Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Married Lover

My Married Lover

[Kumpleto - Completed] Si Ina na isang yaya sa Gomez family. Isang maayos at walang pinoproblema sa buhay magmula nang siya ay makatuntong sa bahay ng mga ito ngunit sa isang iglap ay nagbago na lamang ang lahat nang magkagusto ang asawa ng kaniyang amo na si Roy Gomez sa kaniya at maging siya ay nahulog din. Gayunpaman, sa una ay alam na niya na mali ito dahil may asawa na rin ito at ang babae pa na kumupkop sa kaniya mula sa ampunan. Sadya nga yata na kay lupit ng tadhana at nang nagmahal siya ay sa maling pagkakataon at tao pa. Kaniya nga ba na tatahakin ang daan na alam niya ay mali para lamang sa pagmamahal o tatahakin pa rin ang daan patungo sa kung saan ang dapat at tama? Kaniya ba na ipaglalaban ang kaniyang pagmamahal para sa lalaki, o ibabaon na lamang sa limot ang lahat upang protektahan ang pamilya nito? Siya na nga ba kaya ang magiging dahilan ng muling pagkawasak ng puso ng babaeng umampon sa kaniya o ang tutulong dito na malampasan ang trauma na naranasan sa nakaraan?
Romance
1013.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Married to the Lost Heiress

Married to the Lost Heiress

“Habang patuloy na ipinaglalaban ko ‘tong nararamdaman ko sa ‘yo ay siya namang pagsira ko sa sarili ko…” Mahirap para sa isang Camilla Torres ang relasyon nila ng kaniyang Boss na si Herald Benedict Fonteverde. Hinahayaan niya kasi ang sarili na alipinin nito sa kama kahit alam ng lahat na kasal ang lalaki. Gusto ng kaniyang isip na makawala, ngunit ayaw ng kaniyang puso. Hanggang sa dumating sa punto na natatakot na siya, hindi para sa sarili kundi dahil sa anak niya. Paano na lang kung magkaisip ito at malaman na ang kaniyang ina ay isang kabit? Magawa kayang isakripisyo ni Camilla ang kaniyang kaligayahan? O magpapatuloy na lang kahit marami siyang maapakan? Paano kung pumabor nga sa kaniya ang kapalaran at sa oras din na dumating iyon ay siyang pagbunyag ng katotohanan na ang buong pagkatao niya ay isang malaking kasinungalingan lamang?
Romance
10705 viewsOngoing
Read
Add to library
Contract and Marriage

Contract and Marriage

Si Sarina ay isang probinsyanang nurse na mas pinili ang maging private nurse dahil na rin sa laki ng sahod kay Maximus Lardizabal. Isang kilalang negosyante sa bansa at playboy na rin. Mayroon siyang kasintahan ngunit mahilig pa rin siya sa babae. Nang maaksidente ito sa ibang bansa at bumalik ng Pilipinas ay bulag na ito at nakatali na sa wheelchair na naging dahilan upang tuluyan na siyang iwan ng kasintahan. Samantalang bigla na lang nag-offer ang binata sa dalaga na hindi mapaniwalaan ni Sarina at mabilis niyang tinanggihan. Ngunit dahil na rin sa pangangailangan ng pamilya niya ay nagbago din ang kanyang isip at pumayag na maging parausan ni Maximus sa loob ng isang taon sa halagang 10 milyon. Ang hindi alam ng dalaga ay may mga iba pang kasunduang kalakip ang kontrata nila at sa pagsasama nila ay malalaman niya ang lihim na itinatago ng binata.
Romance
9.91.6M viewsOngoing
Show Reviews (118)
Read
Add to library
Gracie Ollagan
This story is somewhat very realistic and true to life. The character's role were very intense. You will feel mix emotions while reading as if you are just part of the story looking at these characters right here. I recommend this story as it is full of life and a bit of comedy. Not for young adults
MysterRyght
Marami pong salamat sa inyong patuloy na pagsuporta. Sana po ay makasama ko po kayo sa aking writing journey. Sa mga likes, comment, gem votes, ratings at lalo po sa gift-share. Sobrang thank you po sa inyo. I will pray na lagi po kayong pagpalain at samahan ng Panginoon sa bawat araw. God bless us!
Read All Reviews
HIDING HIS TWINS (BOOK 2)

HIDING HIS TWINS (BOOK 2)

Pseudonym
Ilang taon niyang inantay na mahalin siya ng lalakeng noon palang ay gustong-gusto na niya. Ipinagkasundo silang ikasal ng mga magulang nila at sobrang saya niya simula nong tumira na sila sa iisang bahay at sa wakas makakasama niya na rin si Ken. Sa tagal ng pagsasama nila ay nabago niya si Ken, si Ken na malambot na sa lalake lang dapat na a-attract kase nga isa itong bakla. At dumating na nga ang pinakaaantay niya. Minahal na siya ng taong mahal niya pero di nag tagal biglang nag bago ang lahat. Biglang naging cold at mapanakit ang dating malambing niyang asawa... Hanggang sa nalaman niya rin na niloloko siya nito...
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Jeadaya_Kiya18
Kinakayod ni Ella ang hirap ng pagiging-escort para sa mga utang ng mabisyo niyang nanay. Mula pa bata nang siya ay magsimulang pasukin ang iba't-ibang trabaho dahil sa hirap ng buhay. Isang simpleng babae na walang ibang pinangarap kung hindi ay ang magkaroon ng maganda at payapa na pamumuhay. Ngunit, nang dahil sa isang kasalanan na hindi naman siya ang gumawa ang kaniyang pagbabayaran. Nang dahil sa pagkakahawig nito sa isang gold digger na minamahal ng isang bilyonaryong tao ay tuluyan na nagbago ang takbo ng kaniyang buhay. Gumanda ang kaniyang pamumuhay, wala na ang araw-araw na pagsabak niya sa pagpapasaya sa iba't-ibang lalaki sa bar at kahit hindi ito magtrabaho ay maaari na niyang bilhin at gawin ang lahat ng naisin nito habang, kapalit ng mga ito ay ang pagkakakulong niya sa isang lalaki na minsan man ay hindi niya nakilala o nakita sa tanang buhay. Isang lalaki na sa una pa lang ay pinakitaan na siya ng kasamaan at pagmamalupit. Dito na ba tuluyan mababago ang isang normal at payapang pamumuhay ni Ella? Titingnan na lamang ba niya itong oportunidad para iahon sa hirap ang kaniyang sarili at nanay o mas pipiliin niya pa rin na tumakas sa nakasasakal na kamay at nakasusulasok na pag-uugali nito? Paano niya nga ba magagawa na malulusutan ang problema na hindi naman siya ang gumawa?
Romance
975 viewsOngoing
Read
Add to library
My Orphan Wife

My Orphan Wife

Noong birthday ng single mother na si Grace Saavedra ay hinayaan ng anak nito na si Dexter na matupad ang hiling ng ina. Ang magkaroon pa ng isang anak. Anak na babae. Sa isang ampunan, nakita ni Grace ang sampung-taong gulang na si Heather. Dinala sa bahay, at doon nakilala ni Dexter ang bagong kapatid niya. Si Heather na madalas niyang kaaway pero naging malapit sa kanya. Hanggang lumipas ang taon, ang batang si Heather ay isa ng dalaga, magandang dalaga. At iba na ang nararamdaman sa kanyang kuya na sampung taon ang agwat sa kaniya? Paano ba masasabi ni Heather ang nararamdaman para sa kapatid niya na hindi man niya tunay na kadugo ay para na niyang tunay na pamilya? Matatanggap ba kaya ni Dexter ang pag-ibig ng ampon niyang kapatid?
Romance
575 viewsOngoing
Read
Add to library
Celeste: Of Beauty and Secrets

Celeste: Of Beauty and Secrets

Bimaia
Isang misteryosong lagusan ang bigla na lamang gumimbal sa tahimik na pamumuhay ng mga mamamayan sa mundo ng Albion. Nababalutan ito ng itim na mahika na nagdudulot ng matinding panganib. Dahil dito ay agad na tinipon ni Haring Qesien ang pinakamalalakas na mandirigma sa kanilang mundo. Misyon nila ang masugpo ang kadiliman, at tuluyang maisara ang lagusan. Sa hindi inaasahang pangyayari ay napabilang si Trese sa grupong ito. Isa lamang siya sa libo-libong mga alipin na pinagkaitan ng lakas sa mundo na punong-puno ng hiwaga at mahika. Ganoon pa man ay mayroon siyang madilim na sikretong pilit na itinatago sa iba. Ginawa ni Trese ang lahat, makasama lamang ang lalaking itinitibok ng kaniyang damdamin. Ngunit handa ba niyang isakripisyo ang mga mabibigat na tungkulin para lamang sa inaasam na kaligayahan? O babalik siya sa tunay niyang katauhan?
Fantasy
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Huling Alpana

Ang Huling Alpana

Ryan Rayl Samoray
Lingid sa kaalaman ni Apolo na nakatakdang mapasa-kaniya ang karugtong ng buhay sa kaniyang musika, kung kaya't naging dahilan ang kaniyang galit sa labis na kalbaryo nang mawala ang kaniyang Alpa. Manunumbalik ang kagandahan ng musika sa sandaling kalabitin na niya ang mga kwerdas niyon. Ngunit paano kung ang kaniyang hinahanap na Alpa at pana ay isang mortal na tao? At malaman niya na ito ay may taglay na kapangyarihan para pagyamanin ang musika sa sanlibutan? Kapalit nang hindi inaasahang pag-ibig ng nakatataas ng diyos ng araw at musika sa mortal na si Phana, piliin kaya nito na gawin siyang Alpa ng musika at pag-ibig? O ang gawin siyang pana ng katarungan? Mabibigyan kaya ng pag-asa ni Phana ang sarili para mahalin ang isang kagaya ni Apolo o ang harapin ang kaniyang napipintong kamatayan? Huli na ba para kay Apolo na umiibig na siya sa isang mortal? Kaya ba nilang manindigan gayung magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan o ang maulit ang pagkakamali na noon ay kinasusuklaman ng diyos ng araw?
Fantasy
2.8K viewsOngoing
Read
Add to library
You Are My Savior

You Are My Savior

Si Rhianna Evangelista kasama ang kaniyang Ina at nakababatang kapatid na si Ylona ay ikinulong sa isang mansiyon na malayo sa bayan at nasa liblib na lugar na pag-aari ng kaniyang amain na si Don Ysmael na isang kilalang Drug Lord sa bansa na hindi magawang hulihin at hindi mahuli-huli dahil sa koneksiyon na mayroon siya. Dahil sa gusto ni Rhianna na iligtas ang kaniyang ina at kapatid, maging ang kaniyang sarili. Nagpasya siyang tumakas sa kaniyang amain para mailigtas ang kaniyang ina at kapatid. Doon niya nakilala si Leonardo Estralta Jr., isang Agent na siyang nakakita sa kaniya at kumupkop. Naging kasapi siya ng kanilang samahan at nagkaroon ng layunin na tugisin at pabagsakin ang mga taong nasa likod ng pagtulong kay Don Ysmael. Subalit, habang tumatagal nahuhulog na ang loob ni Leonardo kay Rhianna at napagtanto niyang mahal na niya. Handa ba niyang bitawan ang tungkulin para sa babaeng minamahal at makasama hanggang sa pagtanda at ng pamilya kasama si Rhianna o isasantabi ang nararamdaman at ipagpapatuloy ang paglilingkod sa bayan?
Romance
105.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Asawa ng Nakalimutan: Buntis at Inabandona

Asawa ng Nakalimutan: Buntis at Inabandona

Nalaman ko na buntis ako kasabay ng childhood sweetheart ng asawa ko na si Rosa. Para protektahan ang kanyang anak mula sa pagpapaabort, sinabi ng asawa ko na anak niya iyon. Sa anak ko? Pinagaan niya ang loob ko, sinabi niya na aangkinin lang niya ang bata kapag isinalang na ito. Kinumpronta ko siya, gusto ko malaman kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Malamig at walang alinlangan ang sagot niya: “Ang angkinin ang baby ang tanging paraan para protektahan sila pareho. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanya o sa baby niya.” Sa oras na iyon, habang nakatingin ako sa lalaki na minahal ko ng sampung taon, napagtanto ko na namatay na ang pag-ibig ko para sa kanya. Hindi nagtagal, kinundena ako ng pamilya ko, tinatawag akong pokpok dahil nagkaanak ako ng wala itong ama at pinressure ako na magpa-abort. Samantala, nasa ibang lungsod naman ang asawa ko, kasama ang sweetheart niya, tinutulungan siya sa kanyang pagdadalantao. Sa oras na nakabalik siya, nakaalis na ako.
Short Story · Mafia
2.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status