Contracted To My Boss
Si Diana ay lumaki sa hirap, ngunit lalong naging mabigat ang buhay nang magkasakit nang malubha ang kanyang kapatid na si Lyka. Sa desperasyon, lumapit siya sa nobyo niya para humingi ng tulong, ngunit imbes na damayan siya, inakusahan siya nitong pabigat at inamin na may iba na ito.
Durog ang puso, tumakbo siya palayo at sa gitna ng kanyang pag-iyak, aksidente siyang nabangga ng isang matangkad at gwapong lalaki—si Adrian, ang misteryosong CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Narinig pala ni Adrian ang buong usapan, at sa isang hindi inaasahang alok ay sinabi niyang, “Kailangan ko ng kontratang asawa, at kailangan mo ng pera. Pwede tayong magtulungan.” Sa kawalan ng ibang mapagpipilian, pumayag si Diana.
Isang simpleng kasunduan lamang daw: walang emosyon, walang komplikasyon—pawang negosyo lang. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, napapansin nilang hindi ganoon kadaling iwasan ang damdamin. Ang mga halik na dapat ay peke, tila tunay. Ang mga haplos na dapat ay scripted, nagiging totoo. Unti-unti, naguguluhan sila sa kung ano ang totoo at ano ang bahagi lang ng kontrata. At nang magsimulang pumasok ang pamilya ni Adrian sa eksena, naramdaman ni Diana na baka hindi talaga siya nababagay sa mundo nito. Kaya iminungkahi niyang lumayo na lang.
Pero bakit gano’n na lang ang sakit sa dibdib ni Adrian? Kung peke ang lahat, bakit parang ayaw na niyang lumayo na lang.