Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Nagliliyab na Pagnanasa

Nagliliyab na Pagnanasa

“Anastasia, ready?” Seryoso kong tinignan ang manager ko na siyang bumanggit sa pangalan ko. “Always,” tipid kong sagot sa kanya. Kinuha ko ang lipstick sa table. It’s a bold red lipstick, my signature. Mas masarap halikan kapag ganito ka pula ang labi ko. “Remember, no fighting with the clients okay?” bilin nito sa akin. Bahagya akong ngumisi sa sinabi nito sa akin. Hindi ko ito sinagot, minsan na akong nakipag away sa mga kliyente dahil sa mga pina pagawa nila sa akin na hindi ko gusto. “Anyway, your client is a big time billionaire,” sagot nito sa akin habang humi hipak sa sigarilyong hawak niya. Dahan dahan akong tumayo, ang pag iingay ng mga perlas at alahas na naka kabit sa kasuotan ko ay nag ingay, kaya naman nakuha nito ang atensyon ng mga kasamahan ko sa kwarto. Kita ko ang inggit at galit sa mga reaksyon nila pero ni isa sakanila ay wala akong pinaunlakan. Kinuha ko ang sigarilyo na nasa labi ng manager namin at ako ang humipak dito. “Who?” “Rocco Blackwood” Kusang huminto ang mundo ko nang ma rinig ko ang pangalan ng lalaking naikama ako noong nakaraang gabi sa isang high end bar. Bago pa ako maka tanggi ay na kita ko na agad ang lalaking may madilim na ekspresyon naka titig sa akin, as if he is staring at is prey, ready to devour me wholly, in bed. Rough and steamy, I found myself in bed with the ruthless Billionaire. Ang liyab ng pagnanasa na pinaparamdam niya sa akin na siyang nagpapa baliw sa akin sa tuwing nasa kama kaming dalawa.
290 viewsOngoingAdded to Library 9 Times as royal red
Read
+Library
The Star

The Star

Sa likod ng ilaw, palakpakan, at mga kantang minahal ng marami, may mga buhay na tahimik na nasisira at muling binubuo. Si Alexa Emmanuella Padilla Villa—mas kilala bilang Axelle—isang babaeng piniling magningning nang mag-isa, hiwalay sa anino ng sikat na apelyidong kanyang pinagmulan. Sa murang edad, napatunayan niya ang sarili bilang isang singer at negosyante, dala ang paniniwalang ang tagumpay ay mas matamis kapag pinaghirapan. Ngunit noong 2026, nagsimulang magbago ang lahat nang mawala sa kanilang pamilya ang kanyang kapatid isang pag-alis na puno ng lihim, sakit, at katahimikan. Ang pagkawala nito hindi lamang nag-iwan ng lungkot, kundi nagbukas ng mga sugat sa kanilang pamilya na pilit tinatakpan ng paghihinagpis. Habang patuloy ang paghahanap, natutunan ni Axelle na ang katanyagan ay hindi sapat na panangga laban sa pagkawala. Sa gitna ng paglalakbay patungong South Korea at France, isang aksidenteng banggaan ang naglapit kay Axelle at kay Ryo Red “RR” Eun, isang dating K-pop idol na may imaheng matigas ngunit may pusong puno ng sugat at responsibilidad. Ang kanilang mundo ay parehong puno ng ingay, ngunit ang koneksyon nila ay nagsimula sa katahimikan at pag-unawa. Habang unti-unting lumalabas ang mga lihim ng nakaraan sakit, mga anak na iniwan, pag-ibig na hindi natuloy napilitan si Axelle na harapin ang katotohanang ang pagmamahal hindi perpekto. Sa gitna ng trahedya, pagkawala ng magulang, kapatid, at mga kaibigang minahal, natutunan niyang ang tunay na bituin hindi lamang ang kumikislap sa entablado, kundi ang nananatiling nagniningning kahit unti-unting nauubos ang liwanag.
101.5K viewsOngoingAdded to Library 43 Times as royal red
Read
+Library
PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC

PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC

RISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | Dos - PISCES Free Phillian Zodiac is a frustrated painter and a full-time fisherman. Mula gabi hanggang madaling araw ay nasa gitna ito ng karagatan kasama ang mga tauhan para mangisda, at sa umaga naman ay tulog at nagtatago sa araw. In the afternoon, when the sky is red, he would go out of his room and sit on his veranda overlooking the mountains and the sea, and from there, he would start painting. He paints everything his eyes could see, and not a lot of people know this. Isang hapon, habang nasa veranda siya ng kaniyang silid at ipinipinta ang karagatan ay may nakita siyang palutang-lutang na kahoy sa dalampasigan. Using his binoculars, he learns that it isn't just a piece of wood but a raft with a person on it. An unconscious--probably almost dead person who might need some help. Naisip niyang baka isa iyon sa mga mangingisdang nagkaroon ng aksidente sa gitna ng karagatan. At dahil siya ang nakakita ay responsibilidad niyang tulungan ang taong iyon, lalo at nasa bahagi ito ng beach na pag-aari na ng pamilya niya. Nang marating niya ang baybayin ay saka niya napagtantong hindi mangingisda ang naroon, but a woman wearing a bridal gown. Nakadapa ito at nanginginig sa lamig. He saved her and brought her to his place. His female assistant nursed her, and when she woke up the next morning, she claimed to have no memory of the night before. Naisip niya na maaaring nagka-trauma ito kaya nalimot ang nangyari, pero anong gulat niya nang magkaharap sila sa unang pagkakataon ay bigla siya nitong pinagmumumura at binato ng kung anu-anong madampot nito. Odd, but she knows him, and she is furious at him. Bakit daw hindi siya sumipot sa kasal nila? Like, what the f*ck?
1010.6K viewsCompletedAdded to Library 328 Times as royal red
Read
+Library
CURSED BY THE MOON

CURSED BY THE MOON

s4ucevenomous
Years passed, the Academy went well. A war that happened five years ago that was forgotten. No one remembers except the Royal Families. Five years have passed, the said princess of the prophecy was never been found. The last magus user of the forgotten Empire in Azaleus, the Zaffiro Empire. The Magic Realm went well but not the other Realm. The Astral Realm, where werewolves exist. In Magic Realm, werewolves are just a myth, it doesn't exist. A myth that everyone knows. Until it happened. Sa kabilang panig ng mundo, nagkakagulo ang mga mamayanan ng Amavasya. Ang Amavasya ang lugar kung saan naninirahan ang mga lobo sa mundo ng Astral. Sa kabilang panig naman ay ang mga itim na mangkukulam ang naninirahan sa lugar ng Hexe. Mainit ang dugo sa bawat panig na naninirahan sa mundo ng Astral. Matagal ng gustong makamit ng mga sorcière ang buong Astral ngunit pilit na nilalaban sila ng mga Lykos. Naging sakim ang mga sorciere lalo na noong nalaman nila ang naka saad sa propesiya na may isang sanggol na may dugong bampira at lobo ang mag hahari sa buong Astral na walang sino mang nilalang ang makakahigit doon. Isang balita na nagdulot sa mga sorciere upang patayin ang mga bagong silang na sanggol. Hindi naniniwala ang mga Lykos sa nasabing propesiya dahil alam nilang hindi totoo ang mga mga bampira, kung totoo man ito alam nilang nasa ibang dimensyon ito at malabo na makapasok sa kanilang mundo. Ngunit nag bago ang lahat ng malaman nilang isang bampira ang binigay ng Diyos ng Buwan na maging kabiyak ng kanilang Alpha. Isang bampira na may dugong bughaw. Pero imbis na itakwil nila ito, tinanggap nila ito ng buong puso at pinangakuang poprotektahan nila ito hanggang sa huling hininga. Ang bampirang lobo sa mundo ng Astral.
102.3K viewsOngoingAdded to Library 58 Times as royal red
Read
+Library
Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Laking probinsya si Lylia, isang simpleng dalagang maagang naulila sa mga magulang, at naiwan kasama ang kapatid niyang may malubhang karamdaman. Life was never easy for her. Bata pa lang, natutunan na niyang tumayo sa sariling paa. Dahil sa kahirapan, kinailangan niyang dumiskarte araw-araw para sa kapatid at sa kanilang pangkabuhayan. Kaya kahit maliit lang ang puhunan, pinilit niyang magpatayo ng karinderya malapit sa sabungan, umaasang doon sila babangon. Pero isang araw, gumuho ang mundo niya nang madiskubre niyang si Raze, ang kapitan ng barangay, ang pinagkakautangan pala ng mga yumaong magulang niya. At sa desperasyon, tinanggap niya ang alok nitong deal, isang kasunduan na magpapabago sa buong buhay niya. Ang kondisyon? Kailangan niyang pakasalan si Raze bilang kabayaran sa kalahati ng utang nila. Kapalit nito, hindi na ipapa-demolish ng kapitan ang kanilang bahay at karinderya, ang tanging pinagkukunan nila ng kabuhayan. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, may isa pang bahagi ng kasunduan, bukod sa pagiging asawa, maninilbihan din si Lylia bilang kasambahay sa bahay ni Raze, hanggang sa mabayaran niya ang natitirang utang. Samantala, kilalang kuripot at istriktong kapitan sa Barangay Abueña si Raze. He’s a man of rules, walang proyekto ang maaprubahan nang hindi dumadaan sa kanya. But unknown to everyone, he’s actually a secret billionaire, the owner of several airlines, hotels, and luxury resorts in the country that only cater to those with royal blood. At nang bumalik siya sa bayan, sa sabungan niya unang nasilayan ang babaeng dati’y sa larawan lang niya nakikita, si Lylia, ang anak ng mga may utang sa kanya. Doon nabuo ang kanyang mapanganib na plano, gawing asawa ang babae, kahit sa simula’y parte lang ito ng kanyang laro. Posible kayang mauwi sa totohanan ang kanilang kasal, o isa sa kanila ang tuluyang madudurôg at uuwing luhaan?
10146.6K viewsCompletedAdded to Library 3.1K Times as royal red
Read
+Library
Crown Prince Proposal

Crown Prince Proposal

“Don’t expect me to love you, Lian. I only married you because I knew I could control you. You’re just a plaything, easy to use, easy to manipulate.” – Prince Yul Maagang namulat sa realidad si Lian, isang babaeng kayod-kalabaw para sa pamilyang puro luho ang inaatupag at walang ginawa kundi lustayin ang perang pinaghirapan niya. May tatay siyang lasinggero, kapatid na lulong sa bisyo, at inang comatose sa ospital. Kahit anong trabaho, pinasok niya makaraos lang hanggang sa nakuha siyang bodyguard ng isang miyembro ng royal family. Akala niya, doon na magsisimula ang pagbabago. Pero mas naging demanding pa ang pamilya niya pagdating sa pera. Sa trabaho, hindi rin maganda ang trato sa kanya pero tiniis niya dahil sa laki ng sahod. Pakiramdam niya, palagi siyang pinagkakaitan ng tadhana. Hanggang sa isang araw, dumating ang prinsipe sa bansa upang maghanap ng mapapangasawa. Sa gitna ng isang engrandeng event sa palasyo, aksidente siyang nakita ng prinsipe. At sa harap ng maraming tao, bigla siya nitong inalok ng kasal, isang eksenang ikinagulat ng lahat. Ang akala ng prinsipe, madali lang kontrolin si Lian. Bodyguard lang naman niya ito dati. Pero ang totoo, inalok niya ito ng kasal para pagtakpan ang matagal na niyang relasyon sa isang babae, isang sikretong ayaw niyang mabunyag sa kanyang maharlikang pamilya. Pero nagkamali siya. Habang patagal nang patagal ang pagsasama nila, unti-unting nahuhulog ang loob ng prinsipe kay Lian. Sa araw-araw na bangayan, asaran, at hindi inaasahang mga lambingan. Napalapit sila sa isa’t isa. Pero paano kung mabunyag ang sikreto ng prinsipe? Tatanggapin pa rin ba siya ni Lian lalo't dinadala na nito ang anak niya? O mas pipiliin nitong tumakbo palayo at bumalik sa dating buhay?
624 viewsOngoingAdded to Library 24 Times as royal red
Read
+Library
Chained with my boy bestfriend

Chained with my boy bestfriend

ArEnJayne
"Alam mo ikaw ha, masyado kang pala-desisyon. Buhay ko ito kaya huwag kang makialam lalo pa at wala naman ako’ng naging say sa love life mo,” naiinis na pahayag ko kay Franco. Naiinis kasi ito nang malaman na gusto ko ng magkaanak. Lagpas na ako sa kalendaryo at sa takot ko na mapag-iwanan ay ito ang naisip ko na solusyon. Wala sa vocabulary ko ang pag-aasawa dahil na rin sa naging karanasan ng nanay ko at sa nakikita ko sa paligid ko kaya nawalan na ako ng interes lalo na sa mga lalaki. Maraming nanliligaw subalit lahat sa akin ay red flags. Dagdagan pa nitong kaibigan ko na walang inaayawan basta naka-palda sa paningin nito lahat ay maganda. Mabait naman ito, matalino, responsable, masipag at madiskarte subalit sadyang palikero. “Ako ha, concern lang ako sa iyo. Huwag sanang masamain. Mamaya sa kagustuhan mo ay mapahamak ka pa.” Patuloy na litanya ni Franco sa akin. “Kaya nga bago pa mangyari iyon ay uunahan ko na. Hindi ako mai-inlove, hindi ako magiging martir at lalong hindi ko hahayaan na masaktan lang ako ng kagaya mo. Kaya nga anak lang ang gusto ko at iyon na ang pupuno sa pangarap ko. Hindi ako mag-aasawa at sakit lang iyan sa ulo,” masungit na sagot ko. “Ganun ba? Bakit ka pa maghahanap sa malayo at hindi mo kilala kung mayroon naman sa harapan mo? Ako na lang kaya, ano? Makakasiguro ka pa na galing sa magandang lahi at pamilya ang magiging anak mo,” tugon ni Franco. Napamaang ako sa naging sagot n’ya. Pwede kaya o baka magiging mitsa lang ito ng bagong kalbaryo sa buhay namin? Mas makapagpapatibay o makakasira kaya ito sa aming pagkakaibigan? Subalit hindi ko maiwasan kiligin at makadama ng challenge na baka ako lang pala ang makapagpapatino kay Franco.
2.1K viewsOngoingAdded to Library 82 Times as royal red
Read
+Library
PREV
1
...
192021222324
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status