Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Maid is My Missing Wife

My Maid is My Missing Wife

Si Bella Monteverde, pinanganak galing sa mayaman na pamilya. Isang tagapagmana, subalit dahil sa pag-ibig, tinakwil siya ng sarili niyang pamilya. Hanggang sa dumaan ang ilang buwan. Ipinaghiwalay sila ng tadhana ng kaniyang asawa na si Brent De Guzman. Tunay na pagmamahal ang ibinigay nila sa isa't isa. Isang bulag si Brent. Ngunit, ginawa pa rin ni Bella ang lahat upang ipaglaban nito ang kaniyang asawa sa pamilya niya. Hangang sa isang araw, pumunta siya sa hospital dahil masama ang pakiramdam niya. Naging masaya naman si Bella dahil buntis pala siya. Ngunit, pagbalik niya sa kanilang bahay ay hindi na niya naabutan ang asawa niya. Tanging mapanakit na sulat na lang ang natanggap ni Bella. Pitong taon ang nakalipas. Muli siyang bumalik, ngunit hindi na siya tinaggap ng kaniyang ama base sa sinabi ng stepsister niya. At ngayon ang pamana na dapat kay Bella ay pilit na kinuha ng kaniyang step sister. Kahit nagawa man ni Bella ang lumapit sa pamilya niya para sa pagpapagamot ng anak niya. Ay naging walang saysay pa rin ito. Subalit, patuloy pa rin na lumaban si Bella. Hanggang sa hindi niya sinasadyang makatagpo ang isang matanda. Ang matandang ito ay nagpanggap bilang isang pulubi. Subalit, sa likod nito siya ang lolo ni Brent. Na siya ring dahilan nang muling pagkikita ni Bella at ni Brent. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na si Bella ang kinikilalang asawa ni Brent. Dahil kinuha ng stepsister niya ang bagay na 'to at nagpanggap bilang si Bella. Gayunpaman, ay nais ng lolo ni Brent na ikasal si Brent kay Bella. Saan hahantong ang ganitong buhay? Muli kaya niyang maibabalik ang kaniyang asawa sa piling niya? Muli kaya niyang mababawi ang dapat para sa kaniya?
Romance
1042.2K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE

THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE

SI KELLY na lamang ang tanging pisi na nag-uugnay kay Camilla at sa pag-ibig niya sa asawang si Philip Limjoco. Nagawa niyang magtiis nang ilang taon kahit pa nga hayagang pinaparada ng lalaki sa kaniyang harapan ang ex-girlfriend at totoo nitong minamahal na si Shaira. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay napatid ang pisi na iyon na siya ring nagpabaklas ng damdamin ni Camilla para sa asawa. Ang kaniyang balak sana ay magpakalayu-layo na at kalimutan ang masalimuot na bahaging iyon ng kaniyang buhay. Ngunit may ibang plano ang bilyonaryo niyang kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita—si Davian Matthews. Sa pagbabalik ni Davian ay siya namang pagbangon ni Camilla dahil sa bilyonaryong tutulong sa kaniya upang maghiganti. Ngunit bakit kaya? Ano ang mapapala ni Davian sa pagtulong sa kaniya?
Romance
10481 viewsOngoing
Read
Add to library
His Love Beyond Her Mask

His Love Beyond Her Mask

Si Alina ay namumuhay ng dobleng buhay na nagtatrabaho ng dalawang trabaho upang mabayaran ang pangangailangang medikal ng kanyang may sakit na ama. Sa araw, siya ay isang mahiyain, may salamin na manggagawa sa opisina, at sa gabi ay nagiging Aria, isang napakarilag na mang-aawit na #1 sa Chaos Club. Si Kian Axel, isang lumang apoy mula sa nakaraan ni Alina, ay nagbayad ng napakalaking halaga ng pera para sa isang gabi para kay "Aria", at isang gabi na puno ng init na inangkin ni Kian Axel si Aria. Ngunit ang init ng gabing iyon ay natunaw kinabukasan. Gayunpaman, nang pumasok si Alina sa opisina ay nalaman niyang si Kian Axel ay naging kanyang bagong amo. Makikilala ba ni Kian Axel si Alina na siya si Aria o patuloy lang magtatago si Alina sa kanyang maskara at huwag ipaalam kay Kian Axel na siya si Aria, ang hinahanap nito.
Romance
470 viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Pantasya Kong Bilyonaryo

Ang Pantasya Kong Bilyonaryo

​Si Marikit “Kiket” Tolentino ay isang simpleng dalaga mula sa probinsya na may dalawang pangarap: ang mailigtas ang kanilang bukid at ang mapansin ng kanyang "ultimate crush" na si Jaxon Knight Silverio. Sa paningin ni Kiket, si Jaxon ay parang isang fictional character na lumabas sa libro—matangkad, gwapo, at ubod ng yaman. ​Ang problema? Ni hindi alam ni Jaxon na nag-e-exist siya sa mundo. ​Pero dahil sa isang nakakalokong pagkakamali sa isang luxury hotel, magtatagpo ang landas nila sa hindi inaasahang pagkakataon. Si Kiket na laking-probinsya at diretsahang magsalita, at si Jaxon na purong negosyo lang ang alam at halos walang emosyon. Mapipilitan silang magpanggap na "engaged" para iligtas ang reputasyon ng kumpanya ni Jaxon. ​Will Kiket finally live her billionaire fantasy? O baka naman ang akala niyang "Prince Charming" ay isa palang masungit na boss na gigisahin siya sa bawat pagkakataon?
Romance
10166 viewsOngoing
Read
Add to library
The Trillionaire’s Hidden Possesion

The Trillionaire’s Hidden Possesion

CatNextDoor
Kapalit nang operasyon ng anak, kinailangan ni Mortala na magpanggap bilang kaniyang kakambal na si Mortishia na noon ay naglayas sa kanila. Ipapakasal kasi si Mortishia sa mayamang businessman para maisalba ang kumpanya ng mga Gustavo. Sapagkat magkamukha naman sila kailangan lang niyang maging proxy hanggang sa mahanap si Mortishia. Ngunit hindi inaasahan ni Mortala nang kaniyang makaharap ang pakakasalan ng kaniyang kakambal. Si Cadrus Logan Adejer, isang trillionaire ang taong matagal na niyang pinagtataguan . . . ang ama ng kaniyang anak na babae. Anong gagawin niya kung malaman ni Cadrus na hindi siya si Mortishia? Makatatakas pa kaya siya o mapupurnada na ang ginagawa nilang pagtatago ng limang taon?
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO Is My Baby Daddy

The CEO Is My Baby Daddy

Itinakwil at pinalayas si Barba ng kanyang madrasta matapos mabuntis sa isang gabing hindi niya maalala. Pagkalipas ng limang na taon, pumasok siyang yaya ni Sixto Rivera, isang supladong lalaking naka-wheelchair. Inutusan siya ng ama ni Sixto na akitin ito kapalit ng bahay at lupa. Ngunit sa unang haplos pa lang ni Sixto, nanariwa ang alaala ni Barbara, ang haplos na iyon ay kaparehong-kapareho ng sa lalaking nakatalik niya noon. Si Sixto kaya ang tunay na ama ng kanyang anak?
Romance
248 viewsOngoing
Read
Add to library
Vengeance and temptation: married to my ex's enemy

Vengeance and temptation: married to my ex's enemy

MARRYING THE ENEMY OF MY EX-FIANCE  May mga tao pa rin pala na ang tanga pagdating sa pag-ibig, mga taong bulag pagdating sa halaga ng isang tao.  “Pumapayag na akong pakasalan ka.”  Sa araw ng pangatlong pagpaparehistro sana ng kasal nila ay muling hindi dumating si Lucas—para lang sa babaeng hindi nito makalimutan ay handa nitong kanselahin ang pagkuha sana nila ng wedding certificate.  Naghintay maghapon si Aeris ngunit walang Lucas na dumating. Kung hindi niya makukuha ang puso ni Lucas at atensyon ay ititigil na niya ang kanyang kahibangan at pag-aaksaya ng panahon sa paghihintay dito. At sa halip magmukmok ay pinili niyang pakasalan ang pinaka-mortal na kaaway ni Lucas—si Max Aaron Vistan Ledesma.  Sa loob lang ng pitong araw ay binigyan siya ni Max na pag isipan ang lahat, ngunit decidido na si Aeris na pakasalan ito, binura na ni Aeris si Lucas sa kanyang buhay. Sinunog niya ang kanilang mga larawan, ibinenta ang kanilang bahay, iniwan ang kanilang studio, at sinira ang wedding dress na pinagawa nito para sa kanya. Sa ikapitong araw, nagpakasal siya kay Max Aaron Vistan Ledesma  at tuluyang naglaho sa mundo ni Lucas. Tsaka lang narealize ni Lucas  ang katotohanan nang makita niyang nasa bisig na ng ibang lalaki si Aeris— Na ang babaeng tunay niyang minahal ay si Aeris at babaeng gusto niyang protektahan. Pero huli na ang lahat.
Romance
37 viewsOngoing
Read
Add to library
Her Twin's Revenge

Her Twin's Revenge

Maagang namatay ang mga magulang ng kambal na si Karina at Katherine dahil sa isang aksidente. Kaya naging sandalan nila ang isa't-isa sa hirap at ginhawa. Ngunit dahil sa kakulangan sa financial ay mas pinili ni Karina na subukan ang swerte sa ibang bansa. At tinulungan niyang makatapos si Katherine. Kaya nakapagtapos ito ng kolehiyo at nagtrabaho sa Alvarez corporation bilang secretary ng CEO na si Sergio Alvarez. Ngunit nakatangap si Karina ng masamang balita mula sa kaibigan ng kanyang kakambal. Wala na daw ito at kinitil ang sariling buhay. Kaagad na umuwi ng bansa si Karina. At ganun na lamang ang paghihinagpis niya nang maabutan ang malamig na bangkay ni Katherine. Nang makita niya ang phone ni Katherine ay natuklasan niya ang tunay na dahilan kung bakit nagawa ng kanyang kapatid ang magpakamatay. Dahil sa labis na galit ay isinumpa niya sa kanyang sarili na maghihiganti siya at pagbabayarin niya ang lahat ng naging dahilan ng pagpapakamatay ni Katherine at isa na dito si Sergio Alvarez na kakakasal lamang kay Catalina. Ano ang kahihitnatnan ng paghihiganti at pagpapangap ni Karina bilang si Katherine? Upang makapaghiganti sa lalaking lumoko sa kanyang kakambal? Paano kung imbis na paghihiganti ay pag-ibig ang kanyang matagpuan sa piling nito?
Romance
107.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Deception And Pain

Deception And Pain

DreamerIsGood
Sa kuwento ng pag-ibig, panlilinlang, at pagbabago, sumasalamin ang kwento ni Sofie, isang babae na nagtrabaho sa isang club upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang araw, dumating si Matias Chavez, ang may-ari ng isang condo at ilang illegal na negosyo, na nagdulot ng pag-ibig at kaguluhan sa buhay ni Sofie. Ngunit ang pag-ibig na inakala niya ay hindi ganap, dahil may kakambal si Matias na si Mateo na puno ng inggit at galit sa kanya. Nahulog ang puso ni Sofie kay Matias, ngunit hindi niya alam na ang lalaking minamahal niya ay hindi palaging si Matias, kundi ang kanyang kakambal na si Mateo. Sa gitna ng mga pagpapanggap at panlilinlang, nagpatuloy ang pag-ibig ni Sofie kay Matias. Ngunit ang pagkakataon na mabuo ang kanilang pamilya ay laging nasa panganib dahil sa mga plano ni Mateo na sirain ang relasyon nila. Napapaligiran ng mga pagsubok, pagkakamali, at sakit, nagpasya si Sofie na gantihan si Matias at ipakita ang kanyang galit. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, maaaring mayroong pag-asang mabuo ang kanilang pag-ibig at magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Sa huli, ang kwento ng pag-ibig nina Sofie at Matias ay nagpapakita ng mga sakripisyo, pagkakamali, at pag-asa. Ito ay isang kuwento na magpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay hindi perpekto, ngunit may kakayahan itong magdulot ng pagbabago at pagpapatawad.
Romance
10896 viewsOngoing
Read
Add to library
Accidentally carrying the billionaire's TWINS

Accidentally carrying the billionaire's TWINS

Isang surrogate mother si Tiffany at iniwan ang sanggol sa kaniya. Malalaman niya na ang nobya ni Seth(boss niya) ang siyang nag iwan sa kaniya ng sarili nitong anak. Nunit wala siyang kaalam alam na ang kambal na iyon ay sarili niyang anak sa boss na si Seth dahil pinagpalit ni Aurelia (nobya ni Seth) ang sperm nito sa kalaguyo para sa kanila mapunta ang kayamanan nito. Gagawin ni Aurelia ang lahat para lang mabura sa landas ang tunay na anak ni Seth ngunit hindi iyon hahayaan ni Tiffany. Ngunit hanggang saan niya kayang ipaglaban ang mga batang buong akala niya ay hindi niya anak? Hanggang saan din ang kayang ipaglaban ni Seth ang pagmamahal niya para kay Tiffany gayong ayaw siyang pakawalan ni Aurelia?
Romance
1014.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status