Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The World of A Marriage Life

The World of A Marriage Life

Walang mapagsidlan ng saya ang puso ni Nieves Solanna o mas kilala sa pangalan na Snow nang maikasal siya sa pinakamamahal niyang lalaki na si Dalton Travis Donavan. Simula pagkabata ay wala na siyang ibang hiniling at pinangarap pa kundi ang maikasal kay Dalton. Anak ito ng Tito Gilbert niya, isa sa mga matalik na kaibigan ng Papa niya at nang marinig niya na hinihingi nito ang kanyang kamay para sa isang kasal ay walang pag-aalinlangan siyang pumayag. Kahit na alam niyang ang tanging dahilan lamang nito ay para sa family business nila. Forced into a marriage to merge their family business, Dalton Travis Donavan found himself falling in love with his wife. Mabait, mapagmahal at maalaga ang kanyang naging asawa kaya naging madali para sa kanya na masuklian ang pagmamahal na ibinibigay ni Snow sa kanya. Pero kakasimula pa lang nilang dalawang mag-asawa nang muling bumalik ng bansa ang isang babaeng minsan na rin niyang minahal. Walang iba kundi si Samantha Perez. Tinukso at inakit nang dating kasintahan kaya nagawa niyang pagtaksilan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin at tanggapin siya. "NILOKO MO AKO! AKO NA WALANG IBANG GINAWA KUNDI ANG MAHALIN KA! IKAW ANG UNANG SUMIRA SA PAGSASAMA NATING DALAWA! ANG SAKIT NA IBINIGAY MO SA AKIN ANG SIYANG NAGING DAHILAN PARA KAMUHIAN AT GANTIHAN KITA!" malakas na sigaw ni Snow sa asawang si Dalton habang puno ng mga luha ang kanyang buong mukha. "Oo, inaamin kong nagkamali ako. Pero hindi sapat 'yon para gantihan mo ako, Snow! Nag-iba ka na, at alam kong ako ang may kasalanan sa lahat nang ito," puno ng pait na sagot ni Dalton. Kaya pa kayang ibalik muli ang dating matamis na pagmamahalan? Kung nakaukit na sa buong puso at utak nila ang sakit at pagtataksil sa isa't isa.
Romance
10580 viewsOngoing
Read
Add to library
The Poor Husband Returns as a Billionaire

The Poor Husband Returns as a Billionaire

Iniwan siya dahil akala nila wala siyang mararating. Bumalik siya bilang lalaking hindi nila kailanman malilimutan. *** Limang taon siyang nanahimik. Isinantabi ang yaman, kapangyarihan, at pangalan. Nagpanggap bilang isang karaniwang lalaki upang malaman kung sino ang tunay na totoo sa mundo ng kasinungalingan. Sa kanyang pagbabalik, dumurog siya ng mga inaakalang mas makapangyarihan sa kanya—at kabilang dito ang babaeng pinakamamahal niya. Para kay Lilly Ybañez, si Damon Salvatore ay isang mabait ngunit mahirap na lalaking walang kinabukasan. Kaya’t sa gitna ng pangarap at panlilinlang, pinili niyang iwan ito para sa mas marangyang buhay—kasama ang lalaking may pera, impluwensiya, at lihim na motibo. Ngunit ang hindi niya alam, ang lalaking iniwan niya ay ang pinakamayamsng negosyante sa bansa—isang bilyonaryong mas mapanganib sa katahimikan kaysa sa sinumang makapangyarihan. Sa kanyang pagbabalik, bitbit ni Damon ang yaman, katotohanan, at bangis ng isang pusong nasaktan ngunit hindi kailanman nagpatalo.
Romance
10575 viewsOngoing
Read
Add to library
Carrying the Child of a Billionaire

Carrying the Child of a Billionaire

Isang espesyal kung ituring ang taon na ito para kay Liam Caspian Delacroix, dahil ikakasal siya sa kanyang pinakamamahal nyang babae. At sa nalalapit na ang kasal ay hindi mawawala ang bachelor’s party na inihanda ng kanyang mga kaibigan. At sa kabilang banda, napilitan si Seraphina Acosta na maging substitute dancer sa isang Bachelor’s party. Dahil sa maganda, kaakit-akit, maganda ang hubog ng kanyang katawan, at higit sa lahat ay birhen pa. Kaya talaga namang kahali-halina siya at talagang nililingon sya ng mga kalalakihan.
Romance
10484 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Soul Contract

The Billionaire's Soul Contract

Bloom Pen
Si Dimitri Xavier Thomas Bazhaev, 31- taong gulang ay isang Filipino-Russian na negosyante at kilala sa larangan ng pagraracing. Siya ang may-ari ng pinakamalaking shipping company sa buong Asya. Kadalasan ay makikita si Dimitri sa mga diyaryo at mga sikat na magazines. Hindi din maikakaila ang kanyang gandang-lalaki dahil sa may lahi itong banyaga. Habulin ito sa mga babae at wala itong siniseryoso. Different place, different woman. Cunning at playboy kung tawagin ng nakararami si Dimitri. Lahat ng babae ay patapon para kay Dimitri ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi niya inaasahang mababaliw siya sa isang babaeng nagngangalang Tiffany Bernales, 28-taong gulang. Hindi lubos maisip ni Dimitri na dadating ang panahon na mababaliw siya sa isang babae. Hindi niya lubos maisip na dadating ang panahon na makakaramdam siya ng takot na maiwan ng isang babae. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkamali si Dimitri dahilan upang lumayo ang dalaga sa kanya. Pagkalipas ng limang taon ay nakita silang muli. Kataka-taka at may anak na dala-dala ang babae na ikina-igting panga ni Dimitri. Matutuloy pa kaya ang kanilang pag-iibigan? O tuluyan kayang siya ay lisanin ng babaeng kanyang pinakamamahal?
Romance
10586 viewsOngoing
Read
Add to library
One Night Best Mistake

One Night Best Mistake

“Let’s make a deal. Papayag ka sa kasal—just for show. Para kay grandpa. Name only, no real marriage. No interference in each other’s lives. Kapag gumaling si Lolo, magdi-divorce tayo. Bilang kapalit, bibigyan kita ng financial compensation.” Napamaang si Nathalie. Compensation? Hindi niya naituloy ang pagtanggi. Naalala niya ang kapatid niyang naghihintay ng pambayad para sa gamutan. Isa pa, kaya naman talaga siya pumunta sa Zamora ay para humiram ng pera. Nakita ni Cedric ang pag-aalinlangan niya. Dagdag pa nito, “As long as you agree, kahit magkano—ikaw ang bahala.” Tahimik na nagbilang si Nathalie ng hininga. Ilang sandali pa, tumango na siya. “Okay, I agree.” Bahagyang ibinaba ni Cedric ang paningin, tinatago ang malamig na ngiti sa kanyang mga mata. ‘Isang babaeng kayang ipagbili ang kasal para sa pera… how cheap,’ naisip niya.
Romance
618 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Private Tutor

The Billionaire's Private Tutor

"Ms. A paano ba patindigin ang balahibo ng babae? Anong dapat kong gawin?" "Search mo" sagot ko "Ms. A paano ba simulan ang s*x?" "Hulaan mo" sagot ko "Ms. A paano mag f*nger? Yung mapapapikit sa sarap yung babae?" "Ip*sok mo buong kamay mo" sagot ko "Ms. A ito na ang final performance ko" "Ede maganda" "Miss A! Miss A!" Mahal na ata kita Kylus, pero nakatali ka na sa ibang babae kaya wala akong magagawa. Isa lang naman akong s e x t u t o r para sayo
Romance
10568 viewsOngoing
Read
Add to library
ALTERS [Book 2]

ALTERS [Book 2]

“Sampalin mo ako ng kasinungalingan Hahalikan kita ng katotohanan…”- Hannah Masayang pamilya at marangyang pamumuhay, ang lahat ng ito ay tinalikuran ni Hannah at mas pinili niya na maging isang Madre. Subalit, sinubok siya ng tadhana, nilinlang siya ng kanyang pamilya. Sapilitang ikinasal sa isang lalaki na sa hinagap ay hindi pa niya nakita. Dala ng kabutihang loob, tinanggap niya ang lahat, at natutunan niyang mahalin ang asawa. Handa siyang magtiis alang-alang sa kanyang mag-ama. Subalit, isang bahagi ng nakaraan ang pilit na bumabalik. Huwad na pamilya, wasak na pagkatao at asawang kailanman ay hindi siya binigyang halaga… Magawa pa ba niyang buuin ang mga bahagi ng kanyang pagkatao na nagkapira-piraso? O hahayaan na lang niya na lamunin siya ng kanyang kahibangan at mga pantasya? Kasinungalingan na sumasampal sa katotohanan—“ALTERS”
Romance
585 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Contract Wife

The Billionaire's Contract Wife

Desperada at wala nang ibang mapagpipilian, pumayag si Hiraya Lyn—isang matatag at determinadong dalaga—na pumasok sa isang contract marriage kasama si Nexus Watson, isang malamig at misteryosong bilyonaryo. Hindi simple ang naging dahilan ni Hiraya sa pagsang-ayon niya—ang kanyang nakababatang kapatid ay may malubhang sakit na cancer, at ang perang iniaalok ni Nexus ang tanging pag-asa nilang makapag pagamot ito. Si Nexus, na kilala sa kanyang pagiging walang-awang negosyante, ay may sarili ring dahilan. Ang kanyang pinakamamahal na lola—ang tanging taong minahal niya ng buong-buo—ay tumatanda na at may hiling na makita siyang ikinasal bago ito pumanaw. Upang tuparin ang kahilingan nito—at panatilihing ligtas ang kanyang puso—nag-alok siya ng isang kasunduan. Isang taon lamang ang itatagal ng kanilang kasal, walang sabit, walang damdamin na masasangkot. Habang binabagtas nina Hiraya at Nexus ang kanilang huwad na relasyon, at habang namumuhay sa iisang bubong ay unti-unting nagiging totoo ang nararamdaman nila. Mula sa isang malamig at pekeng kasunduan, unti-unting umusbong ang isang damdaming hindi nila inaasahan—pag-ibig. Pero sa gitna ng mga lihim, pagpapanggap, at sakit, kakayanin ba ng relasyong sinimulan sa kasinungalingan ang paglabas katotohanan?
Romance
10512 viewsOngoing
Read
Add to library
Triplets For I Love You

Triplets For I Love You

Set_Cieri_Set
Sa huling pagkakataon, ginawa ni Sabrina Anderson ang kaniyang makakaya upang maibalik man lang ang pagmamahal nito sa kaniyang asawa na si Luan Ayden Beaufort gamit ang sariling katawan. Pitong taon niya nang minamahal ang lalaki ngunit sa iba ito nakatingin. At sa gabing iyon, bitbit ang isang pirmadong diborsyo, iniwan ni Sabrina ang pinakamamahal niyang si Luan sa kama ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na ang gabing iyon ay magbubunga nang tatlong bulinggit. Sa kanilang muling pagtatagpo matapos ang anim na taon, may magbabalik din ba sa pagitan nang dalawa? Matututunan kaya ni Luan na mahalin ang ina nang kaniyang tatlong mga anak na walang iba kung hindi si Sabrina?
Romance
435 viewsOngoing
Read
Add to library
MR, SEBASTIAN PANALO SA PUSO NG KANYANG EX-WIFE ❣️❗

MR, SEBASTIAN PANALO SA PUSO NG KANYANG EX-WIFE ❣️❗

Mr. Sebastian PANALO sa PuSo ng Kanyang Ex-wife ❤️Sa kanilang tatlong taong pagsasama, si Hailee ay naging masunuring asawa ni Zack. Akala niya noon, ang pagmamahal at pag-aalaga niya ay matunaw ang malamig na puso ni Zack, ngunit nagkamali siya. Sa wakas, hindi na niya napigilan ang pagkabigo at piniling wakasan ang kasal. Noon pa man ay iniisip ni Edmund na boring at matamlay lang ang kanyang asawa. Kaya laking gulat ko nang biglang binato ni Hailee ang mga papeles ng diborsyo sa kanyang mukha sa harap ng lahat sa anniversary party ng Sebastian Group. Nakakahiya! Pagkatapos noon, inakala ng lahat na hindi na magkikita ang dating mag-asawa, maging si Hailee. Muli, mali ang iniisip niya. Makalipas ang ilang sandali, sa isang seremonya ng parangal, umakyat si Hailee sa entablado upang tanggapin ang parangal para sa pinakamahusay na senaryo. Ang kanyang dating asawang si Zack ang siyang nagbigay ng parangal sa kanya. Habang inaabot nito ang trophy ay bigla nitong inabot ang kamay nito at buong kababaang-loob na nakiusap sa harap ng audience, "Hailee, I'm sorry kung hindi kita pinahalagahan noon. Can you please give me another chance?" Walang pakialam na tumingin sa kanya si Hailee. "I'm sorry, Mr. Sebastian. Ang inaalala ko lang ngayon ay ang negosyo ko." Nadurog ang puso ni Zack sa isang milyong piraso. "Hailee, hindi ko talaga kayang mabuhay ng wala ka." Pero lumayo lang ang dating asawa. Hindi ba mas mabuting mag-concentrate na lang siya sa kanyang career? Maaabala lang siya ng mga lalaki—lalo na ang dati niyang asawa.
Romance
619 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status