Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss
Tatlong taon na nagbulag-bulagan si Luna Pineda sa pagtataksil ng kanyang asawang si Ralph Camero, ang nag-iisang tagapagmana ng isa sa pinakamakapangyarihang angkan sa lungsod.
Ngunit nang mabunyag kung sino ang kerida nito, pakiramdam niya ay naiputan siya sa ulo. At ang kabit nito? Walang iba kundi ang sariling hipag niya!
Sa mismong ikatlong anibersaryo ng kanilang kasal, hindi halik o regalong mamahalin ang iniabot ni Luna… kundi annulment papers.
Sa isang iglap, naglaho ang lahat ng pag-ibig na inalay niya sa asawa. Ang tanging hiniling ni Luna ay makalaya at magsimulang muli. Ngunit paano niya magagawa iyon kung ang isang lalaki mula sa masakit niyang nakaraan ay biglang bumalik—handang guluhin ang puso at kinabukasang pilit niyang binubuo?