Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Deception And Pain

Deception And Pain

DreamerIsGood
Sa kuwento ng pag-ibig, panlilinlang, at pagbabago, sumasalamin ang kwento ni Sofie, isang babae na nagtrabaho sa isang club upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang araw, dumating si Matias Chavez, ang may-ari ng isang condo at ilang illegal na negosyo, na nagdulot ng pag-ibig at kaguluhan sa buhay ni Sofie. Ngunit ang pag-ibig na inakala niya ay hindi ganap, dahil may kakambal si Matias na si Mateo na puno ng inggit at galit sa kanya. Nahulog ang puso ni Sofie kay Matias, ngunit hindi niya alam na ang lalaking minamahal niya ay hindi palaging si Matias, kundi ang kanyang kakambal na si Mateo. Sa gitna ng mga pagpapanggap at panlilinlang, nagpatuloy ang pag-ibig ni Sofie kay Matias. Ngunit ang pagkakataon na mabuo ang kanilang pamilya ay laging nasa panganib dahil sa mga plano ni Mateo na sirain ang relasyon nila. Napapaligiran ng mga pagsubok, pagkakamali, at sakit, nagpasya si Sofie na gantihan si Matias at ipakita ang kanyang galit. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, maaaring mayroong pag-asang mabuo ang kanilang pag-ibig at magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Sa huli, ang kwento ng pag-ibig nina Sofie at Matias ay nagpapakita ng mga sakripisyo, pagkakamali, at pag-asa. Ito ay isang kuwento na magpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay hindi perpekto, ngunit may kakayahan itong magdulot ng pagbabago at pagpapatawad.
Romance
10806 viewsOngoing
Read
Add to library
Pakawalan mo ako, Mr. Hill

Pakawalan mo ako, Mr. Hill

[Aksidenteng nakipaglandian sa isang maalamat na kilalang tao, desperado siyang humingi ng tulong sa internet.] Matapos pagtaksilan ng hayop at ng kanyang ate, si Catherine ay sinumpa na maging tita ng walang hiyang couple! Dahil dito, nagkaroon siya ng interes sa tito ng kanyang ex-boyfriend. Huli na ng malaman niya na na ito ay mas mayaman at mas gwapo kaysa sa kanyang ex-boyfriend. Simula noon, siya ay naging romantikong asawa sa tito ng kanyang ex-boyfriend at laging nakipaglandian sa kanya. Kahit na ang lalaki ay hindi siya pinapansin, wala siyang pakialam hanggat magawa niyang mapanatili ang kanyang pagkatao bilang tita ng kanyang ex-boyfriend. Isang araw, biglang napagtanto ni Catherine na nakikipaglandian siya sa maling tao! Ang lalaking kanyang nilalandi ay hindi tito ng kanyang hayop na iyon! Nabaliw si Catherine. “Ayoko na. Gusto ko na ng divorce!” Si Shaun ay wala ng masabi. Ang iresponsable niyang babae! Kung gusto niya na kumuha ng divorce, kung gayon mangarap na lang siya!
Romance
9.5788.1K viewsCompleted
Show Reviews (180)
Read
Add to library
lesleannejavier
maganda yun kwento sa umpisa, pero habang tumatagal sumasakit na din ulo ko ang buhay ni Catherine ay wlang pinag iba kay cardo dalisay di nauubusan ng mga bwiset sa plagid, nasa episode 550 plang ako, pero gusto ko na mag skip anong episode ba yun magkakaayos na cla,
Sheila
jusko chapter 48 palang ako,gustuhin ko mn tapusin pero nakakapanghinayang ng pera...7.5k din magagastos or more gang kabanata 2012 eh wla pa tiyak kung gang sa anong chapter matatapos ito.hays prang wlang ending.dugtong lng ng dugong kwento gasyos din ng gastos un mga reader.
Read All Reviews
Trap In His Arms

Trap In His Arms

Sa edad na dalawampu't isa, hindi inaasahan na ganoon kaagang mabubuntis si Hashana Romero. Kahit nagdadalang-tao ay pinilit niyang makapagtapos ng pag-aaral para sa kinabukasan ng magiging anak. Subalit sa pakikipagsapalaran nito sa syudad, nakilala ni Hashana si Rheo Auxilio na sa huli ay kanyang naging nobyo. Ngunit hanggang saan nga ba susukatin ang pagmamahalan ng dalawa kapag nakilala ni Hashana ang ama ni Rheo na si Clifton Auxilio? Na kung saan doon lang niya napagtantong ito ang kanyang nakaniig anim na taon ang lumipas. Makakaya kaya ng dalaga na ipaglaban ang pagmamahalan nila ng kasintahan kahit ang ama nito ay ama din ng anak niya? O susukuan niya ang pagmamahalan nilang dalawa alang-alang sa limang taong gulang niyang anak? Subalit papaano nga ba kung malaman ni Clifton na may anak sila ni Hashana? Ano kaya ang kayang gawin at isakripisyo ng lalaki?
Romance
106.0K viewsOngoing
Read
Add to library
ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN

ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN

READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ Si Maya ay isang bilanggo sa mansion ng mga Gustin dahil sa malaking pagkakautang. Tanggap niya ang kapalaran niya na habang buhay magbayad ng pagkakautang sa mga ito kapalit ng kanyang paninilbihan... Isa lang ang hiling niya, iyon ang bumalik ang nanay niya na bigla nalang siyang iniwan sampong taon na ang nakakaraan. Nang bumalik si Hannah galing sa America, ang apo ng mga Gustin ay agad na ipinagkasundo ito sa isang mayamang binata na si Tyler Montemayor; Ngunit nagmatigas si Hannah. Sa takot ng mga Gustin na baka i-pull-out ng binata ang investment nito sa kanilang kumpanya ay naisip nilang si Maya ang ipakasal kay Tyler dala ang kanilang apelido. Walang nagawa si Maya kundi ang pumayag na ma-ikasal sa mayamang binata. Hinanda niya ang sarili na masaktan at pagmalupitan ng mayamang binata ngunit hindi iyon ang nangyari... "Araw-araw kitang mamahalin, Maya.” Katagang sinabi ni Tyler na labis n'yang ikinagulat. Mapanindigan kaya ni Tyler ang pangako gayong maraming tutol at hadlang sa pag iibigan nilang dalawa? O sa bandang huli ay magkakahiwalay din sila?
Romance
1035.1K viewsCompleted
Read
Add to library
THE GLASS QUEEN (TAGALOG)

THE GLASS QUEEN (TAGALOG)

Ashley Grace
Isang malusog na sperm. Ito lang ang kailangan ni Virgou sa lalaking nakitaan niya ng katangian para maging ama ng kanyang anak. Si Zerriko Gray. Estudyante sa paaralang itinayo ng kanyang yumaong ina. Hindi siya nagdalawang-isip na alukin ang binata at nagtagumpay na mapapayag ito. Ngunit, hindi pera ang hiniling kapalit kundi ang kanyang puso. Paano niya ibibigay ang hinihingi nitong kabayaran kung ang puso niya ay tumitibok hindi sa lalaki kung hindi sa katulad niya ng kasarian? Magagawa ba nitong basagin ang baluti niya at ilabas ang marupok niyang katauhan? *** Para kay Zek, si Virgou ay isang bituin. Isang bituin na mahirap abutin ngunit kusang kumalas sa daan nito at nahulog sa kanyang kandungan. He knew her depths and darkness. Her light, because she was like a transparent glass. She is smooth and hard. Beautiful and clear. Can resist the heat. Endured pressure and breakage. But more than a mere glass, she is his queen. Always and forever. His glass queen.
Romance
1045.6K viewsCompleted
Read
Add to library
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.7K viewsCompleted
Read
Add to library
TIERRA FUEGO TRILOGY 1: Akin lamang ang Pag-ibig Mo

TIERRA FUEGO TRILOGY 1: Akin lamang ang Pag-ibig Mo

Avanitaxx
Gabriel Del Fuego. Possessive and hardworking when it comes to business. But, being Millionaire can’t make him happy. He tries to win Carmela’s heart. Pag-angkin na inaakala niyang ikasasaya niya, kung sa huli ay matutuklasan niyang kakambal pala ng kanyang nobya ang babaeng nasa piling niya—si Almira Ocampo, ang babaeng nakatakdang ikasal sa kanyang kapatid. Saan siya dadalhin ng galit, maitatama ba ang pagkakamaling kahit kailan ay hindi na mabubura?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Ghost Of You

Ghost Of You

Umuwi si Aria sa Pilipinas matapos ng ilang taong pamamalagi sa United States. Hindi naman siya nahirapan dahil dito rin nakatira sa Pilipinas ang kanyang matalik na kaibigan. Naging maayos at payapa ang buhay niya rito. Hanggang sa makilala niya ang binatang si Jackson Kang na isang sikat na aktor, labis ang paghanga ng matalik na kaibigan ni Aria dito, at biglang napasok ang dalaga sa magulong buhay na ginagalawan ng binata. Naging maayos ang turingan at samahan ng dalawa, ngunit kagaya ng ibang kwento lahat ay may hangganan. Dalawang taong nagmamahalan na pinaglayo ng panahon. Mga pusong nabalot ng sakit at galit. Sakit ng nakaraan ay magbabalik. Magkakaroon pa kaya ng puwang sa puso ni Jackson ang dalagang una niyang minahal? Magkakaroon pa kaya ng pag-asa ang naudlot na pagmamahalan? Magiging happy ending ba para sa kanila o magiging huli na ang lahat?
YA/TEEN
102.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Hot Billionaire's Series 2: Best I Ever Had (R18+)

Hot Billionaire's Series 2: Best I Ever Had (R18+)

Synopsis: Warning: Mature Content‼️ Para matakasan ang arrange marriage na pinaplano ng kanyang mga magulang sa kanya at sa anak ng business partner nito. Umalis si Kate Torres papuntang France. After two years, bumalik ulit siya sa bansa na wala paring bago sa kanya. She's still, Kate Torres who is spoiled brat and party goer. Untill she meet,Nathaniel Mondragon-- one of the hottest billionaire and her childhood crush na kaibigan ng pinsan niya.She can't resist his inherent charm and attractive narrowed eyes.May-ari din ito ng bar na lagi nilang pinuntahan ng mga barkada niya. Para lagi niyang makita ang binata.Nag-apply siya bilang secretary ng pinsan niya sa LS Construction. Magustuhan kaya siya ng binata kung kabaligtaran naman ang katangian niya sa gusto nitong babae. May mabubuo kayang pag-ibig sa kanila. Kung ang bawat-isa sa kanila may kanya-kanyang lihim na tinatago?
Romance
9.627.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)

Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)

Ezekiel Montalvo... Bunso sa tatlong magkakapatid na Montalvo. He's a typical guy who wanted to be in the world full of ladies. Masaya siya sa buhay na malaya, walang commitment until makilala niya si Cathlyn Agustin. Isa ito sa empleyado ng Montalvo Advertising Agency. Makakaya kayang baguhin ng isang Cathlyn Agustin si Ezekiel Montalvo? At handa kayang maging tagapagligtas ni Cathlyn ang amo nitong si Ezekiel laban sa mga nagtatanka sa buhay nito? Abangan natin ang kuwento ni Ezekiel Montalvo at Cathlyn Agustin hanggang sa mapatunayan nila na ang pag-ibig ay nakatakdang maramdaman ng dalawang taong tinadhana sa isa't isa at inilaan na pagtagpuin ang kanilang mga puso upang sa huli ay makamtam nila ang isang pag-ibig na wakas at totoo.
Romance
5.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status