Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE ATTORNEY's WIFE

THE ATTORNEY's WIFE

Pagkatapos ng limang taong paninirahan sa New York, napilitang umuwi ng Pilipinas si Elysia Samonte dahil sa pamimilit ng kanyang ina.Nakapagtapos s'ya sa New York University at isa s'yang sikat na Modelo sa ibang bansa, lingid sa kanyang kaalaman naka-arranged marriage na pala s'ya sa lalaking nag ngangalangang Xavi Hernandez na s'yang kinababaliwan n'ya noon. Isa itong babaerong abogado, at ang tingin kay Elysia ay isang babaeng magaling mang-akit ng mga lalaki dahil isa 'din s'ya sa naakit sa ganda ng dalaga. Dahil sa pamimilit ng kanilang mga ina kaya napilitan silang magpakasal sa isa't-isa ngunit para kay Elysia at Xavi sa lamang na paligsahan ang kasal kong sino ang unang bibigay sa kanilang dalawa ay s'yang matatalo. Si Xavi Hernandez kaya ang unang mahuhulog sa mapang-akit na ganda at alindog ni Elysia? O baka naman si Elysia Samonte ang mauunang mahulog sa mapanlinlang na kilos ni Xavi?
Romance
9.587.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Memories with you

Memories with you

KATHAMxM
Sina Skyler at Nathan ay matalik na magkaibigan na tila ba may parehong may hinahanap sa buhay. Si Skyler ay hinahanap ang pangarap nyang buhay habang si Nathan naman ay hinahanap ang kanyang nawawalang pagkatao. Sa pag tungtong nila sa kolehiyo makakakilala sila ng mga taong magbibigay kulay sa college life nila. Sa pagkakakilala ni Nathan sa gwapong bagong kaklase na si Jaspher, mabubukas ang pintuan mula sa kanyang nakaraan. Ito na ba ang kasagutan sa mga tanong nya at kakulangan sa kanyang pagkatao? Mahahanap din kaya ni Skyler ang taong magbibigay ng kahulugan at kabuluhan sa kinabukasan nya?
LGBTQ+
103.8K viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Stepbrother’s Deception

My Billionaire Stepbrother’s Deception

"Sa ayaw at sa gusto mo, sa 'kin ka, kung ayaw mong masira ang dignidad ng pamilyang 'to." --- Pakiramdam ni Senra Lazurel ay nag-iisa na lamang siya sa mundo dahil hiwalay ang kaniyang mga magulang. Isa siyang stripper sa kilalang club at doon din ay nakilala niya ang taong hindi niya inaasahan... Si Ivran Moredad. Si Ivran ay isang binatang bilyonaryo na nais angkinin ang dalaga, ngunit hindi magiging maganda sa paningin ng tao dahil ito pala ang kaniyang magiging stepsister. Dahil sa pagkahumaling sa dalaga, isang supling ang naging mitsa ng dignidad sa kanilang pamilya. Makakalaya ba sila sa mala-presong lihim na ito?
Romance
10185 viewsOngoing
Read
Add to library
Hot Billionaire's Series 3: Can't We Try (R18+)

Hot Billionaire's Series 3: Can't We Try (R18+)

Warning:Mature Content‼️ "First boyfriend,it will be my husband to be." Iyan ang katagang pinanghahawakan ni Michelle Santos sa sarili niya. Isang architect, simpleng babae pero palaban sa hamon ng buhay. Hanggang sa nakilala niya si Drake Montemayor hindi lang sa telebisyon kundi sa personal na mismo.One of the hot billionaire, arogante at playboy iyan agad ang first impression niya sa binata. Ngunit nahulog ang loob niya dito.Hindi lang sa gwapong mukha nito kundi pinaramdam din sa kanya ng binata na mahal siya nito. Mapanghawakan pa kaya niya ang pangako sa sarili.Kung ang isang Drake Montemayor, na unang boyfriend niya ay ikakasal na pala ito sa iba? Kaya niya bang ipaglaban ang binata kung mismong pamilya nito ay ayaw sa kanya?
Romance
109.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Contract Bride

The CEO's Contract Bride

Napilitang makipagtrabaho ang matapang at matalinong marketing manager na si Miles Cruz sa kanilang bagong CEO, ang bilyonaryong si Bruce Peter Navarro. Ngunit nalagay sa alanganin ang kontrol ni Bruce sa kanyang kumpanya dahil sa isang "marriage clause" sa mana ng kanyang ama, kaya isang alok ang inalok niya kay Miles: isang pekeng kasal kapalit ng promosyon at kapangyarihan nito sa trabaho. Walang emosyon. Walang komplikasyon. Pero sa bawat halik na para sa publiko, sa bawat titig na hindi na scripted ay unti-unting nagiging totoo. At kapag nalaman ni Miles ang tunay na dahilan ng alok sa kanya, bibitaw na ba siya sa kontrata of ipaglalaban ang nabuong pagmamahal?
Romance
346 viewsOngoing
Read
Add to library
Merry me ,Mr.Montereal

Merry me ,Mr.Montereal

Haliyah
Nang dahil sa pag takas ni Summer sa araw ng kanyang mismong kasal, ay napad-pad siya sa lugar ng Maynila kung saan ni kahit sa panaginip ay hindi pa niya narating.Mabuti na lang at may kaibigan siyang maasahan na tumulong sa kanya para may matuluyan ng pansamantala. Nagtanong- tanong siya ng trabaho sa mga mayordoma sa bahay ng kaibigan nito. dalawang choices lang ang may'roon si Summer ang maging Maid o Isang Secretary ng isa sa pinaka mayamang negosyante sa syudad ng maynila ang kompanyang Montereal corp.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
MY  SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE

MY SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE

Si Bonita Georgina Martinez aka Borge ay isang scholar student sa High East International University at nagmula sa probinsiya ng cebu. Dahil panganay sa pitong magkakapatid at nagmula sa mahirap na pamilya ay nagsumikap siya. Bukod sa pagiging scholar ay working student din siya. Para makapag- padala ng pera sa kanyang mga magulang at makatulong sa mga ito. Minsan din ay sumasali siya sa mga beauty pageant para may ipangdadag sa kanyang mga pambili ng mga projects. Morena beauty, matangkad at matalino. Dahil sa nag- iisa lang siya sa maynila ay wala siyang masyadong kakilala kundi ang kanyang mga professor at mga kaklase. Dahil sa kapabayaan ng isang tenant ng kanyang bording house na inuupahan ay nasunog ang kanyang tinutuluyan. Kaya naman nang malaman ng isa sa kanyang professor na si Mrs. Trina Cruz ang kanyang sitwasyon ay inalok siya nitong tumira muna sa kanyang bahay dahil wala naman daw siyang kasama sa bahay. Dahil ang kanyang mga anak ay sa condo unit nakatira. Pero hindi niya naman aakalain na ang isang anak nito ay isang sikat na celebrity ng bansa at ang kanyang ultimate happy crush! At nakilala niya ng personal si Kristoff Dale Cruz aka Toffy Cruz ang kilabot ng mga kolehiyala dahil sa galing nitong kumanta at umarte sa harap ng camera. Modelo at endorser ng iba’t – ibang mga sikat na produkto sa bansa. Dahil sa isang kontrobersiyal na kinasangkutan nito ay nagpahinga muna ang binata sa showbiz at maninirahan kasama ang kanyang ina. Matatagalan kaya ni Borge na tumira sa bahay ng kanyang professor kasama ang kanyang ultimate happy crush…??? Paano kung ma- inlove sa kanya ang isa Toffy Cruz??? Paano niya haharapin ang mga fans ng loveteam nito na magiging bashers niya?....
Romance
10804 viewsOngoing
Read
Add to library
My Nerd Wife Felicie

My Nerd Wife Felicie

Si Calex Saavedra ay isang binatang mula sa kilalang angkan—mayaman, makapangyarihan, at ubod ng guwapo. Ngunit higit sa lahat, siya ay kilala sa pagiging loko-loko at babaero. Wala siyang siniseryosong babae; para sa kanya, ang babae ay parang damit—isuot kapag gusto, palitan kapag nagsawa. Ngunit isang kasunduan ang biglang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Dahil sa kagipitan, napilitang tanggapin ng isang simpleng probinsyana ang alok na magpakasal kay Calex. Si Felicie Garcia—tahimik, nerd, at walang muwang sa magulong mundo ng lipunan ay naging asawa ng lalaking ni sa panaginip ay hindi niya naisipang mapapalapit sa kanya. Isang kasal na may hangganan. Isang kasunduang magwawakas sa diborsyo makalipas ang dalawang taon. Ngunit habang magkasama sa iisang bubong, unti-unting nagbabago si Calex. At si Felicie, na sa simula’y galit at takot lang ang nararamdaman, ay hindi inaasahang matutong umibig. Mabubura kaya ng pag-ibig ang dating pagkatao ni Calex? O isa lamang si Felicie sa mga babaeng masasaktan sa kamay ng isang tulad niyang sanay sa laro?
Romance
109.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Married with a Stranger

Married with a Stranger

Walang nagawa si Ada nang pumayag ang kaniyang ama na ipakasal sa lalaking hindi kilala. Ang alam lang niya 'tungkol sa kaniyang magiging asawa ay isang bilyonaryo, matagumpay sa pagpapatakbo ng negosyo at nag-iisang anak ng isang kilalang business tycoon. Natapos ang paghahanda para sa kasal, na hindi man lang nagpakita ang mapapangasawa at nagpakilala ng pormal sa kaniya. Sa araw at sa mismong kasal ay nakilala niya ito subalit laking gulat ni Ada, na si Nik pala ang taong iyon. Ang taong nagligta kay Ada nang may magtatangkang gumahasa sa kaniya sa party ng kaibigan at sa lalaking nakasama ng isang gabi sa pagbabakasyon sa La Union. Pero ang Nik na ngayong naging asawa ay ibang-iba sa nakilala at ang tingin nito sa kaniya ay isang babaeng kayamanan lang ang habol kaya nagpakasal dito. Matapos ang unang gabi ng pagiging mag-asawa nila ay iniwan na siya nito kinabukasan at isang taon ang nakalipas ay uuwi na ito subalit para makipaghiwalay sa kaniya. Hindi sila maaring maghiwalay ni Nik dahil magagalit ang Papa niya sa kaniya at kailangan nila si Nik upang iligtas ang palubog na nilang negosyo. Kahit ayaw niyang maging tama ang paningin ni Nik sa kaniya ay kailangan niyang iligtas ang negosyo para sa amang minamahal.
Romance
1011.5K viewsOngoing
Read
Add to library
WAVES BENEATH THE SILENCE

WAVES BENEATH THE SILENCE

Tahimik. Mahiwaga. Perpekto sa paningin ng lahat. Si Celestine “Celle” Alvarado ay lumaki sa mundo ng kapangyarihan at kontrol. Pero isang gabi ang tuluyang gumulo sa kanyang buhay — isang gabi ng takot, pagtakas, at isang aksidenteng hindi niya kailanman malilimutan. Pagkalipas ng ilang taon, sa isang wild na party sa BGC, nakilala niya si Lorenzo “Renzo” Navarro — isang successful at guwapong businessman na may hawak ding mabigat na nakaraan. May galit siya sa dibdib, at isang misyon: hanapin ang taong muntik nang pumatay sa kanyang kapatid. Hindi nila alam, sa pagitan ng mapusok na halik at mainit na gabi, nakatali na pala ang mga puso nila sa isang trahedyang pinagtagpo sila noon pa man. Sa pagitan ng kasalanan at pagnanasa… Sa pagitan ng katotohanan at pag-ibig… Pipiliin ba nilang lumaban o tuluyang lamunin ng mga alon sa katahimikan?
Romance
533 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2324252627
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status