Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Every Second Count

Every Second Count

Sa inis ni Aura Beatriz Diaz, nakuha niyang makipag-usap sa kaklase at kapitbahay niyang iniiwasan ng lahat. Sa ngalan ng plus points, pinilit niya si Shintaro Terrano na magpalit sila ng points sapagkat ito ang dahilan kung bakit siya na-late sa klase. “Sino naman ang nagsasabi sa iyong ayaw ko ng points? Pasensiya ka na, ‘di ko magagawa iyan...” Sagot ni Shintaro sa kanya. “Pero may ibang paraan ako para makakuha ka nito...” Namangha niya nang namalayan niyang kaya naman palang makipag-usap nito sa mga tao. “Babaguhin natin ang nakaraan.” Sinabi pa nito. Napatigil siya nang hawakan nito ang kamay niya at literal na umikot ang kanyang mundo. Pumikit siya ng mariin at noong sa tingin niya'y tumigil na ang pag-ikot. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Wala na sila sa paaralan. Nasa waiting shed na sila kung saan sila nag-agawan ng pwesto sa jeep kanina. “P-Paano mo nagawa ito? I-Isa ka bang w-wizard? G-Guardian? Guardian angel?!” Halos pasigaw na tanong niya. Mababaliw na siya. Paano ito nagawa ng isang Shintaro Terrano? Ano nga ba si Shintaro Terrano? Umangat ang gilid ng labi nito. “Akala ko ba matalino ang isang Aura Beatriz Cortes Diaz? Bakit hindi mo napagtagping maaaring isa akong manglalakbay sa kahapon, kasalukuyan at hinaharap… Oo, manlalakbay ako. Kaya kong baguhin ang nangyari na. Itong kaharap mo ngayon ang totoong Shintaro. Ikaw lang ang nakakaalam ng totoong Shintaro Terrano… Ikaw lang ang hahayaan kong makaalam.”
Fantasy
2.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Hidden Thorns

Hidden Thorns

Lumaki si Airy sa isang masayang pamilya, kailan man ay hindi niya naramdaman na may kulang sa kanya. Kaya nangako siya sa kaniyang sarili na susuklian niya ang mga ginawang sakripisyo ng kanyang pamilya. Nang makapagtapos siya ng pag aaral ay nag trabaho siya sa isang kilalang kompanya at hindi niya inaasahan na siya ay tatanggapin agad. Dahil doon nakilala niya ang nag iisang apo at nag mamay ari ng Dobouzet Enterprise. Hindi niya alam na ang binata ay matagal na siyang sinusubay bayan. At dahil sa binata ay malalaman ni Airy ang sekretong matagal ng ibinaon sa limot. Handa ba siyang tanggapin ang katotohanan? Ang katotohanang ipinag kait ng kaniyang pamilya?
Romance
1.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Unfaithful Love

The Unfaithful Love

Blurb: "YOUR MOTHER IS DYING...." "I WANT YOU TO BECOME MY MISTRESS!"   Hindi inakala ni Rozelle Lynn na ang matapat at totoo niyang pamumuhay at pananaw patungkol sa pagmamahal ay magsisimulang magbago dahil sa mga pangyayari sa kaniyang buhay na ni sa hinagap ay hindi niya inasahan.   Ano ang gagawin ni Rozelle Lynn para muling bumalik sa dati ang lahat sa kaniya?   Paano kung biglang may dumating sa buhay niya na ibig niyang makuha?   Magagawa kaya niyang talikuran ang tao na pinagkakautangan niya ng buhay o makikipaglaro siya sa tadhana para makuha lang ang nais?
Romance
101.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Whatever is Meant to Be, Will Be

Whatever is Meant to Be, Will Be

Naglayo. Muling pinagtagpo ng tadhana. 'Yan sina Migs at Armina. Ikakasal na sana sila four years ago ngunit hindi sumipot sa simbahan si Armina. Naiwang windang ang puso ni Migs. Muli silang pinagtagpo ng pagkakataon. Nabuntis ng isang lalaki ang menor-de-edad na kapatid ni Armina. Hindi mahagilap ang nakabuntis kaya napilitan siyang humanap ng isang private investigator. Ngunit sinong mag-aakalang imbestigador na pala ang lalaking iniwan niyang luhaan? Yes, si Migs ang na-hire niyang maghahanap sa lalaking nakabuntis sa kapatid niya. Wala namang problema. Napatawad na raw siya ni Migs. Kaya lang, siya ang may problema. Mahal pa rin pala niya ang lalaki. Can't fight this feeling anymore ang drama niya. Gagawa at gagawa siya ng paraan upang mapunta muli sa kanya si Migs kahit ang ibig sabihin lang niyon ay aagawin niya ito sa nobyang si Lily.
Romance
101.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)

Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)

Dahlia Faith
Si Jacintha Quijano o mas kilala bilang Jaqui ay kagaya ng milyon milyong tao sa mundo na naghahanap ng oportunidad para makaangat sa buhay. Kasabay no’n, hinahanap din niya ang dahilan para patuloy na mabuhay. She was about to take her own life when she met a man who she didn’t realize would change her life forever. Isang eskandalo ang kinasangkutan ni Jaqui at ng binata na ang pangalan ay Amigo Imperial na isa palang pulitiko. Nang dahil sa eskandalo ay nagkita silang muli ng binata at naging magkaibigan. Nang dahil kay Amigo ay nagbago ang pananaw ni Jaqui sa buhay. Natutunan niya na bigyang halaga ang buhay niya. Jaqui started to see the bright side of life. Higit sa lahat, natutunan niyang magmahal ng walang kapalit kahit pa ang ibig sabihin niyon ay palayain ang lalaking minamahal niya at hayaan itong gawin ang magpapasaya dito.
Romance
9.237.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Ugly Wife

The Billionaire's Ugly Wife

Dahil sa isang aksidente nasira ang mukha ni Sonia Salazar. Isang batikan na actress at kilala sa taglay nitong ganda at talento. Sa pagbabago ng kaniyang mukha ay kasabay 'non ang pagbabago ng mga tao sa paligid niya. Iniwan siya ng kaniyang asawa, kinatakutan ng anak at tuluyang nasira ang kaniyang career. Pinalayas din ito sa mansion ng mga Valencia at tinalikuran ng mga inaakala niya na kaibigan. Sa pag-aakala na iyon na ang katapusan at sa pagkakataon na malapit na siya sumuko. Dumating ang dalawang tao na tuluyan na magpapabago sa buhay niya. "Mommy!" "Sonia." Lumapit ang dalawang tao na 'yon habang ang mga camera ay kumikislap galing sa iba't ibang bahagi ng lobby. "Pasensya na ngunit nagmamadali kami ng asawa at anak ko. Malapit na mag-start ang movie," ani ni Fabian habang hawak sa bewang si Sonia na nakatingala at nakatingin kay Fabian na buhat ang anak na si France. Noong nagtama ang mata nilang dalawa kasunod 'non ang pagyakap ni France sa leeg no Sonia at tumawag ng mommy. "Ibig sabihin si Sonia Salazar ang nababalitaan na second wife ni Fabian Martinez? Oh my gosh! big news ito!"
Romance
1019.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Maid For Me

Maid For Me

Misty22
Sa sobrang kalasingan ni Drei ay hindi sinasadyang may nangyari sa kanila ng kanyang katulong sa bahay ngunit hindi malalaman ni Drei na ang katulong nya ang kanyang nakasiping dahil pag gising niya ay wala na siyang katabi at hindi niya maalala ang mukha ng dalaga na kanyang nakasama. Gusto niyang panagutan ang nangyari sa kanila dahil bukod sa birhen ang babae ay maari pang mabuntis ito dahil isa lang ang sigurado niya , hindi siya gumamit ng proteksyon ng gabing iyon. Paano maitatago ni Lianna ang kanyang pagbubuntis na bunga ng isang gabing pagkakamali kung ang pinagtataguan nya ng kanyang lihim ay kasama lang nya sa iisang bubong ang amo niyang si Alexandrei Zanders.
Romance
1.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
A Bride's Mask

A Bride's Mask

tineta
"Pwede bang ako naman, Blaze? Pwede bang ako naman ang piliin mo?” nagmamakaawang wika ni Jane sa harapan ni Blaze. “Don't get me wrong, nagpakasal ako sa 'yo hindi dahil kamukha mo na si Gizelle kundi para manahimik na ang mga magulang natin. Kahit pagbali-baliktarin mo man ang utak ko, si Gizelle pa rin ang mamahalin ko. Siya at siya lang. Apelyido ko lang ang gamit mo pero kahit kailan hindi mo ako magiging pagmamay-ari! ” Para kay Jane, ang pagsusuot ng maskara lamang ang tanging sagot upang tanggapin siya ng lalaking mahal niya. Ngunit kailan nga ba siya matatanggap? Hanggang saan ang kaya niyang tiisin? Hanggang saan pa ang kaya niyang gawin sa ngalan ng pag-ibig? Hanggang kailan siya magpapanggap bilang ibang tao? May patutunguhan pa rin kaya ang pagmamahal niya para kay Blaze?
Romance
1.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
 MAKE YOU MINE : Possesive Boys  Series 1

MAKE YOU MINE : Possesive Boys Series 1

Miguel Felix Montemayor, anak ng isang bilyonaryo, gwapo, at pinapangarap ng lahat. Pero ang totoo, isa lang ang laman ng puso niya: si Serenity Delavega. Isang gabi ang magpapatindi ng pagtingin niya sa dalaga. Subalit nagbago ang lahat nang malaman niyang may boyfriend na si Serenity, at ito ay walang iba kundi ang kanyang pamangkin. Anuman ang gawin ni Miguel, hindi niya pa rin makalimutan si Serenity. Labis-labis ang pagmamahal niya sa dalaga, at kahit lumipas man ang mga taon, mas lalo pa itong lumakas, naging isang masidhing obsesyon. Ano ang handa niyang gawin para makuha ang puso ni Serenity? Handa ba siyang itaya ang lahat para sa isang pag-ibig na hindi sigurado, at kahit na ang ibig sabihin nito ay pakikipag-agawan laban sa sariling pamangkin? Matagumpay ba niyang mapapaibig si Serenity, o masisira ang lahat dahil sa kanyang matinding obsesyon sa dalaga?
Romance
1019.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
This Time We'll Never End

This Time We'll Never End

MarieCar_Gerebise
Amorah Andrea Michaels-Mateo Story (Love Shot Series #1) Having an amnesia, mas pinili ni Amorah na mapag-isa at hindi pumasok sa isang relasyon, lalo na nang malaman niyang isang lalaki pala ang dahilan ng kanyang pagka-aksidente 3 years ago. Isang araw, nang malaman niyang in-arranged marriage pala siya ng kanyang mga magulang sa taong hindi niya mahal, ni kilala ay nagbelde siya sa mga ito. From an obedient lady to being rebellious, ika nga. Sa disappointment ay niyaya niya ang mga kaibigang mag-club ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay aksidente niyang naibigay ang pagkababae kay Conrad- ang napakaguwapo, matangkad, romantiko at napaka-private na CEO ng Versalez Incorporations. Isang mainit na gabing ibig na sana niyang kalimutan, pero bakit ayaw na siyang pakawalan ni Conrad mula noon?
Romance
102.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3637383940
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status