I'm Living With My Governor Uncle

I'm Living With My Governor Uncle

last updateLast Updated : 2025-05-14
By:  Black Midnight Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Lumaki si Antonella Martinez sa Canada. Pero napilitan siyang bumalik sa Pilipinas nang mabalitaan niyang inatake sa puso ang kanyang ama. Sa kanyang pagbabalik, hindi niya inaasahan na ito na pala ang huling pagkakataong makikita niya ito. Bago pumanaw ang kanyang ama ay inihabilin na pala niya ito sa pangangalaga ng stepbrother nito. Laking gulat ni Antonella nang malamang isa palang kilalang Governor ang Uncle niya. At mas lalo siyang nabigla nang sa una pa lang nilang pagkikita ay tila may kakaiba na siyang naramdaman para sa lalaking halos doble ang edad sa kanya. Si Gabriel Ignacio ay isang Gobernador. Sa edad na thirty-eigth, kilala siya bilang walang oras sa pag-ibig. Pero magbabago ang lahat nang mapunta sa kanyang pangangalaga si Antonella. Mapipigilan ba niya ang kanyang damdamin? O tuluyan siyang mahuhulog sa alindog ng dalagang itinuring niyang responsibilidad?

View More

Chapter 1

Chapter 1

"Magandang umaga po, Governor!" salubong kay Gabriel ng mga mamamayan ng Los Fabios nang dumalaw siya para inspeksyunin ang pinapagawa niyang tulay roon.

"Magandang umaga rin naman. Kumusta kayo?" magiliw naman niyang bating tugon sa mga naroon.

"Maayos naman po, Gov!"

"Okay na okay po, Gov, mula nang kayo ang naging Ama ng Lalawigan."

"Oo nga po, Gov, hindi na po kami nangangapa sa dilim kapag gabi dahil sa solar projects n'yo."

"Hindi na rin po nahihirapan na pumasok sa eskwela ang aming mga anak dahil sa inyong road project."

Kanya-kanya namang komento ng mga kaharap nila.

"Mabuti naman po kung ganoon. Basta po may kailangan kayo, ay magpasabi lamang po kayo sa kapitolyo at i-schedule natin ang pagpapagawa," matamis ang ngiting tugon naman ni Gabriel sa kanila.

"Ang bait n'yo po talaga sa mga taga rito sa Los Fabios," masayang sambit naman ng Kapitan ng barangay.

"Kahit naman po saang barangay ay pantay-pantay po ang ibinibigay nating pondo. Mas marami lamang pong kailangang ipagawa rito kaya po mas maraming projects," paliwanag naman niya sa mga mamamayan.

Medyo kabundukan na kasi ang Los Fabios kaya naman hindi pa nararating ng mga electric company. Mayroon namang poso sa kada dalawang daang metro kaya walang dahilan para wala silang mainom na malinis na tubig. Buwan-buwan din ay mayroong umaakyat na mga Medical Team para i-check up sila at maagapan kung ano man ang mga karamdaman.

"Ang bait n'yo po talaga, Gov! Ang swerte po ng asawa n'yo sa inyo!" bulalas naman ng isang Ginang.

Kaya naman mahinang natawa ang batang-batang Governor.

"Naku. Wala nga po. Kahit po kasintahan ay wala po ako," natatawang tugon naman niya.

Isa rin iyon sa katangian ni Gabriel na wala ang kanyang naging kalaban sa eleksyon, ang maging magiliw sa mga tao, na wala sa tinalo niyang kasalukuyan noong Governor.

Kilala siya ng mga tao dahil sa malawak na lupain at maraming negosyo sa Lalawigan. Wala naman talaga sa plano niya ang manirahan sa Lalawigang iyon, pero nang mamatay ang kanyang ama at muling mag-asawa ang kanyang ina ay hindi niya iyon matanggap. Lalo pa at may anak din ang napangasawa ng kanyang ina at hindi pa diborsyo ang mapapangasawa niyo. Kaya naman, mula sa Maynila ay nagpakalayo-layo siya hanggang sa dito sa Lalawigan na ito dinala ng kanyang mga paa.

Nakiusap ang kanyang ina na bumalik siya ng Maynila para makilala man lang niya ang kanyang stepfather at ang kanyang stepbrother. Pinagbigyan naman niya ito, pero dahil hindi sila magkasundo ng kanyang stepbrother ay bumalik na lang siya rito sa Lalawigan.

Buong puso naman siyang sinuportahan ng mga naninirahan dito nang tumakbo siya bilang Mayor. At pagkatpos ng termino niya ay tumakbo naman siya bilang Congressman. At ngayon, ganap na siyang Governor ng Lalawigan. Maraming mga babae rin ang nagpapalipad-hangin sa kanya kaya hindi naman na-ze-zero kahit papaano ang kanyang sex life.

"Ay! Gov, sayang naman po kung wala pa kayong nobya? Mga ganyang lahi po ang pinaparami para dumami ang mga pogi!" bulalas pang wika ng isang Ginoo, kaya naman nabalik siya sa kasalukuyan.

Natatawa na lamang siya sa dami ng komento nila nang malamang single pa siya. Iyong iba nga ay tinatanong pa kung ano raw ang type niya sa isang babae at ihahanap siyang magiging nobya o kasintahan.

"Sir, may tawag po kayo... Mukhang emergency," bulong ng assistant ni Gabriel kaya bahagya niya itong nilingon.

Isang ngiti ang pinakawalan niya, bago nagpaalam sa mga tao at naglakad papasok sa loob ng van.

"Who's calling?" tanong niya sa assistant

"Lawrence Martinez, Gov," alanganing sagot ng assistant at iniabot ang cellphone.

Tumatawag sa kanya ang stepbrother niya? Isa ata iyong himala para maalala pa siya nito?

**

Kumunot ang noo ni Antonella nang bumungad sa kanya ang puting kabaong pagpasok niya sa pintuan ng mansyon ng mga Martinez.

Nanginginig ang tuhod niya habang naglalakad siya papasok sa loob. Mabigat ang hakbang ng mga paa niya at unti-unting sumisikip ang dibdib.

“D–Daddy,” nanginginig ang boses niyang tawag. Hindi niya binigyang pansin ang mga taong nasa paligid niya. Nag-uunahan nang pumatak ang mga luha. Para bang hindi pa nagsi-sink in sa kanya na nasa harapan na niya ang kanyang daddy.

Nakahiga ito sa kabaong at wala nang buhay. Nakausap pa niya ito noong isang araw ng isugod ito sa hospital dahil inatake sa puso. Pero ang sabi nito ay uuwi na rin ito sa bahay dahil nagpa-discharge na ito at wala na dapat pang ipag-alala.

Pinilit niyang mas lumapit pa.

“D–Daddy, wake up. I’m here, umuwi na ako. Daddy! Please, wake up. Tumayo ka diyan, please daddy,” umiiyak na sabi niya.

“Ang daya mo, ang daya mo... Ang sabi mo ay ayos ka na... Pero bakit iniwan mo ako? Paano na ako? Paano na ako?" Humahagulgol siya habang nakayakap sa kabaong nito.

Ang sakit makita na wala nang buhay ang kanyang ama. Ang ama na walang ibang iniisip kundi ang kabutihan niya. Hindi nito ipinaramdam sa kanya na may kulang sa pagkatao niya kahit lumaki siyang hindi nasilayan ang kayang ina dahil namatay ito sa panganganak sa kanya.

Nag sabihin niya na gusto niya mag-aral sa Canada ay hindi ito tumutol at sinunod lang ang gusto niya. Pabalik-balik ito sa Canada para lang masigurado na okay lang siya, na maayos ang kalagayan niya.

Pero ngayon, mag-isa na lang siya. Kaya paano? Paano siya mabubuhay nang wala ito?

Walang tigil sa pag-iyak si Antonella ng araw na iyon. Hindi niya matanggap. Mahirap tanggapin na wala na ang kanyang ama, pero alam niya rin na hindi nito gugustuhin na makita siyang nasa ganong sitwasyon.

Bukod sa mga tauhan nila sa mansyon at kompanya, wala naman siyang hinihintay na kamag-anak kaya mas minabuti niyang ipalibing kaagad ang kanyang ama. Dahil habang tumatagal na nakikita niya ito, mas lalo niyang hindi natatanggap na wala na ito sa buhay niya. Masakit pero kailangan niyang tanggapin na hindi na niya ito makakasama pa.

At nandito siya ngayon, nakatayo sa harap ng puntod nito.

“Daddy, lagi mo akong gagabayan. Mahal na mahal kita. Hiling ko na magkita kayo ni Mommy at maging masaya kayo. Ipagpapatuloy ko ang buhay ko, dahil alam ko na ‘yon ang nais mo,” umiiyak niyang kausap ang puntod nito.

Bago pa bumuhos ang ulan ay nagpasya na siyang umuwi sa bahay nila. Pagdating niya ay nakatanggap siya ng tawag na pupunta rito sa bahay si attorney. Umakyat muna siya sa silid niya para magpahinga. Sinabi na lang niya sa kasambahay nila na tawagin siya kapag dumating na si attorney.

Hindi pa man pumipikit ang mga mata ni Antonella ay may kumakatok na sa pintuan niya at tinatawag na siya para bumaba.

Inayos niya naman ang sarili bago siya bumaba. At habang pababa siya sa hagdanan nila ay natanaw niya na si attorney na nakaupo sa may sofa nila.

“Good afternoon, Miss Antonella,” bati nito sa kanya.

“Good afternoon, attorney,” pormal na bati rin niya sa lalaki.

“Narito ako dahil sa last will and testament ng daddy mo. Nakasaad rito na mapupunta sa charity ang fifty percent ng kayamanan niya. Mayroon siyang sampung charity at paghahati-hatian nila ang fifty percent. At ang kalahati ay mapupunta sa ‘yo. Pero sa ngayon ay ang Uncle mo ang may hawak sa company—"

"Uncle?” naguguluhan na tanong niya sa lalaki.

Walang kapatid ang kanyang ama. Nag-iisang anak lang ito ng kanyang Lolo't Lola, ang pangalawang asawa naman ng Lolo niya ay hindi nagkaanak sa Lola niya—pero may anak ito sa unang asawa.

"Are you talking about my father's stepbrother?"

"Yes, Miss Antonella," mabilis na sagot ng attorney. "Dahil siya na lang ang natitirang malapit na kapamilya na meron ka."

“Bakit naman ako doon papa-tirahin ni daddy? At isa pa, hindi ko kilala ang lalaking iyon. Oo, anak siya ng pangalawang asawa ng Lolo ko, pero bukod doon ay wala na akong ibang alam tungkol sa kanya,” naguguluhan talaga siya sa mga nais ng daddy niya.

“Pero wala tayong magagawa dahil iyon ang kagustuhan ng daddy mo. Don’t worry dahil hindi ka ipagkakatiwala ng daddy mo sa masamang tao. Katunayan ay Gobernador siya sa isang Lalawigan sa probinsya."

“Governor?”

“Oo, iha,” nakangiti na tango sa kanya ng attorney.

Siguro ay matanda na ito. Kaya iisipin na lang niya na magkakaroon na siya ng bagong ama. Hindi naman siguro siya ipapahamak ng Uncle niya. At alam niya na may dahilan ang daddy niya kung bakit siya ipagkakatiwala sa stepbrother nito.

“Bukas ay iihahatid kita sa kanya."

“Bukas na po kaagad?” gulat tanong niya rito.

“Nangako rin ako sa daddy mo na ako na mismo ang maghahatid sa ‘yo sa Uncle mo. At hindi ako aalis na hindi ko nasisiguro na nasa maayos kang kalagayan,” sagot nito sa kanya.

“Okay, attorney. Let's head there tomorrow to meet my Uncle."

Hindi na siya kumontra pa. Para saan at gagawin pa niya ‘yon. Ang magagawa na lang niya sa ngayon ay sumabay sa agos ng buhay. Sa ayaw o gusto niya ay kailangan niya ng makakasama. Lalo na’t sariwa pa ang sakit na nararamdaman niya.

Kinabukasan ay bumiyahe sila papunta sa Lalawigan. Ang sabi sa kanya ay governor ito. Kaya ang nasa isipan niya ay matanda at mukhang strict—pero halos natulala na lang siya sa kinatatayuan niya ngayon dahil ang layo ng itsura nito sa na-imagine niya kagabi.

“Antonella, is that you?” nakangiting tanong ng lalaking parang isang greek god.

"U-Uncle...?” mahina na sambit niya dahil hindi siya sigurado kung ito ba talaga ang Uncle niya. "You're... my Uncle?"

Tumango ito. "Ako nga. Ako ang Uncle Gabriel mo."

Biglang uminit naman ang buong mukha ni Antonella.

Gwapo ang Uncle niya at sobrang hot pa. Matangkad din at mukhang bata pa. Sa dami ng mga lalaki na nakita ni Antonella ay ngayon lang siya lubos na humanga... at sa Uncle pa niya.

"Tumigil ka, Antonella, Uncle mo siya!" saway niya sa sarili niya dahil may kung ano nang mga pumapasok sa isipan niya.

“You've grown up so much. Isang taon ka pa lang ng makita kita noon,” nakangiti pa rin na sabi nito sa kanya.

Lihim siyang napangiti. Pati ang boses nito ay nakakaakit din. Mukhang magiging exciting ang bago niyang buhay, kasama ang Uncle niya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status