PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita
Sa edad na labinwalong taong gulang, na-in-love si Senyorita Valeria Fuentes sa isa sa mga tauhan ng kanyang ama na si Carlos Guerrero
Hindi niya alintana ang malaking agwat ng kanilang pamumuhay. Langit si Valeria, lupa si Carlos at kahit kailan hindi pwedeng magtagpo ang dalawa lalo na at alam nilang tututol dito ang ama ni Valeria na mata-pobre.
Ngunit, walang sekreto na hindi mabubunyag. Pagkatapos kasing malaman ni Don Juanico na nakipagrelasyon ang anak niyang si Valeria sa isang patay gutom na si Carlos, isang pasya ang nabuo sa kanyang isipan
Pinapatay niya si Carlos kasama ang mga magulang nito!
Paano tatangapin ni Valeria ang lahat kung ang sarili niyan Ama ang naging dahilan ng pagkadurog ng puso niya?
Paano siya babangon kung isang araw, bigla na lang magpakita ulit sa kanya si Carlos, buhay at handang maghiganti sa kanyang ama pati na din sa kanya?
Mananaig pa ba ang pag-ibig or galit ang mangingibabaw sa mga pusong nasaktan? Hangang saan at kailan kakayanin ni Valeria ang hagupit ng paghihiganti ni Carlos Guerrero?