The Alpha's Heat
Yoongdy
Ako si Sapphire, isa akong taong lobo. Isa ang lahi namin sa maraming nilalang na sinasabing produkto lamang ng malikot na imahinasyon ng mga tao.
Siya si Night, ang anak ng alpha ng aming tribo. Matagal ko na siyang kilala ngunit kamakailan lang nang muli kaming nag-usap. Sa hindi malaman na dahilan ay masungit at malamig siya sa akin.
Siya ang dati kong malapit na kaibigan, pinaglayo kami ng isang aksidente. Malungkot man ang kinahinatnan ng pagkakaibigan namin, namuhay naman ako ng normal sa kabila nito. Pero sa paglipas ng mga taon ay muli kaming pinagsama sa isang proyekto para sa kinabukasan ng aming tribo. Ang mas malala pa rito ay kailangan namin na tumira sa iisang bubong.
Paano ko kaya malalagpasan ang matinding pagsubok na ito sa buhay ko? May pag-asa pa kaya na maibalik ang dati naming pagkakaibigan? O baka may iba pa kaming madiskubre sa isa’t isa na maaaring magsilbing mitsa ng mas malaking pagbabago sa matagal nang sira naming relasyon.