Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Kiss Of The Wind Book 1

Kiss Of The Wind Book 1

Mula sa masakit na karanasan sa unang pag-ibig, tatlong taon ang lumipas nang mapagpasyahan ni Celestine na ituon na lang ang sarili sa kompanyang naman mula sa nagretiradong ama. Sa mga papeles at tanging sa trabaho na lamang niya ibinuhos ang buong atensyon upang makalimutan ang masalimuot na karanasan mula sa dating nobyo na nangloko at ginamit lang siya para sa pera niya. Hindi naging madali para sa kaniya ang lahat ngunit minabuti niyang huwag nang pagtuunan pa ng pansin ang paghanap ng lalaki na para sa kaniya o kung meron ba talaga. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang lalaki na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang buhay. Hindi niya inaasahan na makakatagpo ng isang gwapo at matipunong nilalang na kahit ang ipis ay maaring mahumaling rito. Sa bawat araw na magkasama sila sa isla ay hindi mapigilang mas nahulog pa ang kaniyang loob sa lalaki. Paano na niya mapipigilan ang malalim na nararamdaman gayung alam naman niyang hindi rin magtatagal ay maghihiwalay rin sila ng landas dahil aalis rin siya sa lugar na iyon matapos magbakasyon? Kakayanin niya kayang mawalay sa piling nito o hahayaan na lamang ang kung anuman ang nararamdaman para sa binata?
Romance
428 viewsCompleted
Read
Add to library
Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge  04-2nd Gen)

Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge 04-2nd Gen)

At first, akala ni Callen Moore, natutuwa lang siya sa dalagang si Asia Jade Del Franco dahil sa lantarang pagpapahiwatig nang nararamdaman nito sa kaibigang si Astin. Hindi pala. Nasasaktan pala siya dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa dalaga. At nasasaktan na siya sa paulit-ulit na pag-reject ni Astin dito. How he wish na sa kanya na lang nito ibaling ang pag-ibig nito. Dahil sa kabiguan kay Astin, ibinaling ni Asia ang tingin niya sa iniidolong author, kay Ismael. Napag-alaman niyang maliban sa magaling na manunulat, isa itong adonis. Wala siyang pinapalipas na libro nito sa merkado. Kaya mula sa pagkagusto, nauwi iyon sa obsession na makita ito. Ni hindi na nga niya pinapansin ang pagpapahaging sa kanya ni Callen tungkol sa nararamdaman nito, kahit na lagi itong sumusulpot sa tuwing kailangan niya nang karamay. At kung kailan naman nakukuha na ni Callen ang atensyon ni Asia, saka naman na nagpakita si Ismael sa kanya. Tunay nga ang bali-balitang isa itong adonis. Kaya binalewala niya nang tuluyan ang umuusbong na pagkagusto kay Callen. Pero hindi akalain ni Asia na may tinatagong lihim si Ismael. Ano kaya ang gagawin niya oras na matuklasan iyon? Mabibigo na naman ba siya sa pag-ibig?
Romance
1024.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Surrendering to the Billionaire's Seduction

Surrendering to the Billionaire's Seduction

Si Lev Lawson Valdemar ay walang habag o awa sa mga nakapaligid sa kanya. Gayunpaman, isang babae ang tumagos sa kanyang malamig na puso. Ngunit isang babae ang nagpapabaliw sa kaniya- si Clementine Lecaroz. Makakahanap kaya sila ng tunay na kaligayahan at pagmamahal sa isa't isa? O masisira nila ang buhay ng isa't isa? Ito ba ay tadhana na nagmula sa langit—o impiyerno—para sa sa kanilang dalawa?
Romance
1024.6K viewsCompleted
Read
Add to library
IN BED WITH A BILLIONAIRE

IN BED WITH A BILLIONAIRE

Aquarius Pen
Isang nude model si Larabelle. Naghuhubad sa harap ng camera. Professional na babaeng bayaran ng mga bilyonaryo para sa panandaliang aliw. Sanay na siya sa ganitong takbo ng kaniyang buhay. Walang gustong sumeryoso. Sa kama lang ang trabaho. Hindi rin naman siya naniniwalang may tunay na pagmamahal na naghihintay sa kaniya. Hindi siya umaasang may lalaking darating na magpabago sa kaniyang estado at mag-ahon sa kaniya mula sa lubak. Habang siya ay nabubuhay, mananatili siyang parausan ng mga bilyonaryo. "Walang putik ang pwedeng magmantsa sa pagmamahal ko sa iyo, Lara. Kung ang gabi ay may buwan, mayroon kang ako na kahit sa dilim ay hindi ka iiwan." Paniniwalaan ba niya ang sinabing ito ng isang lalaking kasing tayog ng buwan ang agwat mula sa kaniyang kinaroroonan?
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Carrying My Ex-Boss Child

Carrying My Ex-Boss Child

Sa kagustuhan kong ipamukha sa ex-boyfriend ko na kaya kong magbuntis ay nagdesisyon akong sumailalim sa isang IVF procedure pagkatapos ay sa isang surrogacy. Pero mukhang hindi kami kampi ni Lord dahil ang naiturok sa akin ay ang sample na galing sa boss kong laging galit at sinisante ako! Pero paano kung dahil sa pagkakamaling iyon ay magbago nang tuluyan ang buhay ko? Paano kung mawala sa akin ang lahat dahil tinanggap ko siya sa buhay ko? At paano kung dumating ang isang araw ay maghihiganti ako sa kanya?
Romance
239 viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing Athena

Chasing Athena

Athena Sandoval, ulila na sa magulang at tanging ang tiyahin na lamang nito ang kasama sa buhay. Maaga siyang nabuntis sa edad na labing-walong taong gulang sa isang lalaking nagngangalang Zachariah Elliott Montero. Nagtatrabaho siya bilang waitress sa isang bar nang makilala niya ang binata. Dahil sa sobrang kalasingan ng lalaki, huli nitong napagtanto na may nangyari sa kanila ng dalagang matagal na niyang sinusundan nang makita niya ito sa tabi niya kinabukasan. Nagbunga ang pangyayaring iyon ng isang munting anghel na nagpabago sa takbo ng buhay ni Athena. Sa paglipas ng mga taon, muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Ngunit hindi alam ni Athena na ang ama ng kan'yang anak ay isa sa pinakamayamang tao sa mundo. Sasabihin ba niya ang tungkol sa kanilang anak o ililihim na lamang niya ito mula sa binata? Mapapatawad kaya niya si Zachariah kapag nalaman niya ang mabuting nagawa nito para sa kan'ya?
Romance
104.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Contract Bride

The CEO's Contract Bride

Napilitang makipagtrabaho ang matapang at matalinong marketing manager na si Miles Cruz sa kanilang bagong CEO, ang bilyonaryong si Bruce Peter Navarro. Ngunit nalagay sa alanganin ang kontrol ni Bruce sa kanyang kumpanya dahil sa isang "marriage clause" sa mana ng kanyang ama, kaya isang alok ang inalok niya kay Miles: isang pekeng kasal kapalit ng promosyon at kapangyarihan nito sa trabaho. Walang emosyon. Walang komplikasyon. Pero sa bawat halik na para sa publiko, sa bawat titig na hindi na scripted ay unti-unting nagiging totoo. At kapag nalaman ni Miles ang tunay na dahilan ng alok sa kanya, bibitaw na ba siya sa kontrata of ipaglalaban ang nabuong pagmamahal?
Romance
346 viewsOngoing
Read
Add to library
BEYOND HER DESIRE

BEYOND HER DESIRE

Tearsilyne
Dahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang unibersidad na ni minsan ay wala sa kanyang pagpipilian. Isa itong high-class university sa buong bansa ngunit mas gugustuhin pa niyang mag-aral sa ibang university huwag lamang dito. Gustuhin man niyang magback-out ngunit wala na siyang ibang pagpipilian sapagkat pasukan narin sa susunod na linggo at ang unibersidad lamang na ito ang tumaggap sa kanya. Labis pa niyang ipinagtaka na sa dami ng unibersidad na pinag-applyan niya ay wala ni isa sa mga ito ang nag-email sa kanya upang magbigay ng feedback. Labag man sa kanyang kalooban na mag-aral dito maging ang kanyang mga magulang, ay wala na silang magagawa sapagkat isa sa mga batas dito ay hindi na pwedeng mag-back out ang mga natanggap sa enrollment. Kung hindi ay mas lalong malalagay sa alanganin ang kanilang buhay. Sa unang tapak pa lamang niya sa Shioma University ay hindi niya lubos maisip na may isang lalakeng makakapasok sa kanyang dorm. Ang lalakeng mas lalong magpapagulo sa kanyang buhay. "I won't let anyone to see your precious body, babe. No one or I'll not hesitate to kill them."
Romance
105.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Casanova's Contracted Wife

The Casanova's Contracted Wife

Ikakasal na dapat si Alexandra sa nobyo niyang isang half chinese na si Triton Chu. Handa silang suwayin ang lahat maging ang mommy ni Triton na hindi boto sa kanya. Pero isang gabing naimbitahan siya sa isang party sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya ay hindi niya ito pinalampas. Pero hindi niya inakala na iyon pa la ang magdadala sa kanya sa papunta kay Zachary Luthman, isang appointed CEO ng kanilang construction company- kilala bilang casanova. Lahat ng babae ay nakukuha niya sa alindog at kaguwapuhan niya. Gawa ng labis na kalasingan ay namali ng kuwartong pinagpahingahan si Alexandra at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalo niya sa isang mainit na gabi si Zachary. Sa kahihiyan kinabukasan ay halos gumuho ang mundo ni Alexandra. Wala siyang kaalam-alam kung sino ang nakasalo niya sa kama. Wala na siyang mukhang maihaharap sa nobyo niya. Pero paano kung ang kasalanang iyon ang maglalayo pa la sa kan'ya sa maling tao? Paano kung sa muling pagtatagpo nila ni Zachary ay makilala niya kung sino talaga ang isang Zachary Luthman? Mahulog kaya siya sa babaerong si Zach? Gayong dahil sa kasalanang iyon ay napagkasunduang ipakasal silang dalawa?
Romance
9.939.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Moonlight Serenade

Moonlight Serenade

aranew
Palagi siyang nagigising sa sahig, basang-basa sa pawis, hingal, at hubo't hubad. Sa nakalipas na buwan, ganito ang nangyayari. Ang hindi niya inaasahang malaman ay ang literal na lalaki sa panaginip niya ang siyang nagbibigay sa kanya ng pulang marka sa buong katawan. Ang problema ay ang lalaking ito ay misteryoso, at mas gugustuhin niyang magkaroon ng isang tunay na lalaki sa totoong buhay kaysa magpantasya sa isang lalaking walang mukha na laman ng kaniyang mga panaginip. ~~~ Si Jewel ay inaasahang maging isang mahinhin na tagapagmana ng Hasyenda Mangubat, ngunit siya ay nalulong sa mga erotikong nobela. Palihim niyang bibilhin ang mga librong iyon at itatago sa kanyang silid upang maitago ang kanyang bisyo sa kanyang mga magulang. Nag-aatubili siyang pumayag na pakasalan ang anak ng Alkalde, si Gideon Manasseh, sa pag-asang matitiis ni Gideon ang kanyang mga bisyo. Ngunit, sa kanyang pagtataka, ang kanyang bagong asawa ay mukhang mas mahigpit pa kaysa sa kanyang mga magulang. Hindi lamang ang kanyang mga bisyo ang kailangang itago sa bagong asawa, kundi pati na rin ang kanyang mga sekswal na bangungot. Dahil ang mga malaswang panaginip na iyon ay tila gumagapang palabas sa kanyang pantasya tungo sa totoong mundo... at ito ay mas nakakatakot pa kaysa sa inisyal niyang hinuha ukol dito.
Romance
1024.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2122232425
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status