After Divorced: Chasing His Ex-Wife
“Congratulations, Miss Santillan. You are six weeks pregnant.”
Nanigas si Marga sa kinatatayuan niya habang nakatitig lang sa doktor. Bumaba ang paningin niya sa prenatal examination report. Napapikit siya at napahawak sa kaniyang tiyan. “B-Buntis ako…” mahinang sabi niya. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Mas nangibabaw pa rin ang takot sa kaniya na baka malaman ni Brandon ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis.
***
“Kinakabahan ka ba?” Binuhay ni Brandon ang makina ng sasakyan. “Kung palagi kang ganito sa tuwing kausap mo ako, iisipin ko talaga na buntis ka, Marga.”
Napalunok ng maraming beses si Marga. Mas lalo lang siyang kinakabahan. Pinagpapawisan na rin siya kahit na malakas naman ang aircon. “Kung totoong buntis ako, ano ang gagawin mo?” Napakagat-labi siya pagkatapos niyang bitawan ang mga katagang ‘yon.
“You will raise the child alone, Marga. Kahit isang piso ay wala kang makukuha sa akin.”