Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

Sa isang mundong pinaghaharian ng yaman at kapangyarihan, ipinanganak si Elena Cruz sa kahirapan. Maganda siya—mala-porselanang kutis, brown ang mata, at may alindog na kahit sa simpleng ayos ay nakakakuha ng pansin. Pero sa likod ng ganda, puno ng sugat ang kanyang buhay—ama niyang lulong sa sugal at inang kasambahay sa pamilya ng mga Monteverde, isa sa pinakamayamang angkan sa bansa. Isang gabi, nagbago ang lahat. Sa desperasyon at gutom, nagnakaw ang kanyang ama mula sa mansion ng mga Monteverde—isang kasalanang nahuli sa CCTV. At nang mabunyag ito, nasira hindi lang ang tiwala, kundi pati ang buhay nilang mag-ina. Sa gitna ng kahihiyan, pagkakautang, at apoy na sumunog sa kanilang tahanan, namatay ang kanyang ina sa konsensya at pangamba, habang nagtatago naman ang ama. Walang ibang natira kay Elena kundi ang pangalang minantsahan ng kasalanan. Hanggang sa isang gabi, muling tumagpo ang landas nila ni Lance Monteverde—ang bilyonaryong CEO na anak ng among pinagsilbihan ng kanyang ina. Malamig, makapangyarihan, at walang pakialam sa pag-ibig. Ngunit sa kabila ng lahat, tila may kakaibang puwersang nagtulak sa kanya na iligtas si Elena mula sa kamay ng mga mapang-abusong nanghihingi ng utang. Kapalit ng kaligtasan, isang alok ang binitawan ni Lance: “Babayaran ko ang lahat ng utang mo, Elena. Pero may kapalit... ikaw.” Sa pagitan ng utang, galit, at pag-ibig na unti-unting tumutubo sa gitna ng poot—mapipilitan si Elena na maging asawa ng lalaking kinaiinisan at kinatatakutan niya… ang lalaking unti-unti ring matututo kung ano ang tunay na halaga ng pag-ibig at pagkatao. Ngunit sa mundo ng mga Monteverde, walang libre. At sa dulo ng bawat pangako, may kapalit na kalayaan.
Romance
403 viewsOngoing
Read
Add to library
The Good Wife Revenge

The Good Wife Revenge

MissAlmond
Nag tatrabaho si Quelsy Arcela Guevara bilang waitress sa isang mamahaling restaurant. Nag iisa nalang ito sa buhay simula ng mamatay sa car accident ang kanyang mga magulang. She never had a boyfriend ngunit may isang lalaki itong lubos na hinahangaan. Walang iba kundi si Kavin Santiago, the CEO of Santiago Enterprise.    Dahil sa lubos na pag hanga ng dalaga dito ay mabilis na Nahulog ang kanyang puso. Hindi ito nag dalawang isip na pakasalanan si Kavin.  Hangang sa malaman nito ang totoong dahilan kung bakit sya nito pinakasalan.   Sa pag hihinagpis ni Quelsy, hindi nya inaasahan na meron syang masasandalan. Walang iba kundi si Emmett De Castro, ang matalik na kaibigan ng kanyang asawa.  Sa pag tutulungan nilang dalawa, magawa kaya nilang pabagsakin ang lalaking nag bigay ng hinagpis sa mga puso nila?  Masumpungan kaya nilang dalawa sa isat-isa ang tunay na pag-ibig? O di kaya mapabilang nalang din sila sa mga nabiktima ng mga taong lubos na nag kasalanan sa kanila.  
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Boyfriend Hunt

Boyfriend Hunt

CowardTheBrave
Si Eli ay isang huwarang estudyante at kasalukuyang nangunguna sa kanilang klase. Kilala siya bilang isang tahimik na tao at walang interes sa ibang bagay bukod sa pag-aaral. Iyon na rin siguro ang isa sa pinakadahilan kung bakit walang maituturing na kaibigan sa school si Eli. Lingid sa kaalaman ng kanyang mga kaklase, si Eli ay isang closeted gay. Dahil sa fear of rejection at mahusgahan ng iba, mas pinipiling mapag-isa ni Eli kaysa makihalubilo sa kanyang mga kaklase. Isang gabi habang nagrereview si Eli para sa isang exam kinabukasan, napukaw ang kanyang atensiyon sa isang online advertisment. Ito ay isang 'dating' application na tinatawag na MATCHED, na kung saan ay maaari kang makakilala at makatagpo ng taong para sa iyo... As a gay person. Dahil sa masidhing kuryusidad ay dali-daling dinampot ni Eli ang kanyang cellphone para idownload ang MATCHED para simulang hanapin ang taong kukumpleto sa tinatago niyang pagkatao. Have you ever tried to use an app to find a lover? Let the hunt begin.
LGBTQ+
108.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Mamamatay in Three, Two, One

Mamamatay in Three, Two, One

Lagi akong ikinukunsidera ng pamilya ko na tagapagdala ng kamalasan. Dahil ito sa nakikita ko ang countdown bago mamatay ang mga kamag-anak ko. Sinabi ko sa kanila kung kailan mamamatay si lolo, ama, at ina. Nagkakatotoo ito dahil sa iba’t ibang mga aksidente. Ang tatlong mga kapatid ko ay kinamumuhian ako mula sa kaibuturan nila dahil sa tingin nila isinumpa ko ang mga magulang ko at lolo. Ang nanay ko ay namatay matapos iluwal ang nakababata kong kapatid na babae, pero ang mga kapatid ko ay walang tigil siyang iniispoil. Sinasabi nila na siya ang suwerte nila dahil nagiging okay ang lahat para sa pamilya sa oras na iluwal siya. Pero hindi ba’t namatay si Ina noong iniluwal siya? Sa ika-18th kong kaarawan, nakikita ko ang death countdown kapag tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Bumili ako ng urn at naghanda ng pagkain. Gusto ko kumain ng huling beses kasama ang mga kapatid ko, pero walang nagpakita sa kanila noong nag zero na ang timer...
Read
Add to library
Signed To Be His Wife

Signed To Be His Wife

Para kay Ayen Ramirez, simple lang dapat ang buhay—trabaho bilang secretary sa isang malaking kompanya at isang matinong relasyon na inakala niyang pangmatagalan. Pero nang biglang maospital ang kapatid niya at mangailangan ng malaking halaga, agad siyang lumapit sa boyfriend niya para humingi ng tulong. Ang akala niya, maiintindihan siya nito. Pero sa halip, iniwan siya nito na parang wala lang. In her desperation, isang hindi inaasahang alok ang dumating. Mula mismo sa boss niyang si Justin Berkeley. Mayaman, makapangyarihan, at kilala sa pagiging istrikto, pero may isang bagay siyang wala: isang asawa. Kailangan niya ng kasal para makuha ang mamanahin niya, at kailangan ni Ayen ng pera para sa kapatid niya. Isang pirma lang sa kontrata, at magiging Mrs. Berkeley siya. Walang love, walang intimacy... isang kasunduan lang. Pero paano kung habang tumatagal, unti-unting nagbabago ang lahat? Paano kung ang dating malamig at prangkang boss niya ay may mga tingin at hawak na hindi kasama sa usapan? At paano kung sa isang kasal na peke, isang tunay na puso ang mahulog?
Romance
10405 viewsOngoing
Read
Add to library
Falling For The Billionaire CEO

Falling For The Billionaire CEO

𝘗𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘮𝘰 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘬 𝘬𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢? Si Aya Dizon, 23 years old, ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Alvero Grand Hotel para matulungan ang pagpapagamot sa kapatid niyang may malubhang sakit. Dito niya nakilala ang tinaguriang "Ice King" na si Lucius Alvero na isang CEO na kilala sa pagiging walang puso at walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Sa simula, pinahihirapan lang ni Lucius si Aya dahil sa kanyang pagiging tyrant, pero magbabago ang lahat nang malaman niya ang isang madilim na sikreto...ang yumaong tatay ni Aya pala ang driver na itinuturong pumatay sa bunsong kapatid ni Lucius sampung taon na ang nakalilipas. Dahil sa galit, lalo pang naging mahirap ang buhay ni Aya sa kamay ni Lucius. Pero paano kung mali ang paniniwala ni Lucius, at may sabwatan pala ang pamilya Montenegro? Kapag nalaman na inosente ang ama ni Aya, paano babawiin ni Lucius ang bawat sakit na idinulot niya? Kaya bang hilumin at bawiin ang pusong kusa niyang dinurog...at matutunton kaya nila ang daan pabalik sa isa't-isa?
Romance
10371 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionairess Ex-Husband

The Billionairess Ex-Husband

Si Asteria Bellamy ang future CEO ng kanilang kompanya, ngunit para makuha niya ang posisyon na hinahangad niyang lakbayin ang iba't ibang bansa at makakuha ng mga bagong kaalaman para sa kanilang negosyo. Kayanin niya kaya ito kung ang magiging tourist guide niya ay walang iba kundi si Gray Anderson, ang dating niyang mister? Ano kaya ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa lalo na at engage na ito sa ibang babae? Makakaya ba niyang isakripisyo ang sariling puso niya para sa posisyon na inaasam, o hahayaan itong mawala sa mga kamay niya at bumalik na lang sa dati niyang negosyo na maliit na flower shop? Sa loob ng sampung taon nilang pagsasama sa nakaraan ay magdulot kaya ulit ito upang sila ay magkabalikan? O itatapon na lang nila ito na parang walang pinagsamahan noon? Mapigilan kaya nina Asteria at Gray ang kanilang sarili na umibig muli sa isa't isa? O tuluyan na silang tatangayin ng alon ng pag-ibig at pagkasabik sa isa't isa?
Romance
106.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Deal We Called Marriage

The Deal We Called Marriage

Love was never part of Alexandra Reign Sy’s five-year plan. Ang goal lang niya: magtagumpay, umasenso, at huwag maging tanga gaya ng mga babae sa romantic movies. Pero nang pumanaw si Lola, iniwan nito hindi lang yaman—kundi isang terms and conditions na kayang guluhin ang buong buhay niya. “To inherit, Alexandra must be legally married within six months.” And just like that, napilitan siyang maghanap ng lalaking papayag sa fake marriage setup na walang halong feelings, drama, o commitment. Simple lang ‘di ba? Well, not until she said the words... “Then maybe we should get married.” —kay Callisto Maxim, ang tahimik, intimidating CEO na parang embodiment ng Excel sheet at control issues. Pareho silang walang time sa love. Parehong practical. Parehong may dahilan. Pero habang tumatagal ang kasunduan, napapansin ni Alex na hindi lahat ng bagay pwedeng i-manage or i-schedule—lalo na kung heart na ang nagka-crash sa system. In a city where everyone is hustling, can two people built on logic survive the chaos of something they swore to avoid? Or will their perfect plan turn into the biggest disaster of their lives?
Romance
10207 viewsOngoing
Read
Add to library
Pregnant By My Brother-In-law

Pregnant By My Brother-In-law

Isang buwan bago ang kasal ni Erica sa boyfriend niyang si Franco ay nagkayayaan silang magkakaibigan na mag-party. Isang pamamaalam mula sa pagkadalaga, ika nga nila. Pero anong gagawin ni Erica kung magising na lang kinabukasan na kayakap ang estranghero na lalaki at pareho pa silang walang suot na damit? And the worst? What if she find out that he's her boyfriend's stepbrother?
Romance
10902 viewsOngoing
Read
Add to library
Aera (The Girl In The Past) | Tagalog

Aera (The Girl In The Past) | Tagalog

paraiso_neo
Maraming mali at di tama sa nakasulat at nakadiktaMaraming kwento na mali ang pagkakatagpi-tagpi, isang di maipaliwanag na pangyayari ang hindi kailanman naisulat sa mga libro ng taong 1897.Maraming kailangan itama at iwastoSa kabila ng lahat, maraming tanong ang walang kasagutan tulad ng..Nasaan si Aera? At kung bakit si Anna Luisa lamang ang tanging tauhan?May mali nga ba talaga sa pangyayari? Paano ito maitatama?
1011.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status