Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
Romance
10466 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Dandelion Nights

Dandelion Nights

sachtych
Wala ng ideyang pumapasok sa utak ni Crysaline Lopez para sa mga librong isinusulat niya at unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa. Naisip niya na maling landas na ata ang tinatahak niya dahil wala na siyang maisulat na kahit anong eksena sa mga istorya niya. Bukod pa rito ay patong-patong na din ang gusto niyang gawin sa buhay para kumita ng pera pero kulang naman sa kanya ang bente kwatro oras. Ngunit nagbago ang lahat ng subukan niyang maghanap ng makakausa sa isang sikat na website na nagagamit niya noon pa. Makakakuha nga ba siya ng inspirasyon sa taong makakausap niya o hahantong lang ang lahat sa pagkabigo at galit para sa taong minsan ay nagpakilig sa kanya?
Romance
101.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Nerd Wife Felicie

My Nerd Wife Felicie

Si Calex Saavedra ay isang binatang mula sa kilalang angkan—mayaman, makapangyarihan, at ubod ng guwapo. Ngunit higit sa lahat, siya ay kilala sa pagiging loko-loko at babaero. Wala siyang siniseryosong babae; para sa kanya, ang babae ay parang damit—isuot kapag gusto, palitan kapag nagsawa. Ngunit isang kasunduan ang biglang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Dahil sa kagipitan, napilitang tanggapin ng isang simpleng probinsyana ang alok na magpakasal kay Calex. Si Felicie Garcia—tahimik, nerd, at walang muwang sa magulong mundo ng lipunan ay naging asawa ng lalaking ni sa panaginip ay hindi niya naisipang mapapalapit sa kanya. Isang kasal na may hangganan. Isang kasunduang magwawakas sa diborsyo makalipas ang dalawang taon. Ngunit habang magkasama sa iisang bubong, unti-unting nagbabago si Calex. At si Felicie, na sa simula’y galit at takot lang ang nararamdaman, ay hindi inaasahang matutong umibig. Mabubura kaya ng pag-ibig ang dating pagkatao ni Calex? O isa lamang si Felicie sa mga babaeng masasaktan sa kamay ng isang tulad niyang sanay sa laro?
Romance
1010.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Marrying My Ex-Fiance's Uncle

Marrying My Ex-Fiance's Uncle

    Malaki ang utang na loob ni Amaya sa pamilyang Santiago na umampon sa kanya. Ngunit hindi niya akalain na darating ang araw na sisingilin siya ng mga ito sa pag ampon sa kanya.     At ang kabayaran na hinihingi nila ay ang magpakasal sa pamilyang Evans na isa sa pinakamayamang pamilya na kilala sa kanilang bansa, si Richard Evans, ang unang apo ng mayamang pamilya.     Dahil sa utang na loob niya at pagpapalaki ng pamilyang Santiago ay walang naging pagtutol si Amaya kundi ang sundin ang kagustuhan nila.     Sa pagpayag niya, naging maganda ang kasunduan ng pamilyang Santiago at Evans. Naitakda ang kanilang kasal. Naging maganda naman ang kanyang relasyon kay Richard sa kabila ng katotohanan na sa kasunduan lamang sila nagkakilala.     Ngunit ang akala niya na perpekto na ang lahat, gumuho iyon bigla sa mismong gabi bago ang kanilang kasal, nasaksihan ni Amaya ang pagtataksil ni Richard, at hindi lang sa kung sinong babae kundi sa tunay na anak ng pamilyang umampon sa kanya.     Hindi siya nagsalita, at walang balak si Amaya na kumptontahin si Richard. Tumalikod siya, taas ang noo niyang humakbang palayo.     Para mailabas ang sama ng loob sa nasaksihan, inaliw niya ang sarili sa pag inum, hanggang sa malasing siya ng tuluyan.      At sa gabing iyon ng kanyang kalasingan, doon na mas naging magulo ang takbo ng kanyang buhay. Nakilala niya ang batang tiyuhin ng kanyang fiance. At hindi lang simpleng pagkakakilala, kundi nagising siya sa kalasingan na katabi ang isang Kent Evans.
Romance
101.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
HIS IMPOSTOR WIFE

HIS IMPOSTOR WIFE

Lumaki akong salat sa lahat ng bagay. Ang pangangalakal ng basura ang tanging ikinabubuhay ng pamilya. Salat man sa buhay, marami mang kakulangan sa lahat ng bagay, buo naman ang pamilya. Ngunit, isang trahedya ang magbabago sa simpleng mundong kinalakhan. Trahedyang nanaisin na lamang panatilihin, at hindi na gugustuhing harapin ang katotohanan sa kasinungalingan...
Romance
1035.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Teenage Mom Avenge

Teenage Mom Avenge

Frostia Sebastien, isang desi-nuebe anyos na lumaki sa hirap kasama ang kaniyang magulong pamilya. Dahil sa hirap ng buhay at sa kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral ay naghanap siya ng trabaho bilang isang kasambahay. Napakalupit ng kaniyang tadhana at napunta siya sa mansiyon ng Rosales Residence at doon nagsimula ang kalbaryo ng kaniyang buhay. Naging lihim mab ang pangmomolestiya at panghahalay ng kaniyang among prinsipal ay nalaman pa rin ito ng karamihan lalo ba ang malupit na madam. Paano siya makakalayo sa mga mapanghusgang tao na walang alam kung ano ang malagim na sinapit niya mula sa Rosales Residence? Ipagpapatuloy pa rin ba niya ang kaniyang pagbubuntis kahit na alam niyang bunga ito ng panghahalay ng inaakalang mabutihing prinsipal? Paano siya makakatakas sa malupit niyang tadhana kung kinakailangan niya rin namang lumaban at maghiganti kahit sa maling paraan? “Kung ikakakulong ko ang pumatay ay ikakatuwa ko pa kaysa umiyak... nang sa kaisipang makukulong ako ay sisiguraduhin ko na... tapos na ang aking paghihiganti!” —Frostia Sebastien
Mystery/Thriller
102.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Coalesced Hearts

Coalesced Hearts

Kalagitnaan ng gabi lasing na lasing si Lance at pinigilan siyang umuwi ng kaibigan niya galing sa isang bar ngunit hindi siya nakinig. Habang nagmamaneho nang mabilis ay biglang tumawag ang kanyang ina, dahilan para mawalan siya ng konsentrasyon sa pagmamaneho, at tangkang mababangga sa isang kulay asul na kotse na kapwa bumubulusok din ng takbo. Mababangga na sana ang kotse niya rito nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay lumihis ng landas ang kasalubong niyang kotse dahilan para tumama ito sa kongkretong pader. Tinulungan ni Lance ang babaeng nagmamaneho ng asul na kotse upang dalhin sa hospital ngunit kinabukasan matapos niyang dalhin ang babae sa hospital ay bigla nalamang itong nawala ng parang bula. Walong buwan matapos ang aksidente ay muling nagkrus ang landas ng dalawa, ngunit sa pagkakataong ito ay talagang sinadya na, sapagkat ang babae na mismo ang lumapit sa kanya at nagpakilala bilang tauhan ng kaniyang ama. Ang mas nakapagpagulat kay Lance ay nang malaman nitong pinapahanap siya ng kanyang ama na matagal na niyang hinahangad na makita. Mas lalo siyang nasorpresa sa sinabi ng babae na siya ang misyon niya, misyon niyang dalhin siya sa bansa nilang hindi lantad sa ibang mga tao. Sa isang bansang tago at hindi kita sa globo. Isang bansang hanggang ngayon ay nananatiling sikreto.
Romance
1.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
THE WIDOWER'S FIRST LOVE

THE WIDOWER'S FIRST LOVE

Bb.Taklesa
Sa edad na 35 ay nabiyudo na si Ambrose at naiwan sa kanyang pangangalaga ang limang taong gulang na lalaki at bagong silang na kambal na babae. Mag-isa niyang pinasan ang responsibilidad na palakihin sila. Pagkalipas ng limang taon, lalo niyang nakita ang pangangailangan ng kalinga at pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Sinubukan niyang lihim na makipag-date ngunit walang tumanggap sa kanyang tatlong anak. Hindi nila kayang panindigan ang pagiging instant mommy para sa kanila. Hinanap ng kanyang mga anak sa kung kani-kaninong babae ang pagkukulang na iyon. Hanggang sa malaman niyang nakikipagkita sa isang may edad na babae si Ambrox na halos kamukha ng kanyang ina. Muli niyang nakita si Rose Anne. Nagbalik ang sakit ng nakaraan dulot ng panlilinlang na ginawa ni Roxanne. Hanggang isang gabi, hila-hila ng kambal ang babae papasok ng kanilang gate. "Daddy, I got you a wife. Meet our Mommy!” Kinindatan pa ng mga bata ang kanilang ama. At nagbago ang lahat sa pagdating ni Rose Anne sa kanilang buhay. Magkaroon kaya ng puwang ang pagpapatawad sa pagitan ni Rose Anne at Ambrose? Maging maligaya kaya sila sa pagkakataon ito upang ituloy ang kanilang naudlot na pagmamahalan o maghihiwalay na silang tuluyan sa piling ng kani-kanilang bagong minamahal?
Romance
101.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Claimed By The Haciendero

Claimed By The Haciendero

"I always get what I want." Iyan ang motto sa buhay ng spoiled brat na si Daciana Vittoria. Ngunit ng makilala niya ang binatang si Kane Sylvester ay nasubok ang kanyang pagiging spoiled. Mas nagkaroon ng thrill ang inaayawan niyang pag uwi sa Hacienda ng Lolo niya dahil kay Kane. Sa paglipas ng maraming taon ay nagmatured at natuto sa buhay si Daciana at sa pagbabalik niya sa Hacienda ng Lolo niya ay muli niyang nakita si Kane. Paano kung sa pagbabalik niya ay muling bumalik ang nararamdaman niya para sa binata? Ang nasa isip lamang ni Kane ay ang magantihan si Daciana dahil sa ginawa nito noon. Ano ang mangyayari sa paghihiganting kanyang gagawin? Kakayanin ba niyang saktan ang damdamin ng babaeng kahit kailan ay hindi naalis sa puso niya?
Romance
108.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Bittersweet Mistake

My Bittersweet Mistake

Si Marion Yuna "Mayu" Selvestre ay bunga ng isang kataksilan. Uhaw sa pag-ibig ng mga magulang. Walang hiniling ang dalaga kun'di maging parte ng pamilya ng kanyang Tatay o Nanay. Ngunit iyon ay naging mas malabo matapos siyang mapiling fiancée ng isang kilalang bilyonaryo na parehong gusto ng kanyang mga kapatid. Hindi iyon matanggap ng kanyang mga magulang sapagkat maging ang mga ito ay naghahabol sa bilyonaryo. At mas lalo pang lumabo ang kanyang kahilingan nang siya ay mabuntis dahil sa isang gabing pagkakamali. Sa takot na ito ay ipalaglag ng kanyang mga magulang at sa takot na malaman ng lalaki na siya ay nagdadalang tao, nagawa niyang lumisan sa kinagisnang lugar at magpalipat-lipat pa sa tuwing siya'y nahuhuli nito. Takot man sa buhay ay mas takot si Mayu na kuhanin sa kanya ang anak ng tuso at tinuturing niyang halimaw na si Aldo Hendrix Castellanos.
Romance
1072.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
4445464748
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status