Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A SECOND CHANCE IN LOVE

A SECOND CHANCE IN LOVE

Isang gabi lang pero nabago na husto ang buhay ni Althea. tatlong taon ang lumipas at nagtagpo muli ang landas nila. Ano kaya ang mangyayari sa muli nilang pagkikita. Magkakaroon ba ng chance na may mabuong pagmamahal sa kanilang dalawa. Magkakaroon ba sila ng pagkakataon para makilala ang isa't isa o tulad nun una ay iiwasan muli ni Althea ang binata. Vhans
Romance
9.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Player's Playmate

The Player's Playmate

Hiwalay ang mga magulang ni Laarni Villegas. Ganun pa man kahit hiwalay ay busog siya sa sustento at suporta sa bawat panig. Kaya naman nang piliin niyang maging isang volleyball player ay walang kontra ang mga magulang niya.  Hanggang sa makilala niya ang isang Kyre Mendoza, gwapo, matangkad at nag- uumapaw ng sex appeal na laging nambulabog sa kanya tuwing may laro siya. Isang CEO na may-ari ng team kung saan siya miyembro bilang isang manlalaro.  Paano maiwasan ni Laarni ang isang Kyre na walang ibang ginawa kundi ang palaging pagpapa- cute sa kanya? O dahil sa kakulitan ni kyre ay magiging magkalaro sila sa larangan ng pag-ibig?
Romance
109.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Falling For My Runaway Bride

Falling For My Runaway Bride

Warning R-SPG ⚠️ Si Amara ay isang mabait at konserbatibong babae na iniwan ng kasintahan matapos siyang gamitin at lokohin. Sa gabi ng kanyang pinakamasakit na kabiguan, nakilala niya si Leo, isang misteryosong estranghero na nagligtas sa kanya at naging asawa niya sa isang di-inaasahang kasunduan. Ngunit ang kasal na dapat ay pansamantala lamang ay nagdala ng mas malaking gulo sa kanilang buhay. Nang maghiwalay sila, iniwan ni Amara ang isang lihim na magbabago sa lahat—ang kambal nilang anak. Limang taon ang lumipas, muli silang nagtagpo sa gitna ng mga lihim, selos, at banta mula sa mundo ng mafia na kinasasangkutan ni Leo. Sa pagitan ng pag-ibig at panganib, magagawa kaya nilang paghilumin ang mga sugat ng nakaraan? O tuluyan na silang lalayo sa isa’t isa? Isang kwento ng sakripisyo, pamilya, at pagmamahal ang magpapatunay na minsan, ang mga pusong nasaktan ay maaaring magmahal muli.
Romance
1010.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Demon’s Forbidden Wife’s Son

Demon’s Forbidden Wife’s Son

Tearsofpaige
Si Allyce Sheina ay isang normal na tao at pinakasalan niya si Demon Shaitan sa edad na dise-nuebe pa lamang. Hindi niya alam na isa palang demonyo ito. Nang malaman niya ang masakit na katotohanan, at dahil na rin sa pagiging relihiyosa ay iniwan niya ito at nagpakalayo-layo. Makalipas ang pitong taon, bumalik si Demon Shaitan sa mortal world upang hanapin at makasama ang kaniyang asawa at napag-alamang nagkaroon sila ng anak ni Allyce. Tatanggapin pa rin ba siya ni Allyce na isang demonyong tunay at kalimutan kung sino siya upang mamuhay sila nang mapayapa? o tataguan pa rin siya nito tulad nang ginawa ni Allyce sa loob ng pitong taon?
Fantasy
109.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Donor Named Seven

The Donor Named Seven

Wala ng ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda ng hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asaya o nobyo man lang. Kaya ng minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na ni Hillary ang suhestiyon ng kaibigan niya na maghanap ng lalaking magbibigay ng anak sa kanya at pagkatapos ay kalimutan na lang ang gabing iyon. Pero hindi sumang ayon ang tadhana kay Hillary. Hindi siya nabuntis. At lalong hindi niya pwedeng kalimutan na lang ang gabing may nangyari sa kanila ng guwapong estranghero. Buong akala niya ay hindi na muling makikita pa ang estrangherong iyon pero gusto na niyang kumaripas ng takbo pauwi ng magkita sila ulit nito. Sa isang kasal kasi ng isa sa mga kaibigan niya, nagkita sila ni Seven Fuentes---ang lalaki sa bar na ubod ng macho, gwapo at bango. At ang loko, pinilit siyang saluhin at makipag agawan sa wedding bouquet dahil sa pagbabanta nitong sasabihin sa mga kaibigan niya ang nangyari sa pagitan nila. Wlaa siyang pagpipilian dahil hawak ni Seven ang sekretong ipinamba-blackmail nito sa kanya.
Romance
1010.3K viewsCompleted
Read
Add to library
SECRET LOVE

SECRET LOVE

Tatlong magkakaibigan na ninais lamang ay magmahal at mahalin. Silang tatlo ay may kanya - kanyang mga nobyo pero dahil sa tukso at biro ng kapalaran, mahuhulog ang kanilang mga puso sa di inaasahang tao na siyang nobyo ng kaibigan. Mapapanindigan kaya nila at maipaglalaban o tuluyan nalang sekreto ang nabuong pagmamahalan?
Romance
109.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Arrange Marriage to the Nerd Billionaire

Arrange Marriage to the Nerd Billionaire

Ako si Daniel Montenegro isang kilalang Nerd na cute sa school na pinapasukan ko ngayon. Palagi ako ang target ng mga bully na sikat sa school na pinapangunahan ni Kathryn Monte Falco. Isa siyang Queen bee daw kuno at walang pwede na sumalungat sa mga gusto nito dahil para sa kanya siya ang Reyna ng mga bubuyog este ng Campus kaya kung gusto mo na maging matiwasay ang iyong buhay habang nag aaral ka pa lang ay huwag na huwag mong naisin pa na kalabanin ito. Samantala, ang aking mga papansin na magulang ay bigla na lang nalagyan ng tubig sa utak kaya naisipan nilang ipagkasundo ako na ipakasal sa she devil na ito na wala ng ginawang mabuti sa buhay ko. Makakaya ko bang makisama sa katulad nito o hihilingin ko na lang sa aking mga magulang na tanggalan na lang nila ako ng mana at ipamigay na lang sa charity ang mamanahin ko na multi billion worth of companies mula sa kanila. Kaysa ang makasama ang isang katulad nito.
Romance
1010.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Cold Billionaire's Forbidden Maid

The Cold Billionaire's Forbidden Maid

Limang taon na ang nakalipas mula nang talikuran ni Nica Mendoza ang lalaking minahal niya higit pa sa sariling buhay. Sa kapalit ng limang milyong piso—at isang pangakong ililigtas ang kanyang ina—iniwan niya si Rafael Watson, ang nag-iisang lalaking pinangarap niyang makasama habang-buhay. Ngunit ang kapalit ng kanyang sakripisyo ay hindi kapayapaan… kundi impiyernong walang tigil. Ngayo’y muli silang nagtagpo—ngunit hindi bilang magkasintahan, kundi bilang amo at kasambahay. Si Rafael, ang ngayon ay tinaguriang Cold Billionaire, ay walang ni katiting na init ng damdamin sa kanyang mga mata. Sa bawat titig, bawat utos, at bawat sarkastikong ngiti niya, ramdam ni Nica ang galit... ang hinanakit... at ang pagnanasang tila hindi nawala sa kabila ng taon. Sa loob ng apat na pader ng marangyang mansion, isang mapanganib na laro ng damdamin ang magsisimula. Isang larong puno ng pagsisisi, pagkakaila, at mga lihim na matagal nang ibinaon sa limot. Pero paano kung ang larong ito ay muling mag-alab—mas mainit, mas delikado, at mas makasalanan? Sa pagitan ng galit at pagnanasa, alin ang pipiliin—ang paglimot o ang muling pagtikim sa isang bawal na pagmamahalan?
Romance
1010.2K viewsOngoing
Read
Add to library
My Vengeful Wife

My Vengeful Wife

Nang dahil sa pagkasawi ng mga magulang na parehong miyembro ng isang secret agency ay tumatak sa isip ni Veron Stacey Santibañez ang isang lihim na paghihiganti sa mga taong pumaslang sa mga mahal niya sa buhay. Upang magawa ang nais na paghihiganti ay pumasok rin siya bilang isang secret agent sa organisasyong pinagsisilbihan ng mga magulang noon. Kailangan niya ang organisasyon at ang mga nalalaman nito para maisagawa ang paghihiganti. Sa mga misyong kinakaharap ni Veron ay makikilala niya si Ynzo Abraham Tolledo. Ang makisig, guwapo, ngunit pinakamalaking malas na nakilala niya sa buong buhay niya. Ito ang lalaki na ubod ng yabang at saksakan ng glue na dikit nang dikit sa kaniya sa lahat ng oras. Hindi niya alam kung trip lang ba siya nitong paglaruan o talagang malakas lang ang sapak nito. Isa lang itong lalaking walang ibang kailangan kundi ang makahanap ng babaeng mapapangasawa dahil kung hindi ay wala raw itong mamanahin mula sa mga magulang ‘pag tuntong nito sa edad na tatlumpu. At sa lahat ng babaeng minamalas ay siya pa ang nakita nitong alukin ng kasal-kasalan para lamang makuha ang ninanais nitong mana. Akala ni Veron ay simpleng bagay lang ang inaalok ni Ynzo. Napag-alaman niyang malaki ang maitutulong ng lalaki upang makuha niya ang hustisyang inaasam-asam niya. Kaya kahit may mahal nang iba ay napilitan pa rin siyang kumapit sa patalim. Pareho naman silang makikinabang ni Ynzo sa kasalang iyon. Ngunit may isa sa mga kondisyon na kanilang napagkasunduan. No feelings attached. Ang lahat ng magaganap mula sa araw ng kasal hanggang sa matapos ang misyon ay walang halong damdamin o pag-ibig. Mapanindigan kaya nila ang pinasok na laro? O pareho silang mapapahamak sa mabilis na bala ng pag-ibig na tatama sa kanila?
Romance
9.99.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Devilish Billionaire's

The Devilish Billionaire's

Aiden Knight isang bilyonaryo nan ais maghiganti sa kanyang malapit na kaibigan dahil sinisisi niya ito sa pagkamatay ng kanyang mga magulang pero sa hindi inaasahan na pangyayari ay minahal niya si Linnea na siyang kasintahan ng taong gusto niyang paghigantihan. Ginawa niya ang lahat para makuha ang puso ng dalaga pero hindi ito nagwagi at kalaunan ay nagpaubaya na lang lalo na nong nagkaayos sila ni Hunter. Nakilala niya ang matalik na kaibigan ni Linnea na si Ciara na siyang magpapatibok ulit ng kanyang sugatang puso, no’ng una ay hindi nagging maganda ang pagkakilala nila ero ng tumagal ay naging maayos ang samahan nila at naging magkasintahan. Akala nilang dalawa ay magiging masaya na sila pero may pagsubok na dumating sa kanila dahilan para maghiwalay ang landas nila. Labis na nasaktan si Aiden sa pag iwan sa kanya ni Ciara at ipinangako niya sa kanyang sarili na kapag bumalik ito ay papahirapan at ipaparamdam niya sa dalaga ang hirap at sakit na dinanas niya, Sa pagbabalik ni Ciara ay matutuklasan ni Aiden ang lihim na itinago siya kanya ng dalaga dahilan para mas lalong umusbong ang galit niya dito. Will they have a happy ending? Mapapatawad pa kaya ni Aiden ni Ciara? Alin ang mas magiging matimbang ang pagmamahal o ang kagustuhang maghinganti?
Romance
1010.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status