Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
PRETENDING AS MY TWIN SISTER

PRETENDING AS MY TWIN SISTER

Si Amythist at Amberlyn ay kambal at talaga namang magkamukhang magkamukha ang mga ito, kung wala lang pagkakaiba sa ayos ng buhok, pananamit at ugali ay malilito ang kahit na sino kapag nakita ang dalawa. Hindi maganda ang pakikitungo ni Amber kay Amy kaya lahat gagawin ni Amy upang magkaayos silang magkapatid. Hanggang sa humingi ng pabot si Amber sa kapatid na magpanggap ito bilang siya. Kahit Labag sa loob ni Amy na magpanggap bilang Amber sa nobyo ni Amber na si Dominic ay pumayag na ito alang alang sa pangako ni Amber na magiging maayos na ang pakikitungo nito kay Amy sa loob ng dalawang buwang pagpapanggap. Mabuko kaya si Amy ni Dom na hindi talaga siya ang totoong Amber? at ano ang dahilan kung bakit gusto ni Amber na magpanggap si Amy bilang siya? Magiging maayos ba talaga ang relasyon nilang magkapatid o mas lalo pang kamumuhian ang isa't isa.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Stranger's Promises:A Contract

Stranger's Promises:A Contract

Si Celina R. Davantes ang susunod na tagapamahala ng kanilang kompanya. Masaya siya sa buhay niya ngunit magtatapos pala lahat ng masasayang araw niya, hiniwalayan siya ng kanyang ex na si Renz Fillamore sa hindi maayos na dahilan. Ilang araw siyang nagmukmok sa kan'yang kwarto at hindi nagsalita sa kung sinumang tao. Isang araw, dinala siya ng kan'yang mga paa sa tabing dagat. Tanghali na no'n ngunit paikot-ikot lang siya hanggang sa maisipan niyang maglakwatsa. Doon niya nakilala si Darwin, isang weirdong estranghero. Sinabi nitong matutulungan siya nito sa mga problema niya. Ilang araw matapos nilang magkita ay may naisip na ideya si Celina. Ang planong akitin si Renz para muli itong bumalik sa piling niya. At muling nagkita ang dalawa, at bumuo ng alyansa. Isang kontrata ang nagawa. Ngunit habang umuusad ang plano ay madaming bagay ang napagtanto ni Celina. Makukuha kaya ni Celina ang huling halakhak o uuwing luhaan?
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

Mapipilitan si Sandy na umalis sa kinalakihan niyang lugar sa probinsiya para sa isang kasal. Kinuha siya ng magulang niya para ipakilala siya kay Dwight Montemayor, ang lalaking hindi na nagawa pang makalakad dahil sa isang aksidente. Pumayag si Sandy na ipakasal siya kay Dwight hindi dahil mayaman ang pamilya nito. Meron siyang malalim na dahilan kaya pumayag siyang makasal sa binata, ngunit sa kabila ng lahat ay magiging magulo ang buhay ni Sandy sa poder ng kanyang magulang dahil sa kanyang kapatid na si Amara. Laging ito ang mas magaling at mabuti, kahit kabaliktaran naman lahat ng pinapakita nito kay Sandy, at isa pa, ang iniibig ng kanyang kapatid ay ang kanyang mapapangasawa, si Dwight. Kaya mas lalong magiging magulo ang lahat sa pagitan nila Amara at Sandy. Muli kayang makalakad pa si Dwight? Darating pa kaya ang panahon na mapapatawad ni Sandy ang kanyang magulang?
Romance
106.2K viewsOngoing
Read
Add to library
My Ex Wife Is A Soldier

My Ex Wife Is A Soldier

Al-Ed'sha
Si Ella ay lumaki sa isang orphanage at walang natatandaan mula sa nakaraan Niya. Dahil sa kanyang kabaitan ay naging malapit sakanya ang ina ng bilyonaryong si Heron Reymundo na naging dahilan ng sapilitang page papakasal dito. Naging maayos ang kanilang pagsasama hanggang sa mamatay ang ina ng kanyang asawa dahilan upang lumabas ang totoo nitong kulay nawawasak sa buong pagkatao Niya. Makakabangon pa kaya si Ella sa trahedyang ito lalo na at may Isang paslit na nabuo sakanyang sinapupunan.
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Grace Monteverde (Tagalog)

Grace Monteverde (Tagalog)

MissDreamGirl
Malapit na mawalan ng pag-asa si Grace sa buhay at gusto na niya wakasan ang sarili niya pero may pumigil sa kanya. Walang iba kundi si Calvin Montevista Ang lalaking magmamahal sa kanya ng totoo. Natupad ang kahilingan niyang maging masaya. Pero nagulat na lang siya isang araw isang malamig na tingin at pandidiri ang nakikita niya sa mukha ni Calvin. Para bang nabasag ang pagkatao niya pero kahit ganun nagsumikap si Grace na nararapat pa rin siya maging masaya.
Romance
712.1K viewsCompleted
Read
Add to library
A Tale That Wasn't Right

A Tale That Wasn't Right

Dalawang bata ang pinagtagpo ng ‘di inaasahang pangyayari. Si Sidharta Gabriel Palma,isang ulila at nasa poder ng kaniyang lola kasama ang kaniyang nakatatandang kapatid na si June. Maaga silang naulila nang mamatay ang kanilang mga magulang. Tanging ang lola na lamang nila ang nagtataguyod upang sila ay makapag-aral. Maagang nagtrabaho si Junr upang makatulong sa kaniyang lola at para na rin saluhin ang kaniyang kapatid na si Sid. Nang minsang lumuwas sila ng Ormoc galing Camotes, habang nakasakay sa de-motor na bangka ay nahagilap ng kaniyang mata ang isang batang nalulunod, si Aroon. Si Aroon ay isang batang nagnanais na makita ang kaniyang ama sa pamamagitan ng pagpapakalunod sa naglalakihang alon. Dito niya nakikita ang sagot sa kaniyang pangungulila. Tila tadhanang magkatagpo ang dalawa dahil dito nagsimula ang di inaasahang pagkakaibigan na nabuo sa maikling panahon. Sa loob ng maikling panahon ay nakabuo sila ng pagkakaibigan na hindi matutumbasan ng kahit na ano. Pinagtagpo ngunit agad ding nagkalayo. Nangakong magkikitang muli at hindi na maghihiwalay pa. Ngunit paano kung sa panglawang pagkakataon ang tadhana’y hindi ma pumabor sa kanila? Ipaglalaban ba nila ang kanilang mga pangako? O hahayaan nalang itong maging isang pangakong napako? Magsasama tayong dalawa. Pangako yan…
LGBTQ+
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid

Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid

Synopsis Siya si Attorney Harrison, isang matagumpay ngunit ubod ng supladong abogado, na ang isip ay higit sa lahat. Nagulo ang tahimik niyang buhay nang kumuha siya ng bagong kasambahay, si Margarita, na isang palaban na babae, determinado, at hindi natatakot na sabihin ang kanyang nasa isip. Habang sila ay nagbabangayan, nagsasagutan, at nagbibiruan, nagsimulang makita ni Harrison si Margarita, na nagbibigay liwanag sa napakaboring niyang buhay na hindi niya naramdaman sa fiancée niya. Naging masaya ang bawat araw ni Harrison dahil sa atensyon na ibinibigay ni Margarita sa kanya. Hindi lang niya matanggap na nahuhumaling na siya kay Margarita dahil sa kanyang pride at takot na umamin sa nararamdaman. Lalo na't nalaman na ni Margarita na may fiancée na siya. Pero huli na ang lahat dahil iniwan na siya ng babaeng bumago sa buhay niya. Pinilit niyang kalimutan si Margarita, pero hindi kayang turuan ang puso, siya pa rin ang hinahanap-hanap. Hiniwalayan niya ang fiancée niya at nagsimula siyang hanapin si Margarita. Ginawa niya ang lahat para bumalik lang sa kanyang buhay si Margarita. Mapaamo at mapamahal ulit ito sa kanya. This time, hindi na niya pakakawalan pa.
Romance
9.9173.9K viewsOngoing
Show Reviews (33)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
Hala!! grabeh Tama nga ako binayaran pla SI Judy ni Tiffany hays..Buti nlng nabisto niya agad...sana maputulan din Ng pakpak itong mahaderang nanay ni Harrison sobrang kontrabida na Ms A asan naba Sina grandpa at grandma baka skali Sila Ang makaputol sa sungay Ng nanay ni Harrison hahaha
Chelle
Hello Guys! Happy to share this achievement to all of you that this book is got promoted to non-exclusive to exclusive. This is all for you my dear readers. CONGRATULATIONS sa ating lahat. Thank you sa walang sawang pagsuporta sa story na ito. God bless you all ......🫶🩷...
Read All Reviews
Nakakahumaling na Pag-ibig

Nakakahumaling na Pag-ibig

Nahatulang ng tatlong taon sa kulungan si Ling Yiran dahil sa car accident na pumatay sa kanyang fiancee na si Yi Jinli, ang pinakamayaman sa Shen City.Nang makalaya sa kulungan, sa hindi inaasahang mga pangyayari napukaw niya ang atensyon ni Yi Jinli. Lumuhod siya sa sahig at nagmakaawa, “Yi Jinli, parang awa mo na, pakawalan mo na ako!” Ngunit ngumiti lang si Yi Jinly at sinabi, “Sister, hindi kita papakawalan kahit kailan.”Bali-balita na tila walang pakialam si Yi Jinli sa kahit sinuman, pero sa di malamang dahilan, ginagawa niya ang lahat para lang suyuin ang isang sanitation worker girl na nakulong sa loob ng tatlong taon. Ngunit dahil sa aksidente na nangyari noon, naubos ang pagmamahal niya para kay Yi Jinli at nagdesisyon na lisanin siya.Makalipas ang maraming taon, lumuhod si Yi Jinli at nagmakaawa, “Yiran, bumalik ka lang saking tabi, gagawin ko ang lahat para sayo.” Ngunit tinigan lang siya ni Yiran at sinabi, “Edi magpakamatay ka.”
Romance
9.5259.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Unveiling Mr. CEO's Daughter

Unveiling Mr. CEO's Daughter

Ang akala ni Monica Prado siya na ang magiging masyaang babae sa araw ng kasal niya kay Jericho Mendel pero kabaligtaran niyon ang nangyari dahil hindi siya nito sinipot sa mismong kasal nila. Dahil sa sakit na nararamdaman ni Monica, uminom siya sa isang bar at doon niya nakilala si Zymon Coreal at inakala niyang si Jericho ang binata. Dahil sa matinding tama ng alak hindi namalayan ni Monica na may nangyari sa kanila ng binata nagbunga ng isang supling. Lumayo si Monica sa Manila para layuan ang mga taong naging parte ng buhay niya roon. Tumungo siya ng Davao para roon itaguyod ang anak niya. Ngunit paano kung habang nililimot niya ang nakaraan saka naman babalik si Zymon at Jericho sa buhay niya? Paano kung pareho nilang akuin ang pagiging ama sa bata? Handa ba si Monica na malaman ng dalawang lalaki kung sinong tunay na ama ng bata? May pag-ibig bang muling mabubuo sa pagitan ni Monica at Jericho o uusbong ang pag-ibig ni Monica kay Zymon?
Romance
1041.6K viewsCompleted
Read
Add to library
AKALA KO AY LANGIT

AKALA KO AY LANGIT

Warning! Bawal po sa bata! ---------- Walang pagdadalawang-isip na inialok ni Leia ang sarili niya sa sundalong si Bryle na maging asawa nito. Umasa siyang iyon ang magiging susi upang matakasan niya ang kahirapan. Subalit ang hindi alam ni Leia ay mas mararanasan pa pala niya ang hirap ng buhay kapag siya ay may asawa na. Gayunman, dahil mahal na mahal na niya ang kanyang asawa ay hindi niya ito sinukuan. Sunod-sunod man ang naging dagok ng kanilang pagsasama ay nanatili siyang tapat sa kanilang pangako na magsasama sa hirap at ginhawa. Pero ang hindi inasahan ng mag-asawa ay biglang darating sa buhay nila ang isang bilyonaryo at gustong maging asawa si Leia. Ginawa nito ang lahat maagaw lamang si Leia kay Bryle. Paano kaya haharapin ng mag-asawa ang pinakamatinding hamon ng kanilang pagsasama? Malalagpasan pa kaya nila kung si Leia ay may kapansanan na at si Bryle naman ay may problema sa pag-iisip at wanted pa sa batas? Magkikita pa kaya sila at bubuo pa kaya nila ang kanilang pamilya?
Romance
107.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status