Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

Jessica Adams
BOOK 1: TIMELESS ONES Ipinangako ni Fritz sa sarili niyang walang ibang babae siyang iaakyat sa dream house niya maliban kay Julia. Ang nag-iisang babaeng minahal at minamahal niya mula pagkabata. Pero nasira ang pangakong iyon nang hingin ng isang malapit na kaibigan na patuluyin niya doon ang isang nangangailangan na sa kalaunan ay napag-alaman niyang si Julia pala. Time is forever for those who love truly. Pero paano mangyayari iyon kung nariyan ang asawa ni Julia na siyang mas may higit na karapatan sa babaeng pinakamamahal niya? BOOK 2: JOURNEY TO FOREVER Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba. BOOK 3: UNBROKEN VOW Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusi'y posible ring masira?
Romance
9.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Let's Play Hide and Seek

Let's Play Hide and Seek

Reynang Elena
"Parang awa niyo na itigil niyo na to."- pagmamakaawa ng isang dalaga Ngunit wala man lang siyang ibang narinig kundi puro tawanan. Kitang kita niya sa mga mukha ng mga taong nasa harap niya ang mga ngisi sa kanilang mga labi. 'Kahit maubos pa ang boses mo kakasigaw Crystal walang makakarinig sayo dito hanggang sa mamatay ka."- nakangiting wika ng babae na nasa harapan niya. "Teka teka sandali! Sandali lang Yessie. Wala sa plano to."- pagpigil ng isa pang boses. Halos hindi na matingnan ni Crystal kung sino ito. 'And so? You think I care? She deserve it! Sge deserve to die!!."- puno ng kaseryosohan na saad ni Yessie. 'Sinusumpa ko maybabayad kayo! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyong to. Hindi ko kayo papatahimikin!'- nakakakilabot na sigaw ng dalaga kahit na nahihirapan na ito. 'Talaga? Sa tingin mo mangyayari pa yun? Sa tingin mo magagawa mo pa yun? Hahaha! Huwag kang magpatawa! Ito na ang huling gabing masisilayan mo ang mundo. Paalam Crystal! Rest well darling.'- ngising sabi nito at walang ka abog abog na hinampas ng kahoy ang kamay dahilan para mapabitaw ito at malaglag. Halos hindi ako makahinga sa nakita. I'm so sorry! Paano nga ba matatapos lahat ng to kung hindi nila alam kung sino ang totoong kalaban? Buhay ang kinuha at buhay din ang magiging kapalit. Pinaglalaruan ng isang tinig! Boses na nakakapangilabot. Paulit ulit na naririnig at kapag narinig mo ito magtago kana, dahil ikaw na ang susunod. "Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. isa, dalawa, tatlo. Pag nahuli ko ay papatayin ko" Pag narinig mo ang katagang yan ay magtago kana. Run and hide as fast as you can. Save yourself before it's too late. Killer is here, death is everywhere. Be careful who you trust. Tik tak Tik tak...
Mystery/Thriller
106.3K viewsOngoing
Read
Add to library
ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

Jessica Adams
"You're breaking up with me kasi sa tingin mo mas magaan? Ganoon ba iyon?" ang mahinahon pero puno ng hinanakit na tanong-sagot sa kanya ni Uriel. Sinubukan niyang magbuka ng bibig para magpaliwanag pero walang anumang salita siyang naibulalas kaya nagpatuloy ang binata. "Kasi wala pa tayong isang taon kaya iniisip mong hindi pa kita ganoon kamahal?" noon na galit na napatayo si Uriel. "Very childish, and I should tell you, that was the most bullshit excuse that I have ever heard!" ang galit na sagot ni Uriel na tila ba hindi narinig ang sinabi niya. Malakas na sampal ang pinadapo ni Therese sa pisngi ng binata dahil doon. "Sa tingin mo madali ito? Ginagawa ko ito para sa'yo!" "Really?" ang binata na mapait pang tumawa. "para sa'kin o para sa sarili mo?" "How dare you!" si Therese na muling napaiyak. "Well same here! Bakit sa tingin mo ba may magbabago sa kundisyon mo kapag inalis mo ako sa buhay mo?" "Tumigil ka!" "No! Hayaan mo akong magsalita okay? You've done too much talking already so I guess it's my turn now!" Natigilan si Therese sa nakita niyang magkahalong galit at paghihirap sa mukha ni Uriel kaya hindi siya nakapagsalita at umiiyak na pinakinggan ang lahat ng sinabi ng binata. "Masakit oo, at ako mismo natatakot na ngayon palang. But I'm not like you. Kasi kahit natatakot ako at nahihirapan, sinusubukan ko paring ihanda ang sarili ko. Pinag-aaralan kong tanggapin ang lahat. Kasi gusto kong maging masaya ngayon, habang nandito ka pa, habang kilala mo pa ako," ani Uriel na tuluyan na nga ring napaiyak. "Simple lang naman ang gusto ko, bigyan mo ako ng role sa buhay mo, kahit maliit lang," ang pagpapatuloy nitong pakiusap saka nagpahid ng mga luha. "U-Uriel," aniyang isinubsob ang mukha sa palad saka napahagulhol.
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
414243444546
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status