The Ceo's Hidden Child
Iniwan at hiniya ni Alexander Dela Cruz si Xavielle Elyza Angeles dahil wala siyang yaman at pangalan, kahit siya ay buntis sa anak nito. Sa pagkasira ng kanyang loob, dumating ang kanyang tunay na ama na si Donato V. Angeles—mayaman at tinitingala na ngayon—upang bawiin at protektahan siya.
Dahil takot sa pamilya Dela Cruz, nagtago sila sa isang liblib na probinsya. Doon ipinanganak at pinalaki ni Elyza ang anak niyang si Axielle, sa payapang piling ni Donato at ni Kian Riego, na naging tapat na kakampi at parang pamilya na rin nila.
Limang taon silang namuhay nang ligtas at masaya, malayo kay Alexander na walang kaalam-alam sa kanyang anak. Ang kanilang tahimik na paraiso ay nagsilbing proteksyon—hanggang sa dumating ang pagbabago ng tadhana.