Following The Ferrario

Following The Ferrario

last updateHuling Na-update : 2023-03-11
By:  Rouzan MeiOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
5Mga Kabanata
793views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

"Babayaran kita sa kahit magkanong halaga basta't paligayahin mo lang ako." Wala nang ibang nagawa si Karen kundi tanggapin ang alok ni Mr. Valer Ferrario nang sabihin ito sa kaniya. Ano bang magagawa niya sa sunod-sunod na negatibong nangyayari sa kaniyang buhay; na-ospital ang kaisa-isang anak, pinalayas sa tinutuluyan nilang apartment at natanggal pa sa trabaho. Kaya't kahit labag sa loob ay sumang-ayon siya sa alok ng mayamang lalaking ito. Alam niyang magagamit niya ito para magkaroon ng maraming pera. Ngunit paano kung magkaroon din siya ng pagtingin kay Mr. Ferrario? Sa lalaking pamilyado na?

view more

Kabanata 1

CHAPTER 1

"Magsilayas kayo rito! Alis! Alis!" Halos itaboy ng isang ginang ang mag-inang Karen at Cedric dahil hindi sila nakakapagbigay ng pambayad sa upa ng bahay, kuryente at tubig ng dalawang buwan. Ito ay matapos iwan si Karen ng kinakasama at ipinagpalit siya sa mas batang babae.

"Parang awa niyo na po, aling Precy. Wala na po kaming mapupuntahan ng anak ko e. N-Naghahanap naman po ako ng trabaho. Pakiusap naman po, oh," pagmamakaawa ni Karen habang yakap-yakap niya ang anak na si Cedric.

"Puro ka pakiusap, Karen. Nakaraang buwan mo pang dinadahilan 'yang paghahanap ng trabaho mo, ah? Bakit wala ka pa rin'g katraba-trabaho ngayon, ha?" tanong naman ng ginang ngunit hindi siya makatugon. Iniisip ni Karen sa sarili na minamalas siya sa buhay.

"Aling Precy, maawa naman po kayo sa 'min. Nakikiusap po kami sa inyo na kahit kaunting panahon pa po," pakiusap naman ng batang si Cedric.

"Manahimik ka. Isa ka pa. Kinukunsinti mo kasi 'tong nanay mo sa paglalandi niya. Tignan niyo nga 'yang buhay ninyo," sagot naman ng ginang.

"Aling Precy, sobra ka naman po yata? Una sa lahat, hindi ako lumalandi. Hindi ko pinababayaan ang anak ko. Lahat ginagawa ko para sa kaniya," pagdepensa ni Karen ngunit napangisi naman ang ginang.

"Hindi ka lumalandi? E 'di ba pinalitan ka nga ng nobyo mo sa mas bata dahil nagsasawa na sa 'yo? Isa pa, ano'ng hindi mo pinababayaan ang anak mo? E tignan mo nga ang kalagyan niya. 'Yang kalagayan niyo. Sige nga," sagot naman ng ginang. Tila nakaramdam ng init ng dugo si Karen dahil sa sinasabi ng nito kaya’t hindi na niya napigilan pa ang sarili.

"Ang sama ng ugali niyo!" sigaw nito at walang ano-ano siyang lumapit sa ginang. Sinabunutan niya ito sa galit kaya’t napapadaing naman ang ginang sa sakit, habang ang mga kapitbahay ay nakikiusyoso at nanonood.

Inaawat si Karen ng kaniyang anak habang ang ilang pamangkin ng ginang ay lumabas upang patigilin ang nangyayari.

"Ang sama-sama ng ugali niyo! Kung ayaw niyo kaming pagbigyan, e 'di h'wag! Pero wala kayong karapatan na matahin kami ng anak ko dahil wala kayong karapatan! Hindi niyo alam ang pinagdaraanan namin!" bulyaw ni Karen ngunit kaagad na humarang ang isa sa mga dalagang pamangkin ng ginang.

"Ate Karen, p-pasensya na po kung anuman ang sinabi ni tita. A-Ako na po ang humihingi ng tawad sa kaniya," saad nito para maiwasan ang gulo.

"Senia! Ano'ng sinasabi mo? Umalis ka nga r'yan," pagtutol ng ginang at hinila ang dalagang pamangkin. "Dapat lang siyang makarinig ng gano'ng salita. Dalawang beses ko na ngang pinagbigyan, umaabuso pa? Hala sige, lumayas kayo ng anak mo sa pamamahay ko. Doon ka maglandi sa labas at h'wag dito. Alis!"

Huminga na lamang nang malalim si Karen habang ang anak niyang si Cedric ay hinihila siya paalis. Hindi na pinatulan pa ni Karen ang ginang at kinuha ang mga gamit nila sa bahay. Halos damit lang ang kanilang dinala dahil ang mga kagamitan ay galing sa paupahan ng ginang.

"Aalis talaga kami sa impyernong 'to! Tsismosang matanda!" bulyaw ni Karen bago sila umalis ng anak niya. Pinatabi pa nito ang mga taong nakaharang sa gate dahil sa pakikiusyoso.

Sa paglayo ng mag-ina mula sa pinanggalingan ay napaisip bigla si Karen. Saan na sila pupunta ngayon at ano ang maipapakain niya sa anak?

Huminga nang malalim si Karen. Hindi niya alam kung paano muli magsisimula. Ang pagsisimula na kahit kailan ay hindi niya naranasang makabangon mula sa hirap.

"Mama, hayaan niyo po, magtatrabaho na lang din po ako," biglang sambit ni Cedric kaya't binalingan ito ng tingin ni Karen. Huminto sila sa paglalakad at pinantayan nito ang anak. Tinignan ni Karen si Cedric sa mga mata habang hawak-hawak ang magkabilang pisngi nito.

"Anak, h'wag mong alalahanin si mama. Hindi mo kailangang gawin 'yon dahil ako ang gagawa ng paraan para makahanap ulit tayo ng bahay na matitirhan," saad nito sa anak. Tumango naman si Cedric bilang tugon.

Niyakap ni Karen ang kaniyang unico hijo at doon ay lihim siyang napaluha. Kung tutuusin ay hindi niya alam kung ano ang gagawin niya pero hindi siya pwedeng sumuko sa hamon ng buhay.

NANATILI sa convenience store ang mag-ina nang makaramdam ng gutom si Cedric. Nakaupo sila sa may labas upang doon muna magpalipas ng ilang minuto. Binilhan ni Karen ang anak ng tinapay at malaking tubig, habang siya ay hindi na inalintana ang gutom na nararamdaman. Hindi na nagkasya pa ang perang pambili ng pagkain.

"Mama, ikaw po?" tanong ni Cedric sa ina nang alukin niya ito ng tinapay. Ngumiti naman si Karen at umiling sa kaniyang anak. "Kanina ko pa po naririnig yung gutom ninyo e. Baka po manghina kayo," saad pa ng bata.

"Cedric, anak, okay lang si mama. H'wag mo akong alalahanin, ha? Sige na, kumain ka na ulit," sabi lang ni Karen sa anak. Dahil dito ay tinuloy na ni Cedric ang pagkain.

Matapos kumain ay sandali pa silang nanatili hanggang sa mapagdesisyunan na nilang umalis ulit kahit na hindi nila alam kung saan sila pupunta.

Tinuloy lang nila ang paglalakad hanggang sumapit na ang gabi. Hindi alam ni Karen kung saan muna sila pwedeng mamalagi hanggang sa nakita niya ang isang makitid na eskinita na may mga dyaryo at karton.

"Halika, 'nak," saad nito at dali-daling pumunta ang mag-ina sa gawing 'yon. Gamit ang mga karton ay gumawa si Karen ng mahihigaan nila ng kaniyang anak. Pinatong din nito ang mga dyaryo sa paanan upang hindi malamigan.

"Mama, dito po tayo?" tanong bigla ni Cedric. Sandaling tinignan ni Karen ang ginawang higaan at ngumiti sa anak kahit na sa loob-loob niya ay nasasaktan siya.

"O-Oo. Saglit lang naman e. Pansamantala. Pinapangako ko sa 'yo na bukas na bukas din, matutulog na ulit tayo sa kama, ha?" pangako nito sa anak. Tumango naman si Cedric bago siya nagtungo sa kaniyang ina at nahiga. Antok na antok na ito at gusto ng magpahinga.

Nakatalikod ang bata mula kay Karen habang nagpapahinga. Humiga sa likuran nito si Karen at hinahaplos ang buhok ng kaniyang anak, at sa pagkakataon din'g 'yon ay hindi na maiwasan pa ni Karen ang maluha. Naaawa siya para sa kaniyang anak. Nag-iisa lamang ito ngunit hindi pa niya mabigay-bigay ang marangyang buhay na hangad niya para dito.

Hindi pinaparinig ni Karen ang kaniyang emosyon dahil baka magising pa ang anak na si Cedric. Agad din niyang pinupunasan ang mga luha niya dahil ayaw niyang matuluan ito ng luha. Ayaw niyang ipakita sa bata ang sakit at bigat na dinadala niya.

Hindi makatulog si Karen dahil sa kakaisip, ngunit ilang sandali pa ay pumasok sa isipan niya na baka merong pwedeng mapasukan ng mga ganitong oras. Dahil dito ay agad siyang tumayo at umalis upang maglibot-libot habang natutulog pa ang kaniyang anak.

Sa pangalawang kanto lang mula sa kinaroroonan nila ay nasilayan niya ang bukas na club. Maraming tao sa labas at loob. May mga magaganda at sexy na babae ang may kausap na foreigners o 'di kaya'y kapwa pinoy na may kaya.

Napalunok si Karen ng laway ngunit napagdesisyunan niyang magtungo roon. Pumunta pa siya sa isang babae na abala sa pakikipag-usap sa customer para kausapin.

"E-Excuse me, miss. Pwede pa bang mag-apply rito?" tanong ni Karen kaya't nilingunan siya ng babae. Tinignan siya nito mula paa hanggang ulo habang ngumunguya ng bubblegum.

"Apply ka?" walang gana nitong tanong. Tumango naman si Karen at ngumiti nang bahagya. "Pumasok ka sa loob. Lagpasan mo yung counter at nandoon ang opisina ni manager. Doon ka mag-apply," turo ng babae. Ngumiti at nagpasalamat naman si Karen bago niya puntahan ang sinabi ng babae.

Sa pagpasok niya ay maingay sa loob ng club. Malakas na musi at merong mga babaeng sumasayaw nang mabagal sa stage habang suot ang 'di kaaya-ayang damit. Marami rin'g mga naghah*likan at mas lalong napukaw sa pansin niya ay ang pagyayaya ng mga babaeng nagtatrabaho rito sa mga lalaking customer paakyat sa hagdan.

Isinawalang bahala 'yon ni Karen at kaagad na nagtungo sa tapat ng isang pinto. Kumatok siya nang tatlong beses bago niya ito pihitin at silipin ang loob. Nakita niya ang isang babaeng tila nasa edad 40+ na naka-make-up nang makapal at maikling damit.

"Good evening po," pagbati ni Karen. Sumenyas naman ang babaeng 'yon na pumasok ito dahil abala ito sa paninigarilyo. "M-Mag-a-apply po sana ako," saad kaagad ng dalaga sa kaniyang sadya.

Hindi kaagad sumagot ang tila manager ng club. Tinignan niya si Karen mula sa mukha at sa katawan nito habang tumatango-tango.

"May asawa?" tanong ng babae.

"W-Wala po."

"Anak?"

"Isa po. Ten years old," sagot niya. Tumango-tango naman ang babae at tumayo mula sa kinauupuan.

"Ilang taon ka na?"

"Twenty-six po," magalang na sagot ni Karen. Tila nagbilang pa sa isip ang babae at saka tumango.

"Kaya mo bang magpaligaya ng lalaki?"

Sa tanong na 'yon ay sandaling hindi nakaimik si Karen at napalunok ng laway. Tila napatanong din siya sa kaniyang sarili kung kaya ba niyang magpaligaya ng lalaki.

Pero nang maisip din ang kalagayan nilang mag-ina, tila nagbago ang takbo ng utak niya.

"Opo. Kaya ko po," sagot niya.

"Hmm... Sige. Gusto kitang tignan kung paano ka mag-entertain ng lalaki. Maraming mayayaman ang dumadayo rito para sa mga naggagandahang babae rito. May foreigners, businessmen, o kahit married men. Lahat, meron kami. Kaya dapat marunong kang mag-adjust kung ano ang gusto nila. Kung mas magaling kang mag-entertain, mas malaki ang bigayan," paliwanag ng babae.

Huminga nang malalim si Karen sa narinig ngunit nagbitiw siya ng isang malapad na ngiti at may paninindigang sagot.

"Gagawin ko po lahat para mapaligaya sila."

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
5 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status