Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart

The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart

"Anong dahilan ito ng pakikipaghiwalay mo?" tanong ni Zeus kay Maureen, "hindi kita mapaligaya sa kama? anong kalokohan ito?" "Totoo naman, hindi mo ako mapaligaya sa kama. Uuwi ka ng bahay, matapos ang ilang linggo mong pagkawala, tapos, lalayasan mo ulit ako pagkatapos. Kaya tama yang nababasa mo, hindi mo nameet ang standards na gusto ko!" sagot ni Maureen sa lalaki. "Talaga ba? Ilan ang gusto mo? makapito tayo sa isang gabi? Sige, humanda ka sa akin pag uwi---" hindi na nito naituloy ang sinasabi dahil agad niya itong sinagot. "Sino namang may sabing uuwian pa kita? ano ako, baliw?" kaagad pinutol ni Maureen ang tawag na iyon. Alam niyang galit na galit ito sa kanya. Subalit pagod na siyang habulin ang lalaki, gayong ang trato nito sa kanya ay isang basura! Tapos na ang pagiging masunurin niyang asawa. Sinayang lang nito ang pagmamahal niya. Paglipas ng panahon, naging isa siyang successful na fashion designer. Napapalibutan na siya ng mga bata at gwapong kalalakihan. Madalas niyang nakakasalamuha sa mga events ang dati niyang asawa. Minsan, kinorner siya nito sa sulok saka hinalikan. "Maureen, mahalin mo ulit ako, please.." pakiusap nito. "Gaya ng dati. Handa akong magpaalipin sayo, balikan mo lang ako."
9.51.4M viewsCompletedAdded to Library 55.8K Times as sabi ng mama mo
Show Reviews (261)
Read
+Library
Jel Laureta
sana naman maisip ni maureen un.. lalo pa at alam na niya kng gaano kasama si brix.. dpat naman sana maisip niya si eli.. maisip nya na pwedeng hanapin ni brix si eli sa Europe.. wag naman sana umabot sa puntong un author pakiusap.. sana malaman na ni zeus ang tungkol kay eli please nagmamakaawa ako
Reah
no offend lang peace ...️...️ lam nyo tawang tawa ako habang may nababasa akong mga comments na nangigigil hahahaha , sinisisi c author hahaha ibig sabihin author maganda ang kwento mo , dalang dala sila pati ako hahahaha. ganyan talaga Ang kwento may maganda at may pagdurusa enjoyin natin ng matagal
Read All Reviews
My Ex. Boyfriend Is My Boss

My Ex. Boyfriend Is My Boss

Naranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong kwento na ito.. 🤍
9.616.3K viewsCompletedAdded to Library 488 Times as sabi ng mama mo
Read
+Library
My Sister My Lover

My Sister My Lover

Sa isip mo magkapatid kayo pero paano kung tumitibok ang puso mo sa tuwing kasama mo siya? Sa pag iwas mo mas lalong lumalalim ito. Alam mong may mali sa nararamdaman mo pero nagiging tama ang lahat kapag sa kanya na lang umiikot ang mundo mo. Paano kung isang araw mahal mo na pala siya pero hindi pwede dahil magkadugo kayo. Anong gagawin mo? Ikukubli mo ba ito o bibigyang hustisya kung anong nasa loob mo? Paano kung ganun din pala siya sayo? Tatalikuran niyo ba ang masakit na katotohanan at tatakbo para magsama ng higit pa sa magkapatid o ibabaon na lang sa limot ang minsang nagbigay sayo ng labis labis na saya?
1018.7K viewsCompletedAdded to Library 636 Times as sabi ng mama mo
Read
+Library
The Great Pretender

The Great Pretender

Hmm.. akala mo Dark kapag nakita mo ang tunay na ako! Maglalaway ka pero di mo ako matitikman!----Jesiebel Pascua . . I need to find her, and when I find you, you will be mine, and mine alone my angel!---Dark Damon Martinez . . Isang magandang dalagang na magaling magdisguise ang tutungo sa lungsod upang iwasan ang isang matandang na obsessed sa alindog nya. Sa pagsisimula ng panibagong buhay nya dito ay makikilala nya ang gwapo ngunit badboy na magpapatibok ng puso nya ngunit sya ring unang kabiguan nya... . Paano kung ang sinabihan mong nakakadiri noon dahil sa katabaan nito ay sya namang hinahabol mo ngayon? Makuha pa kaya ng badboy na may ari ng school ang puso nang anghel nya?
5.1K viewsOngoingAdded to Library 147 Times as sabi ng mama mo
Read
+Library
The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin

The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin

Limang taon ng matinding pag-ibig ang nagwakas sa pinakamapait na paraan. Iniwan ni William Ferrer si Erin sa araw mismo ng kanilang kasal—para sagipin si Menchie, ang kababata nitong nagtangkang magpakamatay. Sa puntong iyon, napagtanto ni Erin ang isang masaklap na katotohanan: hindi niya kayang tunawin ang pusong yelo ni William. Buong tatag niyang tinapos ang lahat ng koneksyon sa lalaki at nilisan ang Cebu, patungong Maynila upang magsimula ng bagong buhay. Ngunit sa isang gabing puno ng alak at pangungulila, napunta siya sa isang hindi inaasahang sitwasyon—nagising sa kama ng isang cold-hearted billionaire na kaaway pa ng kanyang kapatid na si Randell. Walang iba kundi si Blake Gener! Sa pagsikat ng araw, tahimik siyang gumapang papalayo upang makatakas sa lalaki. Ngunit bago pa man siya makalayo, hinatak siya pabalik sa kama ng lalaki. Ang tinig ni Blake, mabagal at mapanukso, ay bumulong sa kanyang tainga, habang ang mga daliri nito ay dumadampi sa sariwang marka ng kiss mark sa sariling leeg: “My Little Erin.., akala mo ba makakatakas ka matapos mo akong angkinin? Hinalikan mo ako nang ganito— kailangan mo akong panagutan.” Sa mataas na lipunan ng mga mayayaman, kilala si Blake, ang nagmamay ari ng B&G corporation, bilang isang lalaking malamig at aloof. Ngunit walang nakakaalam ng kanyang lihim—ang kanyang pagmamahal sa kapatid ng kanyang mortal na kaaway. Mula noong may mangyari sa kanila ni Erin, bumaba siya sa kanyang pedestal. Ang paghanga ay nauwi sa obsesyon. Bilyun-bilyon ang ginastos niya para bilhin ang isang buong isla para lamang sa babae. Gulat man, hindi naiwasang magtanong ni Erin sa lalaki.. “Bakit ginagawa mo ang lahat ng ito para sa akin, Blake?” “Para sayo, my Little Erin.. Handa akong magpakababa, at bilhin ang mundo, basta, mahalin mo rin ako..”
1014.1K viewsOngoingAdded to Library 451 Times as sabi ng mama mo
Read
+Library
THE INNOCENT GIRL(tagalog)

THE INNOCENT GIRL(tagalog)

Inosente sa unang tingin tila di makabasag pinggan ang awra ni Dorothy Sebastian. Pero kapag ito ay umpisa ng magsalita ikaw ay mauubosan ng dahilan, palusot, oh anong pigil mo wala ring kwenta. Parang bata, wala sa tamang pag-iisip, baliw, kulang sa pagmamahal, abnormal, at higit sa lahat' manyak. Yan ang laging bansag sa kanya dahil kung anong laman ng utak n'ya. Ay gagawin at gagawin n'ya ang gusto n'ya. Paano mo ba maiiwasan ang ganitong babae? Lalo na kung ikaw ay nagustohan at natipuhan n'ya? Kahit anong pigil mo para hindi kalang magkakasala. Paano kung s'ya na mismo ang gumagawa ng paraan. Kaya mo pa kayang umayaw kung ang ng gagahasa sayo' ay isang inosenteng manyak? Hanggang saan ba ang pagpipigil ni Darwin sa sarili' para hindi lang magkasala sa kanyang misyon. Kung gayong unti-unti na s'yang nakaramdam ng pag-ibig kay Dorothy.
1034.1K viewsCompletedAdded to Library 1.1K Times as sabi ng mama mo
Read
+Library
Gangster Series 1: School Of Gangster's

Gangster Series 1: School Of Gangster's

Shinserly_Yhours
School of Gangsters, one of the famous school all over the world hindi lang dahil mayayaman ang students doon kundi dahil sa talino at galing nila. Hindi mo aakalain na sa likod ng magandang school at matatalino na students ay mayroon itong tinatago na hindi saklaw sa batas ng mundo, sa langit man o dito sa lupa na kinatatayuan ng kahit sino. Because if their wrong ways of living mabilis silang naimpluwensiyahan ng leader na gumawa ng kakaibang laro, hindi laro pambata kundi laro ng malalakas at tusong tao. Hindi mo na kailangan ng milyon-milyong pusta dahil buhay mo lang ang kailangan nila, cause once you play with them it's either you win or you die. Wanna enroll and enjoy killing? If yes then fuck! Welcome to School of Gangsters, the school where you can kill whoever you fucking wants.
103.1K viewsOngoingAdded to Library 64 Times as sabi ng mama mo
Read
+Library
Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison

Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison

Si Jade na isang ampon ng pamilya Guevarra ay napilitang akuin ang kasalanan ng tunay na anak na si Xianne kaya nakulong siya ng limang taon. Paglaya niya nya ibang-iba na ang mundo na iniwan nya—ang dating fiancee nya ay fiancee na ni Xianne. Takot naman ang kuya ni Jade na guluhin niya ang kasal ni Xianne kaya kung anu-anong panglalait at pang-aapi ang ginawa nito sa kanya. Palagi itong kumakampi kay Xianne sa lahat ng bagay. Ang masakit pa, ang anak na matagal na niyang inaasam na makasama ay iba na ang tinatawag at tinuturing na Mommy. Noong sagad na ang pagod ni Jade physically at mentally ay aksidente niyang nakilala ang isang maimpluwensyang tao na tinitingala ng lahat... si Ezekiel. Ang tiyuhin ng kanyang dating fiancee na si Asher. Sabi nga nila ay mas masarap mamahinga sa lilim ng isang matatag na puno. Binigyan siya ni Ezekiel ng kakaibang pagkalinga at ng lakas ng loob para makaahon mula sa impyernong pinagdaanan niya. Kalaunan ay hindi na lang siya basta si Jade Guevarra—siya na ang masayang si Mrs. Jade Elizalde. Mayroon na siyang perpektong asawa, isang cute na anak, at bagong pamilyang sobrang nagmamahal sa kanya. Unti-unti nang naghihilom ang mga sugat sa puso niya at lalong gumaganda ang takbo ng buhay niya. "Jade, gusto mo bang bumalik sa amin?" "Hinding-hindi na... hinding-hindi na ako babalik sainyo." Ngayon, ang dati niyang ex fiancee at ang buong pamilya Guevarra ay nakaluhod na sa harap niya at nagmamakaawang patawarin sila. Sobrang pagsisisi ang nararamdaman nila at hinihiling na lingunin man lang sila ni Jade kahit isang beses lang, pero huli na ang lahat. Hinding hindi na sya babalik sa mga ito!
917 viewsOngoingAdded to Library 22 Times as sabi ng mama mo
Read
+Library
Contracted to my twin's rival CEO

Contracted to my twin's rival CEO

Si Ellie Allys Joson, probinsyana mula Batangas, napilitang pumunta ng Manila para iligtas ang tatay niyang may kidney failure. 800k ang kailangan, pero 3,500 pesos lang ang dala niya. Napunta siya sa Smith Corp bilang PA ni Luke Smith—masungit, malamig, at CEO na parang galit sa mundo. Hindi niya alam, si Luke ang driver na bumangga sa tatay niya 10 years ago at tumakas. Tapos lumabas si Gab Smith, kambal ni Luke. Mas mabait, mas mapaglaro, at siya ang unang nagsabi kay Ellie ng totoo. Para manahimik si Ellie, inalok siya ni Luke ng contract marriage: 1 year, 800k kapalit. Pambayad sa operasyon ng tatay niya. Pero paano mo tatanggapin ang pera ng taong sinisisi mo sa pagdurusa ng pamilya mo? At paano kung unti-unti mo nang nakikita ang lalaking nasa likod ng pagiging masungit niya? Isang linggo lang dapat ang deal. Pero sa loob ng pitong araw na yun, mabubuksan ang lihim na magpapabago sa buhay nilang tatlo. Contract marriage. Family betrayal. Love na hindi dapat nangyari. Dahil sa Manila, walang libre. Lahat may kapalit. Kahit ang pag-ibig.
10100 viewsCompletedAdded to Library 3 Times as sabi ng mama mo
Read
+Library
Not Your Wife Anymore

Not Your Wife Anymore

Sa batang edad ay napilitang magpakasal si Raven Santana sa nag-iisang tagapagmana ng Go Prime Holdings na si Caleb Go. Pero pagkatapos niyang ipanganak ang kamnbal nilang anak, hindi pa rin naging maganda ang kanilang pagsasama. Hindi siya tinratong asawa ng lalaki. Hanggang sa dumating sa punto na napuno na si Raven at nakipaghiwalay na sa asawa. Maraming nagtaka sa ginawa niya. Sabi nila ay para siyang nagtampo sa bigas, pinakawalan ang isang napakagandang pagkakataon. Pero paano kung ang wakas pala ng pagsasama nila ni Caleb ay ang magiging simula ng panibagong kuwento ng buhay ni Raven? At sa kuwentong iyon, siya naman ang bida.
1062.7K viewsOngoingAdded to Library 2.4K Times as sabi ng mama mo
Read
+Library
PREV
1
...
2223242526
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status