Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Runaway from My Jerk Husband

Runaway from My Jerk Husband

Sa mata ng buong mundo, si Catherine Adams ang pinakamapalad na babae—minahal, pinrotektahan, at pinangakuan ng habang-buhay ng lalaking pinapangarap ng lahat: si Nolan Martinez. Mula pagkabata hanggang sa proposal na isinahimpapawid sa buong mundo, saksi ang lahat sa tila perpektong pag-iibigan nila. Ngunit sa likod ng matatamis na ngiti at engrandeng singsing, may lihim na pilit niyang nilulunok—ang pagkakanulo ng lalaking minahal niya ng buong puso. Sa bawat "overtime", sa bawat palusot, unti-unting nalaman ni Catherine ang sakit ng katotohanang may ibang babae sa buhay ni Nolan. Kaya’t isang desisyon ang binuo niya: maglaho. Sa mismong araw ng kasal, ang bride na inaasahang pupuno ng altar ay isang “patay” na katauhan. “Wala na kaming kinabukasan.” Ito ang paniniwala ni Catherine, kahit pa sa bawat sulyap ni Nolan ay tila may lambing na totoo. Pero sa isang mundong puno ng kasinungalingan, may lugar pa ba para sa tunay na pagmamahal? Isang kwento ng pagkakanulo, paglimos ng katotohanan, at ang masakit na pagpili—pag-ibig o paghilom?
Romance
5.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Stealing Elliot [Owning the Billionaire's Heart 1]

Stealing Elliot [Owning the Billionaire's Heart 1]

"Just steal my fiancé. Seduce him. Make him love you. And then... break his heart." Halos umigtad si Rosette Valentino sa sinabi ni Juliette Mortez sa kanya. Para sa pera at sa kompanya niya, pinasya niyang magpanggap bilang secretary ng fiancé nito. Ito lang naman ang sikat na bilyonaryong si Elliot Jon Mallary. Misyon niyang nakawain ang puso nito at saktan sa huli ayon sa kasunduan nila ni Juliette. Gusto kasi nitong maghiganti sa pamamagitan niya at makasama ang lalaking gusto nito. Ngunit habang unti-unting nalalapit siya kay Elliot, napagtanto niyang nahulog na siya rito. Hanggang pareho silang nagkagusto sa isa't isa. At nakalimutan niyang nagpapanggap lang siya. Hanggang dumating ang araw na natuklasan nito ang totoo tungkol sa kanya. Matindi ang galit nito sa kanya at napagdesisyonan nitong alisin siya sa buhay nito. Makakahanap ba ng paraan si Rosette upang ipakita ang kanyang tunay na pagmamahal o tuluyan na bang mawawala ang kanilang pagkakataon sa pag-ibig?
Romance
108.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
TIE OF LOVE

TIE OF LOVE

Hanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa iyong minamahal? _ Paano nga ba niya paiibigin ang isang taong mayroon nang ibang minamahal? Isang hamon iyon sa puso ni Aleyha, sabi nga nila walang pusong bato sa matiyaga kung umibig. Kaya handang gawin ni Aleyha ang lahat makuha lang ang puso ni Ivo Sebastian. Dahil kailangang umibig ito sa kanya kahit may Althea Mauricio pa sa pagitan nilang dalawa. Sisiguraduhin niyang sa huli sa kanya magpapatali si Ivo at siya ang iibigin nito. Dahil siya ang mas karapat-dapat sa puso at pagmamahal ni Ivo. _ Ngunit karapat-dapat nga ba talaga siya sa puso ng binatang bilyonaryo, hindi ba isa siyang babaing naninira ng relasyon at pumapasok sa pagitan ng dalawang pusong nagmamahalan? ***** 06-06-25 Story Written By: LadyGem25
Romance
267 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Wrongfully Yours

Wrongfully Yours

SulatniMiss E
Iniluwal ni Celeste ang malusog at magandang bata na pinangalan niyang si Stacey. Ito lang ang tanging naiwan sa kanya nung iwan siya ng kanyang fiancee sa araw ng kasal nila. Hindi alam ng mapapangasawa sana ni celeste, na si Noah na may anak sila. Lumaki ang bata sa sariling sikap niya at nagtrabaho rin siya bilang waitress sa isang kilala at pangmayaman na restaurant sa sa syudad. Hindi alam ni Celeste na madudurog ulit ng buhay niya na muling magkrus ang kanilang mga landas. Misyon niyang itago at hindi ipakilala ang anak niya sa totoong tatay nito. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Noah, na may anak sila. Kukunin niya ba ang anak nila sa kamay ni Celeste o hahayaang magdurusa ang kanyang mag-ina sa hirap?
Romance
101.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
I'm a slave for you

I'm a slave for you

Maagang naulila si Celina Manuel dahil sa isang aksidente. Dahil sa walang kamag anak lumitaw para kupkupin siya ay napilitan siyang buhayin ang sarili ng mag isa, hanggang sa swerteng nahanap siya ng kanyang ninang at ampunin. Ngayon sa bagong mundong ginagalawan ay pipilitin niyang harapin ang panibagong hamon ng buhay. Si Vincent Truins ang kaisa isang anak at tagapagmana sa kanilang pamilya, nabuhay sa luho at karangyaan. Dulot ng isang madilim na nakaraan ay hindi niya magawang magtiwala sa mga taong nasa paligid niya. Naniniwala rin siyang pwede niyang gawin ang kahit anong gusto niya dahil sa kanilang estado sa buhay. Anong mangyayari kung magkrus ang landas ni Celina na nais tuparin ang kanyang mga pangarap sa ikalawang pagkakataon at ni Vincent na walang ibang nais kung hindi ang magpakaligaya.
Romance
1012.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
BE MY WIFE

BE MY WIFE

Para kay Dhalia Augustine Madrigal, ang buhay ay isang serye ng pagsubok—lalo na nang tanggapin niya ang trabahong maging sekretarya ng malupit at istriktong bilyonaryo, si Henri Yanno Garciaz. Habang lahat ng naunang sekretarya ay hindi nagtagal, siya lang ang nagtiis at nakasabay sa ugali nito. Ngunit hindi niya inasahan na ang trabahong ito ang magdadala sa kanya sa isang alok na magpapabago sa kanyang buhay. Isang kasal kapalit ng sampung milyong piso. Para kay Henri, si Dhalia ang perpektong sagot upang makaiwas sa isang sapilitang kasal sa kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kasunduang iyon, hindi niya maitanggi ang lumalalim niyang damdamin para sa babaeng laging naroon para sa kanya. Unti-unting nagbago ang kanilang relasyon, at sa kabila ng mga pagsubok, natagpuan nila ang tunay na kaligayahan sa isa’t isa. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Isang rebelasyong nag-ugat sa nakaraan ang gumulo sa buhay ni Dhalia—isa pala siyang Lim, kapatid ng dating minahal ni Henri. At ang mas matinding dagok, isang larawan ang sumira sa kanilang tiwala—isang larawan na nagpatunay na may ibang babae si Henri. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, pinili niyang lumayo, dala ang lihim na siya rin ay nagdadalang-tao. Limang taon ang lumipas, at sa kabila ng pagtatago ni Dhalia, hindi siya tinantanan ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, muling bumalik si Henri sa buhay niya, handang patunayan ang isang bagay—na sa kabila ng lahat, si Dhalia lang ang babaeng nais niyang makasama habambuhay. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang sugat ng nakaraan?
Romance
101.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Ang Muling Isinilang na Luna

Ang Muling Isinilang na Luna

Inisip ni Crimson na namatay siya bilang isang tao na minahal niya na tinitigan siya ng poot sa kanyang mga mata, lamang na magising dalawang taon na ang nakalilipas nang hindi niya ipinakita sa kanya ang kanyang tunay na kulay. Ang buhay ay nagbigay sa kanya ng isa pang pagkakataon at maaari mong siguraduhin na gagamitin niya ito para sa paghihiganti. Sa kanyang nakaraang buhay siya ay nagkamali sa pamamagitan ng pagiging masyadong mabait at walang muwang, at nagtitiwala sa mga hindi niya dapat. Siya ay ipinagkanulo at nasaktan ng kanyang kapatid na babae, at ang kasintahan at sa proseso ay nawala ang lahat ng mayroon siya, kasama na ang kanyang buhay. At kapag binigyan siya ng pangalawang pagkakataon upang mabuhay, nanunumpa siyang maghiganti sa mga masasamang tao. Alam ang lahat sa oras na ito, dumating siya kasama ang kanyang paghihiganti na naghahatid ng malamig, at medyo handa na. Ang tanging hindi niya inaasahan ay nahahanap niya ang tunay na pag -ibig sa hindi bababa sa posibleng tao na inaasahan niya, lalo na ang isa na nasaktan niya sa kanyang nakaraang buhay.
Paranormal
217 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Death Judge Noble Park

Death Judge Noble Park

Maganda ang mundo, ngunit malupit din ito. Sa mundo ng Gaia, mayroong apat na rehiyon. Iyon ay ang Normous, Defracia, Bandalia Cifalia, at Isla ng Anino. Sa bawat rehiyon ay mayroong Death Judge, ang pag-asa ng bayan, ngunit ang Rehiyon ng Normous lamang ang walang Death Judge at ang umako sa posisyon nito ay ang emperor mismo. *~* Si Maximaze Lativitus Park ay isang mamamayan ng Normous at nasa pinakamababang-antas lamang ng sibilisasyon sa rehiyon. Sa ibang salita, siya ay isang alipin ng nakatataas. Nang siya ay hindi pa ipinapanganak ay nawalan na ito ng ama dahil sa kabayanihang ginawa. Nang dumating ang kaibigan ng kaniyang magulang, nagbago ang kaniyang buhay. Siyaʼy binigyan ng pagkakataon na makapag-aral at makalaya sa pagkakaalipin, ngunit sa isang kondisyon. Kailangan niyang maging isang kandidato sa paglalakbay at maging Death Judge ng Normous sapagkat ang emperor ay nanghihina na. Ang tahimik niyang buhay kasama ang kaniyang ina ay naging magulo—mas malala sa pagkakaalipin. Marami siyang inaasahan sa mundo ngunit nang kaniyang malaman ang katotohanan, ang kaniyang pangarap ay nawasak sa pira-piraso. Sa araw na iyon, nakatanggap siya ng isang masamang paalala.
War
9.73.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

Ipinakasal siya sa lalaking hindi pa niya nakikilala. Hindi dumating si Timothy Richmon sa araw ng kasal nila ni Zennara Reyes ngunit sa papel ay tunay na silang mag-asawa. Ang kasal na walang pagmamahal at ni minsan ay hindi man lang umuwi si Timothy sa bahay nila ng kanyang asawa. Hanggang sa isang araw ay pinaghandaan ni Zennara ang pag-uwi ng kanyang asawa. Nais niya itong makita kaya sasalubungin niya sana ito sa Airport.  Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay may lalaking bigla na lang humila sa kanya at dinala siya sa madilim na lugar. Malakas ang lalaki at hindi niya ito kayang labanan. Pagkatapos ng nangyari ay lumabas ang lalaki at nangako ito na babalik. Ngunit nakatanggap si Zennara ng tawag mula sa secretary ng kanyang asawa na nais nitong makipaghiwalay na sa kanya. Ang kanilang kasal ay nauwi sa diborsyo. Umalis ng bansa si Zennara at sa kanyang pagbabalik ay may kasama na siyang dalawang cute na bata.  Ano ang gagawin ni Zennara kapag nadiskubre niya ang isang malaking lihim? Ang lihim na hindi niya inaasahan.
Romance
1097.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Brother's Girl Bestfriend

My Brother's Girl Bestfriend

AKHIRAH MIAMOR
Dahil sa pagkamatay ng ama ni Dos Del Mundo ay nag pulis ito para maipaghiganti ang ama niya sa mga terorista. Pero paano kung sa pagkakahanap nito sa mga terorista ay mahuhulog siya sa isa sa kanila? Paano reresolbahin ni Captain Dos ang pag-iisa ng dalawang panig na mortal na magkaaway?
Romance
2.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3940414243
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status