Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Luna Rossa

Luna Rossa

Tan Jiro Alvez
Payapang namumuhay si Dea kasama ang kaniyang pamilya sa isang kagubatang malayo sa sentro ng Malefica-ang kaharian ng mga mangkukulam. Ilang taon na silang naninirahan dito upang makaiwas sa namumuong sigalot sa pagitan ng mga kauri niyang mangkukulam at bampira. Ngunit isang madaling araw, isang halimaw ang umatake sa kanilang tirahan at walang awang pinaslang nito ang kaniyang ina at nakatatandang kapatid na babae. Hindi pa nakuntento ang halimaw at ginawaran ng isang sumpa ang kaniyang bunsong kapatid. Naging isang mabangis na halimaw ang kaniyang kapatid at halos hindi na makilala pa dahil sa pagbabagong anyo nito. Sa araw ding iyon, nagtagpo ang landas ni Dea at ang reyna ng mga mangkukulam. Sinabi nito sa kaniyang isang bampira ang halimaw na lumusob sa kanilang tahanan at ang may kagagawan sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa buong Malefica. Ang pangalan ng bampirang ito ay Trevor Hemlock. Namuo ang matinding galit sa puso ni Dea at nangakong ipaghihiganti ang sinapit ng kaniyang pamilya.
105.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Palitan ang Tadhana, Bagong Simula

Palitan ang Tadhana, Bagong Simula

Sa mismong araw ng aming kasal, ang childhood sweetheart ni Hansel Lennox na si Nara Sullivan, ay nagbantang tatalon mula sa isang gusali. Hindi niya ito pinansin at itinuloy ang kasal. Ngunit nang talagang tumalon si Nara, saka siya nag-panic. Simula noon, palagi na siyang pumupunta sa simbahan, unti-unting naging isang deboto. Pinipilit pa niya akong bigkasin ang mga banal na kasulatan at lumuhod habang nagdarasal—lahat sa ngalan ng pagsisisi sa aking mga kasalanan. Dahil sa kanya, nawala ang aking anak. Sa araw na nakunan ako, gusto ko nang makipag-divorce. Ngunit sinabi niyang pareho naming pinagkakautangan si Nara, kaya dapat kaming magsisi nang magkasama. Ginamit niya ang aking pamilya upang takutin ako at panatilihin sa kanyang piling. Inaksaya ko ang buong buhay ko para sa kanya. Ngunit pagmulat ko ng aking mga mata, bumalik ako sa mismong araw ng aming kasal. Sa pagkakataong ito, ako mismo ang magtutulak kay Hansel kay Nara. Ako naman ang magpapahirap sa kaniya.
Short Story · Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing Justice

Chasing Justice

Dalawang puso ang tumitibok at naglalayong magpaalab ng sumibol na pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon. Ang pag-ibig na hindi mapapantayan ang inaalay ni Brael Montegarde at Hasumi Mitsunabi sa isa't isa. Ilang beses na pinaghiwalay ng tadhana subalit muling natatagpuan ang mga sariling tapat na sumisinta sa isa't isa at pinipiling iraos ang pag-ibig na pilit hinahadlangan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Isang trahedya sa nakaraan ang muling binabalikan ng kasalukuyan. Ang madugong pagpatay sa mga magulang ni Brael at ang bangungot na patuloy na gumugulo kay Hasumi ay tila ba konektado.  Sa pagsiwalat ng katotohanan ay magugulantang ang mga pusong nagiibigan. Ang pumatay sa mga magulang ni Brael ay ang babaeng minamahal niyang si Hasumi.  Layunin ni Brael Montegarde ang maghiganti sa taong pumaslang sa mga magulang niya. Subalit guguluhin ng pagmamahal niya ang paghangad niya ng hustisya.  Kaya niya bang paslangin ang babaeng mahal niya? O mananaig ang pag-ibig na napunla sa mga puso nilang lubos na nagmamahal sa isa't isa?
Romance
104.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Dela Cerna's Other Woman.

Dela Cerna's Other Woman.

BLURB, Napilitan si Nica Mae Romero na mamasukang katulong/ driver sa mansyon ng mga dela Cerna, kung saan namamasukan bilang family driver ang kanyang ama. Ngunit nagkasakit naman ang kanyang ama kaya kailangan nitong tumigil sa pagtatrabaho. Dahil sa marunong naman din siya at maalam sa mga sasakyan ay siya na ang kinuhang kapalit na driver, dahil na rin sa pakiusap ng kanyang ama at ng tiyahin niya na mayordoma sa mansyon. Sa pagpasok niya bilang katulong at driver sa mga dela Cerna, ay hindi niya inaasahan na mahuhulog ang loob niya sa kanyang among lalaki. Alam niyang hindi pwede ang kanyang nararamdaman, dahil nakatali na ang puso ng lalaking kanya ng minamahal. Paano niya mapipigilan ang kanyang damdamin kung sa araw-araw ay nakakasama n'ya ang lalaki? Papaano niya pa susupilin ang nararamdaman, kung alam niyang nahuhumaling na rin sa kanya ang amo niya? Magkaroon kaya ng happy ending ang nararamdaman nila para sa isa't isa, gayung kasal si Arnel kay Romary?
Romance
1020.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Coincidentally Fated

Coincidentally Fated

Matapos masaksihan ni Ezrah ang pagkamatay ng kaniyang kasintahan sa harapan niya mismo ay wala siyang nagawa kundi ang mag tago sa farm na ipinamana sa kanya ng yumaong mga magulang para lang takasan ang masasamang loob na nais rin siyang kitlan ng buhay. Nang akala niya ay magiging ligtas na siya sa lugar na pinagtataguan niya ay tsaka naman dumating ang isang misteryosong lalaki sa buhay niya. shot and severely beaten. Ganyan ang kalagayan ng nag hihingalong lalaki na bigla nalang lumitaw sa harap ng pintuan niya. At dahil nga sariwa Pa sa ala-ala niya ang pagkawala ng nobyo ay tinangka niya itong itaboy at tanggihang tulungan. Akmang pagsasarhan na sana niya ito ng pintuan nang bigla itong humandusay sa harap niya. Labag man sa kalooban niya ay wala siyang nagawa kundi tulungan at gamutin ang binata. Noong una ay pinilit niya itong itaboy pero bigo siya. Sa halip ay nag kasundo silang doon muna manatili ang lalaki kapalit ng pagtulong nito sa gawain sa farm. At sa araw araw na nakasama niya ang binata ay hindi niya maalis ang takot na nararamdaman niya sa katauhan nito, ngunit sa Kabila ng takot na iyon ay natangpuan Pa rin niya ang sarili na unti unting nahuhulog sa estranghero. Pero paano nga ba niya magagawang tuluyang mahulog at mag tiwala sa binata gayong wala siyang alam sa katauhan nito? At ano nga ba ang sikreto sa likod ng misteryoso niyang pagkatao? May kinalaman kaya ito sa nakaraan ng dalaga? Aksidente nga lang ba talagang napadpad roon ang binata? O may dahilan ito kung bakit gusto niyang manatili roon?
Romance
95.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Kindhearted Revenge

The Kindhearted Revenge

Isang bagay na lang ang gustong tuparin ni Shiela De Guzman sa buhay magmula nang mangyari ang insidenteng nagdulot sa kaniya ng sobrang pighati at nagpabago sa buhay na pinapangarap niya. Hustisya. Iyon lang naman ang gusto niyang makuha para sa mga magulang na walang awang pinatay. Ginawa niya ang lahat matupad lang ang mithiing maging isang pulis para ikulong ang mga pumatay sa kaniyang magulang. Sa paghahanap sa mga taong pumatay sa mga magulang ay natuklasan niya rin ang dahilan sa likod ng pagpatay sa mga ito at ang nakatagong lihim sa kaniyang pagkatao. Ang dating mabuting intensiyon na paghihiganti ay napalitan ng poot at karahasan. SHIELA DE GUZMAN! ELA RICARPIO! RAVEN CRUZ! DIVINE MABISCO! Iisang tao, apat na pagkakakilanlan. Sino nga ba siya at ano nga bang totoo sa tunay niyang pagkatao?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Rival's Mistress

The Rival's Mistress

Dati niyang asawa, hindi lang siya tinalikuran—pinapatay pa. Sa isang gabi ng pagtataksil, muntik nang mamatay si Alina sa kamay ng mga tauhan ng lalaking minsan niyang minahal. Pero sa isang iglap, isang maling liko, at isang desperadong hakbang, napadpad siya sa sasakyan ng pinaka-ayaw ng ex niyang lalaki... si Damian Velasco, ang pinakamalupit na karibal sa negosyo. "Hirap ka bang magpasalamat, Mrs. Montenegro?" malademonyong bulong ng lalaki. "O gusto mong ipakita na lang sa ibang paraan?" Isang kasunduan ang binuo sa init ng gabi: ililigtas siya ni Damian, pero kapalit nito… magiging kanya siya. Sa kama. Sa piling niya. Hanggang sa tuluyan niyang makuha ang kanyang paghihiganti. Pero paano kung sa gitna ng pagkukunwari, may ibang apoy na mamagitan sa kanila? Isa bang laban ito… o isang bagong simula?
Romance
367 viewsOngoing
Read
Add to library
Destined to be Mr. CEO’s Wife

Destined to be Mr. CEO’s Wife

Si Chloe ay ipinagkasundo ng kaniyang mga magulang sa isang Matandang negosyante matapos matalo sa sugal ang kaniyang mga magulang. Pilitin man niya ang kaniyang sarili ay hindi makaya ng kanyang sikmura ang makasama si Valentino ng dahil lamang sa kasalanan ng kaniyang mga magulang. Hanggang mag krus ang landas nila ni Riley at mabuo ang kanilang isang gabing pinagsaluhan. Tumakas si Chloe sa kasal nila ni Valentino Rosso sa tulong ng kanyang kaibigang si Kean, ngunit dahil sa kahihiyan ay sinundan siya nito sa ibang bansa at nag eskandalo sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Dumating naman si Riley para ipagtanggol niya si Chloe sa mga magulang nito at kay Valentino. Abangan ang mga susunod na mangyayari sa pagitan ng mga magulang ni Chloe at mga gulong ihahatid nito ng dahil sa pagpili ni Chloe na manatili sa piling ni Riley .
Romance
1019.9K viewsCompleted
Read
Add to library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Hot Professor Arthur

Hot Professor Arthur

Magdalena Perez, isang mask dancer at college student, ay napilitang pumasok sa ganoong trabaho matapos silang iwan ng kanyang ama at para matustusan ang gamot ng inang may sakit sa puso. Isang gabi, natagpuan niya ang sarili sa harap ni Professor Arthur, ang guro niyang lihim na may paghanga sa kanya. Sa kabila ng takot na mabunyag ang kanyang trabaho at mawala ang scholarship, pumayag siya sa isang alok ng club owner kapalit ng malaking halaga para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakala na si Professor Arthur pala ang lalaki sa gabing iyon.
Romance
367 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status