Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Dahil sawa na si Thea sa pagbubunganga ng ina. Napilitang mag-abroad ang dalaga. Graduate siya ng BS Tourism. Sa isang construction company siya nakakuha ng trabaho sa Dubai. Maliban sa pag-o-opisina, on-call cleaner din siya. Isang araw, tinawagan si Thea ng kaibigan para maglinis ng unit ng boss nito. Sa isang hotel and casino nagtatrabaho ang kaibigan. Wala siyang hinihindian na part-time, kaya umo-oo kaagad siya. Hindi sukat akalain ng dalaga, na ang sikat na miyembro ng banda, na si Keith Hernandez pala ang kanyang kliyente nang gabing iyon. Kilala ito sa tawag na KH. Hindi niya maiwasang hangaan ito ng sobra. Sa loob ng dalawang buwan na pamamalagi ng binata, siya lang ang bukod tanging naglilinis at cook nito. At, sa maikling panahon na iyon, natutunan ni Thea na mahalin si Keith. Naisuko pa niya sa binata ang iniingatang perlas ng silangan, kahit na may iba itong minamahal. Hanggang kailan siya magiging rebound? Ano kaya ang gagawin ni Thea kapag nalamang ikakasal na pala ang binata sa iba?
Romance
1028.9K viewsCompleted
Read
Add to library
BEASTLY SERIES 1: THE BEASTLY COUPLE (TAGALOG VERSION)

BEASTLY SERIES 1: THE BEASTLY COUPLE (TAGALOG VERSION)

Magkaroon kayang magandang patutunguhan ang pagsasama nina John at Khrystal sa iisang bubong na nabuo lang dahil sa arranged marriage? "Ang pag-aasawa ay hindi isang biro, na kapag ayaw mo na ay basta-basta mo na lang itong maisusuka."
Romance
106.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Lahid

Lahid

Rick Resonable
Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon.
Fantasy
108.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Babysitting The Billionaire's Triplets

Babysitting The Billionaire's Triplets

Nagpasya si Tres Eunice Lazi na maghanap ng trabaho para mabayaran nila ang sangla sa lupa sa kanilang probinsya. Hanggang nagkaroon siya ng trabaho bilang isang babysitter sa isang anak ng isang bilyonaryo. Hindi lang isang bata ang kanyang babantayan kundi tatlo. Hindi niya akalain na mas demonyo pa sa demonyo ang mga bata na aalagaan niya dahil sobrang kulit nito. Nabigyan lang siya ng lakas na loob dahil nalaman niyang wala palang magulang na bumabantay at nagpapatino sa mga bata kaya naisipan niya maging isang magulang para sa tatlo. Pero paano kung isang araw ay makilala niya si Damon Santo Stefano, ang ama ng mga bata tsaka na niya nalaman na nagmana pala ang tatlo sa kademonyohan ng kanilang ama. Pinapahirapan siya nito at pinaalis sa trabaho pero agad siyang pinabalik dahil palagi na siya hinahanap ng mga bata. Dumating ang araw na unti-unti nahuhulog ang kanya loob kay Damon pero kasabay nun ay nabayaran na niya lahat ang mga nasangla nilang lupa at kailangan na niyang umuwi at tumigil na sa pagta-trabaho para makasama ang pamilya sa probinsya. Makakaya niya bang iyan ang mga bata at ang lalaking nagpapatibok sa kanyang puso? Anong mangyayari kung kasabay nun ay dumating ang kinatatakutan niyang mangyari. Ay ang dumating ang tunay na ina ng mga bata.
Romance
9.915.8K viewsCompleted
Read
Add to library
One Secret Night I Accidentally Surrendered

One Secret Night I Accidentally Surrendered

Si Meisha Louise Resnik Colin nature lover na nagmula sa isang mayamang pamilya. Siya ay umiibig sa isa sa pinakamatalik na kaibigan ng kanyang nakatatandang kapatid mula pa noong elementarya, na nagngangalang Dwayne Ian Fuentebella Van Damme, but this guy doesn't love her back. Sa tagal ng panahaon na nanirahan ito sa kanila ganoon din katagal itong itinatangi ng kanyang puso. Pero masakit ang katotohanang hindi kayang suklian nito ang pagmamahal na mayroon siya para dito. "Stop it, Meisha. How many times do I tell you that I don't love you, or even like you? I despise brat women and especially party goers. So stop dreaming that you will be a part of my life because it will never happen." Ngunit isang gabing hindi inaasahan ang nangyari sa kanila at isang rebelasyon ang naganap kinbukasan na kapwa nila tinutulan na magpapabago ng lahat. Sapat na kaya ang mga pagbabago pagkatapos ng lihim na gabi para mabuhay silang masaya kasama ang pagmamahal na nagbubuklod sa isa't isa? O ito ang magiging dahilan kung bakit pinili ni Meisha na layuan si Dwayne at isuko ang pagmamahal na meron siya rito. At hayaan ang tadhana na makahanap ng paraan para marealized nila ang tunay na damdamin para sa isa't isa at punan ang mga araw at taong kanilang nasayang. Paano kung nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila? Matatanggap kaya ito ni Dwayne na ayaw magkaroon ng sarili niyang anak at tagapagmana?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Bayani: Katutubong Diyos

Bayani: Katutubong Diyos

Bilang isang mamayang Filipino, gaano mo kakilala ang bansang Pilipinas. Hanggang saan ang nalalaman mo pagdating sa ating nga kultura at tradisyon. Ilan sa mga natatanging kuwento at hiwaga ng ating bansa ang iyong nalalaman. Panahon na upang tuklasin ang ugat ng ating pagkapilipino at ang mga paniniwala ng ating mga ninuno. Gaya na lamang ni Earvin, na matapos ang isang malagim na pangyayari, ay natagpuan ang sarili sa isang natatagong lupain. Isang lugar kung saan ang nakaraan ay nagbabalik, ang mga bagay na nakalimutan ay siyang iyong makikita at mga hiwagang inakala niyang nasa libro lamang. Maging ang kaniyang kapalaran ay nasubok dahil sa kawalan ng kasanayan sa ibang lupain. Dito ay nakilala at nakita niya ang iba't ibang katutubong Diyos, mga Diyos na dating kinikilala sa ating bansa. Mga Diyos na nagbigay sa kaniya ng tulong, gabay at basbas. Mga Diyos na siyang nangangalaga ng mga tao. Maging mga Diyos na nagtataglay ng katakot takot na kapangyarihan. Nagawa din niyang makipaglaro sa ibang nilalang at mga diwata. Maalala ang mga tradisyunal na larong pilipino. Ang payak na pamumuhay ng mga mamamayan. Maging ang makipagtalo at makipaglaban sa mga nakakatakot na nilalang at mga engkanto, gaya ng tikbalang at mga aswang. Kaya naman samahan natin si Earvin sa kaniyang paglalakbay na nagpapakita ng mga nalimot na kultura. Masdan kung paano niya magagawang pagharapin, pagsamahin at pagbuklodin ang ating nakaraan at kasalukuyan.
Fantasy
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Lost Acceptance [Tagalog]

Lost Acceptance [Tagalog]

Ang tunay na nagpapatawad ay taos-puso, bukal sa loob, at hindi pilit. Ang pagtanggap sa patawad nang walang pag-aalinlangan ay magpapalaya sa masakit na nakaraan. Ngunit paano kapag nabulag siya sa galit? Galit na nakalalason, galit na mapanganib, at galit na patuloy kinukulong sa pagkatao. Makakalaya kaya siya? Sinong magtutulak? Sa anong pagkakataon?
Urban
108.0K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE

THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE

SI KELLY na lamang ang tanging pisi na nag-uugnay kay Camilla at sa pag-ibig niya sa asawang si Philip Limjoco. Nagawa niyang magtiis nang ilang taon kahit pa nga hayagang pinaparada ng lalaki sa kaniyang harapan ang ex-girlfriend at totoo nitong minamahal na si Shaira. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay napatid ang pisi na iyon na siya ring nagpabaklas ng damdamin ni Camilla para sa asawa. Ang kaniyang balak sana ay magpakalayu-layo na at kalimutan ang masalimuot na bahaging iyon ng kaniyang buhay. Ngunit may ibang plano ang bilyonaryo niyang kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita—si Davian Matthews. Sa pagbabalik ni Davian ay siya namang pagbangon ni Camilla dahil sa bilyonaryong tutulong sa kaniya upang maghiganti. Ngunit bakit kaya? Ano ang mapapala ni Davian sa pagtulong sa kaniya?
Romance
10344 viewsOngoing
Read
Add to library
Mafia Series I: Cigarettes After Sex

Mafia Series I: Cigarettes After Sex

Isang babae na pilit pinag-aagawan ng magkapatid. Buong akala ng kanilang magulang na isang disente at nakapag-aral ang babaeng kinababaliwan ng kanilang anak. Ngunit isa itong bayarang babae na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan sa White Coast Stripper’s Club. Maria, tunay na mahinhin ang itsura ngunit may nakakaakit na labi at mga mata na pumukaw kay Victor at Vladimir. Dalawang binata mula sa bigating pamilya sa Pilipinas ngunit magkaiba ang pananaw sa buhay. Tila nag-iisang babae sa mundo ang turing kay Maria kung pag-agawan siya ng dalawang magkapatid na handang magpakamatay para sa kanya. Pero paano kung nagpakabulag si Maria sa pera at tunay na tinalikuran ang lalaki na kaya siyang mahalin kahit may pagkukulang ito sa pera? Pagsisihan niya ba ito, o ito ang hudyat upang mailagay ang buhay niya sa peligro?
Romance
1071.4K viewsCompleted
Show Reviews (24)
Read
Add to library
Lauv Lany
I have read a lot of stories here pero this one's captivating, that I'm too excited what's gonna happen next. Really a good read - the plot, it's twists and turns, the characters, and all. Keep it up. Looking forward for more updates, and more stories to read from you, Author.
Mharieyah Mhaeyou
isa na naman ito sa mga gawa ng manunulat na hindi nakakasawa at nakakaumay basahin. Hindi makompleto ang araw na hindi ito mababasa.. naging parte na rin ng buhay ng mambabasa ang pangalang Vic,Maria at Vlad
Read All Reviews
Dela Vega's Child

Dela Vega's Child

Real Life Dreams
Sa ating buhay minsan tayong nakakapagdesisyon ng hindi tama dahil sa mga bagay na nangyayari sa ating buhay. Ngunit, minsan sa bawat maling desisyon na ating binibitawan merong mabuting kinakahinatnan. Katulad na lamang ng desisyon ni Annie na dalhin ang anak ng isang mayamang nilalang na walang ibang alam gawin kundi ang magsungit. Meron itong mabuti at masamang naidulot sa buhay niya pero ito ang isang desisyon niya na kailanman ay hinding hindi niya pagsisisihan.
Romance
8.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status