Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My secret affair (A life and death contract)

My secret affair (A life and death contract)

Dahil sa kagipitan ay kumapit sa patalim si Sabrina upang maisalba ang buhay ng mga magulang. Tinanggap na ang kaniyang kapalaran at naniwalang wala na siyang karapatan maging masaya at magkaroon ng laya magmahal. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Xavier, ang mayabang na mayaman na magpapatibok ng kaniyang puso. Paano niyang ihahayag sa lalaki ang kaniyang tunay na nararamdaman kung isang madumi at bayarang babae lamang ang tingin nito sa kaniya? May pagkakataon pa kaya para sa isang Sabrina Pascual na makamit ang totoong kaligayahan? O maging sunud-sunuran sa ilalim ng madilim na kontratang magkukulong sa kaniya sa isang bangungot habang buhay.
Romance
489 viewsOngoing
Read
Add to library
His Secret Obsession (FILIPINO VERSION)

His Secret Obsession (FILIPINO VERSION)

Josie frank
Athena Ramirez Ang trabaho ay eksakto kung ano ang gusto niya. alam niyang magagawa niya ito ng maayos. Tuwang-tuwa si Athena sa pagkakataong magtrabaho hanggang sa sinabi ng babae sa ahensya na walang puntong mag-aplay dahil, ang mahalaga ngunit hindi nasabi na mga kwalipikasyon ay ang pagiging kasal, o nasa katanghaliang-gulang, at ako ay hindi. Tila, si Eros Ramazzotti ang CEO ay isang workaholic na may sakit na ang kanyang mga batang sekretarya ay umibig sa kanya at nawalan ng konsentrasyon sa kanilang trabaho. Lumalabas na ang pagiging hindi kaakit-akit ay itinuturing na isang bonus dahil hindi rin niya nais na magambala. Ngunit hindi siya ganoon kadaling sumuko. Ang trabaho ang tanging pag-asa at pagtakas niya kaya nakumbinsi ni Athena ang ahensya na ipadala siya para sa interbyu. Inalis niya ang kanyang mga pampaganda, namuhunan sa isang murang singsing sa kasal, nagsuot ng mga damit na dowdy. Para sa mabuting sukat, nagdagdag siya ng isang pares ng pangit na salamin, hinila ang kanyang buhok sa isang hindi nakakaakit na tinapay, at voila. May asawa at hindi kaakit-akit. Oo, nakuha niya ang trabaho, Oh, and guess what? Sa wakas ay naunawaan na niya kung bakit hindi makapag-concentrate ang ibang mga sekretarya sa trabahong ito. Si Eros Ramazzotti ay ang pinakamainit na CEO na nabubuhay, na ginagawang imposibleng magtrabaho para sa kanya ngunit ang kanyang desperadong krisis sa pananalapi ay naging dahilan upang lunukin niya ang anumang pagnanais na mayroon siya para sa kanya...
Romance
107.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Ugly Wife

The Billionaire's Ugly Wife

Dahil sa isang aksidente nasira ang mukha ni Sonia Salazar. Isang batikan na actress at kilala sa taglay nitong ganda at talento. Sa pagbabago ng kaniyang mukha ay kasabay 'non ang pagbabago ng mga tao sa paligid niya. Iniwan siya ng kaniyang asawa, kinatakutan ng anak at tuluyang nasira ang kaniyang career. Pinalayas din ito sa mansion ng mga Valencia at tinalikuran ng mga inaakala niya na kaibigan. Sa pag-aakala na iyon na ang katapusan at sa pagkakataon na malapit na siya sumuko. Dumating ang dalawang tao na tuluyan na magpapabago sa buhay niya. "Mommy!" "Sonia." Lumapit ang dalawang tao na 'yon habang ang mga camera ay kumikislap galing sa iba't ibang bahagi ng lobby. "Pasensya na ngunit nagmamadali kami ng asawa at anak ko. Malapit na mag-start ang movie," ani ni Fabian habang hawak sa bewang si Sonia na nakatingala at nakatingin kay Fabian na buhat ang anak na si France. Noong nagtama ang mata nilang dalawa kasunod 'non ang pagyakap ni France sa leeg no Sonia at tumawag ng mommy. "Ibig sabihin si Sonia Salazar ang nababalitaan na second wife ni Fabian Martinez? Oh my gosh! big news ito!"
Romance
1020.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Fusion of Two Worlds

The Fusion of Two Worlds

Mathealogy
Isang babaeng pinangalanang Sithya ang nadisgrasya dahilan ng pagkawala ng kanyang memorya, hindi niya alam kung paano mamumuhay ng walang kaalam alam kung sino at nasaan siya. Wala siyang ibang magagawa kundi ang magpanggap at makisama sa mga mageno na napag-alamanan niyang may espesyal na abilidad. Namuhay siyang nagpapanggap na kabilang sa mga naninirahan sa Voreios, lugar kung saan nakatira si Ravus — ang lalaking nagligtas sa kanya, hanggang sa makuha niya ulit ang kanyang memorya. Nang sa gano’n ay makabalik siya sa totoong kanyang pinanggalingan, at hindi iyon Voreios. Naging matunog ang kanyang pangalan sa Voreios dahil sa kanyang pambihirang pisikal na abilidad na kayang makipagsabayan sa pakikipaglaban sa mga mageno kung kaya’t sa maikling panahon ay itinuring siyang isa sa mga mageno kahit walang taglay na espesyal na abilidad. Sa maikling panahon ay marami na siyang nagpadaanan sa loob ng Voreios at pakiramdam niya ay kabilang talaga siya dito. Kaya gumuho ang lahat nang bumalik ang kanyang memorya. Hindi siya si Sithya. Hindi siya taga-Voreios, at lalong lalo nang hindi siya mageno dahil siya si Seffyre Nicolisle Lestridge na isang tao. Siya pala ay mula sa mundo ng mga tao na kinamumuhian ng mga mageno. Nauunawaan niya na kung bakit kakaiba ang kanyang pisikal na abilidad. Iyon ay dahil siya ay hindi lang ordinaryong tao kundi isang agent na hubog sa pakikipaglaban. Ngayon ay kailangan niyang gumawa ng paraan upang makabalik sa mundo ng mga tao na kanyang totoong kinabibilangan habang wala pang nakakaalam sa kanyang lihim. Sa kanyang pagbabalik sa mundo ng mga tao ay nabalitaan niya na ang mundo ng mga mageno ay nasa panganib. Pipiliin niya bang bumalik para tumulong? O manatiling mamuhay ng ordinaryo sa kanyang sariling mundo?
Sci-Fi
4.3K viewsOngoing
Read
Add to library
About Last Night (Tagalog)

About Last Night (Tagalog)

Aksidente at hindi inaasahan na mangyayari ni Kristina na basta-basta niya lamang maibigay ang kaniyang iniingat-ingatang Dignidad at Kalinisan bilang isang babae sa binatang nakilala niya lamang ng isang gabe. In short Kristina got a One Night Stand to the man she just meet. Dahil sa kalasingan ng dalawa at pagkawala nito sa kani-kanilang matinong kalagayan at kaisipan ay nagawa nila ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalain na magaganap. Ngunit sa kabila ng askidendting kaganapan sa kanilang dalawa ay magiging kabuluhan pala ito kay Kristina, kahit pa minsan na siyang nagsisisi sa kaniyang nagawang pagkakamali kung bakit niya naibigay ang kaniyang sarili sa binatang hindi niya lubos na kilala. Tila basta na lamang siya nagkaroon ng kagustuhan at interest sa binata matapos ang mainit na kaganapan sa kanila nang gabing iyon. Na tila humantong pa na may namumuong pagmamahal sa kaniyang puso para sa binata sa isang iglap lamang. Ngunit magagawa ba ni Kristina na ipagpatuloy ang kaniyang pagkagusto sa binata kahit na iniwan lamang siya nito na parang isang bayarang babae, na matapos pakinabangan ay iwan at pababayaan na lang? Magagawa ba niyang mahalin ang binata kapag sila'y magkikitang muli matapos nawala na parang bula? This story contains mature content! So, please! Read at your own RISK!!!!
Romance
25.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Married to my Boss, Divorced from my Love

Married to my Boss, Divorced from my Love

Anim na taon na mula nang huling magkita sila Kristine at Nine. Dati silang magkasintahan at hindi naging maganda ang paghihiwalay nila. Pinangako ni Kristine sa sarili na hindi na siya muling magpapaloko kay Nine, at isinumpa naman ni Nine na maghihiganti siya sa dalaga sa susunod na magkita sila. They were worlds apart. Akala nila hindi na sila magkikita ulit pero nang dahil sa utang ng mga pamilya ni Kristine sa pamilya ni Nine, napilitan siyang magtrabaho para sa mga ito.
Romance
245 viewsOngoing
Read
Add to library
Endless life with my Billionaire Lover

Endless life with my Billionaire Lover

Sa walong taon ni Jhaxien Montejas sa dating ay ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng kanit anong pagtingin sa mga taong nakakameet niya, dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang Tiya Veron na makaahon sila sa hirap ay hinanapan siya nito ng lalaking kayang ibigay ang karangyaan sa kanila. until she meet Exell Fabillos isang Mayaman na hari ng mga Sanggano na kung tawagin nila ay mga Mafia ng Eresalve land, na ang sabi nila ay pagmamay-ari nito. unang kita pa lang niya kay Exell ay nakaramdam na siya na hindi sila magkakasundo, dahil hindi ito ang tipo niyang lalaki, na malayo sa crush niyang si Lexford Guevarra na isang mayaman rin na may ari ng isang coffee shop na malapit sa pinagtatrabahuhan niya. Ngunit makakatanggi nga ba siya sa sapilitang kasal agrisibo at sangganong leader ng Mafia.
Mafia
453 viewsOngoing
Read
Add to library
My Dormmate is a Billionaire

My Dormmate is a Billionaire

Tey
Ang buong akala ni Chelsea ay si Kevin na ang para sa kaniya, ngunit nagkamali siya nang makipaghiwalay ito sa kaniya matapos ang kanilang one year anniversarry. Nadurog ang puso ni Chelsea, saka pumasok sa buhay niya ang kaibigan ng kapatid niyang si Franco na si Camerman. Lingid sa kaalaman ng lahat, isang secret billionaire si Camerman na nakatakdang humalili sa kanyang ama na si Don Pablo bilang CEO ng SOL Foundation—isang sikat na Foundation para sa mga bata at matatanda. Napilitan na lumayas si Camerman sa pamamahay nila matapos sumama ang loob nito sa kanyang ama sa kadahilanang ipapakasal siya nito sa isang hindi kilalang babae. Ayaw niyang matali sa babaeng hindi niya naman mahal. Dahil dito ay napadpad siya sa dormitoryo ng kaibigan niyang si Franco. Nangako si Camerman na tutulungan niya ang kaibigan niya na protektahan ang nakababata nitong kapatid na si Chelsea kapalit ng pananahimik ni Franco at hayaan siya nitong magtago muna mula sa kanyang ama. Naging aso't pusa si Chelsea at Camerman, ngunit kalaunan ay nahulog ang loob nila sa isa't isa. Paano kung malaman ni Chelsea na ang lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso ay nakatakda na palang ikasal sa iba? Manaig pa rin kaya pagmamahal niya? O tuluyan na niyang tatapusin ang lahat?
Romance
10828 viewsOngoing
Read
Add to library
The Ex-Husband's Revenge

The Ex-Husband's Revenge

Kapag ang asawa ng isang lalaki ay nabuntis ng iba, karaniwan na pinapalayas ng lalaki ang asawa niya mula sa bahay nila o siya ang makikipag-divorce. Gayunpaman, baliktad ito para sa 26-taong gulang na si Leon Wolf. Trinato na nga siya na parang isang alipin ng mga biyenan niya, pinalayas siya ng bahay ng asawa niya at ng pamilya nito pagkatapos nitong ipagmalaki sa kanya na nabuntis ito sa iba! Naguluhan at puno ng sama ng loob si Leon, naglakbay siya patungo sa sementeryo, kung saan nagkataon na nasaksihan niya ang pagbabalak ng iba na patayin ang isang magandang babae. Habang niligtas ang babae, nakatanggap ng nakakamatay na saksak si Leon sa kanyang dibdib at hinila niya papunta sa ilog ang sumaksak sa kanya para malunod silang dalawa… Ang lahat ay senyales na mamamatay si Leon, dahil hindi na siya umahon mula sa tubig kahit na ilang minutong naghintay ang babae. Nang maniwala ang babae na pumunta na sa kabilang buhay si Leon, umalis siya habang nagsalita siya sa ilog, “Ang pangalan ko ay Iris Young. Puntahan mo ako minsan…” May malay si Leon sa ilalim ng tubig… ‘Iris… Isang magandang pangalan…’
Urban
9.1130.9K viewsCompleted
Read
Add to library
ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

Ang kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib. Kung saan sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato siya ay napadpad. Habang nasa biyahe ay hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng mga masasamang loob. Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na mga pagmumukha. Animo mga buwitreng gutom na nakakita ng karneng pag-aagawan sa katauhan niya. Nanganganib siyang malapastanganan. Subalit sa kabila ng takot ay hindi pinanghinaan ng loob si Rose. Dinala sya ng grupo sa kuta ng mga ito at ginawang bihag. Sa puntong iyon alam niyang nasa panganib ang kanyang buhay lalo na at natipuhan siya ni Horan ang mabagsik na pinuno ng mga bandidong dumukot sa kanya. Napasakamay siya sa pangangalaga ni Dimitri. Ang lalaking may mala-leon na lisik ng mata. Ngunit Imbis na mas lalong mangamba sa kaligtasan ay natagpuan niya ang sariling nais na mahulog sa mga bisig ng lalaking tulisan.
Romance
1010.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status