LOGINNang humapon ay muling sinubukan ni Ruby na tawagan si Mr. Lozano at nang mga oras na iyon sa wakas ay nag-ring na ang cellphone nito at sa sumunod na sandali ay sinagot na nito ang tawag. “Yes?” iyon ang kaagad na bumungad sa kaniya. “Oh, it's you Ruby. Bakit ka napatawag? Ayaw mo pa rin bang sumuko?” “Mr. Lozano, hindi ba at nakapag-usap na tayo ng maayos kagabi? Pumayag ka ng pirmahan ang kontrata pero bakit ngayon at tumanggi ka na naman?” “Ah iyon ba? Well, fine sige. Pero hindi ako pwede ngayon dahil busy ako.” mabilis na sagot nito sa kaniya.“Kailan ka pwede Mr. Lozano? Kahit na ako na mismo ang pumunta sayo mapirmahan lang ito.” sagot niya. Hindi siya papayag na hindi nito mapirmahan iyon.Sandali itong natahimik bago tuluyang sumagot. “Okay, sige. Mamayang gabi ay pwede ako.” sabi nito sakaniya. “Walang problema sa akin Mr. Lozano basta sabihin niyo lang sa akin kung saan ay pupunta ako dala ang kontrata.” Nang magkasundo silang dalawa ay nagpaalam na ito at hindi nagtag
“Hindi mo na nga nagawang papirmahin si Mr. Lozano ay may gana ka pa talagang iganyan ang kapatid mo!” muling sigaw nito sa kaniya. Kung tutuusin ay wala talaga silang pinagkaiba ni Missy kaya nga magkaibigan silang dalawa e.“Wala kayong dapat alalahanin tungkol diyan. Akong bahala, papipirmahin ko siya.” kalamado pa ring sagot ni Ruby rito.Nagtagis ang mga bagang nito. “Bibigyan kita ng dalawang araw pa at kung hindi mo magawa, magpasensyahan na lang tayong dalawa Ruby.” Nagkibit balikat lang si Ruby. “Walang problema.” sabi niya at tumalikod na para lumabas ng opisina ng ama.Samantala, bigla namang humawak si Amelia sa balikat ng ama at ngumuso. “Dad, bakit hindi mo man lang siyang pinagalitan? Baka mamaya ay sinadya niya talagang hindi papirmahan si Mr. Lozano at wala siyang pakialam kung malugi man ang kumpanya. Isa pa, alam niyo naman na noon pa lang ay gusto na talaga niya itong pabagsakin hindi ba? Baka mamaya kaya niya ginagawa ang lahat ng ito ay para gumanti sa inyo at
Pagkatapos maluto ng niluluto ni Missy ay mabilis itong naghain at sabay silang dalawang kumain. Nang matikman niya ang niluto nito ay napangiti na lang siya at napuno ng kislap ang kanyang mga mata na nagsalita. “Masasabi ko na kung sinuman talaga ang mapapangasawa mo ay napakaswerte, napakasarap mong magluto!”Umingos lang naman si Missy sa aniya. “Tumigil ka nga sa pambobola mo Ruby.” sabi nito sa kaniya.Nagsalubong ang mga kilay niya. “Tapos ka na ab asa ginagawa mo kaya lumabas ka na sa lungga mo?” biglang tanong niya. Kapag kasi sobrang busy nito ay palagi lang itong nakakulong sa silid nito at hindi lumalabas. Bukod pa doon ay hindi man lang nito hawakan ang cellphone dahil talagang naka-focus ito sa ginagawa.Nang mabanggit niya iyon ay bigla na lang itong napanguso at masama ang tingin na ipinukol sa kaniya. “Grabe ka na talaga Ruby, parang hindi mo ako kaibigan ah?” sabi nito na may halong pagtatampo ang boses. “Bakit hindi mo man lang ako inimbitahan sa engagement party mo
Pagkatapos niyang ayusin ang sarili niya ay lumabas siya ng banyo at doon pa lang sa labas nito ay nakita na niya kaagad ang isang lalaking nakatayo doon at mukhang hinihintay siya. Ilang sandali pa ay inabot nito sa kaniya ang isang mainit na kape para daw sa hangover niya. Kaagad na napakunot ang noo niya ng wala sa oras. “Sino ang nag-utos sayo na bigyan ako ng kape? Si Tito Zachary ba?”Sa halip na sumagot ay ngumiti lang ito sa kaniya kaya kahit na hindi nito sinagot ang tanong niya ay alam na niya kaagad kung sino ang nag-utos na bigyan siya ng kape. Ilang sandali pa ay kinuha niya ang kape at bumalik sa silid kung nasaan niya iniwan ang lalaki ngunit hindi na niya ito naabutan pa doon. “Nasaan na siya?” muli niyang tanong sa lalaki ngunit nagkibit balikat lang ito sa kaniya. Tanging ang mga tauhan na lang ng hotel ang naabutan niya doon at naglilinis ng silid, wala na ang lalaki. Kesa mag-ubos pa siya ng kanyang oras para hanapin ang lalaki ay mabilis niyang inubos ang laman
Natigilan si Ethan nang marinig niya ang boses na iyon. Hindi siya pwedeng pagkamali, tinig iyon ng kanyang tiyuhin hindi ba? Pero paanong nandito ito at kasama ni Ruby? Hindi kaya… Biglang tumayo ang lalaki sa likod at hinawi si Ruby na nakatayo sa kanyang harapan. Nang tuluyan niyang makita ang mukha ng kanyang tiyuhin ay halos malamig ang buo niyang katawan. Kahit na saang lugar o saang anggulo niya ito tingnan ay mayroon itong nakakatakot na awra. May malalamig itong mga mata na akala mo ay mangangain ng buhay anumang oras.Bigla siyang napaatras ng hindi niya namamalayan na para bang nakakita siya ng isang multo. Hindi siya makapaniwalang napatingin sa taong nakatayo sa kanyang harapan. “Tito? An-anong ginagawa mo rito?” halos nauutal niyang tanong dito.Ang mga mata nito ay kumislap sa medyo madilim na silid. “Ikaw ang dapat kong tanungin, anong ginagawa mo rito?” balik nitong tanong sa kaniya. “A-ako?” halos hindi alam ni Ethan kung anong isasagot niya rito ng mga oras na iy
Totoo naman ang sinabi ni Ruby dahil ilang beses ng sinabi ni Ethan sa kaniya na napakapangit niya. Iyon naman talaga ang gusto niya, yung tipong walang magkakagusto sa kaniya dahil sa mukha niya. Hindi niya akalain na kahit na ganun ang itsura niya kaninang nagpunta sa lugar na iyon ay makukuha pa rin siyang pag-interesan ng lalaking iyon. Sana pala ay mas pinapangit niya pa ang sarili niya kung alam niya lang na ganun din pala ang mangyayari. “Alam mo naman na ikaw ang nobya ni Ethan hindi ba?” muling paalala sa kaniya nito. Malamig pa rin ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. “Syempre ay hindi gugustuhin ng kahit na sino sa pamilya na ang babaeng magiging manugang nila ay napakalikot pagdating sa lalaki.” Hilaw na tumawa si Ruby nang marinig niya ang sinabi nito. “So iyon ang iniisip mo Tito? Kaya ako nagpunta dito ay para maghanap ng dahilan para maputol ang relasyon namin ni Ethan?” Nagtagis ang mga bagang nito ngunit hindi din ito sumagot at dahil dito ay malinaw niyang nala



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



