Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
PAID IN SHADOWS

PAID IN SHADOWS

Sa Pilipinas, hirap at tiyaga ang susi sa pag-angat, lalo na para sa mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Si Tresandrus Villafahr o kilala sa pangalang Tres, isang binatang may matayog na pangarap para sa pamilya— ay napilitang tumigil sa pag-aaral upang suportahan ang kapatid at alagaan ang maysakit nilang ina. Bilang breadwinner ng pamilya, pinasok ni Tres ang trabahong labag sa kanyang paniniwala at prinsipyo—ang pagiging male prostitute. Nilunok niya ang kanyang hiya at dignidad, isinakripisyo ang kanyang sarili para sa kinabukasan ng pamilya. Sa madilim na mundong kaniyang ginagalawan, isang gabi, pinasok ni Tres ang madaliang trabaho para kumita ng mas malaking halaga na makakapagligtas sa Nanay niya—ang maging isa sa bidding item. Sa gitna ng tila mga hayok na mayayamang kalalakihan, isang naiibang babae ang nagtaas ng bid paddle at binili siya sa halagang hindi kayang pantayan ng sinumang naroon sa kaniyang harapan. Ang gabing iyon ay nagbukas ng isang bagong kabanata sa buhay ni Tres. Sino ang babaeng ito at ano ang dala niyang pagbabago? Magkakaroon kaya si Tres ng lakas upang baguhin ang kanyang kapalaran, o mananatili siyang alipin ng mga makapangyarihan? Magkakaroon kaya sila ng pangalawang pagkakataon, o ito’y panandalian lamang?
Romance
10158 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Desire of a CEO

The Desire of a CEO

Simula't-sapul, inlove na si Graziana Iglesias sa boss na si Thunder Santillan. Ang CEO ng Santillan Group of Companies. Dahil sa pagkamatay ng asawa nito, ibinuro nito ang sarili sa isang lugar sa bicol. Namuhay ito ng normal. At siya, na sekretarya nito, sa kan'ya iniatang nito ang responsibilidad nito bilang CEO. Lahat kinaya niya mapansin lang ng boss.Lahat ginagawa niya ma-appreciate lang siya ng boss. Ang buong akala ni Graziana, tutugunin na nito ang matagal na niyang pinapangarap na pagmamahal mula sa boss. Hindi pa pala. Umibig na naman ang boss niya sa isang babaeng estrangherang, na sadyang pinapalitan nito ang mukha, at isinunod sa dating asawa nito. Isang araw, nagising na lang siyang pagod na. Pagod na sa kakahintay sa boss. Nag-resign siya sa kompanya nito. Dalawang araw bago ang flight niya papuntang US, hindi niya inaasahang ipapatawag siya ni Thunder. Dinamayan na naman niya ito sa problema nito sa babae. Nagpakalasing sila, hanggang sa dumating sa puntong isinuko niya ang pagkababae dito at hindi niya akalaing magbubunga iyon... Ano nga ba ang gagawin ni Thunder kapag nalaman nitong nagbunga ang isang maiinit na gabi nila ng sekretarya?
Romance
10170.9K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (33)
Read
Idagdag sa library
Rizalyn Joy Borres
this story will teach you what love really means. that love should be patience, understanding and unconditional. patience interms of kung paano at kailan ka susuko at lalaban.understanding interms of understand the situation whether its good or bad but then again chose to be right and be kind.
Che Dee
mat,gal na akong silent reader ni Miss Ava nah, ang pinka una kong nabsa sa knya yung My secretary owns me, dun nagumpisa na mahook aq sa mga story ni missA, natigil lang ako nong nabsa ko ung Chasing Magda ...... natrauma ako dun, ksi nwala ung FL, pero nakita ko meron pla si mssA dito sa GN, kya
Basahin ang Lahat ng Review
Following The Ferrario

Following The Ferrario

"Babayaran kita sa kahit magkanong halaga basta't paligayahin mo lang ako." Wala nang ibang nagawa si Karen kundi tanggapin ang alok ni Mr. Valer Ferrario nang sabihin ito sa kaniya. Ano bang magagawa niya sa sunod-sunod na negatibong nangyayari sa kaniyang buhay; na-ospital ang kaisa-isang anak, pinalayas sa tinutuluyan nilang apartment at natanggal pa sa trabaho. Kaya't kahit labag sa loob ay sumang-ayon siya sa alok ng mayamang lalaking ito. Alam niyang magagamit niya ito para magkaroon ng maraming pera. Ngunit paano kung magkaroon din siya ng pagtingin kay Mr. Ferrario? Sa lalaking pamilyado na?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Missing Heir

The Missing Heir

MERIE
Nakidnap si Alyssa, isang kilalang aktres-model sa hindi niya malamang dahilan. Nang makakakita siya ng pagkakataon, nagawa niyang makatakas mula sa mga kumidnap sa kanya. Sa kanyang pagtakas, napadpad siya sa isang isla. Doon niya nakilala si Mark. Si Mark ay isang military man. Iyon ang buong akala ni Alyssa tungkol sa binata. Ngunit hindi pala. Ang pagkatao pala nito ay nababalot ng isang sikreto. Sikreto na noon lang muli mauungkat. Sino ba talaga si Mark? Ano kaya ang sikreto sa likod ng pagkatao nito? Magiging hadlang kaya ang sikretong ito sa namumuong pagmamahalan sa pagitan ni Alyssa at Mark?
Romance
3.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Dangerous Man Series 1: Edwyn Patterson

Dangerous Man Series 1: Edwyn Patterson

gurlxmilo
Kwento ito ng dalawang tao na kung saan ay magtatagpo sila ng landas dahil lang sa isang dare na naganap. Si Raine ay walang ibang iniisip kundi ang makaahon sa kahirapan upang makabawi sa kaniyang pamilya ay binuhos jito ang kaniyang atensyon sa pamilya ngunit niloko siya ng kaniyang nobyo. Wala na ulit sa isip niya na pumasok ulit sa relasyon ngunit. Isang araw ay bigla na lang siyang kinuha ng isang lalaki na lingid sa kaniyang kaalaman na ang lalaki palang kumuha sa kaniya ay hindi isang mabuting tao.
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Hot Na Mekaniko

Ang Hot Na Mekaniko

Si Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng matipuhan ay nakukuha nya. Pero paano kung sa isang dalagang mas bata sa kanya ng labing tatlong taon sya nakaramdam ng init na katawan? Na ang turing sa kanya ay parang kuya. Mapigilan nya kaya ang pagnanasang nararamdaman sa dalaga o magpapaalipin sa nais ng katawan na maangkin ito. Pierre Allen Rosca at Anika Robles story.
Romance
1016.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Make Him Better in 370 Days

Make Him Better in 370 Days

Line_Evanss
Jaxon Rayleigh Laxamana ay isa sa tinaguriang hottest and powerful bachelor sa bansa. Matalinong businessman, misteryoso, at kilala rin bilang isang magaling na engineer sa loob at labas ng bansa. Ngunit isang malagim na trahedya ang makakapagpabago sa kanyang buhay. Siya ay naparalisa, naging mahina at itinago ng kanyang pamilya sa loob ng mansyon upang ilihim sa lahat ang nangyari dahil lubos na makakaapekto sa mga taong nasasakupan niya at sa kanyang career. Shantal Alleiah Magnayon, ay isang fresh graduate criminology student at kilala din sa larangan ng taekwondo dahil sa mga napanalo niyang medalya sa labas ng bansa. Akala niya ay magkakaroon siya ng normal na buhay at trabaho sa oras na siya ay nakapagtapos. Ngunit kakaibang trabaho ang ibinigay sa kanya ng kanyang tiyuhin na isang higher official. Papasok siya bilang private nurse ni Jaxon Laxamana at tutulungan niya itong gumaling sa loob ng 370 days. Dahil kapag hindi nagawa iyon ni Shantal, ay tuluyan nang mawawala kay Jaxon ang lahat. Ang kanyang kayamanan, tauhan at kapangyarihan. Ano kaya ang matutuklasan ni Shantal sa misteryosong nangyari kay Jaxon kung bakit ito naparalisa at nawalan ng kridibilidad. Paano matutulungan ni Shantal si Jaxon para makabalik sa dating sitwasyon ang binata? Will she able to help Jaxon and retrieve all his wealth and strengths or she will fail him? Will she be able to make him better in 370 days?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
INSTANT BILLIONAIRE (Tagalog)

INSTANT BILLIONAIRE (Tagalog)

Alex ang mayamang pangalawang henerasyong tagapagmana ng prestihiyosong pamilyang Ambrose, sa wakas ay natapos na ang kanyang pitong taong mahabang programa sa pagsasanay sa kahirapan. Minsan ay isang milyonaryo ay hinubaran siya ng kanyang kayamanan upang malaman ang halaga ng pera at pagsusumikap. Ngayon, nabawi na niya ang kanyang pagiging milyonaryo. Ngunit sa wakas ay makakatagpo na ba ng kaligayahan at pag-ibig si Alex ngayong mayaman na ulit siya? Tunay bang ginto ang lahat ng kumikinang? Sa muling pagpasok ni Alex sa mundo ng kayamanan at pribilehiyo, dapat niyang i-navigate ang mga hamon ng pagkakasundo ng kanyang mga nakaraang karanasan sa kanyang kasalukuyang katotohanan. Nagbago ang mga tao sa paligid niya, at ganoon din siya. Ang mga dating kaibigan at bagong kakilala ay susubok sa kanyang integridad, habang ang mga potensyal na pag-iibigan ay magtatanong sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligayahan. Samahan si Alex sa kanyang paglalakbay nang matuklasan niya na ang kayamanan lamang ay hindi makakabili ng pinakamahalagang bagay sa buhay. Makakahanap ba siya ng tunay na kaligayahan at pag-ibig, o ang mga bitag ng kayamanan ay magdadala sa kanya sa landas ng kawalan ng laman at kababawan? Tuklasin ang mga kumplikado ng kanyang buhay sa isang kuwento ng pagbabago, pagtuklas sa sarili, at paghahanap ng tunay na katuparan.
Urban
1029.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
His Poisonous Touch

His Poisonous Touch

Si Adelaine Funtales, kilala sa screen name bilang Lalaine ay nagtungo sa Berlin kasama ang buong production team. Sa bansang iyon nakilala niya si Mr. Schmidt. Ang direktor ng Germany show business at entertainment. Wala itong ibang pagnanais kundi ay ang makilala si Lalaine nang lubos. Lingid sa kanyang kaalaman ang masamang binabalak nito. Nilagyan ni Schmidt ang puting tela ng chloroform dahilan kung bakit nakatulog si Lalaine sa loob ng sasakyan nito. Nang siya'y magising, nasa ibabaw na siya ng kama. Tanging kumot ang nakatakip sa katawan, naghihingalo sa takot, nanginginig sa lamig. Akala ni Lalaine ay doon nagtatapos ang kasamaan ni Schmidt. Dinala siya nito sa auction hall. Ang lugar kung saan ay mga babaeng katulad niya ang ibinibenta para sa mga banyaga ng legal. Walang papeles, madaliang proseso. Walang nakakaalam sa lugar na iyon kundi ay ang mga taong hayok sa laman. Binili siya ni Massimo Valerio sa napakalaking halaga. Akala niya'y tutulungan siya nitong makalaya ngunit dinaig pa nito si Mr. Schmidt sa kasamaang binabalak laban sa kanya. Lalo at nalaman ni Lalaine ay ito pala ang Chief Executive Officer, Chairman, or Founder ng buong major media conglomerates, studios, o talent agencies. Ano ang laban niya sa isang mayaman, at makapangyarihang lalaki? Paano siya makakalaya?
Romance
395 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Revengeful Heiress

The Revengeful Heiress

Iya Perez
Warning: READ AT YOUR OWN RISK! (WILD AND EXPLICIT SCENES ARE PROHIBITED FOR YOUNGSTERS!) Walang ibang nais si Atasha Revamonte kundi makaranas ng tunay na pagmamahal mula sa taong nais niyang makasama habang buhay. Akala niya ay maligaya at masaya ng buhay ang sasalubong sa kaniya pagdating niya sa Paso De Blas. Akala niya ay langit ang kaniyang mararanasan sa piling ni Marco Madrigal na lalaking kaniyang mahal. Ngunit nagkamali siya. Impiyerno pala ang naghihintay sa kaniya at pagmamalupit ang mararanasan niya sa mga kamay nito. Paano matatakasan ni Atasha ang pamilyang pinagmalupitan siya sa loob ng isang taon? At paano pababagsakin ng dalaga ang pamilya Madrigal na siyang sumira sa buhay niya at sa kaniyang buong pagkatao?
Romance
104.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3839404142
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status