Chasing Dr. Billionaire
Ewan ko ba, dapat masaya ako ngayong araw na ito kagaya ng ibang mga estudyante, pero kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang ngumiti hanggang sa magsimula na ang graduation march.
Nagsimula na rin ang seremonya, at maya maya pa, ay isa isa nang tinawag lahat ng graduates para tumanggap ng diploma.
Sunod ay ang Awarding of Honors and Special Awards. Marami akong natanggap at tuwing tatawagin ang pangalan ko ay salitan sina itay at inay kung sino ang aakyat sa stage para siyang magsabit ng medal sa akin.
Syempre ang pinaka importante sa lahat ay ang pagbibigay ng medal sa valedictorian para sa highest academic achiever, at ako yun.