Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Awakened as the Billionaire's Wife

Awakened as the Billionaire's Wife

Isang trahedyang gabi ang nagtapos sa buhay ni Elena Marquez, isang babaeng nabuhay na puno ng pagsisisi at mga pangarap na hindi natupad. Sa kanyang huling hininga, iisa lamang ang hiling niya ang mabigyan ng isa pang pagkakataon upang itama ang mga maling desisyon ng nakaraan. Ngunit ang ikalawang buhay na ibinigay sa kanya ay higit na mas kumplikado kaysa sa inaasahan niya. Nagising si Elena sa katawan ni Aurelia Deveraux, ang asawa ng isang makapangyarihang bilyonaryong si Sebastian Deveraux. Ayon sa lahat, dalawang taon nang comatose si Aurelia matapos ang isang malubhang aksidente, kaya’t ang bigla nitong paggising ay itinuring na isang himala. Ngunit para kay Elena, ito ay isang bangungot na puno ng tanong at takot—sapagkat siya ay nabubuhay sa katawang hindi kanya, sa isang buhay na hindi niya pinili. Habang sinusubukan niyang umangkop sa marangyang mundo ng mga Deveraux, unti-unti niyang natutuklasan na ang aksidenteng naglagay kay Aurelia sa coma ay hindi isang simpleng trahedya. Sa likod ng mga ngiti at pakikiramay ay may mga taong may itinatagong ambisyon at lihim lalo na ang babaeng matagal nang nagnanais na mapalapit kay Sebastian. Sa kabila ng pagdududa at emosyonal na distansya, unti-unting nabubuo ang isang kakaibang koneksyon sa pagitan ni Elena at ni Sebastian isang damdaming hindi batay sa alaala ng nakaraan, kundi sa taong unti-unti nilang nakikilala sa kasalukuyan. Ngunit hanggang kailan kayang itago ni Elena ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao? At kapag nalaman ni Sebastian ang lahat, pipiliin ba niya ang babaeng minahal niya sa alaala o ang kaluluwang minahal niya sa kasalukuyan? Isang kwento ng ikalawang buhay, lihim, at pag-ibig na susubok sa hangganan ng katawan, kaluluwa, at kapalaran.
237 viewsOngoingAdded to Library 9 Times as second triumvirate
Read
+Library
MADILIM NA KAHAPON

MADILIM NA KAHAPON

Isang lihim na matagal nang itinago ng Ina ni Brenda ang maisawalat mismo sa araw ng lanyang kasal at kaarawan pa man din niya. Isang nakatagong lihim na nakakapanggilas kahit sino ang makakarinig at makakaalam. Ano kaya ang mangyayari kapag malaman na ni Brenda ang tunay niyang pagkatao.
1011.7K viewsOngoingAdded to Library 363 Times as second triumvirate
Read
+Library
Seductress Unforgotten

Seductress Unforgotten

Sa mundo ng marangya at makapangyarihan, si Apple Imperial ang babae na pinapangarap ng lahat ngunit kinatatakutan ng iilan. Sa kanyang mala-anghel na mukha at maalindog na katawan, nagagawa niyang paikutin ang puso ng kahit sinong lalaki. Ngunit sa likod ng kanyang mapanlinlang na ngiti, nakatago ang isang madilim na lihim—si Apple ay isang mapanganib na gold digger. Dati siyang prinsesa ng kayamanan, lumaki sa karangyaan ng pamilyang Imperial. Ngunit nang bumagsak ang kanilang negosyo, nawala ang lahat—ang yaman, at ang dangal. Ang bawat halik niya ay may presyo, ang bawat yakap ay may layunin. Sa bawat lalaking nahuhulog sa kanyang bitag, isang hakbang siya papalapit sa pagbabalik ng yaman na nawala sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Lance Martin—ang guwapo, makapangyarihan, at sobrang yaman na CEO ng Emerald Malls—nagbago ang pananaw niya sa buhay at pag-ibig. Si Lance ang perpektong target, ngunit siya rin ang tanging lalaking nagpaalala kay Apple kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal. Sa kabila ng kanyang mapanlinlang na paraan, si Lance ang nagdala ng liwanag sa madilim niyang mundo. Subalit ang lihim ni Apple ay hindi kayang itago habang-buhay. Nang magdesisyon si Lance na ipagkatiwala ang kanyang buong puso at yaman kay Apple at nagbabalak na pakasalan ito,ngunit nalaman niya ang masakit na katotohanan—ang babaeng kanyang minahal ay naglalaro sa apoy. Sa gitna ng kanyang pagtataksil, iniwan siya ni Lance, at tuluyang nawala sa kanyang buhay. Pero hindi pa tapos ang kanyang kabiguan. Nang malaman ni Apple na siya’y nagdadalang-tao, biglang nagbago ang lahat. Ang anak na nasa kanyang sinapupunan ang maaaring maging dahilan ng kanilang pagbabalikan—o ang maghahatid sa kanya sa mas malalim na pagdurusa. Magagawa kaya ni Apple na itama ang kanyang mga kasalanan? O magbabayad siya ng pinakamabigat na presyo para sa lahat ng kanyang kasinungalingan?
103.4K viewsCompletedAdded to Library 98 Times as second triumvirate
Read
+Library
Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Sa mundo ng musika at pag-ibig, kilalanin si Rasselle, isang dalagang kolehiyala na may talento sa pagkanta at may pusong sensitibo. Ngunit ang kanyang buhay ay nagbago nang makilala niya si Rage Hidalgo, isang kaakit-akit ngunit misteryosong lalaki na nagdala ng bagong pag-ibig at pagkakamali sa kanyang buhay. Sa kanilang pagmamahalan, natuklasan ni Rasselle ang mga lihim na nakatago sa likod ng mga ngiti at halik ni Rage. Ang mga lihim na ito ay magdudulot ng sakit at pagdurusa sa kanilang relasyon. Habang si Rasselle ay nagpupumilit na malampasan ang mga pagsubok sa kanilang relasyon, natuklasan niya rin ang mga katotohanan tungkol sa kanyang mga magulang at sa mga dahilan ng kanilang pagtutol sa kanilang relasyon. Sa gitna ng mga pagtataksil at pagdurusa, magagawa ba ni Rasselle na patawarin si Rage at muli niya itong tanggapin pabalik sa kanyang buhay? O magtatapos na lang ba ang kanilang relasyon sa isang malungkot na paghihiwalay? Sundan ang kwento ng dalawang taong nagmamahalan sa gitna ng mga pagsubok at pagtataksil sa "The Melody of Heartbreak" ni J.C.E Cleopatra.
101.3K viewsCompletedAdded to Library 33 Times as second triumvirate
Read
+Library
His Painful Love

His Painful Love

NAKAHANDA ba ang puso mong masaktan para lang makasama ang taong lihim mong minamahal? Kung oo, then, grab it! Isang malaking pagkakamali ang pagpapakasal ni Azeah Gwen sa lalaking hindi siya mahal at sa loob ng dalawang taon sa piling nito'y wala itong ginawa kundi ang pasakitan siya. Hindi matanggap na sa isang tulad lamang niyang dukha ito matatali at hindi sa girlfriend na mahal na mahal nito. May pag-asa pa kayang maging maayos ang kanilang pagsasama? Paano kung isang sekreto ang mabubunyag na tiyak na lalong ikagagalit ng kaniyang asawa? Matanggap pa kaya siya nito?
1027.7K viewsCompletedAdded to Library 886 Times as second triumvirate
Read
+Library
Arrange Marriage To My Boss

Arrange Marriage To My Boss

Isang araw nagising ako sa katotohanan naay asawa na pala ako. kung hindi niya lang binili ang nalulugi namin na kompanya hindi ko gagawin ito. Lalo na't kung alam ko na siya na Boss ko pala ang nakabili nun.
949 viewsOngoingAdded to Library 25 Times as second triumvirate
Read
+Library
Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez

Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez

Nagkaroon ng malaking pagkakautang si Laica kay Hendrick Montañez nang ang binata ang gumawa ng paraan upang maisalba ang buhay ng kanyang nakababatang kapatid. Isang bagay iyon na wala siyang kaalam-alam. Ang tanging malinaw kay Laica ay ang pagkamuhing nadarama ni Hendrick para sa kanya dahil sa pag-aakalang mas pinili niya ang pera kaysa sa relasyon nilang dalawa. Lumipas ang maraming taon. Nang muling magkrus ang kanilang mga landas ay naniningil na ang binata sa malaking halagang nagastos nito para sa kapatid niya. But how can she ever pay him if what he wants is for her to... marry him? Would she agree knowing that what he's offering is nothing but a contract marriage? That she needs to be his wife just for business purposes? Or she would take his offer, not only to pay her debt, but because deep inside, she's hoping that he loves her still? "Magiging asawa lang kita sa papel, Laica. We'll stay married 'til I get the company. Once it's done, we'll have an annulment. Don't worry 'cause it would be easy since I don't have any plan to consume our marriage..."
1023.3K viewsCompletedAdded to Library 744 Times as second triumvirate
Read
+Library
Heartless Husband

Heartless Husband

Isang simpleng dalaga lamang si Xylona na naghahangad ng magandang buhay para sa kanilang dalawa sa kanyang inay. Mahinhin, mabait at mapagmahal siya na tao. Dahil sa kanyang pagiging waitress niya sa isang bar na nere-commend ng kanyang kaibigan ay nakilala niya ang isang sikat na bilyonaryo. She can't believe that this man will take her virginity. Ngunit, mapaglaro siguro ang tadhana dahil muli din silang pinagkita ngunit ngayon nasa iisang bubong na sila. What would the both of them happen in the same house? Would they get falling in love to each other? Would a heartless man turns in a good man? Would a soft-spoken girl make him a good man? Sabay nating basahin ang istoryang ito!
1041.6K viewsCompletedAdded to Library 915 Times as second triumvirate
Read
+Library
MALAYA (A Tagalog Story)

MALAYA (A Tagalog Story)

Malaya will never live up to her name. Hindi siya kailanman naging malaya at hindi magiging. Namumuhay siyang tila daga na nagtatago sa malulupit na mga pusa. Sa kagustuhang matakasan ang kinalakhang buhay at mahanap ang kalayaan, napadpad si Malaya sa isang malayong probinsya. Sa kanyang pagtakas, nasumpumgan niya si Thorin Fuentebella— ang binatang kumupkop sa kaniya. Sa pagtira niya sa mansyon nito, napalapit at minahal niya ang lalaki— na walang kaalam-alam sa tunay niyang pagkatao. Subalit nang dumating ang pagkakataon na kinailangan niyang aminin ang lahat—ang tunay niyang pagkatao at dahilan ng kanyang pagtakas ay hindi niya inaasahang ang binata pa pala ang magtutulak sa kanyang balikan ang nakaraan na ayaw na niyang maranasan...
1060.5K viewsCompletedAdded to Library 2.0K Times as second triumvirate
Read
+Library
Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Minahal ni Madeline Crawford si Jeremy Whitman sa loob ng labindalawang taon, subalit siya mismo ang nagpadala sa kanya sa kulungan. Sa gitna ng kanyang sakit at pagdurusa, nakita niya pang nahulog ang lalaking ito sa ibang babae… Limang taon ang nakalipas, nakabalik na siya ng may panibagong lakas, hindi na siya ang parehong babae na pwede nilang maliitin ilang taon na ang nakararaan! Sa bago niyang anyo, sisirain niya ang kahit sinong magpapanggap at aapakan niya ang lahat ng sinumang basura. Kaya nga lang, nang sisimulan niya na ang kanyang paghihiganti sa lalaking sumira sa kanya… Biglang nagbago ang ugali nito. Mula sa pagiging isang malamig at walang emosyong tao, naging isa itong mapag-alaga, maalalahanin, at mapagmahal na lalaki! Hinalikan pa nga nito ang kanyang paa sa harap ng maraming tao habang nangakong, “Madeline, nagkamali ako na magmahal ng iba. Mula ngayon, ibubuhos ko ang natitira kong buhay para bumawi sa iyo.” Tumugon naman si Madeline, “Papatawarin lang kita kapag…. namatay ka na.”
9.41.7M viewsCompletedAdded to Library 46.5K Times as second triumvirate
Show Reviews (1316)
Read
+Library
Resha Valentine
hahaha naiinis aq s kwento ..not too good to be true,, grabe naman legal wife cya ,e cya p nakulong haysss... 😅,grabe naman ang pagiging maimpluwensya ng pamilya whitman hehe,, npakamartir . tsaka kung gnyanin aq ng lalaki nako.kht mahal ko never aq mgpaganyan ,naloka aq s storya ..pro sayang
Soo Jeong Lee
nakakakawa ang kalagayan ni madie bakit ganito kalupit angbkwentong ito. ang sakit ng dinanas nya sa kamay ng asawa nya. dapat matauhan na si madie at magbagong buhay saka na sya bumalik pag mayaman na sya at maging matapang matutong pumatay para katakutan sya ng mga taong nagkasala sa kanya
Read All Reviews
PREV
1
...
1213141516
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status