Nababasa Nila Ang Isip Ko
“Kakaiba ang lahat ng tao dito. Mababa ang IQ, mahina ang katawan, at masama ang vibe. Kailangan ko na talagang umalis. Hinding-hindi ako mamamatay kasama ang mga taong ito, lalo na at hindi maganda ang trato nila sa akin.”
“Well, okay naman siguro ang mga magulang ko,” dagdag ko sa aking sarili, habang palihim na sumusulyap sa mga magulang ko, pareho silang nakatingin sa akin ng nag-aalala. “Hindi pa ako sigurado. Kailangan kong patuloy na mag-obserba.”
Lumambot ang titig ni Natalie at ngumiti siya na naging dahilan para hindi gumanda ang pakiramdam ko. “Yunice, nakilala mo na ba si Dory noon?”