Ang lalaking hindi ko dapat mahalin
Galing ito sa kumpanya ng aking ama, partikular sa kaniyang personal secretary, pero may naka-attach na opisyal na sulat mula sa ibang organisasyon.
Binuksan ko ang email at binasa ang nilalaman nito.
Isang pormal at marangyang digital invitation ang sumalubong sa akin. Ang background ay kulay deep navy blue na may mga gintong detalye, napaka-elegante at halatang pinagkagastusan nang husto ang disenyo. Sa gitna nito, nakasulat ang pangalan ko sa isang magandang cursive font.
It was an exclusive, formal invitation to the upcoming Voss International Annual Charity Gala. At sa ilalim ng aking pangalan, may isang maliit na note na idinagdag ng secretary ni Dad: