Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BAKIT NGA BA MAHAL KITA?

BAKIT NGA BA MAHAL KITA?

Walang modo, bully, bad boy at siga, ganoon si Shawn Rebato kung ilarawan ng mga taong nakakakilala sa kanya. Kilala ito bilang leader ng fraternity sa isang University na pinapasukan nito. Lahat kinakatakutan si Shawn, ang mag-angas at humamon sa binata ay makakatikim nang matinding parusa. Hanggang sa isang transferee student ang malakas ang loob na kontrahin at hamunin ito. Si Charlene Dimagiba, isang transferee student. Nasunugan ng bahay sa Maynila kaya walang ibang pagpipilian ang magulang ni Charlene kung hindi ang bumalik sa Davao kung saan nakatira ang ibang kamag-anak nila. Back to zero sila. Kaya labag man sa loob ng dalaga ang paglipat ng school ay wala na itong ibang nagawa. Subalit hindi inaasahan ni Charlene na sa unang araw pa lang nito sa University, imbes kaibigan ang mahahanap niya. Isang kaaway pala ang makikilala nito agad. Lumaking palaban si Charlene kaya kahit anong pang pambu-bully ni Shawn ay hindi uubra sa kanya. Ngunit, pagdating sa insidenteng puri na ng dalaga ang nakasalalay ay ibang usapan na. Sa paanong paraan ba makakabawi si Shawn kay Charlene? Maniwala kaya ang dalaga kung aamin si Shawn sa totoong damdamin nito? Pero paano na lang kung malaman ni Shawn na may ibang mahal si Charlene? Kailangan na ba ni Shawn na magparaya?
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Hindi Inaasahang Asawa

Hindi Inaasahang Asawa

Ang araw na inakala ni Ruby na magiging pinakamasayang sandali ng kanyang buhay ay nauwi sa isang bangungot. Iniwan siya sa altar ng lalaking pinakamamahal niya—si Haven Davidson—walang paliwanag, walang mensahe, walang bakas. Sa loob ng maraming taon, tapat siyang naghintay. Kumapit sa pag-asa, sa pag-ibig, na unti-unting naging sugat sa puso. Hanggang sa dumating ang araw na nalaman niya ang katotohanan—at tuluyang gumuho ang kanyang paniniwala. Ang lahat ng paghihintay... ay nauwi sa wala. Ang pagmamahal niya... matagal nang namatay. Pagkalipas ng apat na taon, bumalik si Haven. Ngunit hindi yakap ang sumalubong sa kanya—kundi isang demanda ng diborsyo. At si Ruby? Nawala na lang na parang bula. Doon lamang napagtanto ni Haven: mahal pa rin niya si Ruby. Mahal na mahal. Ngunit huli na ba ang lahat? Sa pagitan ng pag-ibig at konsensya, determinado si Haven na hanapin si Ruby at itama ang lahat ng pagkakamali. Pero... maaari pa bang buhayin ang pusong matagal nang nawasak? Ano nga ba ang tunay na nangyari noon? At ano ang nagtulak kay Ruby para tuluyang lumayo at tapusin ang lahat?
Romance
4.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Husband kong Hoodlum

Ang Husband kong Hoodlum

Ano ang mangyayari kung ang inosente, matalino at palabang si Arianne ay mapakasal sa isang pasaway, basagulero, playboy at kilalang hoodlum na si Victor? Makaya kaya ni Arianne na pakisamahan si Victor na lagi siyang tinatakot at tinutukso? Paano kung malaman niya na ang lalaking inaakala ng lahat na walang direksyon sa buhay ay isa na palang super yaman at may-ari ng pinakakilalang software and on/offline gaming company sa mundo? Alamin sa Ang Husband kong Hoodlum.
Romance
1095.4K viewsOngoing
Show Reviews (23)
Read
Add to library
MysterRyght
Hi po, bukas po ako mag-a-update dito. Naubos yung extra chapters ko dito dahil ilang araw akong nag-iisip kung hahabaan ko ba ang story nila Donnie or parang insert ko lang sa natapos na story nila Victor at Arianne para naman may lovelife din ang Kuya ng ating bida.
Erichine Asuncion
itong unggoy lang tlga dito sa novel na to ang kinaaasaran ko sa kakuparan at kayabangan pero inaabangqn ko pa rin.kelan kya malalaman ni arriane na mtagal na pla sia nitong gusto at sia ay di lang pa rides rides lang but a bigtime ceo
Read All Reviews
So Eager To Please

So Eager To Please

twanyo
Party-goer si Karisma. Isang gabi nang may magtangkang masama sa kanya ay iniligtas siya ng isang lalaki na nandoon, si Tobias Ortega. Nang malaman ng kanyang ina ang nangyari ay inutusan siya nitong pilitin ang binata na pumayag para maging personal bodyguard niya, kung hindi ay hindi na siya papayagan pang dumalo sa mga parties. Ngunit ayaw ni Tobias, kaya’t nagpasya si Karisma na pilitin ito at ligawan. Mapapapayag niya kaya ito?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Now He Wants Me Back

Now He Wants Me Back

“Nagliligpit ka…” puna ni Cassian sa ginagawa ni Ember na naabutan. “Why? Tapos na ba ang selebrasyon sa birthday ko?” Pilit na ngumiti si Ember at sinalubong ang mga tingin ni Cassian. “Naisip ko na hindi naman ako ang gusto mong kasama ngayon kaya hindi na ito kailangan. And about your birthday… may naisip akong mas magandang regalo para sa ‘yo. Sigurado kong magiging ma—” “Huwag ka na mag-abala,” putol ni Cassian sa sasabihin niya. “Hindi ko kailangan ng regalo mula sa ‘yo.” Natigilan si Ember. Napakurap. Mapait na nangiti sa sarili. Paano niya bang minahal ang lalaking ito sa harap niya nang gano’n katagal? Hindi lang lima kung hindi lampas dekada na espesyal ito sa kaniya at nag-iisang itinangi. “Promise,” muling wika ni Ember. “Promise at magugustuhan mo ang ireregalo ko. I want divorce, Cassian.” *************** Nang bumalik si Lauren, ang stepsister at dating kasintahan ng asawa niyang si Cassian Montgomery Syquia... alam na agad ni Ember na wala siyang laban. Mula pa noon ay alam ni Ember na si Lauren lang ang minahal ng asawa. At kahit ang sariling ina ay ito ang laging pinapaboran. Kaya bago pa siya masaktan ng lubusan, nagdesisyon si Ember na makipag-divorce para magparaya. Pero si Cassian? Bakit nang sabihin ni Ember na mag-divorce sila ay ayaw nito? At bakit kung kailan ayaw na niya ay saka naman ito naging interesado sa kaniya?
Romance
109.3K viewsOngoing
Read
Add to library
SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

Nagising si Freya sa hospital, nahihilo, nasusuka, at natatakot, kasabay ng pagtambad ng balitang, siya ay nagdadalantao. Naalala niya ang dahilan kung bakit siya napunta sa ospital, ang dahilan ng kanyang paghihirap: si Alexander Evans, ang CEO ng Evens Industry. Isang mapanganib at malupit na bilyonaryo. Inakala ni Freya na magiging masaya siya sa piling ng binata, ngunit hindi pala dahil sakuna ang dala ni Alexander sa buhay niya. Binigyan siya nito ng pag-ibig na siya ring sumira. Tumulo ang mga luha ni Freya. Si Alexander, ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay! Ngayon, determinado siyang hindi na ito mauulit. Iniwan niya si Alexander na sugatan ang kanyang puso, dala ang kanilang anak sa kanyang sinapupunan. Itinago niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya at nagsimula muli upang bumangon. Akala niya'y hindi na sila magkikita muli, ngunit pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang landas. "Mommy, gusto ko si Uncle Evans ang maging daddy ko, please!" pakiusap ni Rose, ang anak ni Freya. Hindi kayang tanggihan ni Freya ang kanyang anak. Hindi rin niya kayang sabihin ang katotohanan na si Alexander ang ama ni Rose. Paano kung malaman ni Alexander na si Rose ay kanyang anak? Guguluhin ba nito muli ang buhay ni Freya? Susugatan, sasaktan ba nito ang kanyang puso na magiging dahilan ng kanyang muling pagkalugmok?
Romance
9.871.6K viewsCompleted
Read
Add to library
RUN, SELESTINA! (SSPG)

RUN, SELESTINA! (SSPG)

‎“Sa tingin mo ba matatakasan mo ako, Selestina? Akin ka lang!” he growls. “I will ruin every inch of your world until you beg to be mine again.” Rogue Vertudazo ‎ ‎•••••••••••••••• ‎‎Hindi naniniwala sa pagmamahal si Rogue Vertudazo. Umiikot lamang ang kanyang mundo sa tatlong bagay; money, power, and sex.  He hated the sight of women. He always thought women were nothing but weak and gold digger. Para sa kanya, ginagamit nila ang kahinaan ng lalaki upang paikutin sa kanilang palad. ‎ ‎Ngunit lahat nang kanyang paniniwala ay biglang nagbago nang makilala niya ang babaeng nagpagulo ng kanyang sistema. Ang maamo at inosenteng mukha ni Selestina Guerrera ay palaging sumasagi sa isip niya. ‎ ‎He claimed her as his the moment he saw her for the first time. Upang tuluyang maangkin ang dalaga. He decided to do something ruthless to get her. Ito ang dahilan kaya lumayo si Selestina. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, sa pag-alis nito ay may dinadala sa sinapupunan si Selestina. ‎ Halos libutin ni Rogue ang Pilipinas maging ang ibang bansa, matagpuan lamang si Selestina. Ngunit magaling itong magtago. Pero mapagbiro ang tadhana, nang muli silang nagkaharap, halos gumuho ang kanyang mundo nang malamang may anak na ang babae. Pero dahil desperado siyang maaangkin ulit si Selestina, pinagbantaan niyang ilalayo ang anak nito kapag hindi ito babalik sa kanya. ‎ Makukuha niya kaya ulit si Selestina? Ngunit paano kapag nalaman niyang anak niya ang batang kasama nito? Maniniwala ba si Rogue kahit alam niyang kailanman hindi siya magkaka-anak?
Romance
925.8K viewsCompleted
Read
Add to library
He Loves Me, He Loves Me Not

He Loves Me, He Loves Me Not

Matagal nang may gusto si Zyline kay Nick. Anim silang magkakabarkada kasali si Nick. Alam na ng lahat ang pagtatangi niya sa kaibigan maliban na lang yata rito. Hindi niya alam kung manhid lang ito or talagang wala lang gusto sa kanya. Si Brent ang pinaka-bestfriend niya sa lahat ng mga kaibigan niya. Kahit hindi niya sinasabi rito ang nararamdaman kay Nick dahil sa hiya ay alam din ni Brent iyon. Paano kung nagbago ang lahat nang halikan siya ni Brent? Hindi nya maikakaila ang kuryenteng naramdaman no'ng gabing hinalikan siya nito. Pinagbigyan niya ang lalaki sa gusto nitong mangyari. Susubukan nilang maging sila pero palihim. Ngayon ay litong-lito na siya. Sa pag-aakala ni Brent na si Nick pa rin ang gusto niya ay bigla itong umalis at hindi na nagpakita. Saka naman siya niligawan na nang tuluyan ni Nick. Pero bakit sa halip na maging masaya at sa wakas ay napansin na rin siya ni Nick bilang babae ay si Brent na ang hinahanap ng puso niya? Si Brent na hindi na nagparamdam sa kanya mula no'ng gabing muntik nang may mangyari sa kanila.
Romance
1010.0K viewsCompleted
Read
Add to library
He Was Mine First

He Was Mine First

El Maris
"He was mine first,inagaw mo lang! Binabawi ko lang ang dating akin!" Nag focus na lang si Kathy sa trabaho at naging matagumpay few years later pagkatapos siyang ipagpalit ni Gerald kay Mia.Nag-asawa si Gerald at nagsimulang bumuo ng pamilya then fate led him back to Kathy. Noong una ay away na niyang tanggapin ang trabaho nang malaman na si Kathy pala ang magiging boss niya pero wala siyang choice dahil kailangan niya ng trabaho. At dun na nagsimula, muli na namang nahulog ang loob niya kay Kathy. Paano na ang binuo niyang pamilya kung sa puso at isip niya ay si Kathy ang muling sinisigaw? May posibilidad nga ba na magkaroon sila ng happy ever after ni Kathy kahit kasal siya kay Mia? Si Arvin ay isa pang sakit sa ulo ni Kathy. He is hard to please. Hangang saan ang kayang gawin ni Kathy dito para makuha ang tiwala nito? Kailangan ni Kathy ito kung gusto niyang manatiling mamayagpag ang kumpanyang pinaghirapan niyang itayo.Pero bakit parang sadya nitong pinapahirapan si Kathy? Kailangan ni Kathy na magkaroon ng priority, tuloy ba ang Paghihiganti o Kampay na lang para sa tagumpay?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Unmarried Wife

Unmarried Wife

Lunayvaiine
Isang kasalanan ang nagdala kay Riyana sa isang masalimuot na buhay may asawa. Nabuntis siya ng nobyo ng kapatid niya, napilitan siyang pakasalan ni Elthon para makuha nito ang mana na iniwan ng yumao niyang ama. Nangibang-bansa si Monica nang malaman niyang magkakaroon na ng anak ang kapatid niya at ang nobyo niya ang ama. Masakit kay Monica ang nangyari hindi niya akalain na ang kapatid niya pa mismo ang magta-traydor sa kaniya. Nagpaubaya siya para sa bata. Lumipas ang ilang taon si Monica pa din ang mahal ni Elthon, kahit kailan ay hindi niya mamahalin si Riyana dahil nabuntis niya lang ito noong pareho silang nalasing. Hindi sinasadya at hindi niya inaasahan. Nasangkot si Elthon sa isang sindikato. Napagbintangan siya na isa siya sa mga myembro nito dahil siya ang nahuli nang magkaroon ng raid sa mismong lugar ng pinangyarihan. Nakulong ng ilang buwan hanggang sa napatunayan na wala siyang kinalaman sa drugs. Hanggang sa nalaman ni Elthon na namatay si Monica dahil binigay nito ang puso niya kay Riyana. Nabaril si Riyana nang mga sindikatong naglagay kay Elthon sa kapahamakan. Hindi niya alam mahina pala ang puso ni Riyana at may sakit si Monica noong pumunta ito ng ibang bansa. Halos gumuho ang mundo ni Elthon ng malaman niya ang nangyari. Sinisi niya si Riyana sa lahat. Nawala ang kaisa-isang babaeng minahal niya at pinangakuan niya ng kasal. Lahat ng pangarap niya para sa kanilang dalawa ni Monica ay nawala dahil kay Riyana. Kaya ginawa niyang miserable ang buhay nito sa piling niya.
Romance
51.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status