Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Punished By The Mafia Billionaire

Punished By The Mafia Billionaire

Hindi ako marunong maging mahina. Sa buong buhay ko, kamao ang naging sagot ko sa lahat. Kapag may nanakit... lumalaban ako. Kapag may nang-api... sumusuntok ako. Dahil iyon lang ang alam kong paraan para mabuhay. Pero walang suntok ang kayang talunin ang sakit ng makitang unti unting nilulunod ng sugal ang sarili mong ama. Isang gabi... isang maling suntok ang tuluyang sumira sa buhay ko. Akala ko isa lang siyang bastos na customer sa nightclub na pinagtatrabahuhan ko. Kaya pinatikim ko siya ng pinakamalakas kong suntok. Hindi ko alam... ang lalaking iyon pala ay si Henry Zobel. Ang pinakamapangyarihan... pinakamayaman... at pinakakinatatakutang mafia billionaire sa bansa. Akala ko papatayin niya ako. Mas malala pa pala. Ginawa niya akong personal maid sa loob ng isang taon bilang kaparusahan... kapalit ng pagbabayad sa napakalaking utang ng ama ko. Ako? Maglilinis ng mansion? Hindi nga ako marunong magplantsa nang hindi nakakasunog. Hindi ako marunong maglaba nang hindi kumukupas ang damit. At lalong hindi ako marunong yumuko sa kahit kanino. Pero ang hindi ko inaasahan... ang pinakamahirap palang trabaho ay hindi ang pagiging maid. Kundi ang unti unting pagbuwag sa pader ng isang lalaking matagal nang namatay ang puso. At ang mas nakakatakot... Ang pagbabantay sa sarili kong puso na huwag mahulog sa lalaking hindi ko dapat mahalin. Lalo na nang makilala ko ang apat na taong gulang niyang anak na si Zac... ang pinakamakulit, pinakamatalino, at pinakamatinding matchmaker na nakilala ko. Habang pilit niyang pinagdudugtong ang mga pusong pareho nang sugatan... May mga taong handang pumatay para manatiling mag-isa si Henry. At kung kailangan kong maging kalaban ng buong mafia world para iligtas silang mag-ama... Hindi ako uurong. Dahil minsan... Ang babaeng sanay lumaban gamit ang kamao... Natututong ipaglaban ang pag-ibig gamit ang puso.
1089 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as parallel world pharmacy
Read
+Library
Under Cover Maid and the Billionaire Assassin

Under Cover Maid and the Billionaire Assassin

Si Alena Ortiz ay tila isang inosente, mahina, at mangmang na kasambahay na desperadong magkaroon ng trabaho. Ngunit sa likod ng kanyang apron ay nakatago ang kanyang tunay na pagkatao—MAGDARAGIT, isang maalamat na undercover operative na kinatatakutan maging ng mga kriminal at sindikato. Ang kanyang misyon ay isa lamang: tuklasin ang katotohanan sa likod ng sunod-sunod na pagpatay at ibagsak ang mga taong nasa likod nito. Ngunit ang pinakamalaking balakid sa kanyang misyon ay ang kanyang sariling amo. Si Mark Jacob Escallon Valderama, isang bilyonaryong negosyante na kilala sa pagiging walang awa sa mundo ng negosyo ngunit mapagkawanggawa sa mga nangangailangan. Habang tinitingala siya ng publiko bilang isang huwarang negosyante, may isa pa siyang lihim na buhay na walang sinuman ang nakaaalam. Sa pagsapit ng gabi... Siya ang kinikilalang World Top Assassin No. 1. Dalawang taong nabubuhay sa kasinungalingan. Dalawang lihim na pagkatao. Dalawang pusong parehong nilamon ng trahedya matapos mawalan ng mga magulang sa murang edad. Sa una, itinuring nila ang isa't isa bilang hadlang sa kani-kanilang misyon. Ang bawat pagtatagpo ay puno ng pagdududa. Ang bawat pag-uusap ay isang laban ng talino. Ang bawat lihim ay maaaring maging dahilan ng kamatayan ng isa sa kanila. Ngunit habang unti-unting nabubunyag ang mga katotohanan, napagtanto nilang iisa lamang pala ang kanilang hinahanap. Ang tunay na utak sa likod ng pagkamatay ng kanilang mga pamilya. At ang organisasyong responsable sa mga kasamaan na bumabalot sa Sto. Alonzo. Habang isa-isang nabubunyag ang kanilang mga lihim na pagkatao, ang dating magkaaway ay napilitang maging magkaalyado. Sa gitna ng panganib, pagtataksil, at walang humpay na habulan, isang pag-ibig ang dahan-dahang namuo sa pagitan ng dalawang taong isinumpang huwag magtiwala kaninuman. Ngunit sa mundong kanilang ginagalawan, ang pag-ibig ay maaaring maging pinakamalaking kahinaan.
154 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as parallel world pharmacy
Read
+Library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status