Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Diary Ng XXX Celebrity

Diary Ng XXX Celebrity

Caregiver sa gabi, secretary sa umaga, ganyan ang araw-araw na buhay ni Irina Elizalde matapos lamunin ng trahedya ang masayang pamilya niya. Nang mamatay ang Papa niya sa isang aksidente at mabaldado ang Mama niya, napilitan siyang maging breadwinner, kahit pa sinisisi siya ng Tita Shiela niya sa lahat ng nangyari. Sa pagiging caregiver, may konting ginhawa naman siya, lalo na’t mabait ang matandang inaalagaan niya na si Lola Vicky. Pero sa trabaho niya bilang secretary ng suplado at bastos na CEO na si Ravi Lopez, araw-araw siyang parang nasa impyerno. Mabuti na lang at guwapo at yummy, kaya napagtitiisan niya, kahit na, gusto na niya itong layasan. Isang gabi, panay ang iyak ni Irina sa inaalagaan niyang si Lola Vicky. Kinuwento niya rito ang lahat ng paghihirap na dinadanas ngayon sa buhay niya. Sa awa ng matanda sa kaniya, binigyan siya nito ng mission. Mission na kailangang hanapin ang pörnstar na may-ari ng diary na hawak ngayon ni Lola Vicky, at kapag nahanap niya ito, ipapamana ng matanda sa kaniya bilyong-bilyong yaman nito. Ang problema, tila screen name lang ang meron siya. Mr. Ryder King. Iyon kasi ang nakalagay sa diary nito. Bukod doon, gusto ng matanda na sila ang magkatuluyan. Makukuha lang ni Irina ang bilyong-bilyong mana nito kung pakakasalan siya ni Mr. Ryder King. Paano kaya kapag nalaman ni Irina, na ang may-ari pala ng Diary ng XXX Celebrity ay ang suplado, bastos at mayabang niyang Boss CEO na si Ravi Lopez, pakakasalanan niya kaya ito? Kung payag man si Irina na pakasalan ito para sa bilyong-bilyong mana ni Lola Vicky, pumayag naman kaya si Ravi Lopez na pakasalan siya?
Romance
1035.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Turn Into Bad boy

Turn Into Bad boy

Rty
"Please...!' Let me explain,...." Pagmamakaawang pakiusap pa ng dalagang si Zairyl sa kanya habang pinipiit siya nito na wag umalis at pakinggan ang kung anung kasinungalingan pang balak nitong sabihin sa kanya,. Ngunit bigo ang dalagang si Zairyl na muling mabilog pa nito ang kanyang ulo dahil nakapagpasya na siya at walang kapatawaran ang sakit na ginawa nito sa kanya. Matapos siya nitong paglaruan at paibigin ay ipinagkalulu siya nito at ipinahamak kay Don Mariano ang taong tumulong at nagtiwala sa kanya, isa pang mas dumurog sa kanyang puso ng maspinili ng dalaga ang makulong siya kasya pumayag ito na magpakasal sa kanya dahil lingid sa kaalaman niya na meron pala itong ibang Mahal at pinaglaruan lamang nito ang isang katulad niya. Matapos pa siya nitong hayaang makulong ay ipinabugbug pa siya at walang awang ipinapatay nito para lamang tuluyang mawala siya sa landas nito upang walang maging hadlang sa pagpapakasal nito sa isang mayamang negosyante, kaya mula noon ay pinatay narin niya ang kanyang sarili maging ang kanyang katauhan at pinaltan niya ang kanyang buong pagkatao. Kaya halinat subaybayan natin ang sakit na idinulot ng dalagang si Zairyl sa Binatang Si Tom Walter kung muli ba siya nitong maibabalik at sa dating siya at mapapalambot pa Kaya nitong muli ang kanyang damdamin. Thank you and God bless.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Inima Luna

Inima Luna

Seirinsky
( Mature Content Inside ) Si Serenety ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay, na kahit imposible ay naniniwala siyang matutupad iyon. Isa na doon ay ang makapunta ng kabayanan at makapasyal sa kapatagan, dahil lumaki siya at nagkaisip sa isla kasama ang kanyang ina na ni minsan ay hindi siya isinama paalis ng isla upang magbenta ng kanilang ani. Nauunawaan niya iyon ayaw ng kanyang ina na makatagpo siya ng masasamang tao. Pero isang araw ay may dumating na bisita sa kanilang tahimik na tahanan ang lalaking natagpuan niya sa dalampasigan walang malay at may mga sugat katawan na halos ikamatay na nito. Mula ng araw na iyon ng makilala niya ang lalaki ay nagkaroon na ng kulay ang kanyang buhay dahil marami itong naituro sa kanya isa na doon ang kung paano umibig ang bata niyang puso. SEIRINSKY Book cover design by: Hera Venice Arts ALL RIGHTS RESERVED JUNE 2020
Romance
103.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Something Borrowed

Something Borrowed

SELCOUTHLOVE
Nakauwi si Misha sa pamilya at fiance niya pagkatapos ng halos apat na taong pagkakatulog dahil sa coma. Sa pagbalik niya, kasabay ng pagtuklas ng katotohanan na hindi siya tunay na anak ng kinikilala niyang mga magulang ay nalaman din niyang engaged na sa iba ang lalaking pinakamamahal niya. Sa isang iglap nawala ang lahat sa kanya. Pero isang bagong pangyayari ang dumating sa buhay niya na nag-udyok para hiramin niya ang buhay ng isang babaeng kamukha niya. Hanggang saan siya dadalhin ng pagpapanggap niya? Kakatok ba ang pag-ibig sa puso niya habang nagpapanggap siya?
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Streaming Secrets of Mr. Labrador

Streaming Secrets of Mr. Labrador

"Hinire kita bilang streamer Alana! Hindi kasama duon ang paluhurin mo ako iyong harapan upang magmakaawang tanggapin mo ako pabalilk!" Lumaki si Alana Demetria sa isang mayaman na pamilya ng mga Buenaventura. Ngunit isang araw ay gumising na lang siya na isang condominium na lang ang tanging natitirang pamana sa kanya. Walang cards, cash at car na mga main essentials niya sa buhay. Buong akala niya ay makakahingi siya ng tulong sa nobyo ngunit ipinagtulakan at ipinagpalit siya nito. Nang malaman na wala ng kahit anong ari-arian ang mga Buenaventura. Idagdag pa na walang tumatanggap sa kanya bilang receptionist dahil mababa lang ang natapos niya. Nagbakasali siyang maging isang live streamer sa isang kilalang app. Unang araw pa lang niya ay naging mahirap na ang mga pagsubok sa pagiging baguhang live streamer. Pero may iilan sa kanyang mga supporter na labis siyang sinusuportahan. Ngunit akala ni Alana ay hanggang sa likod na lang siya ng cellphone mapapanuod ng kanyang mga supporter. Pero unang araw pa lang niya ay may nakapansin na agad sa angking kagandahan ni Alana. Anong mangyayari sa buhay ni Alana na akala niya ay walang patutunguhan? Ito na ba ang simula ng career niya gamit ang taglay na kagandahan? O ito ang simula ng karagdagang hirap na tatahakin niya sa kanyang buhay?
Romance
884 viewsOngoing
Read
Add to library
DANGEROUS LOVE AFFAIR

DANGEROUS LOVE AFFAIR

Stella Cruz isang mabuting anak at panganay sa magkakapatid pangarap niyang makapag tapos ng pag-aaral at maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. At gagawin niya ang lahat para lamang matulungan ang pamilya niya kahit na ibenta niya ang kaniyang sarili sa mayamang bilyonaryo na si Timothy Smith, kakapit siya sa patalim mag o-offer ito na siya na ang bahalang mag finance ng lahat ng pangangailangan ng pamilya niya ngunit hindi ito libre, may kasunduan sila na magiging mistress siya nito at pupunan niya ang init at kaligayahang gusto nito. Paano kong makilala niya ang lalaking magpapatibok ng kaniyang puso, ano ang gagawin niya? gayong nakatali na siya at pag-aari ng isang Timothy Smith At sa pag pag dating ng mag-amang Henry Saavedra at Dwight sa buhay niya ano kayang magiging papel nang matandang bilyonaryo at ng anak nito. Paano kong mahulog ang kaniyang loob kay Dwight, hanggang kailan kaya nila mapapanindigan ang bawal na pag-ibig at ang mga nakaw na sandali na sila lang ang tanging nakaka alam..
Romance
1013.9K viewsCompleted
Read
Add to library
MARRY ME, MR. BILLIONAIRE

MARRY ME, MR. BILLIONAIRE

MATAPOS ang kanyang business trip, nagulat na lang si Eloisa Sandoval nang makauwi siya at natuklasan na nakabalik na ang ate niya na matagal nang hindi nila nakakasama. Isa pang balitang nakagimbal sa kanya sa pagbabalik niya ay nang malaman niya na ang kanyang long-time boyfriend ay engaged na. Ang malala pa, engaged ito sa ate niya na matagal na nawala sa piling nila. Pakiramdam niya ay nilapastangan siya ng lahat at pinagtaksilan. Nawala sa kanya ang lahat. Maging ang kumpanya na matagal niyang pinaghirapang mapalago ay napunta sa ate niya. Pero sa isang hindi inaasahang pangyayayari, she found a knight in shining armour in the identity of Maximo Walton. Ang mismong uncle ng kanyang ex-boyfriend. Hindi siya nag-atubili na alukin ng kasal si Maximo. Ikinagulat niya ang pagpayag nito nang walang pag-aalinlangan. Nang mawala ang lahat sa kanya, sisikapin niyang kumapit sa isang taong malapit sa lalaking nangwasak sa puso niya. Walang ibang nasa isip niya kundi ang paghihiganti. Babalik siya at babawiin niya ang lahat.
Romance
1056.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Revenge of a Heartless Daughter

Revenge of a Heartless Daughter

Si Celestine Pearl Quintana, ipinalaki sa mayamang pamilya ngunit hindi naramdamang kabilang siya rito. Mayroon siyang kambal na may sakit sa puso (Heart disease), kaya laging abala sa pag aasikaso ang kaniyang mga magulang, na halos wala ng oras para alalahanin siya simula pagkabata. 'Di kalaunan ay na diagnosed si Celestine sa sakit na Brain Tumor, at isa lang ang pwedeng piliin ng kaniyang mga magulang. Pero hanggang sa pagkakataong ito ay hindi siya iyon. P'wersahan siyang pinatay na kuntawagin ay 'Euthanasia' at naging donor para sa heart transplant ng kaniyang kapatid. Dahil sa masaklap na pangyayari ay binigyan siya ng tadhana ng pangalawang pagkakataon para mabuhay, at bumangon sa kaniyang hukay. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na balang araw ay kakalabanin niya ang kompanya na pinakamamahal ng kaniyang daddy, at papanorin ang pagbagsak nila. Ngunit paano kung matutunan niya sinasabi nilang tunay na pag-ibig at tuluyan itong maunwaan dahil sa isang misteryosong lalake? Mananaig parin ba ang galit, o kakalimutan niya ang lahat.
Mystery/Thriller
106.7K viewsOngoing
Read
Add to library
His first love

His first love

Pseudonym
Si Leah ang tipo ng babae na hindi marunong mahiya at bungangera. Magkakagusto siya sa bagong kaklase nila na si Joshua... Magugustuhan rin kaya siya ni Joshua?
YA/TEEN
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
I Wanted a Divorce, Benedict!

I Wanted a Divorce, Benedict!

Sa loob ng pitong taon ng kanilang pagsasama, nananatili si Benedict na malamig sa kaniyang asawa habang si Mikaela naman ay patuloy pa rin sa pagsisilbi rito bilang isang mabuting asawa. Umaasa kasi siyang isang araw ay matututunan din siyang mahalin ni Benedict ngunit hindi niya inakala na ang pagmamahal nito at pag-aalaga ay ibubuhos lang din pala nito sa ibang babae. Gayunpaman nanatili siyang matatag sa kanilang pagsasama. Hanggang sa araw ng kaniyang kaarawan, lumipad siya mula Pilipinas patungong Amerika upang makasama ang kaniyang mag-ama ngunit sinama ni Benedict ang kanilang anak upang makasama ang babae nito habang siya ay naiwan nag-iisa sa apat na sulok ng kaniyang silid. Pagod na siya kaya nagpasya na siyang isuko ang lahat lalo na sa tuwing nakikita niya ang kaniyang anak na mas gusto at mas masaya pa ang babaeng iyon na maging ina nito kaysa sa kaniya na tunay nitong ina. Masakit para kay Mikaela ang lahat ng iyon kaya naman nagpasya na siyang ibigay ang divorce agreement kay Benedict kasama ang kostodiya at bumalik ng Pilipinas nang walang paalam. Mula noon, hindi na pinansin ni Mikaela ang kaniyang mag-ama habang hinihintay na lang ang divorce certificate nilang mag-asawa. Iniwan niya ang kaniyang pamilya at muling itinaguyod ang kaniyang career. Siya na noon ay inaalipusta ng lahat ay nagawa nang kumita ngayon ng bilyon. Sa kabilang banda, sa tagal ng kaniyang paghihintay, bigo siyang makuha ang divorce certificate na hinihintay niya gayundin ang taong matagal siyang iniwasan at ayaw na ayaw umuwi ng Pilipinas ay madalas niyang nakikitang umuuwi sa piling niya. Bukod pa roon bigla itong nagbago at mas naging malapit sa kaniya. Nang malaman nito na nakikipaghiwalay na siya, kinorner siya ng dating tahimik at walang pakialam na asawa at sinabi, "Divorce? impossible."
Romance
10653 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status