Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Is Strange

Love Is Strange

Bumukas ang malaking pintuan sa harap ko, at narito ang lalaking minamahal ko, ang mata'y walang damdamin habang lumalapit ako sa altar. Ngumiti ako kahit na masikip ang dibdib ko. Narinig ko ang musika habang dahan-dahang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa harap. Si Kiel, nakatitig nang seryoso sa akin. Walang kahit anong kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha, at ito'y nagdulot ng kirot sa aking puso. Iniharap ko ang aking kamay, ngunit itinuring niyang wala ito at agad na umusad patungo sa harap ng pari. Iniwan akong nakatambad ang kamay sa ere. Yumuko ako, bahagyang nahihiya. Sumunod ako sa harap ng pari, at sinimulan na ang misa. "Maari mo nang halikan ang iyong asawa," ang sabi ng pari. Humarap ako kay Kiel, inaasahan ang isang halik sa labi, ngunit sa pisngi lamang ito dumapo. "Nakuha mo na ang titulong Mrs. Valerian, ngunit tiyak kong hindi mo makukuha ang aking pagmamahal," bulong niya. Pumikit ako, at naramdaman ang sakit sa aking puso. "Tandaan mo 'yan, Sam? Hindi mo makukuha ang aking pagmamahal dahil may iniibig na ako," dagdag niya habang nagpalakpakan na ang mga tao. Tumulo ang isang butil na luha. "Sarap mong pagmasdan habang umiiyak," layo na nito sa akin pagkatapos ng mga salitang iyon at agad na lumabas ng simbahan. Pinalis ko ang luha ko at mag-isang ngumiti sa harap ng mga taong masaya para sa amin. Kumikirot ang dibdib ko sa likod ng aking mga ngiti. Daig ko pa ang sinaksak, ngunit hindi ko pinahalata. "Saan pupunta ang asawa mo?" inosenteng tanong ng isang matanda. Ngumiti ako, ngunit hindi na nagbigay ng pagsasalita. "Baka excited lang," mapanukso ng isa. Tumawa ako, kahit na parang pinipiga ang puso ko. Ako si Samantha Alexandria Perez, o dapat bang sabihin Samantha Alexandria Perez Valerian, and I am his unwanted wife.
Romance
1029.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Unwanted Wife's Second Chance

The Unwanted Wife's Second Chance

Sa ika-dalawang anibersaryo ng kasal ng mag asawang Enrico Dela Muerte at Carmina Ocampo ay parehas silang may gustong sabihin sa isa’t isa. Hindi pinairal ni Carmina Ocampo ang kasabihang ‘ladies first’ sa kadahilanan na gusto niya munang marinig kung ano ang inihandang surpresa ng kaniyang asawa para sa kaniya. Subalit, biglang naghain ng divorce si Enrico na sobrang ikinagulat ni Carmina. Ikinagulat ito ni Carmina sapagkat, gano’n ba kabilis? Gano’n lang siya kabilis bitawan ni Enrico? Tumulo ang luha ni Carmina habang hawak sa kaniyang kamay ang isang pregnancy test sheet na nasasabik niya sanang ibabahagi kay Enrico para sa kanilang anibersaryo. Dahilan sa halo halong emosyon na nararamdaman ni Carmina ay hindi na niya naiwasang itanong kay Enrico kung paano kung sabihin niya na magkakaroon na sila ng anak? Ngunit hindi inaasahan ni Carmina ang naging sagot sa kaniya ni Enrico---bumalik na ang totoong minamahal ni Enrico. Makalipas ang ilang buwan, habang tinatahak ni Carmina ang kalsada upang tumawid, naramdaman niya ang kakaibang sakit ng tiyan niya kaya bigla siyang napahinto sa paglalakad, ‘manganganak na ata ako’, wika niya sa kaniyang sarili. Eksaktong hinto ni Carmina ay siya namang naramdaman niya ang sakit mula sa pagkabunggo ng isang sasakyan sa kaniya. Eksaktong kasal ni Enrico at siya ay nasa simabahan nang mabalitaan ang nangyari kay Carmina at agad itong lumisan. Humahangos, nakarating siya sa ospital kung saan dinala si Carmina at hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita---DUGO! Nababalot ng dugo si Carmina at kitang-kita niya itong naghahabol ng hininga at paulit-ulit na sinasambit, ‘Pakiusap, pakiusap, iligtas n'yo ang anak ko.
Romance
1015.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Possessive Prince

The Possessive Prince

Ako si Skyler Dela Rio ang nag-iisang slave ni Prince Alexander Monte Verde Matalik kaming magkaibigan simula pagkabata dahil ako ay isa ring prinsipe noon na anak ng hari at reyna ng Kaharian ng Dela Rio ngunit nagbago ang takbo ng lahat simula noong mamatay ang aking mga magulang. Kinupkop ako sa kaharian ng Monte Verde at nagtrabaho bilang slave ng prinsipe Magkaibigan kami ngunit hindi niya alam na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa kaniya Paano kaya kapag nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kaniya? Susuklian niya ba itong pagmamahal ko sa kaniya o ipagtatabuyan niya ako sa kaharian? Basahin kung ano ang magiging takbo ng aming storya!
LGBTQ+
912.6K viewsCompleted
Read
Add to library
After One Night, He Became My Boss

After One Night, He Became My Boss

Akala ni Elena ay handa na siyang umalis sa nakaraan matapos ang pagkakanulo ng kanyang pamilya at ang planong kasal na para lang sa kapatid niyang paborito. Sa isang gabing wasak ang puso at puno ng galit, nagpakalunod siya sa alak at sa yakap ng isang estrangherong lalaki-gabing akala niya'y mananatiling lihim magpakailanman. Pero hindi niya inaasahan na nakatakda na pala silang muling magkita. Ngayon, boss at sekretarya ni Enzo Monteverdi. Sa bawat titig na puno ng alaala at bawat sandaling sila lamang ang magkasama, unti-unting nabubuhay ang isang pagnanasa na hindi dapat maramdaman. Isang pag-ibig na kailangang itago. Isang lihim na maaaring sumira sa kanilang reputasyon, pamilya, at prinsipyo. Hanggang saan sila lalaban kung ang pagmamahal ay bawal... at ang mundo ay handang humusga?
Romance
529 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO Boss Is My Ex-lover

The CEO Boss Is My Ex-lover

Akala ni Marianne “Anne” Dela Fuente tama ang desisyong iwan si Isagani Malcon. Sa tingin niya kasi ay walang magandang kinabukasan kung pipiliin niya ito. Kahit mahal niya si Isagani, pinili niyang lumayo dahil sa isang dahilan na siya lang ang nakakaalam. Paglipas ng walong taon, nagtagpo silang muli. Nag-apply si Anne sa isang malaking kumpanya at laking gulat niya nang malaman na ang may-ari nito ay si Isagani, ang lalaking iniwan niya noon. Ngayon, si Isagani na ang may kapangyarihan. At sa halip na pagmamahal, galit at paghihiganti ang bumabalot sa kanya. Gusto niyang iparamdam kay Anne ang sakit ng panahong iniwan siya nito. Pero paano kung sa gitna ng galit, muling umigting ang damdamin na matagal na nilang pilit kalimutan?
Romance
316 viewsOngoing
Read
Add to library
When She Cries

When She Cries

Sa ilang taong pagsasama ni Lhaurize at Jaxon ay ni minsan ay hindi siya nito nabigyan ng kahit katiting na pagmamahal. Ginawa niya ang lahat upang maging mabuting asawa rito ngunit hindi pa rin sapat ang lahat ng iyon para mahalin siya ng kanyang asawa. Lahat ay ibinigay niya kay Jaxon ngunit sa huli ay nagawa pa rin nitong iwan siya at sumama sa iba. Tatlong taon ang lumipas nang muling magtagpo ang kanilang landas. Maayos na sana ang lahat ngunit isang pangyayari ang magiging dahilan upang naisin ni Jaxon na bumalik sa kanya. Handa nga ba si Lhaurize na patawarin at muling tanggapin sa buhay niya ang lalaking pinakamamahal o tuluyan ng ibaon sa limot ang lahat ng pagmamahal dito?
Romance
8.720.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Wicked Mrs. Gastrell (Tagalog)

The Wicked Mrs. Gastrell (Tagalog)

Covey Pens
Isa lang ang dahilan ni Karina sa pagbabalik sa Cerro Roca— ang bawiin ang asawa mula kay Elizabeth Asturia na may malaking pagkakautang sa kaniya. Gagawin niya ang lahat kesehodang gamitin ang sariling katawan para muling mabighani si Cholo Gastrell at mapaibig ito. But unfortunately, Cholo doesn't want to do anything with her anymore. He insulted and pushed her away but she never wavered for she has all the right to claim him as hers with the marriage certificate in her keeping and the wedding band in her finger. Pero ang akala niyang madaling gawin ay nabasag nang malaman niyang ikakasal na pala ang dalawa. Nonetheless, Karina will deliver her promise. Mrs. Gastrell will make sure that by hook or by crook, she'll get her husband back.
Romance
105.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Unveiling Hidden Desires

Unveiling Hidden Desires

AISLEMOURN
Laki sa layaw at brat si Beatrice Lustre. Dahil nag-iisang anak, alam niya sa sariling siya ang magiging heiress sa nagkalat na branches ng Lustre Hotel Services sa Pilipinas. Kaya naman sa debut party ng dalaga, engrandeng selebrasyon ang inihanda ng mga magulang. Ang hindi niya alam, sa pagkakataong iyon na pala magbabago ang kaniyang buhay. Dumating ang unfamiliar na gwapong lalaki bilang last dance niya, si Lucas Sebastian Apollo. Siya ang pinakabatang bilyonaryo sa bansa at CEO ng Apollo Groups of Companies. Ang nakatakdang ikasal kay Beatrice pagtungtong ng dalaga sa ika-25 anyos. At dahil unang pagtatagpo pa lamang, pagkamuhi ang namuo sa dalawa. Sa stubbornness ni Beatrice, hindi ito basta-basta magpapakontrol. Bagay kung saan mababa ang tolerance ni Lucas lalo't sanay na nasusunod ang lalaki. Paano nila pakikisamahan ang isa't isa? Ano ang magiging takbo ng buhay nila sa kanilang arranged dating at marriage life? Posible kayang maramdaman ang tunay na pag-ibig sa pagitan nila kung ang kasal ay may malalim pa lang tinatagong agenda?
Romance
10866 viewsOngoing
Read
Add to library
Wild Night with My Stepson

Wild Night with My Stepson

Totoy
Isang gabing pagtatagpo, kapwa nahanap ni Chrisia at Errol ang comfort sa isa't isa. Nadala ng init ng gabi at natagpuan ang sarili sa bisig ng isa't isa. Nagbunga ang gabing iyon at pinili niyang itago ang bata. Lumipas ang limang taon, kasal na siya kay Michael, tinanggap nito ang bata ngunit nalaman niyang si Errol ay ang long lost son ng kaniyang asawa. Hanggang kailan niya itatago ang katotohanan? Paano kung magising na lang siyang nahulog na ang loob niya sa kaniyang stepson? May mga sikretong mabubunyag pero hanggang saan tutungo ang maling pagmamahal?
Romance
103.5K viewsOngoing
Read
Add to library
I Am Married To The Ruthless CEO

I Am Married To The Ruthless CEO

Espesyal daw ang araw ng kasal dahil dito nagsisimula ang isang kwento ng walang hanggang pagmamahalan. Pero sa akin, dito natapos ang lahat. Ang araw na pinangarap kong maging pinakamasaya, naging araw ng pinakamalalim kong sugat. Isang lihim ang sumira sa lahat—ang taong dapat kong makasama habangbuhay, may ibang pinili. Hindi ko na nakita ang altar. Hindi ko na narinig ang 'oo.' Ang tanging narinig ko lang ay ang pagkabasag ng pangarap ko. At sa araw na iyon, natutunan kong ang pagmamahal ay hindi laging sapat para tapusin ang isang kwento.
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status