Mag-log inSi Agent Eighteen ay isa sa mga kilala at tinitingalang agent ng isang pribadong organisasyon na kung saan ang layunin ay mahuli ang mga malalaking kriminal na naninirahan sa Pilipinas. Dahil sa husay nito ay naatasan siyang hulihin ang isa sa pinakamalaki at pinaka delikadong Mafia Group sa Pilipinas, ang Black Spades. Sa pamamagitan ng kanyang undercover at pagpasok nito sa buhay ng mafia boss na si Death, matutuklasan ni Eighteen ang iba't-ibang gawain ng isang mafia at kung paano unti-unting mahuhulog ang kanilang damdamin sa isa't-isa.
view moreHalos lumaki ang butas ng ilong ko dahil sa inis. Hinawakan ko ang kamay nito ng mahigpit at kinagat ng malakas ang pisnge nito. “Heck!” Malakas na sigaw nito sa malakas na kagat ko. Namumula ang mukha nito na tila ba pinipigilan ang hapdi na kanyang naramdaman. Napangisi ako nang makita ang marka ng aking ngipin sa pisnge na tila ba isang tropeyo na napanalunan ko. “Deserve mo yang damuho ka!” Singhal ko at ngumisi. Inalis ko ang kamay ko rito at naglakad papasok sa loob na tumatawa. “Anong akala mo sakin basta-basta mo na lang makukuha? Sayo pa na kriminal?” Singhal ko at ngumisi. Nakita ko pa kung paano ito nagwala sa labas na ikinatawa ko. “You’ll punish me here huh? Baka ikaw magsisi.” Nakangisi kong wika at tumuloy na sa loob. Mabilis kong ini-scan ang buong paligid upang makakita ng papel at panulat ngunit bigo akong makakita kaya nagpasya na lang akong hanapin muli ang hikaw ko. Umabot ako ng 15 minutes kakahanap ngunit hindi ko ito nakita kaya nakaramdam na ako n
Pahila akong dinala ng guard sa isang lugar na madilim na may nakakatakot na ambiance. Kumunot ang noo ko nang mapansin na dumaan kami kung saan hinila kanina dito ang maid. “Papatayin niyo ba ang inosenteng tulad ko?” Mariin na tanong ko sa guard na hindi man lang ako pinansin. Hinagis nito ako sa loob kaya napatumba ako sa malamig at basang sahig. “Damuhong guard talagaaa! Aray!” Daing ko nang sumigaw ako. Nakakainis talaga! Kung wala lang talaga akong sa misyon ngayon paniguradong nakatikim na sa akin iyon ng suntok. Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko. Nilibot ko ang aking paningin sa madilim na malawak na kwarto na may nagtatanong na mata. Para bang nasa isa akong bodega na tila ba hindi pinupuntahan. Yumuko ako at hinawakan ang sahig. “What do you mean walang gumagamit nito? Basa ang paligid kaya paniguradong kakagamit lang ng lugar na ito,” Mahinang sambit ko. “You are absolutely right, Miss.” Gulat na napalingon ako sa lalaking may nakakapanigdig balahibo kung mag
Tumalsik ang maliit kong hikaw kung saan naroon ang maliit na voice tracker na nilagay namin. Agad na hinanap ko ito ngunit dahil nga sa sobrang liit nito ay mahihirapan akong makita ito. Nagulat ako ng hilain ako ng patayo ng lalaki na talagang nagpasabog ng init ng ulo ko. “I helped you when you were dying pero ito ang igaganti mo?! You really want to be killed, lady!” Nanggagalaiti nitong singhal sa akin. This man is really getting on my nerves! Kung hindi lang ito misyon, siguradong nagulpi ko na ito. He grabbed me on my wrist that made me ick. Ang sakit shutek! Dahil sa sobrang galit ko ay hinila ko ang kamay ko ng malakas sa kanya at bumwelo patalikod at malakas na sinampal ito sa kanan nitong pisnge. “Kanina ka pang gangster ka ha!” Singhal ko. Agad itong nakabawi sa pagkakasampal at halos maubusan na ako ng hininga nang mabilis itong makalapit sa akin na may namumulang mukha at mata. Mariin ako nitong hinawakan sa panga at ngumi
Walang emosyon nitong sambit sa akin. I remained silent on what he said. I heard a gasp on my ears na paniguradong narinig ng mga kasamahan kong agents iyon. Nagdiwang ako sa aking isip upon hearing that dahil alam na namin ngayon na siya talaga gumagawa ng mga patayan. Noong mabasa ko kasi ang case report sa itim na folder na ibinigay sa akin ni Chief Iron at Captain Jack ay nakita ko roon ang mga biktima na walang awang pinatay, pinugutan ng ulo at ang ibang biktima naman ay halos malasog na sa sobrang hati-hati ng mga ito. I’m going to kill this man, I swear! Siya ang pumatay sa kaibigan namin ni Grey na si Red! Ikinalma ko ang sarili dahil nararamdaman ko na sa sarili ko ang pagtaas ng dugo ko. Tinignan ako nito nang mariin ngunit wala pa ring mababakas na emosyon sa kanya. Katulad ng sinabi ko ay kakaiba ang ibinibigay nitong awra ngunit hindi ko pwedeng ipakita ang takot at kaba ko. Ano pa at naging isa akong sikat at magaling na Agent kung hindi ko tatalunin ang pakira
Sa buong buhay ko bilang isang agent ay bibihira lang ako makaramdam ng kaba at takot. Masasabi kong itong undercover ko ay ang pinaka nagbibigay sa akin ngayon ng takot at kaba. This is insane! Is it because I am finally inside the biggest and the most dangerous mafia’s lair?
"Huy, Grey!" Tawag ko rito na tama lang sa pandinig niya. Nagkatitigan kaming dalawa nito at halos masuntok ko ang braso nito nang hawiin nito ang mukha ko paalis sa harap niya. "Stop doing that to me," Wika nito at tumayo ng maayos. Nagsimula akong maglakad na sinundan niya
Paika-ika akong naglakad sa isang madilim at liblib na lugar. Ang suot kong puting bestida ay halos maging pula na dahil sa dami ng dugo na lumalabas sa aking dalawang saksak sa tagiliran na natamo. Pawis na pawis na ako at tila namumutla na rin ako dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin.






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.