Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)
Atty. Roxanne Gomez thought she had it all — a thriving career and a peaceful life ahead. Pero isang gabi, gumuho ang lahat. Pag-uwi niya mula sa panalo niyang kaso, natuklasan niyang may ibang minamahal ang asawa niya — isang matandang lalaki na matagal nang kaibigan ng pamilya nila.
Doon niya nalaman ang matinding katotohanang ginamit lang siya ni Julian bilang panakip sa tunay niyang pagkatao. Sa gitna ng sakit at pagkadurog, pinili ni Roxanne na magpakalayo at magpakalunod sa alak. Ngunit pagmulat ng mata niya kinabukasan, natagpuan siya sa piling ng isang lalaking hindi niya inakala na magiging bahagi ng kanyang buhay — si Mateo Ramirez, ang tiyuhin ng asawa niya.
Isang gabing puno ng luha at kalasingan ang nagbunga ng isang kasalanang hindi niya matatakasan.
Parang gumuho ang mundo ni Roxanne nang malamang siya ay buntis.
At ang ama ng dinadala niya ay ang mismong tiyuhin ng asawa niyang minsang sumira sa kanya. Habang sinusubukan niyang takasan ang nakaraan, unti-unti namang tumitibok ang puso niya para kay Mateo — ang lalaking hindi niya dapat minahal, ngunit hindi rin niya kayang talikuran.
Ipaglalaban ba ni Roxanne ang bawal na pag-ibig, o susunod sa katahimikan at reputasyon ng lahat?
Paano kung ang tanging kasalanan niya… ay ang magmahal ng maling tao sa tamang panahon?