Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Loving For Mr. Billionaire

Loving For Mr. Billionaire

Paano mo ipaglalaban ang pagmamahal na minsan mo nang sinukuan? Lucky swore she’d never look back. Matapos ang isang mapait na hiwalayan, pinili niyang bumuo ng tahimik na buhay kasama ang anak niya—malayo kay Axel, ang lalaking minsan niyang minahal, pero siya ring dahilan ng pinakamalaking sakit niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, muling nagkrus ang landas nila, at ngayon, hindi na lang puso niya ang nakataya—pati na rin ang buhay nilang mag-ina. Sa kabila ng galit at sakit, napilitan siyang tanggapin ang proteksyon ni Axel. Pero paano kung sa bawat araw na kasama niya ito, unti-unting mabura ang poot at bumalik ang damdaming pilit niyang nilabanan? Lalo na nang matuklasan niyang hindi pala siya kailanman iniwan nito—sa lihim na paraan, Axel had been protecting her all along. Ngunit bago pa niya mas maunawaan ang lahat, isang trahedya ang muling yumanig sa buhay niya—isang pagkakamali, isang maling akala, at isang pagdukot na naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan. At sa gitna ng panganib, nakita niya ang isang Axel na handang isakripisyo ang lahat, kahit ang sariling buhay, para mailigtas siya. Ngayon, hawak niya ang pinakamahalagang tanong—bibitawan ba niya ulit ang lalaking hindi kailanman bumitaw sa kanya? Sa isang mundo ng lihim, galit, at pagsubok, kaya pa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig na minsan nang nawala? O masyado nang huli ang lahat?
602 viewsOngoingIdinagdag sa Library 18 Beses bilang ng at nang meaning
Read
+Library
The Billionaires Pregnant Babysitter

The Billionaires Pregnant Babysitter

Tatlong buwan na siyang buntis—tinakbuhan sya ng boyfriend nya kaya wala syang katuwang sa buhay. Desperado din syang magkapera para sa operasyon ng kapatid. Sa ospital, isang batang umiiyak ang lumapit sa kanya, mahigpit na yumakap at tinawag siyang “Mama.” Bago pa man siya makapaliwanag, dumating ang bilyonaryong si Lucien Montclair. Sa halip na pasalamatan siya, pinagbintangan siyang nanlilinlang. Para sa lalaki, siya ay isang impostor—isang multo na nagpapaalala sa babaeng nang iwan dito. Ngunit nang malaman nitong desperado siya para sa pera, binigyan siya ng isang alok na hindi niya kayang tanggihan. Ang maging babysitter ng anak nito. Sa ilalim ng iisang bubong, araw-araw niyang nararamdaman ang bigat ng titig ng lalaki—galit, hinanakit, at isang mapanganib na pagnanasa na unti-unting kumakain sa kanila pareho. Sa pagitan ng kasinungalingan, galit, at isang lihim na hindi niya kayang ibunyag… paano kung ang lalaking kinamumuhian siya ang siya ring magpapatibok ng puso niya?
396 viewsOngoingIdinagdag sa Library 10 Beses bilang ng at nang meaning
Read
+Library
The Billionaire's Secret Baby

The Billionaire's Secret Baby

Para mabayaran ang operasyon ng lola niya, pumasok si Talia Soler bilang taga-alaga ng isang supladong bilyonaryong bulag na si Santiago Elizalde. Sa loob ng ilang buwang pagsasama nila, naging panatag si Santiago kay Talia, hanggang sa may nangyari sa kanila. Pero bago pa maoperahan sa mata ang lalaki, pinalayas na si Talia ng pamilya nito at ibang babae ang nagpanggap na nag-alaga sa kaniya. Limang taon ang lumipas, mag-isang pinalaki ni Talia ang anak nila na si Zeke habang nagtatrabaho siya bilang isang Child Therapist. Pero muling nagtagpo ang landas nila nang kunin siyang therapist para sa pamangkin ni Santiago na may trauma. Sa pagbabalik niya sa mansyon, pilit niyang itinago kung sino talaga siya dahil naghihinala na ang bilyonaryo, na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ang totoong babae na nag-alaga sa kaniya noon. Pero muntik nang mabisto ang lahat nang aksidenteng makita ni Santiago ang kaniyang anak. Sa unang tingin pa lang, mapapansin agad ang kakaibang kulay ng mata ni Zeke—isang katangian na mga lalaki lang sa pamilya Elizalde ang mayroon sa loob ng tatlong henerasyon. Hanggang kailan kaya maitatago ni Talia si Zeke bago malaman ng makapangyarihang bilyonaryo ang katotohanan?
21 viewsOngoing
Read
+Library
The Billionaire's Backup Plan

The Billionaire's Backup Plan

Akala ni Elize ay wala nang mas malala pa pagkatapos siyang mawalan ng trabaho at pagtaksilan ng kaniyang nobyo. Pero ang magulo niyang buhay ay lalong nagulo nang pagkamalan siyang ibang tao. Lumayo siya, umiwas, at nagtago. Pero hindi niya inaasahan na ang magiging boss niya ay ang taong baliw na baliw sa isang babae na halos kamukha niya. Ang pinakamalala pa roon ay inalok siya nito na magpanggap bilang si Aelice, ang babaeng puno't dulo ng sitwasyon niya ngayon. Sa pagpanggap niya bilang si Aelice, makakaya kaya niyang pigilan ang damdamin at huwag mahulog sa lalaking iba ang gusto? Pero paano niya lalabanan ang bugso ng damdamin kung sa bawat sulok ng silid ay naroon ang tukso?
10587 viewsOngoingIdinagdag sa Library 22 Beses bilang ng at nang meaning
Read
+Library
Midnight Temptations

Midnight Temptations

MsDayDreamer99
Mula nang dumating nang walang anumang alaala mula sa party ng kanyang matalik na kaibigan, si Elise ay nagkakaroon ng kakaibang panaginip. Habang lumilipas ang mga araw ay mas nagiging kakaiba ang kanyang mga panaghinip. Natatagpuan niya na lang ang sarili sa isang madilim na kwarto kasama ang isang napakagwapong estranghero. At bawat araw ay hindi niya mapigilan ang sariling mahulog dito. Subalit alam niya na ang kung ano mang namamagitan sa kanila ng estrangherong iyon ay hindi bahagi ng kanyang reyalidad. Hanggang sa nagpakita sa kaniya ang isang lalaking kamukhang-kamukha nito at bumago sa takbo ng kanyang buhay. Ngunit, ano ang misteryong bumabalot sa pagkatao nito? Ano ang mga lihim na pilit nitong itinatago sa kanya?
2.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 49 Beses bilang ng at nang meaning
Read
+Library
Hiding the Billionaire's Heir

Hiding the Billionaire's Heir

Dreamer'swords
Dahil sa hirap ng buhay, walang ibang pagpilian na ibinigay ang mundo kay Maria kung hindi ang ibenta ang sarili niyang katawan sa isang kilalang auction nang malaman niya na ang kaniyang Lola na siyang nagpalaki sa kaniya ay kailangan nang operahan sa lalong madaling panahon. Dito ay naging pagmamay-ari siya ni Damon, isang kilalang businessman ng isang gabi na siyang nagkaroon ng bunga. Ngunit kahit gaano pa siya kadesperada ay hinding-hindi niya gugustuhin na sabihin kay Damon ang tungkol sa anak nila sapagkat bilang ina ay ayaw niyang masaktan ang kaniyang anak. Ngunit paano kung pagkatapos ng ilang taon ng pagtatago ay magtagpo sila sa kumpanya kung saan sekretarya siya nito?
3.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 65 Beses bilang ng at nang meaning
Read
+Library
Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont

Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont

Naging ampon ang isang batang babae nang dahil sa mapaminsalang plane crash. Gayundin, ang isang lalaki na babago sa buhay niya.Sa kasamaang palad, kasalanan ng tatay ng batang babae kung bakit naulila ang lalaking ito. Eight years old pa lamang siya nang dalhin siya sa Tremont Estate ng lalaking sampung taon ang tanda sa kanya. Akala niya noong una, dinala siya dito ng lalaki dahil sa kabutihang puso nito, hindi niya alam na nandito siya para pagbayarin ng kasalanan ng kanyang ama.Sampung taong inisip ng babaeng ito na may galit sa kanya ang lalaki, dahil mabait at maingat ito sa ibang tao pero masama ito sa kanya... Ipinagbawal sa kanya ng lalaki na tawagin siyang 'kuya'. Kailangan niyang tawagin ang lalaki sa pangalan nito - Siya si Mark Tremont, paulit-ulit niyang sasambitin ang pangalan na Mark Tremont hanggang sa tumatak ito sa kanyang isipan...
9.7479.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 10.5K Beses bilang ng at nang meaning
Read
+Library
Sold to Mr. Grey

Sold to Mr. Grey

Jijiera
Ang maikasal ka sa taong mahal mo ay ang isa sa pinakamasyang pangyayari sa buhay ng isang tao. The Billionaire Rameses Grey is Ivana's first love. Matagal na niya ito gusto. Kaya naman nang ipambayad siya ng kanyang Uncle sa utang kay Rameses ay may parte sa kanya na natuwa. Lalo pa nang pakasalan siya ni Rameses. Pero sa ang inakala ni Ivana na pinakamasyang pangyayari sa buhay niya ay naglaho na lang ng parang bula. Rameses treated her like a trash. Kahit pa kasal silang dalawa ay may babae pa rin itong kinikita. She becomes miserable...
1.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 22 Beses bilang ng at nang meaning
Read
+Library
My Billionaire Husband Doted his First Love

My Billionaire Husband Doted his First Love

Mag-aanim na taon nang nagsasama sina Lilian at Marco kasama ang kanilang limang taong gulang na anak na si Justine nang bumalik ang unang babaeng minahal ni Marco; si Winona. Nabaling ang atensiyon ni Marco dito kasama na rin ang kanilang anak na labis na ikinasama ng loob ni Lilian hanggang umabot na sa sukdulan ang kanyang pasensiya. Ano ang maaring gawin ni Lilian sa tahasang pambabalewala sa kanya ng kanyang mag-ama? Mas pipiliin niya bang tiisin na lamang o magdesisyong iwan ang mga ito? Ano ang mahihinatnan ng kanyang magiging desisyon?
10554 viewsOngoingIdinagdag sa Library 12 Beses bilang ng at nang meaning
Read
+Library
Unwanted Wife Revenge

Unwanted Wife Revenge

Hindi naniniwala sa pag-ibig si Armani Sevilla. Naging matigas na ang puso nito matapos iwanan ng ina nito ang kanyang ama noong bata pa siya. But he needed a wife to claim the inheritance his father left him. Georgia Alcazar needed to take revenge on cheating her ex-husband. Kaya naman nang magtagpo ang landas nila ni Armani at alukin siya nito ng kasal, kapalit nang pagtulong nito na maghiganti sa dati niyang asawa ay tinanggap niya ito.
1.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 41 Beses bilang ng at nang meaning
Read
+Library
PREV
1
...
3132333435
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status