Lahid
"Dahil ang ginawa kong paraan na tinawag na Hemos Nateis Necromania ay ang natatanging paraang nakita ko upang maging tagumpay ang aming hangarin na matapos ang suliranin sa mga bampira. Ito ay paraang pagbubuklod sa mga tinaguriang mga isinumpang dugo. Ayon sa paraang iyon, dapat ay makalikom kami ng apat na ibat ibang isinumpang dugo sa mundo upang magawa ang Hemos Nateis Necromania. Ang apat na ito ay ang dugo ng isang manggagaway, dugo ng isang taong lobo, dugo ng isang bampira at dugo ng isang mortal na tao. Gamit ang aking kapangyarihan, ipinagbuklod ko ang mga dugong ito upang magiging isa at inilagay ko ang kapangyarihang ito sa baog na sinapupunan ng iyong ina. At ipinanganak na nga
Bab Populer