フィルター条件
ステータスを更新中
全て進行中完了
並べ替え
全て人気のあるおすすめ評価更新
Dandelion Nights

Dandelion Nights

sachtych
Wala ng ideyang pumapasok sa utak ni Crysaline Lopez para sa mga librong isinusulat niya at unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa. Naisip niya na maling landas na ata ang tinatahak niya dahil wala na siyang maisulat na kahit anong eksena sa mga istorya niya. Bukod pa rito ay patong-patong na din ang gusto niyang gawin sa buhay para kumita ng pera pero kulang naman sa kanya ang bente kwatro oras. Ngunit nagbago ang lahat ng subukan niyang maghanap ng makakausa sa isang sikat na website na nagagamit niya noon pa. Makakakuha nga ba siya ng inspirasyon sa taong makakausap niya o hahantong lang ang lahat sa pagkabigo at galit para sa taong minsan ay nagpakilig sa kanya?
Romance
101.4K ビュー連載中
読む
本棚に追加
Art Of Temptation: Her Sweet Revenge

Art Of Temptation: Her Sweet Revenge

LauVeaRMD
Pinatay ang magulang at kapatid ni Scarlet nang mga kalalakihan na di nila kilala. Nagising na lang siya na wala ng buhay ang kanyang pamilya at nag-iisa na lamang siya. "Ibibigay ko sa inyo ang hustisya na nararapat para sa inyo, ipinapangako ko iyan, ang kamatayan ninyo ang paghuhugutan ko ng lakas, para hanapin ang mga salarin na naging sanhi ng inyong kamatayan," lumuluhang sambit ni Scarlet sa harapan ng puntod ng kanyang pamilya, sa bawat salita na binitawan niya ay tila isang pangako para sa kanyang pamilya na pinaslang ng walang kalaban-laban. Galit at pagkasuklam ang nasa puso ng dalaga, para sa mga taong gumawa noon sa kanila. Kaya sa pagpunta niya sa Maynila ay nakilala niya si Lance Dela Piña na isang negosyante. Si Lance na kaya ang makakapagpabago sa pananaw ni Scarlet? Mahihilum kaya ni Lance ang sugatang puso ni Scarlet, dahil sa pagkawala ng kanyang pamilya? Mapapawi kaya ni Lance ang galit at puot na nasa puso ng dalaga! Ang binata na kaya ang makakapigil kay Scarlet para sa paghihiganti na gagawin nito? Paano kung may malaman na isang sekreto si Scarlet tungkol sa kanyang tunay na pagkatao? Paano kung malaman din niya na ang taong tumulong sa kanya ay siyang naging dahilan ng kamatayan ng kanyang pamilya.
Romance
104.9K ビュー完了
読む
本棚に追加
Bastarda Series-||: Love in the time of CHAOS

Bastarda Series-||: Love in the time of CHAOS

Isang pagkakamali ang nagawa ni Aria ng gabing iyon. Hindi sapat ang kinikita niya bilang janitress sa isang fastfood chain, kasabay ng kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Dahil sa kahirapan ng pamumuhay ay nagawa niyang tanggapin ang alok sa kanya ng kapit bahay niyang nagtatrabaho sa club, dahil kailangang maoperahan ang kaniyang tatay sa lalong madaling panahon. Hindi lingid sa kaalaman ni Aria na isa s'yang ampon, natagpuan na lang ito ng pamilyang kumopkop sa kanya noong sanggol pa lamang ito sa tabi ng dalampasigan noon. Hindi nito alam na ang lalaking kumuha ng serbisyo nito ng gabing iyon ay maimpluwensyang tao likas na mayaman at tinitingala ng lahat. FUCKLERS DAX MONTEFALCO 25year old isang multi billionaire at businessman ng bansa na nilagyan ni Aria ng sleeping pills ang iniinum nitong alak upang hindi makuha nito ang matagal na n'yang iniiangatan pagkakababae. Sa edad ni Aria na 20 year old ay wala pa itong nagiging karelasyon kaya ganun na lamang ang pag-iingat nito sa kanyang sarili. Paano kaya matatakasan ni Aria ang lalaking pilit syang hinahanap upang maparusahan sa pagkakasalang panloloko nito sa lalaki? Sana inyo pong subaybayan ang kwento nila Mr. Fucklers Dax Montefalco at ni Aria Zelle Celedonio sa LOVE IN THE TIME OF CHAOS Bastarda Series-two akda ni J.C.E CLEOPATRA.
Romance
104.8K ビュー完了
読む
本棚に追加
Babysitter Of A Playboy

Babysitter Of A Playboy

Rhaiven Mendoza, ang dakilang playboy na kilala sa buong campus. Dahil sa kakaibang katigasan nya ng ulo ay kinakailangan syang kunan ng yaya para may magbantay sa kanya. Ngunit, lahat ng yayang kinukuha ng kanyang mga magulang ay hindi nagtatagal dahil sa kalupitan nito. Hanggang sa nakahanap na nga sila ng magiging katapat nito. Si Haila na kayang gawin lahat para sa kanyang pamilya. Magkakasundo kaya sila o mapapabilang rin si Haila sa mga yayang napatalsik nito?
YA/TEEN
1025.1K ビュー完了
読む
本棚に追加
You're Mine Sergeant

You're Mine Sergeant

Lyniel
Si Crisanta ay may matagal ng pangarap na maging isang sikat na news writer kaya naman madalas siyang tumambay sa opisina ng kanyang ninong na hepe ng pulisya sa kanilang bayan upang makasagap ng scoop or balita. Dito niya unang nakita ang gwapo at makisig na pulis na si Sergeant Alexander Ricarfort, pangalan pa lang ang kisig na. Tinamaan ka agad siya ng palaso ni kupido lalo na ng masalat niya kung gaano "katambok" at "katigas" ang abs nito. Gumawa siya ng paraan para mapalapit sa binata at ng makakuha na rin siya ng magandang article para sa kanilang newspaper. ayun nga lang mukhang lagi siyang inaalat, dahil sa tuwing mag lalapit sila ni Alex ay kung ano-ano namang kapalpakan ang nagagawa niya na lalong ikinainis ng binata sa kanya. Paano pa kaya siya magugustuhan ni Alex kung lahat ng gusto nito sa isang babae ay wala sa kanya? idagdag pa na meron na pala itong "babe". Wala na nga kayang pag-asa ang mapagmahal na puso ni Cris para sa makisig nating pulis?
Romance
2.0K ビュー連載中
読む
本棚に追加
Isang CEO Pala Ang Forever Ko

Isang CEO Pala Ang Forever Ko

Buong akala ni Samantha ay malalagay na sa tahimik ang kanyang buhay sa oras na ikasal na siya sa lalaking pinakamamahal niya. Subalit hindi niya inaasahan'g sa araw ng kanyang kasal ay ipapahiya at iiwan lang pala siya ng kanyang nobyo sa mismong harap ng altar. Hindi naging madali para sa kanya ang pangyayaring iyon. Ngunit kailangan niya pa rin'g magpatuloy sa buhay. Mabuti na lamang at naisipan niyang mag-apply bilang sekretarya sa kompanyang pag-aari ng isang guwapo ngunit broken hearted at single dad na CEO. Kaagad siyang natanggap at sa bawat araw na lumilipas ay may mga sikreto siyang nadiskubre mula sa CEO, patungkol sa relasyon nila ng dati niyang nobyo. Subalit hindi naging hadlang iyon sa kanilang dalawa. Sa katunayan ay naging magkaibigan pa nga sila ngunit hindi niya inaasahan'g darating sa puntong higit pa pala sa isang kaibigan ang mararamdaman nila sa bawat isa. Nakahanda na kaya siyang maging step mom sa spoilded brat daughter ng CEO? Paano kung bumalik pang muli ang dati niyang nobyo? Tatanggapin niya pa kaya ito o mananatili na lamang itong parte ng nakaraan?
Romance
1014.1K ビュー完了
読む
本棚に追加
HIS IMPOSTOR WIFE

HIS IMPOSTOR WIFE

Lumaki akong salat sa lahat ng bagay. Ang pangangalakal ng basura ang tanging ikinabubuhay ng pamilya. Salat man sa buhay, marami mang kakulangan sa lahat ng bagay, buo naman ang pamilya. Ngunit, isang trahedya ang magbabago sa simpleng mundong kinalakhan. Trahedyang nanaisin na lamang panatilihin, at hindi na gugustuhing harapin ang katotohanan sa kasinungalingan...
Romance
1035.7K ビュー完了
読む
本棚に追加
CEO's Obsession

CEO's Obsession

Si Gaea ay isang romance writer, ngunit hindi kaagad ito nakakabuo ng ideya kapag walang inspirasyon. Kaya nang maghiwalay sila ng kanyang nobyo ay natigil siya sa pagsusulat sa loob ng tatlong buwan. Dahil sa pananakot ng amo niya na matatanggalan siya ng trabaho kapag hindi pa siya nakapasa ng manuscript sa susunod na linggo ay napilitan siyang maghanap ng inspirasyon kasama ang kaibigan niyang si Samantha. Nakita na lamang niya ang sarili sa isang club at hinahabol ang lalaking gusto niyang maging parte ng kanyang bagong libro na isinusulat. Sumang-ayon naman ito pero sa isang kondisyon, iyon ay ang ibigay niya ang katawan sa bawat session na kanilang gagawin. Makakaya kaya niyang ibigay ang hiling nito? Paano na siya kapag natapos ang kwentong isinusulat niya? Mau mabubuo bang pag-ibig sa kanilang dalawa?
Romance
1061.1K ビュー完了
読む
本棚に追加
An Everlasting Love (Book 1 & 2)

An Everlasting Love (Book 1 & 2)

Babz07aziole
"Sa larangan ng pag-ibig ano ang makakaya mong isakripisyo para sa kapakanan ng iyong minamahal?" Si Armina Deo Gracia at Xander Luis Montenegro, pinagtagpo sa maling panahon. Nagkaroon man ng kanya-kanyang pamilya ay nanatili ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Hanggang dulo... Si Katherine Salcedo at Ivan Sammuel Stevenson, apo ng yumaong Armina at Xander Luis. Pinagtagpo at kusa nilang nasumpungan ang pag-ibig sa bawat isa kahit na magkaiba ang estado nila sa pamumuhay at marami ang humahadlang. Magiging katulad din ba ng kanilang namayapang abuela at abuelo ang kanilang pag-iibigan? Sa panahong malupit ang kapalaran, magkakaroon ba ng pag-asa ang kanilang pag-iibigan? Kaya bang mapanindigan ang wagas na pagmamahal kung ang alaala nila’y maaaring mahadlangan ng kanilang pagitan sa nakaraan?
YA/TEEN
5.9K ビュー完了
読む
本棚に追加
Seducing My Billionaire Stepbrother

Seducing My Billionaire Stepbrother

Heather Shine Villafuerte, isang kilalang model at nag-iisang anak na babae ng mga Villafuerte. Sa murang edad ay nakabisado na niya ang bawat sulok ng entablado at ang bawat kislap ng camera na nakatutok sa kaniya. Sa kabila ng karera, isang mortal na kaaway ni Heather and hating-kapatid niya na si Philip Raven Kingsley. Si Philip ang lalaking anak ng ina ni Heather sa ibang lalaki. Sa mga kamay ni Philip ipinaubaya ng mga magulang ni Heather ang kumpanya na dapat ay nasa kaniyang pangangalaga magmula nang maging sangkot ito sa aksidente. Pinili ni Heather gumawa ng sariling landas upang magkaroon ng lakas ng loob na bawiin ang kumpanya sa mga kamay ni Philip. Hindi niya alam na si Philip ay isang self-made billionaire. Pinapangalagaan lamang niya ang kumpanya upang maisalin ito sa tamang panahon kay Heather, at sa oras na mangyari ay aalis na rin siya sa pamilya Villafuerte. Sa pagkadesidido ni Heather na makuha ang kumpanya, naisipan niya na akitin na lamang si Philip at kapag napaikot na niya sa kaniyang mga kamay, kukunin niya ang loob upang ibigay sa kaniya ang mga ari-arian na naiwan ng kaniyang mga magulang. Ngunit hanggang saan nga ba ang plano na ito ni Heather? Maaari nga ba na mahulog na siya ng tuluyan kay Philip?
Romance
169 ビュー連載中
読む
本棚に追加
前へ
1
...
454647484950
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status