Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Beyond Status: The Billionaire's Chosen Wife

Love Beyond Status: The Billionaire's Chosen Wife

Si Adam Joe, isang bilyonaryo. Maganda ang buhay dahil sa yaman na kaniyang pinag hirapan. Samantala si Elizabeth Fortes, hikahos sa kahirapan. May kapatid na malubha ang sakit, dahil sa sakit ng kaniyang kapatid na si AZ, kinailangan niyang kumapit sa patalim upang mapagamot ang nag iisang kapatid dahil wala na silang magulang. Si Adam ay mapaglarong tao, kahit na meron na siyang kasintahan ay nagawa pa din niyang magtaksil dahil hindi naman talaga niya lubos na gusto si Sabrina, pinag kasundo lang sila ng kaniyang Lolo at ng magulang ni Sabrina. Ano ang magiging papel ni Elizabeth sa buhay ni Adam? Magiging parausan lang ba siya ng bilyonaryong lalaki?
Romance
10593 viewsOngoing
Read
Add to library
SEDUCING THE CEO FOR MY BESTFRIEND

SEDUCING THE CEO FOR MY BESTFRIEND

Arnoldd
Si Candice ay isang ulila. nakapagtapos siya ng nursing dahil sa bestfriend na si Elora, hiniling kasi nito sa kanyang mga magulang na pag-aralin si Candice. pagkatapos ng graduation ay lilipad na sana papuntang US si Elora para doon mag-aral nang medicina, ngunit nagkaraon ito ng malaking problema nang hilingin ng isang mayamang pamilya na si Elora ang maging kabayaran sa malaking utang ng kanyang mga magulang. Hindi gusto ni Elora na ikasal siya sa lalaki kaya nakiusap siya kay Candice na akitin ito. Pumayag si Candice sa kasunduan at huli na ng malaman niya na ang CEO na dapat niyang akitin at ang lalaking kinamumuhian niya ay iisa, ano ang gagawin nya?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
When She Cries

When She Cries

Sa ilang taong pagsasama ni Lhaurize at Jaxon ay ni minsan ay hindi siya nito nabigyan ng kahit katiting na pagmamahal. Ginawa niya ang lahat upang maging mabuting asawa rito ngunit hindi pa rin sapat ang lahat ng iyon para mahalin siya ng kanyang asawa. Lahat ay ibinigay niya kay Jaxon ngunit sa huli ay nagawa pa rin nitong iwan siya at sumama sa iba. Tatlong taon ang lumipas nang muling magtagpo ang kanilang landas. Maayos na sana ang lahat ngunit isang pangyayari ang magiging dahilan upang naisin ni Jaxon na bumalik sa kanya. Handa nga ba si Lhaurize na patawarin at muling tanggapin sa buhay niya ang lalaking pinakamamahal o tuluyan ng ibaon sa limot ang lahat ng pagmamahal dito?
Romance
8.718.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO Boss Is My Ex-lover

The CEO Boss Is My Ex-lover

Akala ni Marianne “Anne” Dela Fuente tama ang desisyong iwan si Isagani Malcon. Sa tingin niya kasi ay walang magandang kinabukasan kung pipiliin niya ito. Kahit mahal niya si Isagani, pinili niyang lumayo dahil sa isang dahilan na siya lang ang nakakaalam. Paglipas ng walong taon, nagtagpo silang muli. Nag-apply si Anne sa isang malaking kumpanya at laking gulat niya nang malaman na ang may-ari nito ay si Isagani, ang lalaking iniwan niya noon. Ngayon, si Isagani na ang may kapangyarihan. At sa halip na pagmamahal, galit at paghihiganti ang bumabalot sa kanya. Gusto niyang iparamdam kay Anne ang sakit ng panahong iniwan siya nito. Pero paano kung sa gitna ng galit, muling umigting ang damdamin na matagal na nilang pilit kalimutan?
Romance
159 viewsOngoing
Read
Add to library
Accidentally Married to a Billionaire

Accidentally Married to a Billionaire

Para kay Tyra Reign Agustin, ang kasal ay isang mahalaga at sagradong seremonya na dapat pahalagahan ninuman. Samantala, iba naman ang pananaw ni Damien Alistair Prescott sa bagay na ito. Para sa kaniya, ang kasal ay walang importansiya at hindi dapat gaanong bigyan ng pansin. Nang makipaghiwalay si Tyra sa kaniyang dating nobyo na si Ethan Alexander Carter ay nakilala niya si Damien Alistair Prescott — isang hot bachelor CEO ng Prescott Nexus, na kilala bilang isa sa nangungunang maipluwensiya at makapangyarihang kumpaniya sa bansa. Ang kanilang unang pagkikita ay hindi pangkaraniwan. Suot ang pang-guwardiyang uniporme ay tumakas si Damien sa inihandang kasal ng kaniyang ina para sa kaniya, at sa kaniyang pagtakas ay nakasalubong niya ang umiiyak at lasing na si Tyra Reign. Dahil sa kagustuhang makatakas sa pangingialam ng kaniyang ina sa kaniyang buhay pag-aasawa ay walang pasubaling inalok ni Damien ng kasal si Tyra. Dala ng kalasingan at maling akala ay pumayag si Tyra na pumirma sa isang marriage contract. Sa kabilang banda ay naisip ni Damien na baka si Tyra na ang kaniyang hinahanap, dahil sa agaran nitong pagpayag sa kaniyang alok na pagpapakasal ay nagustuhan niya ito sa hindi malalim na paraan. Nakasuot lamang siya noon ng pang-guwardiyang uniporme ngunit nagawa pa ring sumang-ayon ni Tyra, para sa kaniya, ang babae ay ibang-iba sa nire-reto ng ina. Sa paglipas ng panahon ay nagkamabutihan sila, naging opisyal ang kanilang relasyon kahit pa hadlang dito ang pamilya ni Damien — lalo ang sariling ina nito. Ngunit dahil sa kaniyang pagmamahal kay Tyra ay nagawa niyang sumuway at labagin ang kagustuhan ng pamilya. Subalit ang kaniyang pagmamahal ang magbibigay rason kay Tyra upang iwan siya nito, bitbit ang isang sanggol na susunod na magmamana ng lahat ng mga kayamanan ng mga Prescott.
Romance
10532 viewsOngoing
Read
Add to library
Wild Night with My Stepson

Wild Night with My Stepson

Totoy
Isang gabing pagtatagpo, kapwa nahanap ni Chrisia at Errol ang comfort sa isa't isa. Nadala ng init ng gabi at natagpuan ang sarili sa bisig ng isa't isa. Nagbunga ang gabing iyon at pinili niyang itago ang bata. Lumipas ang limang taon, kasal na siya kay Michael, tinanggap nito ang bata ngunit nalaman niyang si Errol ay ang long lost son ng kaniyang asawa. Hanggang kailan niya itatago ang katotohanan? Paano kung magising na lang siyang nahulog na ang loob niya sa kaniyang stepson? May mga sikretong mabubunyag pero hanggang saan tutungo ang maling pagmamahal?
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
I Am Married To The Ruthless CEO

I Am Married To The Ruthless CEO

Espesyal daw ang araw ng kasal dahil dito nagsisimula ang isang kwento ng walang hanggang pagmamahalan. Pero sa akin, dito natapos ang lahat. Ang araw na pinangarap kong maging pinakamasaya, naging araw ng pinakamalalim kong sugat. Isang lihim ang sumira sa lahat—ang taong dapat kong makasama habangbuhay, may ibang pinili. Hindi ko na nakita ang altar. Hindi ko na narinig ang 'oo.' Ang tanging narinig ko lang ay ang pagkabasag ng pangarap ko. At sa araw na iyon, natutunan kong ang pagmamahal ay hindi laging sapat para tapusin ang isang kwento.
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Abducted By My Father's Enemy

Abducted By My Father's Enemy

Halos pagsakluban ng langit si Ambria nang malaman niyang namatay sa brutal na paraan ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag uuwi ng Pilipinas ay hindi niya sinunod ito at umuwi siya upang ipagluksa ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit nang pabalik na siya sa Europe upang ituloy ang kanyang Buhay ay hinarang ang kotseng sinasakyan niya patungong airport. Kinidnap siya ng armadong mga lalaki at ikinulong sa madilim na kuwarto. Hindi siya nakaramdam ng takot dahil alam niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng mga kumidnap sa kanya at hinanda na niya ang kanyang sarili na mamatay at sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hindi kamatayan kundi kasal sa Isang estranghero ang i-alok sa kanya upang makalaya? Papayag ka siya sa kasunduan? O papayag siya upang mahanap at makapaghiganti sa taong tumapos sa Buhay ng kanyang natitirang magulang?
Mafia
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Possessive Prince

The Possessive Prince

Ako si Skyler Dela Rio ang nag-iisang slave ni Prince Alexander Monte Verde Matalik kaming magkaibigan simula pagkabata dahil ako ay isa ring prinsipe noon na anak ng hari at reyna ng Kaharian ng Dela Rio ngunit nagbago ang takbo ng lahat simula noong mamatay ang aking mga magulang. Kinupkop ako sa kaharian ng Monte Verde at nagtrabaho bilang slave ng prinsipe Magkaibigan kami ngunit hindi niya alam na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa kaniya Paano kaya kapag nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kaniya? Susuklian niya ba itong pagmamahal ko sa kaniya o ipagtatabuyan niya ako sa kaharian? Basahin kung ano ang magiging takbo ng aming storya!
LGBTQ+
912.4K viewsCompleted
Read
Add to library
His Rebel Wife

His Rebel Wife

Inbluence
Sa kagustuhang maipagamot ang kaniyang ina at matustusan ang pag-aaral ng mga kapatid, susuungin ni Chivalry Sandimar ang lahat ng maaaring pasukin; marumin man, mahirap o delikado—na siya ring naging dahilan upang makilala niya si Gavin Ladeo Ambrosia. Inalok siya nito ng isang kasunduan: ang mabigyan ito ng anak. Ngunit taliwas sa inaasahan, hindi lang isa ang nabuo kundi dalawa. Paano niya ipauubaya ang kaniyang mga anak sa lalaking nagkaroon na ng malaking parte sa buhay niya? Lalo pa't hindi lingid sa kaniyang kaalaman na hindi na purong trabaho ang namamagitan sa kanila... 'pagkat kusa siyang nagpaubaya nang gabing iyon dahil sa lihim na pagmamahal niya para rito. Makakaya ba niyang panindigan ang kontrata o tatanggapin niya na lang ang karampatang parusa?
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status