Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Proposal

The Proposal

Kimberly De Leon
Si Alex Rivera ay isang Assistant Writer sa isang Television Company. Pangarap niyang makapagsulat ng sarili niyang drama at makilala rito. Mabait, pursigidong maabot ang pangarap, at mabuting anak sa mga magulang. Tutol ang ama ni Alex sa pagiging writer niya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay kinakailangan niyang umalis sa tinitirahan niya. Kailangan niyang humanap ng bagong niyang matitirahan kung hindi ay pauuwiin siya ng kanyang ama sa probinsya at patitigilin siya nito sa pagsusulat. Nakahanap siya ng taong naghahanap ng housemate sa tulong ng kaniyang kaibigan. Lumipat agad siya sa bahay nito ng hindi inaalam ang ibang detalye sa magiging kasama niya. Dahil sa magkasalungat na lifestyle ay hindi sila nagkikita ng housemate niya. Isang araw ay nalaman niya na lalaki pala ang housemate niya. Lalaki? Paano, isang babae at isang lalaki sa iisang bahay? Paano kapag nalaman ito ng kanyang ama? Paano ang kaniyang mga pangarap? Dahil sa pagiging desperado ay tinanong niya ang lalaki " Pwede mo ba akong pakasalan?"
Romance
102.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
STEP INTO MY HEART

STEP INTO MY HEART

Daylan
Spoiled si Lyra sa kanyang mga magulang magmula pagkabata. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya sa kahit na anong paraan. Ngunit may isa siyang gusto na kahit anong gawin niya ay hindi niya makuha-kuha. Ang mailap na puso ni Bradz Santillan. Ang binatang tinulungan ng kanyang mga magulang para makatapos ng pag-aaral. Dahil sa labis niyang pagmamahal dito ay nagawa niya itong pikutin. Nagtagumpay siyang makuha ang binata dahil pinakasalan siya ngunit inani naman niya ang galit nito. Paano niya ito tuturuang mahalin siya kung sa bawat pagsulyap sa kanya ay may halong pagkasuklam? Paano niya makukuha ang puso nito kung sa isang tawag lamang ng ex-girlfriend nito ay agad itong dumarating? Paano niya maipapanalo ang isang laban kung sa una pa lang ay alam na niyang talo siya?
Romance
102.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Sweet Beautiful Romance

The Sweet Beautiful Romance

Paano kung malaman mo na ang papel na pinirmahan mo na akala mo ay para sa insurance lang ay marriage certificate na pala? Paano kung magising ka na lang isang araw tapos malaman mong matagal ka na palang kasal sa isang lalake na hindi mo pa nakikita o nakikilala? Paano haharapin ni Mikael Mendoza ang panibagong buhay niya kasama ang isang lalake na ayaw makita ni anino niya? Damon Monverde, isang magaling at kilalang Doctor. Kinatakutan din siya dahil sa taglay na kagaspangan ng ugali nito na kahit pinakamaliit na pagkakamali ay hindi niya pinapalampas. A man with few words, but when he speaks it is sharper than the sharpest thing on earth. Paano matitiis ni Mikael Mendoza ang katulad niya? May pag-asa rin kayang mahulog sila sa isa't-isa? THE SWEET BEAUTIFUL ROMANCE
Romance
107.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Billionaire’s Revenge

The Billionaire’s Revenge

Stephany Pabillore
Si Savion Henriquez ay isang mahirap noon kaya sinaktan siya ng babaeng nagustuhan niya. Paano kung babalik ulit siya pero isa ng bilyonaryo? Paano kung ang babaeng nanakit sa kanya noon na galing sa mayamang pamilya ay magiging yaya na niya ngayon?
Romance
101.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Isang Gabing Pagsasalo

Isang Gabing Pagsasalo

Si Beatrix Del Rosario ang bunsong anak ng mga Del Rosario. Pitong taon na itong kasal kay Miggy Sandoval ngunit dahil sa hindi niya mabigyan ng anak ang kanyang asawa ay nagawa nitong mangaliwa sa kanyang pinsan at gusto siyang hiwalayan. Dala ng sakit ay nagpakalasing siya at nagawa pang humila ng isang lalaki sa hotel para lamang mapawi ang sakit na nararamdaman. Paggising sa umaga ay ni ayaw niyang makilala ang lalaking nakasiping at tanging ang tattoo lamang nito sa likod ang kanyang naaalala. Sinubukan niyang kalimutan iyon at ipokus ang sarili sa kumpanya lalo pa't malapit na silang matalo ng isang Levi Archer Alcantara na kanyang kinasuklaman sa taglay na kahambogan at isa ang lalaki sa suspect niya sa pagkamatay ng kanyang pamilya. Ngunit paano kung magbunga ng kambal ang isang gabing dala ng kalasingan? At paano kung makita niya ang tattoo sa likod mismo ng isang Levi Archer Alcantara na kanyang kaaway? At paano siya magiging masaya nang tuluyan kung nakatali pa siya sa dati niyang asawa?
Romance
10392.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK

MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK

TRAVIS MONTIERO- Walang hinangad kung ‘di ang makaganti sa babaeng kinasusuklaman at sinisisi niya sa trahedyang nangyari sa kanyang nag-iisang kapatid. Katulad sa mga plano niya ay nakalapit siya kay Catherine. And his almost there,  upang maisakatuparan ang kanyang mga plano.  Ngunit paano kung siya rin mismo ang mahuhulog sa sarili niyang patibong?  Paano kung matutuklasan niya ang katotohanan sa likod na nangyaring aksidente sa kapatid niya?  Subalit paano kung huli na ang lahat para sa kanila ni Catherine? Hindi kasama sa plano niya ang mainlove… CATHERINE HUMPAY- Na love at first sight,  unang kita niya pa lang kay Travis ay naging malakas na ang pagtibok ng kanyang puso. Naging roller coaster ang mga pangyayari sa pagitan nila ng binata.  Naikasal siya sa binata na walang kahirap-hirap.  She's dream of na mala fairy tale ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Ngunit kabaligtaran ang nangyayari.  Hanggang sa isang bagay ang kanyang naisip…
Romance
1012.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Deathly Fate Three: Death

Deathly Fate Three: Death

charmainglorymae
Sa buong buhay ni Raven, ito na siguro ang pinakamahirap at masakit na desisyon ng kanyang buhay. Pero wala siyang mapagpipilian dahil nakataya ang buhay ng kanyang ama. Umalis siya ng walang paalam. Sinapit ang kalupitan at napasailalim ng kasamaan. Paano pa makakaahon si Raven sa putik na kinasasadlakan niya, kung mismong ang taong inakala niyang hindi bibitiw ay pinalaya na siya? Paano aahon si Raven, kung ang dating Vander na minahal niya ay nagbago na? Paano siya makakawala sa kasamaan, kung wala na siyang rason para lumaban?
Sci-Fi
2.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)

When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)

Zxoul49
Masaya at makulay ang buhay ng isang artista. Tulad ni Aaron, na halos nasa kanya na ang lahat: kasikatan, kaibigan at minamahal na kasintahan. Ano pa bang kulang? Siyempre, para sa kanya ay wala na. Pero paano kung isang araw ay may magbago. Paano kung isa sa mga ito ang mawala sa buhay niya? At pumalit ang isang responsibilidad na hindi niya minsan na isip sa tanang buhay niya.
Romance
104.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Puppet

The Billionaire's Puppet

Crysineee
Walang ibang ginugusto, kun’di ang tahimik at magandang buhay ang dalaga na si Everleigh Evangelista. Wala sa kan’yang bokabularyo ang pag-ibig ngunit paano kung makatagpo siyang dalawang bilyonaryong lalaki na mag mamay-ari sa kan’ya? Ang bilyonaryong si Ezra Parker na bumili sa kan’yang pagkatao at si Alcair Carson na kan’yang asawa ngunit sa papel lang. Paano kung mabuo ang pagmamahal ng dalawang bilyonaryo sa kan’ya? Sino ang pipiliin niya?
Romance
102.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)

GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)

Hindi siya kagandahan alam niya. Minsan tinatawag pa siyang mukhang weirdo pero wala siyang pakialam. Siguradong-sigurado siya na mapapasakanya ang gwapong-gwapong si Clyde del Espania dahil umaasa siya sa gayuma na nakasulat sa libro ng lola niya. Paano naman kung ang lahat nang panggagayuma niya ay nauudlot dahil sa kinaiinisang kambal nito na si Kyle del Espania? Alam ng lalaki na patay na patay siya sa kambal nito kaya't tinutulungan siya ni Kyle kung paano siya mapapansin at magugustuhan ni Clyde. May sariling layunin din kasi ang lalaki. Gusto nitong mabawi ang babaeng mahal nito na si Claire na siya ngayong fiancee ng kambal. Pero paano pa niya ipagpapatuloy ang usapan nila kung siya mismo ang parang nagagayuma sa kambal ng lalaking kinababaliwan niya dati? Paano kung si Kyle na pala ang itinitibok ng puso niya? Makukuha niya rin kaya ito sa gayuma kahit alam niyang mahal na mahal pa rin nito ang ex nitong si Claire?
Romance
1039.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
1415161718
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status