Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Brother's Best Friend (Filipino)

My Brother's Best Friend (Filipino)

Matagal na si Divine na may gusto sa best friend ng Kuya Ivan niya na si Marcus ngunit nililihim lang niya 'yon. Hindi niya sinasabi 'yon dahil nahihiya siyang umamin na may gusto siya rito. Ulilang lubos na silang dalawa ng kuya niya. Isang araw ay kinailangan ng Kuya Ivan niya na pumunta sa ibang bansa dahil napili itong isama ng boss nila na magtatagal ng isang buwan. Hindi naman puwedeng tumanggi ang kuya niya kaya pumayag ito. Ang problema lang ay wala siyang makakasama sa bahay nilang dalawa. Ayaw pa naman ng kuya niya na mag-isa lang siya. Naisip ng Kuya Ivan niya na doon muna patirahin sa bahay nilang dalawa na magkapatid ang best friend nito na si Marcus para may kasama siya. Mapagkakatiwalaan naman ito at higit sa lahat ay babantayan siya. Imbis na matuwa ay kinabahan si Divine matapos niyang malaman 'yon na ang matagal na niyang gusto na lalaki ay ang makakasama niya sa bahay nila habang wala ang kuya niya. Ano kaya ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa na magkasama sa iisang bubong? Masabi kaya ni Divine ang totoong nararamdaman niya para kay Marcus? May chance kaya na mahalin rin siya ni Marcus pabalik kung umamin siya ng totoong nararamdaman niya para dito?
Romance
1014.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Hey Little Girl

Hey Little Girl

roseZy
Rose Fuevo isang simpleng babae na ang gusto lamang sa buhay ay ang katahimikan at ang makatulong sa kanyang pamilya ay sadyang pinaglalaroan ng tadhana. Hindi niya akalain na ang kanyang mga pinapangarap ay hahadlangan ng napakaraming mabibigat na trahedya. Marami siyang makikilala na magiging parte din sa kanyang buhay kasama na doon ang unang magpapatibok sa kanyang puso na si Kristoff Guerrero kasama ang pinsan nitong si Henry Simson. Ngunit dahil nga'y mapaglaro ang tadhana ay tila pati din sa kanyang pag-ibig ay dadanas siya nang matinding pagsubok para lamang dito. Higit pa dyan ay makikita niya na ikakasal na ang kanyang pinakamamahal sa ibang babae. Makakamit ba niya ang kanyang mga hinahangad na makapiling ang kanyang minamahal sa kabila ng mga hirap na dinanas niya? Tuklasin ang kabuuan na storya ni Rose Fuevo.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!

TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!

Limang taon. Ang akala ni Agatha ay makakaya ng panahon para umibig din sa kanya si Noah, pero sa paglipas ng limang taon na kasal siya dito ay hindi nagbago ang pagtingin nito sa kanya. Naghintay siya, ngunit dumating na sa puntong hindi na niya kaya, napagod na siya sa paghihintay kay Noah. Sumuko na siya lalo na at bumalik na rin ang babaeng una nitong minahal bago siya nito pinakasalan. Ngunit kung kailang handa na siyang ibigay ang kalayaan nito, kung kailan gusto na niyang makalaya sa kasal nila ay ayaw naman nitong ipawalang bisa ang kanilan kasal. At ang lagi nitong dahilan kung bakit ayaw siya nitong palayain; Isa lang siyang tagapagligtas sa paningin nito at ang kabayaran ng pagliligtas niya sa buhay nito ay ang manatili silang kasal kahit na pareho na silang nasasakal.
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Fiancee

The Billionaire's Fiancee

Mahal na mahal ni Hannah si Jared. Sampung taon na silang magkasintahan at ikakasal na, pero may ibang pakiramdam si Hannah sa kanyang fiancee. Pakiramdam niya ay m ay iba na ito kaya malamig na ang pakikitungo ni Jared sa kanya. Lalo pa siyang nag-isip nang makilala niya si Jane, ang buntis na kaibigan ni Jared.
Romance
9.612.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Virgin

The Billionaire's Virgin

JoyJoy
Isang taon na lamang ay mawawala na sa kalendaryo si Patricia. She's turning 30 years old by next year, pero nananatili pa rin siyang virgin. Rinding-rindi na rin siya sa mga naririnig na natatanda na siyang dalaga. Kaya naman, nang gabi na nagawi siya sa isang bar ay hindi na siya nagdalawang isip na isuko ang kanyang bataan sa isang estrangherong lalaki. A completely stranger, kahit ang pangalan ng lalaki ay hindi niya naitanong. After a year, however, mistulang multo na sumulpot sa kanyang harapan ang mukhang iyon. He's not just an ordinary man... but a Billionaire, a top Billionaire.
Romance
622 viewsOngoing
Read
Add to library
Isang Magandang Pagkakamali

Isang Magandang Pagkakamali

Sa araw ng kanyang kasal, namatay ang kanyang asawa, na iniwan siya sa isang mahirap na sitwasyon. Pinagbawalan siya ng kanyang mga biyenan na magpakasal muli at pinilit siyang magtrabaho bilang isang sekretarya ng kanyang bayaw, na presidente ng isang kumpanya. Hindi nagtagal ay napagtanto niya na ang pangulo ay ang lalaking nakatagpo niya sa nakamamatay na gabing iyon. Tila nakilala niya siya at tinatrato siya nang may paghamak, pagmamataas, at kabastusan, na nagparamdam sa kanya ng labis na pagkabalisa. Naisipan niyang tumakas, ngunit nahuli siya nito at ibinalik. Ano ang kanyang tunay na intensyon?
Romance
3.9K viewsOngoing
Read
Add to library
HIDING HIS TWINS (BOOK 2)

HIDING HIS TWINS (BOOK 2)

Pseudonym
Ilang taon niyang inantay na mahalin siya ng lalakeng noon palang ay gustong-gusto na niya. Ipinagkasundo silang ikasal ng mga magulang nila at sobrang saya niya simula nong tumira na sila sa iisang bahay at sa wakas makakasama niya na rin si Ken. Sa tagal ng pagsasama nila ay nabago niya si Ken, si Ken na malambot na sa lalake lang dapat na a-attract kase nga isa itong bakla. At dumating na nga ang pinakaaantay niya. Minahal na siya ng taong mahal niya pero di nag tagal biglang nag bago ang lahat. Biglang naging cold at mapanakit ang dating malambing niyang asawa... Hanggang sa nalaman niya rin na niloloko siya nito...
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

Eyah
Hindi akalain ni Serena na ang simpleng pagtanggi niya na sapilitang maikasal sa kuya ng kanyang best friend ang magiging daan pala para maungkat ang isang rebelasyon tungkol sa pagkatao niya. Iyon din ang naging simula ng isang napakalaking pagbabago sa buhay niya. Mula sa pagiging tagapagmana ng mga Choi ay natagpuan niya na lang ang sarili niya na nasa isang napakahirap na kalagayan. Mula sa naglalakihan at mga bonggang runway platform na nilalakaran niya suot ang iba't-ibang designer items ay naroon siya ngayon sa isang maliit na entabladong nasa gitna ng madilim na club— sumasayaw ng malaswang sayaw habang suot ang maliliit na piraso ng tela na kaunti na lang ay maglalantad na sa kaluluwa niya. Mula sa tingin ng paghanga at sigaw ng admirasyon mula sa mga umiidolo sa kanya ay nauwi siya sa pagsalo ng mga malalagkit na tingin at mahahalay na salita mula sa mga lalaking hindi niya kilala na pawang mga hayok sa laman. Ang magandang katawan na dati niyang iniingat-ingatan, ngayon ay naging parausan na lang ng kung sino man ang may kakayahang magluwal ng pinakamalaking halaga para sa isang gabing impiyerno sa loob ng VIP room ng club. Paanong ang simpleng paghahangad ng kabutihan niya para sa sarili ay naging sanhi ng pagbaliktad ng mundo niya at pagkawala sa kanya ng mga taong mahalaga sa buhay niya? Ngunit sa kabila ng hirap at walang katiyakan ay pinili niya pa ring mabuhay. Kahit alang-alang na lang sa isisilang niyang anak sa lalaking nakasama niya sa isang gabing impiyerno na iyon. Sa lalaking hindi niya man lang nakikilala...
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Jeadaya_Kiya18
Kinakayod ni Ella ang hirap ng pagiging-escort para sa mga utang ng mabisyo niyang nanay. Mula pa bata nang siya ay magsimulang pasukin ang iba't-ibang trabaho dahil sa hirap ng buhay. Isang simpleng babae na walang ibang pinangarap kung hindi ay ang magkaroon ng maganda at payapa na pamumuhay. Ngunit, nang dahil sa isang kasalanan na hindi naman siya ang gumawa ang kaniyang pagbabayaran. Nang dahil sa pagkakahawig nito sa isang gold digger na minamahal ng isang bilyonaryong tao ay tuluyan na nagbago ang takbo ng kaniyang buhay. Gumanda ang kaniyang pamumuhay, wala na ang araw-araw na pagsabak niya sa pagpapasaya sa iba't-ibang lalaki sa bar at kahit hindi ito magtrabaho ay maaari na niyang bilhin at gawin ang lahat ng naisin nito habang, kapalit ng mga ito ay ang pagkakakulong niya sa isang lalaki na minsan man ay hindi niya nakilala o nakita sa tanang buhay. Isang lalaki na sa una pa lang ay pinakitaan na siya ng kasamaan at pagmamalupit. Dito na ba tuluyan mababago ang isang normal at payapang pamumuhay ni Ella? Titingnan na lamang ba niya itong oportunidad para iahon sa hirap ang kaniyang sarili at nanay o mas pipiliin niya pa rin na tumakas sa nakasasakal na kamay at nakasusulasok na pag-uugali nito? Paano niya nga ba magagawa na malulusutan ang problema na hindi naman siya ang gumawa?
Romance
995 viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire, Here Comes Your Wife!

Billionaire, Here Comes Your Wife!

Dahil sa isang aksidente, nalaglag ang dinadala ni Aeris na siyang dahilan kung bakit naging impyerno ang kanyang buhay-may asawa. Sa kamay pa lamang ng kanyang byenan, lalo na sa kanyang asawang si Flyn. Lahat na yata ng klase ng pang-aabuso ay naranasan niya, at tinanggap niya iyon dahil naniwala siyang kaparusahan iyon sa kanyang ginawa. Hanggang sa dumating ang tiyuhin ni Flyn na si Lucien, na tila ba handa siyang iligtas sa buhay na ayaw niyang iwanan. Dumating ang araw na desidido na si Aeris na tumakas at sumama na lamang kay Lucien, ngunit agad na naglaho ang kanyang mga pangarap nang bigla niyang masaksihan ang sikretong nag uugnay sa kanilang dalawa ng lalaki. Handa ba siyang maranasan muli ang kalupitan na minsan na niyang tinakasan sa kamay ng lalaking naging dahilan kung bakit niya piniling mabuhay?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1819202122
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status