakambal niyang si Althea. Ano'ng dalang pasabog ni Althea sa kaniya? Babalik pa ba sa dati ang kanilang relasyon bilang kambal o ito ang sisira sa masaya niyang buhay kasama si Matthew?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Lawyer’s Unexpected Obsession

The Lawyer’s Unexpected Obsession

Binigay ni Isabel ang lahat para sa pamilyang Santos—mula sa pagpapagamot ng lolo hanggang sa pagliligtas ng kumpanya gamit ang ₱500 milyon. Ngunit matapos ang dalawang taon ng sakripisyo, iniwan siya ng asawang si Anton para sa ibang babae, sabay bitaw ng malamig na: "Maghiwalay na tayo." Isang kasal. Dalawang taon ng sakripisyo. Isang pangungusap lang, binura ang lahat. At ngayong wala na siyang apelyidong "Mrs. Santos," sigurado ang lahat—magiging miserable ang buhay niya. Hindi nila alam—si Isabel ay isang makapangyarihang negosyante at kilala bilang "Dark Phoenix." Kaya nang alukin siya ng Santos family ng 1% shares para bumalik, natawa lang siya: "Ganyan ba kababa tingin niyo sa’kin?" At nang muling magmakaawa ang dating asawa, may lalaking humarang; tumitig ang lalaki nang direkta sa kanyang mga mata, walang takot, walang pag-aalinlangan. "Akin siya. Hindi mo na siya maaangkin muli."
Romance
357 viewsOngoing
Read
Add to library
Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay

Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay

Ang ampon ng aking ama ay ikinulong lamang sa masikip na storage closet nang halos labinlimang minuto, ngunit tinalian niya ako at itinapon sa loob bilang parusa. Tinakpan pa niya ang ventilation gamit ang mga tuwalya. "Bilang nakatatandang kapatid ni Wendy, kung hindi mo siya kayang alagaan, marapat lamang na maranasan mo rin ang takot na naramdaman niya,” seryoso niyang sabi. Alam niyang may claustrophobia ako, ngunit ang aking mga desperadong pakiusap, ang aking matinding takot, ay sinagot lang ng malupit na sermon. "Magsilbi sana itong aral sayo para maging mabuting kapatid." Nang tuluyang lamunin ng kadiliman ang huling hibla ng liwanag, nakakaawa akong nagpumiglas. Isang linggo ang lumipas bago muling naalala ng aking ama na may anak pa siyang nakakulong at nagpasya siyang tapusin na ang aking parusa. "Sana'y naging magandang aral sa iyo ang isang linggong ito, Jennifer. Kung mangyayari pa ito muli, hindi ka na pwedeng manatili sa bahay na ito." Ngunit kailanman ay hindi niya malalaman na matagal ko nang nalanghap ang aking huling hininga sa nakakasulasok na silid na iyon. Sa kadiliman, unti-unti nang nabubulok ang aking katawan.
Read
Add to library
That Hot Chick CEO is my Bumpkin Ex-Wife

That Hot Chick CEO is my Bumpkin Ex-Wife

Evie Clemonte, ang halos tatlong taon nang Asawa ni Rowan McAllestieré. Isang dedikadong Asawa, maalaga at gagawin ang lahat para kay Rowan ngunit mukhang kahit anong gawin ni Evie ay hindi parin niya makukuha ang Atensyon at pagmamahal ng binata. Sa araw mismo nang kanyang kaarawan ay niregaluhan siya ni Rowan nang regalong hindi niya malilimutan. Isa etong divorced paper agreement. Kahit ayaw ay walang nagawa si Evie kundi makipaghiwalay dahil alam niyang wala na siyang malalaban pa dahil bumalik na sa Pilipinas ang tunay na mahal ni Rowan. She decided to leave Rowan and her old self who is dedicated on Rowan alone, She wants him to regret leaving her. Bumalik sya sa totoong kung sino siya at iyon ay ang nag-iisang prinsesa nang karibal ng mga McAllestieré. She's the only daughter in the Demetrius Clan. Nagdesisyon siyang siya na ang mamumuno at maglalampaso sa mga McAllestieré upang makabawi sa mga pagpapahirap at pasakit sakanya ng pamilyang eto. Halina't subaybayan ang mga hakbang ni Evie upang makamit ang inaasam na paghihiganti. At ano na lamang ang mangyayari sa magiging relasyon nila ni Rowan? Abangan.
Romance
107.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Kahit Ayaw Mo Na

Kahit Ayaw Mo Na

“Ayokong makiusap sa ‘yo na mahalin mo uli ako, kahit hindi na ay ayos lang. Mamahalin pa rin kita kahit ayaw mo na.” Walang pag-aalinlangang hiniwalayan ni Lilah Daza ang kanyang dalawang taon nang kasintahan na si Alester Hernandez dahil sa pag-aakalang hindi niya ito mahal. Pakiramdam din kasi niya ay pinapaasa lang niya ito sa wala. Pero isang araw, aksidente niyang nakita si Alester na may kasamang ibang babae. Sa kanyang tingin ay nagkakamabutihan na ang mga ito. At hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit siya nasasaktan gayong wala naman na silang ugnayan pa ng lalaki. Huli na nang mapagtanto niya kung ano ang tunay na nararamdaman—na mahal niya si Alester at nagsisisi siya kung bakit pinakawalan niya ito nang gano’n-gano’n lang. Ano ang gagawin niya para maibalik sa kanyang piling ang lalaking minsan niyang nasaktan nang sobra? Meron pa nga bang pagkakataon na maiparamdam niya kay Alester ang kanyang tunay na nararamdaman para dito? O mananatili na lang itong masakit na aalala na habang-buhay niyang pagsisisihan?
Romance
1040.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Dangerous Love

Dangerous Love

KhioneNyx
Napapalibutan ng tungkol sa politika si Marina Hidalgo, isang vice mayor ang kanyang ina at isa namang attorney sa public attorney’s office ang ama niya. Galing siya sa pamilyang matagal nang nagseserbisyo sa gobyerno, ngunit iba ang tumatakbo sa kanyang isipan at plano niya sa kanyang buhay. Siya lang ang sumalungkot sa generation ng pamilya nila nang kumuha siyang kursong journalism dahil gusto lang niya ng tahimik na buhay, hindi rin niya gaanong pinangangalandakan sa buong unibersidad niya na galing siya sa pamilya ng mga Hidalgo. Marami siyang iniiwasan at isa na roon ang pamilya Sanchez, ang namamayagpag ngayon sa municipality nila lalo na’t Sanchez ang nakaupo na mayor sa lugar nila at isang dahilan na kaaway na pamilya sa politika ng mga Hidalgo ang Sanchez. Pero kung anong iniiwasan niya iyon naman ang lumalapit sa kanya, nang makilala niya sa isang press conference si Filan Sanchez, ang pangalawang anak ng mga Sanchez, bilang journalism student siya ang naatasang mag-interviewed nito para sa kanilang school newspaper. It all started in the interview, press conference at ang mga tanong na kailangan niyang ibato sa batang Sanchez, akala niya roon lang matatapos ang lahat, but nag-uumpisa pa lamang ang lahat.
Romance
104.3K viewsOngoing
Read
Add to library
We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )

We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )

Juvy Pem
Walang kaawa-awang pinalayas ng kanyang step-mother si Luna, dahil hindi na sila mapapakinabangan nito. Ang ama niya ay nakaratay sa hospital dahil sa sakit na cancer. Kaya dahil dito biglang lumubog ang negosyo nila at nagkabaon-baon sila sa utang. Lumaki si Luna Marie sa magarbo at maluhong buhay, kaya hindi siya sanay sa biglang pagkalugmok ng kanyang buhay. Ang dating buhay prinsesa ngayon ay nasa lansangan na at hindi alam kung saan hihingi nang tulong.   Si Adrian De Vera ay minsan ng nakaranas ng pang-aalipusta mula mismo kay Luna at sa harapan pa ng mga kaibigan nito. Paano kung ang babaeng minsan nang nagpahiya sa kanya ay matagpuan niya sa lansangan at walang mapuntahan. Makakaya niya kayang pabayaan? O, 'di kaya'y kanyang tutulungan.    Si Luna ay walang kaalam-alam sa totoong pagkatao ni Adrian. Hihingi man siya ng tawad sa lalaki ngunit huli na ang lahat. Dahil ang lalaking minsan niyang pinagtawanan at kinutya ay malayo pala sa kanyang inakala ang katayuan nito sa buhay.  Paano paglapitin nang tadhana ang dalawang nilalang na may madilim na nakaraan. Huli na ba ang lahat para sa dalawa? At paano magbago ang isang katulad ni Luna na lumaki sa masaganang pamilya? Abangan ang kwento ni Adrian at Luna Marie. 
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Six Months Agreement with Mr. Arrogant

Six Months Agreement with Mr. Arrogant

Marya_makata
Hindi madali ang lumaki sa anino na iniwan ng ibang tao, higit kanino man si Vanna ang nakakaalam ng mga bagay na iyan sapagkat simula pagkabata ay nakasunod lamang siya sa yapak ng nakatatandang kapatid at sa lahat nang utos ng kanyang ina. Kaya naman nang makilala niya si Atticus, inakala niyang ito na ang lalaking para sa kanya. Makalipas ang tatlong taon ay pumayag siyang magpakasal dito ayon na din sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Ilang araw bago ang dapat sana ay kasal nila, nahuli niya itong nagloloko. At ang masakit, sariling kapatid niya ang nakapatong dito. Dala nang pinaghalo-halong emosyon at tama ng alak na basta na lamang nilaklak, siya ay nagising sa isang hindi pamilyar na kama. Tandang-tanda niya ang gabing pinagsaluhan nila ng estraherong iyon at matutuwa na sana siya ngunit nang alukin ng pera kapalit ng paggamit sa kanyang katawan ay nagalit siya dito. Nilayasan niya ang walang hiya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nagkrus ang kanilang mga landas, sa pagkakataong iyon wala na siyang kawala. Kailangan siya nito para magpanggap na asawa hanggang makuha ang mana at kailangan niya ito para magkapera. The timid yet sweet woman with a painful past and an arrogant business tycoon with a heartbreaker for a middle name. How long lust would last?
Romance
714.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status