Loveless Deal With The Possessive Billionaire
Dahil sa paniniwalang mahahanap mo ang totoong taong magmamahal sa ‘yo kapag walang-wala ka, tinago ni Koa Haile Montinola ang katotohanang isa siyang heiress ng isang mayamang pamilya mula kay Conrad, ang kanyang kasintahan. Ngunit matapos niyang isakripisyo ang lahat para rito, ang tanging natanggap niyang sukli ay pagtataksil at ang pagnanakaw nito sa perang inipon niya para sa kanilang nalalapit na kasal para sa first love nito. Ang mas masakit pa, may anak ang mga ito.
At ang masaksihan ang “happy family” ng taong sumira sa kanyang tiwala, walang pagdadalawang-isip siyang umalis. Bumalik siya sa kanyang pamilya at sumang-ayon sa arrange marriage na nakahanda para sa kanya.
Meleck Hudson Miller, isang notoriously cold businessman na balitang may secret lover. Kahit na ayaw manira ni Haile ng relasyon, kung gusto niyang matanggap ulit ng pamilyang tinalikuran niya noon, wala siyang ibang magawa kundi ang makipag-deal sa binata. To take revenge of her ex-fiancé and to win her family’s trust back.
But what if he’s too cold and heartless…and possessive at the same time?
Tamang desisyon kaya ang makipag-deal dito?
-
Diniin siya nito sa likod ng nakasarang pinto. His thumb brushing against her lower lip.
“A deal is a deal. And I hate sharing what’s mine.”
“Hudson…”
“You’re mine. No one’s going to touch you but me. Not even your hands, did you get me?”
Parang may bumara sa kanyang lalamunan.
Is this still a part of their loveless deal?